Plan Five

2582 Words
Plan Five Her Plan “Cloud…” “Surprise.” Maghahanda na ng baril ang isa. Lihim akong napangisi. Mas mabilis ko pang masisipa ang baril niya bago pa niya maikasa iyon. The other grabbed my neck by his arm. I held it, twisted it. Nang nasa likuran niya ako’y ginawaran ko siya ng sipa. He stumbled with his acquaintance. Naramdaman ko ang kamay ni Rey sa aking balikat. Hinawakan ko ‘yon, inalis, pinilipit ko hanggang sa kanyang likuran. Sinipa ko siya sa likuran ng kanyang tuhod. Napilitan siyang lumuhod upang hindi ma-pwersa ang limbs niya samantalang nanatili ako sa likuran, hawak ang kanyang kamay. Alam kong kaya niyang lumaban. Kung personal mang dahilan iyon kaya’t hindi siya pumatol sa akin ay hindi ko alam. “Anong kagaguhan ‘to, Rey?” “Ah!” napaungol siya sa sakit nang idiin kong lalo ang kanyang kamay sa kanyang likuran. “Maryan, let go. Ayaw kong saktan ka please. Let go.” “Really.” Tuya ko, c*****g my head to the side. Lalo kong hinigpitan ang pagpilipit sa kamay niya. Napangisi ako nang muli siyang umungol sa sakit. “Explain!” “Your brother wants you! Ipinadala sila ng kapatid mo para kunin!” “You mean all those times kakampi ka niya?” napahigpit lalo ang hawak ko sa kamay niya unconsciously dahil sa galit ko. “No! Sa ‘yo ako, Cloud! Kakampi mo ako I was trying to shoo them off, Heather, let go, let me talk to you!” Binitawan ko siya. Kinuha ko ang baril mula sa isang lalaki. Ikinasa ko ‘yon at ipinutok sa dalawang lalaki. Blood filled the tiled floor kung saan sila natumba. Binalingan ko ng tingin si Rey. Wala siyang reaksyon gaya ng inaasahan ko. *** Kumatok ako bago ako pumasok. Sinalubong niya ako ng tingin. Nakita kong naka-bandage na ang kamay niyang binalian ko kanina. Agad kong naramdaman ang guilt sa nagawa ko. It’s one of those spur of the moment thing na hindi ko namamalayan. Sa mga ganoong pagkakataon, nararamdaman kong normal ako kahit papaano. That somehow, I can feel blind fury too gaya ng isang normal na tao. “Anong ginawa mo?” tanong niya sa mahinahon at kalmadong himig. Hinayaan niyang ako ang mag-dispose sa bangkay kanina ng dalawang lalaki. Alam niyang may gagawin ako. Pero ewan ko ba. Masyado niya akong pinagkakatiwalaan. “I sent a package to my brother.” “Heather—” “Hindi niya hahayaang makita ni Hime ‘yon. Sigurado ako, Rey.” Alam kong concern siya para sa kapatid niya, kay Hime. Gino may be a bit of an asshole. But he’ll be damned kung hahayaan niyang makita ni Erinne ang dalawang patay na lalaki na ipinadala ko sa kanya. Hinding-hindi niya gagawin iyon. Masyadong protective si Gino. Ang ipinagkaiba lang, hindi sa akin kung hindi sa ibang mga babae niya. Subukan niya lang gumawa ng maling hakbang, hindi na niya masisilayan ang araw. Naupo ako sa tabi ng kama niya. Tinitigan ko ang naka-benda niyang kamay. I bet that hurts. “I’m sorry.” I felt a hand on my chin, softly forcing it to meet his gaze. “It’s fine.” “You don’t hate me, Rey?” He chuckled softly. “Why would I hate you for this?” itinaas niya ang kamay niya. “I trained you, I taught you this. I won’t hate you because it means I’m hating myself for teaching you this kind of things.” “You never… hated me?” Masyadong mabilis ang mga sumunod na nangyari at hindi ko na namalayan pa nang angkinin niya ang mga labi ko. Agad kong naramdaman ang init na hatid ng halik na iyon. Sa lahat ng tao, si Rey ang alam kong nakakaunawa sa akin. Bukod kay Erinne, siya ang nakasaksi sa halos lahat ng mga bagay na pinagdaanan ko. Mula pagkabata magkakilala na kami. Co-incidence na lamang siguro na naging matalik kong kaibigan ang kapatid niya. Sinanay niya ako sa pakikidigma. Palagay ko nga’y sa akin niya ipinasa ang lahat ng nalalaman niya sa pakikipaglaban at sa pagpatay. Far be it for me to refuse. But honestly speaking, alam niya ang lahat ng pinagdaanan ko. We weren’t exactly lovers in the truest form of the word but that was enough for us. Pamilya ang turing ko kay Rey. At hinding-hindi ko ipinagkakatiwala ang sarili ko sa ibang taong hindi ko itinuturing na pamilya. Pinutol niya ang halik, seryosong tumingin sa akin at ginawaran ako ng matamis na ngiti. “Never will I hate my Heather.” Ngumiti ako at yumakap sa kanya. Gumaan ang loob ko nang marinig iyon. Na kahit papaano’y may isang taong hindi namumuhi sa akin. Inihilig ko ang aking mukha sa kanyang dibdib habang ang mga daliri niya’y masuyong sumusuklay sa buhok ko. Hindi ako kahit kailan nagkaroon ng pantasyang isipin na may nararamdaman si Rey sa akin na hihigit pa sa pagiging kapatid. He took me in dahil naawa siya. Dahil siguro, sa sarili niya, kailangan niya ng makakasama. Alam kong malungkot din si Rey. Masalimuot din ang kanyang nakaraan. It is what drew us together in the first place. Dahil pareho kaming malungkot. Pareho kaming may miserableng nakaraan. “Kilala mo ba ang babaeng ‘yon?” mayamaya’y basag ko sa katahimikan nang maalala ko ang girlfriend ni Savier. “Renee Xi? Gusto niyang makipagkaibigan sa akin.” “She’s… Savier’s girlfriend.” “Yeah, alam ko. Kilala mo ba siya, Rey?” “I’ve been watching his steps.” At hindi na ako nagugulat doon. Somehow, may sariling mundo si Rey. Minsan, may sarili rin siyang batas na sinunod na may mga puntong natatakot din ako sa kanya. “Tell me about it.” Pabuntong hininga niya akong niyakap. “Simple school girl. Topping all her subjects. Nakilala niya si Savier no’ng first year niya sa Ashton. He’s a complete mess that time. Playing, tagging along. She developed a crush on him probably because she’s the only one who could see right through him. Nakahanap si Savier ng rebound. There goes Renee, Savier’s little pup.” “Madaldal na aso. Maaawa na sana ako sa lagay niya. Pero talagang ang daldal niya lang.” Napatawa siya. “Minsan hindi ko alam kung sinasadya mong magpatawa o ano.” “I’m not your clown.” “But you can make me laugh.” “Eh baliw ka kasi. Wala namang nakakatawa ro’n.” Tumawa siya ng mas malakas. Baliw talaga. “You know… ngayon na lang ulit ako tumawa ng ganito. Nagpapasalamat ako sa kapatid mo dahil ipinadala niya ako para sunduin ka.” “Pero hindi mo ako ibinigay sa kanya. Backstabbing a friend, huh?” “Backstabbing my brother-in-law.” Sansala niya. “Pero maiintindihan niya ‘yon. He knows how love affects decisions.” Ngumiti na lang ako. *** “Ren? God! That b***h. Akala mo kung sinong goody-two-shoes nasa loob naman pala ang kulo.” “For all I know nga nilalandi lang n’yan at inaakit si Savier-loves.” “I-K-R. Hindi naman siya papatulan ni Savier kung hindi siya nagsusuot ng mga pokpoking damit.” “And gosh kanina lang I saw her at the library, hanging out with someone from the Blasters’ team.” “Eeeew! She’s so malandi!” Isang simpleng tanong lang ni Fifie sa grupo ng mga cheerers sa canteen ng ‘Do you know Renee Xi?’ eh ganyan na ang mga sagot. Tuloy-tuloy, walang patid. Kahit nang umalis kami doon at bumalik sa greenhouse na dati pang tambayan na namin. “See? Don’t hang out with that girl.” Sabi pa ni Denden. “Tama si Denden, Yan. Bad influence si Ren. Even the Section A’s na ka-klase niya eh hindi na lumalapit sa kanya. Everybody hates her. At madadamay ka sa grudge na ‘yon kapag nilapitan mo pa ang babaeng ‘yon.” Nanatiling tahimik si Sae na yakap-yakap ang cushion pillow niya. For years, si Sae lang ang tinitignan ko kapag nagbibigay ng opinyon sina Hime, Denden, at Fifie. Mas may sense kasing kausap si Sae kesa sa mga ‘yan. At marahil ay napansin niya iyon kaya’t nagsalita siya. “Just do what you want, Yan-yan. Nobody can stop you anyway.” “Eh?” Denden and Fifie exclaimed in unison. “Guys, masisira ang grupo natin, ano ba kayo.” Kunot-noong bumaling si Sae sa kanila. “Kapag nanghusga kayo ng taong kagaya ni Renee Xi, para n’yo na ring hinusgahan si Cloud at si Hime. Kilala n’yo sila sa pangalan, sa reputasyon. Pero hindi n’yo alam kung anong totoong pinagdadaanan nila. Sometimes, there are more to it than meets the eye, guys.” Nanahimik ang dalawa matapos niyon. Napangiti lang ako. Ilang sandali pa ang lumipas bago ako tumayo at kumaripas ng takbo para makarating sa susunod kong klase. Naisip ko tuloy ang plinano ko noong umaga bago ako umalis sa flat ni Rey. I just want to get a job para hindi ako maging pabigat sa kanya. Now that I’ve mentioned his name, should I at least visit his office? Napabuntong hininga ako. I’m sorry, Rey. Naaabuso na kita masyado. “Ano ba! Bitawan mo na sabi ako pakiusap…” napahinto ako sa paglalakad sa hallway dahil sa mahinang pag-iyak na iyon. Lumingon ako at nadatnan na halos lahat ng nasa corridor ay pinagtitinginan ang isang babae—si Renee—na kinokorner sa pader ng isang matangkad na lalaki na mukhang miyembro na basketball team base sa suot niyang varsity jacket. “H’wag kang maingay.” Nagpalinga-linga ako, napagtantong hindi naririnig ng ibang estudyante ang palitang iyon. Tanging ako lamang yata ang nakakadinig niyon. Dahil siguro mas heightened ang senses ko o baka dahil naka-focus ang atensyon ko sa mga bibig nila at nababasa ko ang mga sinasabi nila. Kaya naman grabe ang tingin nila kay Ren. Nakaismid ang lahat sa kanya, inaakala marahil na nakikipag-PDA siya sa lalaki. Lumapit ako. Hinarangan ko ng paa ko ang kamay niya na nakalagay sa tabi ng mukha ni Renee then I twist it down na umani ng masamang titig mula sa impakto. Naningkit ang mga mata ko. “Naririnig ko kayo. Gusto mong i-report kita sa Dean?” “Who the hell are you?” “Maryan Heather, fella.” Nakita ko ang pagngisi niya. “Tingin mo ba paniniwalaan ka ng faculty? Baguhan ka lang dito pagkatapos ang ipinagtatanggol mo pa eh ang pambansang p****k ng Pilipinas. Hindi maniniwala sa ‘yo ang Dean.” Napangisi ako ng wala sa oras, knowing full well na ako ang mas paniniwalaan ni Rey kaysa sa monggoloyd na ito. “Try me, bastard, then we’ll see.” Nakipagsukatan siya ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung paanong nag-sink in sa kanya na wala siyang laban sa akin pero mga ilang minuto pa’y kumaripas na rin siya ng takbo paalis. Sinundan ko siya ng tingin at nang mawala’y saka ako bumaling sa mga nakatingin at nakiki-usyoso. “May sine? Napasarap kayo sa panonood? Mind your own f*****g business!” Mabilis silang nagpulasan palayo at umalis na. Titignan ko palang sana si Ren when she practically threw her arms around my neck and embraced me so tightly while sobbing. “Thank you, Maryan. Thank you…” suminghot siya at nagpahid ng luha. “Laging nangyayari sa ‘kin ‘yon pero ngayon lang may lumapit at nagtanggol sa akin. Thank you, Maryan.” Hindi nakaligtas sa akin ang sinabi niya at ang ipinahihiwatig ng mga salitang iyon. “Hinahayaan lang ng asshole mong syota na harasin ka ng mga lalaking ‘yon?” Namula ang mukha niya at tumungo, para bang bigla siyang nagkaroon ng interes sa sapatos niya. “Sadly… siya ang nagpaumpisa ng lahat ng ‘yon.” Nanlaki ang mga mata ko. May kung anong init ang sumibol mula sa kaibuturan ng puso ko. Pero nang ma-realize kong wala akong magagawa’y napamura na lamang ako. “Fuck.” Humiwalay sa akin si Ren pero pinanatili niya ang kapit sa dalawang balikat ko. Her eyes were so puffy. Nanginginig ang katawan niya, malinaw na natatakot siya. “Maryan, please hayaan mo na lang akong i-handle si Savier. Talagang… talagang galit lang siya sa mga babae dahil sa nangyari sa kanya sa nakalipas. Pero gusto kong patunayan sa kanya na hindi lahat ng babae ay kagaya ng ex niya. Na may isang babaeng magmamahal sa kanya at hindi siya iiwanan. Babaguhin ko siya, Maryan. Ipinangako ko ‘yon sa sarili ko.” Nakaramdam ako ng kakatwang emosyong hindi ko mapangalanan nang mga sandaling iyon. Noon, natukoy kong pagmamahal ang nararamdaman ko para kay Savier. Dahil kung hindi, parang wala na ring saysay ang sakit na naramdaman ko noong magkaroon kami ng fall out. Pero kung pagmamahal iyon, ano pa ang kay Renee? She loves him. Eventhough he hates her, she loves him. Eventhough he abuses her, she loves him. Eventhough he treats her like trash, she loves him. Eventhough he keeps pushing her away, she still loves him. At hindi ko alam kung bakit noong mga oras na iyon ay pinag-iisipan kong mag-back out sa mga pinaplano kong pagganti. Pero naisip ko, hindi naman ako gumaganti kay Savier dahil sinaktan niya ako noon. Parte ng nakaraan iyon. Gumaganti ako dahil kinuha niya ang lahat sa akin. Isa lamang siya sa maraming taong binabalikan ko upang singilin. It just happened na may nakaraan kaming dalawa na hindi ko kayang baguhin kahit pagbali-baliktarin ko pa ang mundo. “Sana lang hindi ka masyadong masaktan sa huli dahil sa pagtitiwala mo sa mga taong hindi naman karapat-dapat para sa tiwala mong ‘yan.” You’re too gullible for your own good. Tumingin siya sa akin, nagningning ang kanyang mga mata at matamis ang ngiting iginawad. “Nah. I love trusting people. Especially you, Maryan.” Natigilan ako. Wrong move. Very very very wrong move. Bumuntong hininga ako at inilihis na lamang ang paksa. “Samahan mo ako, Ren.” “Samahan saan?” pagkatapos ay kumapit siya sa balikat ko habang naglalakad kami palabas ng building. “Maghahanap ako ng trabaho. Sideline. Kailangan kong kumita ng pera.” Simply because I don’t wanna be Rey’s headache kahit alam kong kayang-kaya niya akong sustentuhan. May hiya rin naman ako kahit papaano. Nakikitira na nga ako, palamunin pa ako. “Pero bakit?” “I’m making a life, honey.” Minsan nang itinuro ni Rey sa akin na hindi ako pwedeng magtiwala sa mga taong hindi naman katiwa-tiwala. Tumatak sa isipan ko iyon. Nang kalaunan, naunawaan ko kung bakit. Hindi ka pwedeng basta na lamang magtiwala. Hindi mo pwedeng basta na lamang iasa sa mga taong pinagkakatiwalaan mo ang iyong sarili. Binibigyan mo sila ng kapangyarihang saktan ka at pagharian ang isipan at puso mo. Pero si Renee? Naaawa ako sa kanya dahil pinili niyang pagkatiwalaan ang isang tulad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD