Plan Seven

3082 Words
Plan Seven Her Plan “Heto, magpalit ka na muna ng damit. Nando’n ang CR, mag-shower ka na muna. Kami nang bahala.” Tumango ako. Tahimik ko lamang siyang pinanonood na maghanap ng tuwalya’t lumapit sa akin para punasan ang buhok ko nang ang mahinang tinig ni Savier kanina ay biglang lumakas na ikinapitlag namin ni Ren. “Wala akong pakialam basta linisin n’yo ang kalat sa Emerald Mall! Mag-imbento ka ng pekeng kwento o kaya fake a suspect! I don’t care what you do, you have to suspend the investigation!” Bahagyang tumiim ang bagang ko. The idea of someone paying for my sins… “Hey.” Magkapanabay na napatingin sa akin sina Ren at Savier. Savier has the phone against his ears. Napahinto naman si Renee sa pagpapatuyo ng buhok ko. “Don’t make someone pay for what I did. It would be unfair.” Tinitigan niya lang ako na parang gusto niyang iawang ang bibig niya at magulat dahil sa tinuran ko. Ilang segundong hindi nakapagsalita si Savier ngunit mayamaya’y nakahuma rin at nag-iwas ng tingin. Ibinalik niya ang atensyon niya sa kung sinumang kausap sa telepono. “Dash, forget the second option. Do something to slip out of the trouble but don’t get a fake suspect. It would be…” pasimple niya akong sinilip, bakas sa kanyang mga mata ang emosyong hindi ko mawari. “unfair.” Hindi ko alam ngunit natagpuan ko na lamang ang sarili kong ginagawaran siya ng tipid na ngiti. Sa puntong iyon ay narinig ko si Renee na bumuntong hininga na may lungkot ang pag-angat ng labi. “Lucky you, Maryan. Only a few can make him change his mind. And sadly, that doesn’t include me.” Napatungo ako. May nararamdaman akong kakatwa sa sarili ko at natatakot ako doon. Kaya’t bago pa man ako may masabing pagsisisihan ko sa huli, tinuloy ko na lamang ang pagtungo sa en-suite. Nag-shower ako, nagpalit ng damit na sa hula ko’y pag-aari ni Renee. A silver vintage tank top and a short shorts. Damn. This isn’t what I’m used in wearing. A little showy.   Pero sinu-sino ba namang makakakita? Kami lang naman. Paglabas ko, naabutan ko ang pagsigaw ni Savier sa hindi mapakaling si Ren. “Can you f*****g stop panicking!” Pabuntong hiningang nilapitan ko siya at pinaupo siya sa kama. Malikot ang kanyang mga mata nang tumingin sa akin, waring sinusuri pa rin ang katawan ko ng lihim para sa sugat na hindi niya makita-kita kanina pa. “Maryan, sure kang okay ka lang? Hindi ka ba nasaktan? Wala ka bang tama? May mga baril sila, ‘di ba? Hindi ka ba nasugatan?” “Dammit, Renee!” muling bulyaw ni Savier sa likuran ko na ikinapigtas ng pisi ko. “Stop yelling!” baling ko kay Savier na nanlaki ang mga mata sa gulat nang sumigaw ako. Tinitigan ko siya na unti-unting nauwi sa sukatan ng talim. Kita ko sa kanyang mga mata ang pagnanais na sagutin ako, ang muli na namang magbukas ng panibagong away. Subalit sa palagay ko, alam din niyang hindi ito ang tamang panahon para roon kaya’t nagbawi rin siya ng tingin. Bumaling ako sa girlfriend niya. “Can you call Fifie and tell them to come here?” Sunod-sunod na tumango si Ren. Kukunin na sana niya ang cell phone niya when Savier stopped her. “Ako na. Siguradong madali lang silang mahahanap ni Xena.” Ah yeah. Xena. Ang dakila niyang utusan sa lahat ng oras. Matapos makatawag ni Savier, nagkanya-kanya kami ng tyaga sa paghihintay. Napuno ng tensyon at katahimikan ang silid na ‘yon. Sa sobrang katahimikan ay maski ang chandelier ng kwarto’y naging interesting na para sa akin. Pati ang dilaw na liwanag ay nabigyan ko na ng atensyon, nilalait-lait ko paanong nakakasakit iyon sa mata. Napabuntong hininga ako nang magtagal kami sa ganoong ayos. Para naman kaming tanga! “Savier.” Parehong natawag niyon ang kanilang atensyon. He only c****d his head sideways para magtanong. “Yosi.” Kumunot ang noo ni Renee sa hiningi ko samantalang si Savier ay nagtungo sa drawer sa silid. “Y-You smoke?” Nagkibit ako ng balikat. “I used to.” Naglabas si Savier ng pack ng sigarilyo. He threw me a lighter. I lit the cigarrette. Nagsindi rin siya ng yosi niya. Nangangalahati na ang hinihithit kong yosi nang dumating sina Xena, Fifie, Denden, at Sae. Agad na yumakap sa akin ang tatlo at doon pa lamang, nagkaroon na ako ng hinala na nasabihan sila ni Xena. Si Xena naman ay nagtataka ang mga matang nakatingin sa akin, para bang tinatanong kung anong nangyayari. Kumalas si Fifie at mabilis na nagbato ng mga tanong. “What happened? Nakakatakot ka, bigla ka na lang—” “Nakapatay ako.” Bumagsak si Denden sa kama dahil sa gulat. Nanlaki ang mga mata nina Sae at Fifie dahil sa gulat, ang mga bibig ay nakaawang at ilang saglit na natigilan. “B-Bading… adik ka. Sino? Taga-Underground? Nakilala kang si Cloud? Gusto kang i-liquidate? Anong nangyari? Okay ka lang? Buo ka pa naman, ‘di ba? Holy shiz, Cloud, naloloka na ‘ko sa ‘yo. Hindi ka na nakakatuwa, bakla, nawiwindang ang byuti namin sa mga ginagawa mo!” Napahinga ako ng malalim. “Will you all sit down? Renee,” I tapped the vacant seat sa may kama to gesture her to seat. “It’s time you know the truth… I guess.” Naupo si Renee sa tabi ko. Magkatabi sina Xena at Savier na nakatayo sa gilid pero parehong nakikinig. Lahat sila matamang nakikinig. Muli’y huminga ako ng malalim. Sa itinagal-tagal kong nabuhay, ngayon lang ako kinabahan ng ganito. At ngayon lang ako nag-effort na mag-isip kung paano babasagin sa kanila ang itinatago ko. Pambihirang buhay naman ito. “I uhm… those guys that were after me earlier, the same guys I killed, it was my brother’s people.” Panimula ko. “What?” Kumunot ang noo ni Xena “Imposibleng mangyari ‘yon, Heather. Taga-Mafia ang mga taong humahabol sa ‘yo. Hindi mo alam kung gaano kalaki ang strings na hinila ko sa ZAFT para palampasin ng Mafia ang mga ‘yon. Agent ng Mafia ang mga napatay mo.” “Exactly.” Lito silang nakanganga sa akin. Litong-lito. Hindi ko namalayan ang pait ng ngiti ko nang mga sandaling iyon. “May kapatid ako. Mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Hindi ko alam kung saan nagsimula ‘yon. Pero nakaugalian na namin ang laging mag-away. We fight in front of the table for breakfast. We wound each other for lunch. We beat each other for snacks. And we knock off one another for dinner. It wasn’t a healthy family. He wasn’t a bad brother either. Pero malaki ang pagkamuhi namin sa isa’t-isa.” Pakiramdam ko wala nang kwenta ang ikwento ko pa sa kanila. I should have been straight to the point kung hindi ko lamang nakikita ang interes sa kanilang mga mata habang nagkukwento ako. Nang mga oras na iyon, sa bawat binibitawan kong salita, nararamdaman kong may paunti-unting bigat ang nawawala mula sa sistema ko. Wala akong mabahirang pangingilag sa kanila gaya na lamang kanina nang tignan ko si Renee habang naliligo ako ng dugo ng mga taong pinatay ko. Walang panghuhusga. Walang takot. Tanging pag-unawa lamang. “Lumaki kami sa isang pekeng pamilya. Siya ang nagtago ng tunay naming magulang base na rin sa suhestyon ng mga taga-Mafia. Anim na taong gulang ako noon. Bata pa ako nang mapili akong sanayin. Samantalang siya, ginagamit ng Mafia para sa Intelligence Department nila. Hindi kasi sila tiwalang kaya niyang lumaban, pumatay o masangkot sa mga krimen kahit pa lalaki siya dahil sa tingin nila, my brother wasn’t wired that way. Tingin nila, may itinatago siyang bait sa kanyang kalooban. Na kahit pa gusto niyang maging masama, natural pa rin sa kanya ang kabutihan.” Looking back, sa tingin ko’y doon nagsimula iyon. Nagsimula nang mas pinaboran ako ng Mafia. Nang mas nakitaan nila ako ng potensyal habang ako, patuloy na hinihiling na sana’y siya na lamang nasa lagay ko. Nakakatawa, hindi ba? Kung maaari nga lamang sana kaming magpalit, ginawa na namin noon. Pero hindi naman laging ganoon kadali ang sitwasyon. Lalo na sa mundong ginagalawan namin ni Gino, walang madali. “T-T-Teka, teka.” Fifie gestured her hand for me to stop. “Involved ang Mafia dito?” Tumango ako. “You heard it right. Napangiwi siya. “Craaaap. Akala ko pa naman sa Underground ka lang wanted.” “Shut up, Fifie.” Pairap na saway ni Denden na bahagya kong ikinangiti. “Hurry, finish the story, Cloud.” “Ngayon ko lang din na-realize. Pakiramdam ko, na-intimidate ang kuya sa akin noon. Nainggit, probably. Gaya ko. Sumama ang loob niya dahil mas pinapaboran ako ng Mafia. Anim na taong gulang ako nang matuto akong gumamit ng baril. Noong sampung taong gulang naman siya, nagsisilbi siya bilang Intel at hacker ng Mafia. Noong syam na taong gulang ako, naging assassin ako. Labing tatlong taong gulang siya noong mga panahong ‘yon, begging the Death Panel to be an understudy. Age of ten… I was appointed as the tenth member of Italy’s Death Panel. While he’s  fourteen, training to be an understudy.” “God, Heather, that’s f****d up.” Dinig kong usal ni Xena. Sa isipan ko’y tumango ako. Lahat sila’y nakanganga, si Ren ay nakatakip ang kamay sa bibig samantalang sina Fifie’y tila luluwa na ang mata. Hindi ko naman sila masisi kaya’t nilunok ko ang mura na lalabas na sana sa bibig ko. “You were… Cloud the criminal? Thy veil?” Napatingin ako kay Savier. Malinaw ang sorpresa niya sa reyalisasyong iyon. I bet my ass na mahilig manood ng TV itong mokong na ito. O ‘di naman kaya’y nakuha lamang niya ang impormasyon sa ZAFT mismo. Thy veil is media’s way to sensationalize the serial killer news na pumutok noong nagkaroon ng hangganan ang extradition ng Italy sa Pinas at Switzerland at napilitan silang bitawan ako. Dahil doon kaya’t hindi ako na-try for the Italian murders. “Wait, pause.” Ani Fifie na litong-lito at pailing-iling pa. “C-Cloud… the criminal, you mean the one who murdered a set of members of the Death Panels in Italy?” “Yes.” Tiim-bagang na sagot ni Savier na matalim ang pagkakatitig sa akin. Walang nagtangkang gumalaw. Naghari ang katahimikan sa loob ng silid. Death Panels are consists of Mafia‘s elderly councils who were basically the mind beneath Mafia‘s terrorism. They rule, you follow. Sila ang nagbibigay ng mga gagawin at ng mga papatayin. Sa kanila dumadaan ang lahat ng transaksyon. Sila ang humuhusga sa dapat i-assassinate o hindi. Sila ang nakikinabang sa halos lahat ng yaman na nagsi-circulate sa Mafia. Sila ang nagpapaikot, sila ang pasimuno, sila ang utak. Most of the men that‘s in the Death Panel are veterans. Not going below thirty of age. May mga nakaupo lang, naghihintay ng pera. Sila iyong mga taong malalakas ang kapit sa kapwa nila Death Panel. May mga kumikilos, mas brutal. Meron ding mga namumuno—mga Emperors na kalimitang may nakareserbang posisyon sa Panel. I wasn’t an Emperor. They never let me. I was the first who was at a young age and considering the gender, seated at the panel of hell. “S-So… a-anong… kinalaman no’n?” Napamaang ako sa bilis ng pagbawi nilang lahat na nagawa pa nilang patuloy na mag-usisa. Seryoso ba sila? Ni kahit na anong katiting ng takot hindi ko man lang sila nakitaan. May mga sayad ba itong mga taong ito? “My brother… saved me from the trouble of being liquidated by ZAFT nang mahuli ako ng isang bounty hunter sa Switzerland.” At hanggang ngayo’y kumukulo pa rin ang dugo ko roon. “He uh… used his influence to release me from isolation and to control the extradition treaty.” “Eh? Why?” taas ang kilay na tanong ni Fifie. “That is exactly the point. Galit siya sa akin. Ayaw niya akong nakikita, ayaw niya rin akong nakakausap dahil pakiramdam niya binigyan ko siya ng kahihiyan. Kaya nga nagtataka rin ako kung bakit niya ako dinala sa Pilipinas. Nakasisiguro lang ako sa isang bagay. He wants something from me.” “Oh my gosh, nakakaloka na ‘to, bakla.” Komento ni Denden habang hinihilot ang sentido. I clenched my teeth. I felt a hand squeezed mine. I looked at Renee who was smiling at me. Hindi na ako nagulat nang makitang wala man lang siyang katakot-takot sa ekspresyon. Mukhang natatanggap na ng utak kong may mga sayad din itong mga kasama ko. “The one he uses to fetch me from Switzerland didn’t gave me to him. So from the day I arrived, his people are already after me. Sa Ashton,” then I looked at Savier who was there when that time happened. Like he was getting the point, he turned his look away. “Sa mall…” “Ay syete ‘yang kapatid mo ah. Uupakan ko ‘yan.” Muling komento ni Denden. Napangisi ako. Oh talaga lang ah? Parang noong kamakailan lang, grabe kayo kung makapuri sa kanya. “So anong koneksyon nito sa Mafia ng Pilipinas?” At itinanong na nga ni Xena ang tanong ng bayan. Nailing ako. “You didn’t get it, did you?” Umiling siya. Kay Savier ako bumaling, hinihintay alam na nag-iisip din siya’t inaasahang kahit man lang sana isa’y makakahula siya. Umarko ang kilay ko nang umiling siya. “Ah, Crusade.” Ngisi ko habang ina-address siya sa alias na kanyang ginagamit bilang Chief-in-Charge ng Operational Action System for International Supportability ng ZAFT o mas kilala bilang OASIS. Nang marinig iyon ay umarko ng kilay si Renee. “Wait, alam mo kung anong trabaho ni Savier?” Tumingin ako sa kanya. Nagkibit ako ng balikat. “Hindi naiiwasan ng CIC ng OASIS ang mapagkilanlan. Sikat sila sa ibaba, lalo na sa mga tinutugis nilang organized crimes. It sucks to be OASIS’ chief-in-charge sometimes.” “Shut up, magkwento ka na nga lang kung magkukwento ka.” Inis na sabad ni Savier na muntik magpatawa sa akin. Imbis ay ngumisi ako bago sumandal sa headboard ng kama. Napapailing ang iba sa maikling palitan namin ni Savier habang karamihan sa kanila’y naghihintay sa susunod na sasabihin ko. And I guess wala na rin namang saysay na ilihim ko pa ang lahat. Wala namang sikretong hindi nabubunyag. Walang baho na hindi lalabas. “My brother is Mafia’s Emperor. The Philippines’ youngest Death Panel. Gino Ruiz.” “Oh crap!” bulalas ni Fifie na napanganga. Si Savier ay napaupo sa couch, ang mga siko’y ipinatong sa hita. Hindi ko mawari ang ekspresyon niya. Tila siya biglang binagabag. “Ghad. H-Heather…” Xena swallowed when I looked at him. Mukha siyang nag-aalala. “Erinne is married to Gino. I know Gino personally you can’t… you can’t terrorize their life. He has a family.” Alam ko namang iyon ang sasabihin niya. “I’m aware of the matter, Xena. I’m Hime’s best friend.” Lalong lumaki ang mata niya. At alam kong nag-sink in na ang lahat-lahat habang pinapanood kong magpabalik-balik siya sa harapan ko. “You’re the same Cloud from the Underground District? The Cloud dubbed as the ‘Sinful Gangstress’?” “Sapul mo, Fafa Xena.” Sagot ni Denden who knew what I was. “Parte sila ng Resistance ng Underground District, pinakamalaking organized crime at paboritong tugisin ng ZAFT. They ruled Underground District for a set of time. Fafa Savier knows that.” Denden received a glare from Fifie. Nagkibit lamang ako ng balikat at hindi nag-aalalang mahuli ng iba na nadulas siya. Marami naman kasing pwedeng ibig sabihin niyon. Isa pa, halos lahat ng nasa silid na ito ay alam ang namagitan sa amin ni Savier. Lahat maliban lamang kay Renee. At masyadong mahina ang kokote nitong si Ren para matunugan iyon na minsa’y naaawa na nga ako sa kanya. Alam ni Savier ang parte ng pagiging lider ko sa Resistance dahil iyon din naman ang parehong dahilan kung paano kami nagsimula ng relasyon. Nahuli niya ako, nalaman niya ang sikreto. Alam niya ang lahat ng tungkol sa akin pwera lamang doon sa koneksyon ko kay Gino. At hindi ako nagtatakang hindi niya naikonekta iyon. Bukod kasi sa magkaiba kami ni Gino ng apelyidong ginagamit, na-eradicate na ang lahat ng files na magpapatunay na may koneksyon kami sa isa’t-isa. “Okay, let’s calm down.” Buntong hininga ni Fifie. “Cloud, alam mong hindi ka pwedeng tumakbo ng tumakbo mula kay Gino. Maliit lang ang mundo, noh. Magkikita at magkikita pa rin kayo.” “That’s the question.” Panegunda ni Sae. “What will you do when he finds you? Would you kill him?” Ako naman ang napahinga ng malalim. “Iyon na nga ang problema ko. Alam n’yo namang hindi ko pwedeng gawin ‘yon. Pambihira naman kasi. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng lalaki eh si Gino pa ang papakasalan ni Hime? Ang hilig talaga sa exotic ng babaeng ‘yon!” “We can only do so much.” Savier said na inignora ang mga inuungot ko. “It’s either we figure out what is it he’s after or you just simply… run.” Tumahimik sila na para bang sinasang-ayunan ang sinabi ng lalaking iyon. Sumasang ayon din naman ako. At alam kong alam ng lahat sa silid na iyon na wala kaming natitirang option kung hindi ang nauna. Because the latter just won’t do. I can’t run forever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD