Plan Eight

2334 Words
Plan Eight Her Plan “Ihahatid ko na siya. Ikaw nang bahala, Xena.” I would’ve been more glad kung si Xena ang sasabay sa akin para makapag-usap kami ng maayos. Of all people who would offer me a ride, bakit naman kailangang maging si Savier pa? Nakangiting niyakap ako ni Ren ng hindi ko namamalayan. “Salamat ng marami, pinagkatiwalaan mo ako ng sekreto mo, Maryan.” Kung may puso siguro ako, natunaw na iyon sa sinabi niya. “Thank you for not being afraid.” Sa halip ay ibinulong ko na lamang na nagpangiti sa kanya. Napatawa siya saka pinutol ang kanyang pagyakap. “Afraid? Adik lang ang matatakot sa mga anghel na gaya mo, Maryan. You’re an angel despite of what you were doing. You’re my best friend.” Bumalik ang bigat sa dibdib ko nang may ma-realize ako sa kanyang sinabi. She really is falling into this play. She can be a very good friend if only wala kami sa ganitong sitwasyon. Kung wala lang sana si Savier, baka tunay na naging mabuting magkaibigan kami ni Ren. “Let’s go.” Speaking of, here comes the devil. “Savier, take care of Maryan, ah.” Tinanguan lang niya si Ren. Pinauna niya akong bumaba kasunod siya. Walang nag-iimikan sa amin kahit aware kaming pareho na wala namang makakarinig sa amin. That’s until we reached his car. “So hindi ka bumalik para gumanti sa akin?” Nakatingin ako sa labas ng bintana ng kotse nang magtanong siya. I contemplated telling him the truth. Na hindi lang ako basta bumalik para gantihan siya dahil sa nangyari noon. Na hindi ako mababaw na tao na maghihinanakit sa naging fallout namin six years ago. Pinag-isipan kong sabihin ang katotohanan, komprontahin siya, ilabasang lahat-lahat ng galit na inipon ko sa mga taong responsable sa pagkamatay ng mga tunay kong magulang. Pero naisip ko, maitatanggi niya pa iyon. Wala pa akong ebidensya. Wala pang kumpirmasyon. Hindi pa pwede ngayon. “No.” Mabilis ang kasinungalingang lumabas sa bibig ko. “I came back because I was forced to. I never knew I would bump into you.” “I uh… I didn’t know.” At sa lahat ng sinabi niya, iyon ang totoo. Hindi niya alam. Wala siyang alam. Sarili lamang niya ang pinagtutuunan niya ng pansin. Ang ibang bagay hindi na importante pa sa kanya. Minsan tuloy iniisip ko, ganoon ba talaga siya kagalit sa akin, ganoon ba talaga siya kaabala sa pag-aalaga ng sakit at galit na nararamdaman niya sa akin at umabot sa puntong pati ang mga magulang ko ay nakaya niyang patayin? Of course, it could be what his work demanded of him. At hanggang hindi ko nakukumpirma ang mga hinala ko, hindi ko pa masasagot ang mga tanong na iyon. “Dito na ‘yon.” Anunsyo ko mga ilang minuto ang lumipas at tumigil kami sa apartment ni Rey. Inihinto niya ang sasakyan. Bababa na sana ako nang hawakan niya ang kaliwa kong kamay. Napatingin ako sa kanya. At naging pagkakamali ang paglingong iyon. The next thing I knew, nakadikit na ang kanyang mga labi sa labi ko. Claiming it as if it was still his own. Naestatwa ako. Inaamin ko na noong mga sandaling iyon, nablangko ang isipan ko at nakalimutan ko kung anong dapat kong gagawin para mapigilan siya. Hindi ko alam kung nakakaramdam na ako ng inis, ng tuwa o ng takot. Aware ako sa init na nanggagaling sa kaibuturan ng aking pagkatao, iyong parteng matagal ko nang kinalimutan at iwaksi sa aking isipan. And in the end, si Savier na rin ang pumutol sa koneksyong iyon, marahil nang maramdaman niyang wala akong kakilos-kilos. Nag-iwas ako ng tingin, tumalikod. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pakiramdam ko may isang parte sa aking nag-shutdown na lamang bigla. “Hindi ako magso-sorry.” Hindi nakalampas sa akin ang pagkabasag ng kanyang tinig. “What I did felt right, Maryan. Hindi ako hihingi ng tawad para sa isang bagay na tama para sa ‘kin.” Wala akong kayang sabihin doon. “I’m going in. You want to uh… come for a while?” “Yan, about the kiss it’s—” “Walang nangyari. As far as I’m concerned, walang nangyaring gano’n, Savier. Let’s forget it.” Iyon lang at lumabas na ako ng kotse. Hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya. It doesn’t matter as far as I’m concerned. Sumunod siya papasok ng apartment ni Rey. Sa tingin ko’y hindi niya alam na kay Rey ang apartment na iyon. I wonder kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang totoo. Agad na lumitaw si Rey sa sala. Hindi siya tumingin sa likuran ko ni nakitang kasunod ko si Savier nang niyakap niya ako. Mahigpit na parang nag-alala siya ng husto. Napaisip tuloy ako at nakaligtaan nang nasa likuran ko si Savier. Gaano katagal na ba akong nawawala? “I heard what happened. Where have you been?” Nakarinig ng mahinang singhap mula sa likuran. Dahan-dahan kong itinulak si Rey, tinuro si Savier na bahagyang nakaawang ang labi sa pagkamaang. Nagbago ang ekspresyon ng kaharap ko. Nawala ang panic. Napalitan ng blangkong ekspresyon habang magalang pa ring ina-acknowledge ang aming kaharap. “Savier.” Yumukod ng bahagya si Savier, a habbit being a half korean that he is. “Magkasama kayo?” tanong ni Rey na nahimigan ko ng pagtataka. Kahit ako’y nagtataka nga rin kung paanong humantong na si Savier ang kasama ko rito. “He offered a ride. Kasama ko kanina sina Denden, Fifie at Sae pati na rin si Ren. They uhm… helped me escape from Emerald.” Nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Savier ng ilang saglit. Pagkatapos ay tumango sa huli na para bang may gusto siyang iparating dito. “Kung gano’n… salamat.” Pasimple kong sinilip si Savier. Hindi ko mawari kung ano iyong nakita kong dumaan sa kanyang mga mata. But it was pretty intense I could tell. At bahagya akong binagabag niyon. “Gusto mo ba ng maiinom, Savier?” tanong ni Rey. “Maupo ka muna.” “Hindi na, Sir. Kailangan ko na ring bumalik.” Tumango lang si Rey. Mabilis na umalis si Savier, ni hindi nga nagpaalam sa akin. Ang huli ko na lamang narinig ay ang ingay ng makina na papalayo ng papalayo mula sa apartment. “Maryan.” Untag ni Rey na nagpabalik ng atensyon ko sa kanya. Ngumiti ako at yumakap, samantalang iginigiya naman niya ang aming mga katawan sa sofa para makaupo. I snuggled against his chest.  “Don’t worry about it. Everything’s going my way.” “Sigurado ka, Yan?” I giggled. But still, it came out so dry and emotionless. Weird. I’m really am weird. “Revenge is best served cold, Rey. Remember that.” *** Hindi ko na nadatnan si Rey sa kama nang umagang iyon. Nakagawian na niya ang maagang pumapasok since he’s the school dean at estudyante lang naman ako. Bumaba na rin ako pagkatapos kong mag-shower at magbihis. Nag-commute ako—bus—papunta sa Ashton University. “Yan.” Napatingin ako sa likuran ng bus upang hanapin ang tumawag sa akin, surprised to see Savier and Xena seating in there. Nakakunot ang noo kong tinungo ang kinaroroonan nila. “Namumulubi na kayong dalawa?” Aba’t marunong pala silang mag-bus? Mahinang natawa si Xena. “Hindi. Bigla kasing naisipan ni Savier na mag-bus. Sinakyan ko na lang ang trip niya.” “Ah.” Tumango na lang ako. Naupo ako sa tabi ni Savier. Lumapit iyong kondoktor para hingin ang bayad ko. Mabuti’t may barya pa ako kaya nakapag-abot ako ng pamasahe. “Naisip kong ipasilip ang background ni Dagger.” Maya-maya’y sabi ni Savier na nakatingin lang ng diretso at blangko ang mata. “Kung saan siya nakatira, basic infos. And, Yan… he has a kid.” I clenched my teeth with that knowledge. Bumuntong hininga lang naman si Xena na marahil ay alam din ang bagay na iyon. Napailing ako. “Bahala na.” Eksakto namang huminto na ang bus kaya’t nauna na akong bumaba at naglakad papasok ng University. Pagtuntong ko palang ay may naramdaman na akong kakaiba. Napahinto ako. Aircon ng Mafia ang naamoy ko sa paligid. Na para bang may galing doon ang nakapagdala ng amoy na iyon. Tumiim ang aking bagang. Wala na ba talaga silang balak tumigil? Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa lumiko ako sa may theater studio.  Masyadong madilim doon kaya’t hindi halos kita ng normal na mata ang paligid. Pasalamat na lang ako at trained akong makakita sa dilim. Kahit papaano’y may silbi rin pala ang mga ginawa ko para sa Mafia. Namataan ko ang anim na lalaki. Tatlo sa kanila’y armado ng mga baril. I could see silencers attached to their weapons. Ang natirang tatlo naman ay may mga kutsilyo at nakatindig ng tuwid, naghahanap sa panggagalingan ng unang atake. Tahimik akong naglakad at naghanap ng pwede kong magamit na armas. Nagtago ako nang makita kong may papalapit. Sa backstage ako nakapagtago. Nang huminto siya halos sa tapat ko ay agad kong hinablot ang damit niya. I tapped the most fatal part in his neck and he immediately fell asleep. Now that’s what you call nerve control. Nakakita ako ng gitara sa may stage. Kinuha ko ‘yon. Sumandal ako sa may harang ng backstage at naupo habang tinatanggal ang strings niyon. Naririnig ko silang nag-iikutan lang na parang may hinahanap. Maaaring hinahanap nila ako. Maaari rin namang naghahanap sila ng switch sa ilaw. I was done untangling the long strings of the guitar. Hinatak-hatak ko iyon upang masigurong matatag ang tali, sapat upang makapatay. Saka ako maingat na naglakad patungo sa entablado. Malapit na sa kinaroroonan ko ang isang lalaking walang armas. Sa kadiliman ay mabilis kong naikot sa kanyang leeg ang nylon at mahigpit siyang sinakal. He wasn’t even given the chance to scream for help. Nagpumiglas lamang siya’t naghabol ng hininga. Matama kong binabantayan ang likuran ko, nakaantabay kung mayroong biglang aatake. Hanggang sa maramdaman kong hindi na gumagalaw ang nasa harapan ko at nalanta na ang katawan. Tinanggal ko ang nylon string sa kanya, maaari pa kasing gamiting iyon muli. Nanatili ako sa kinaroroonan ko, pinanonood ang isa kanilang nag-iikot hanggang sa mapatid siya sa bangkay ng kanyang kasamahan. “Oh shit.” Usal niya’t agad kong nahimigan ang alarma. Iniumang niya ang kanyang baril sa kawalan, nagpaikot-ikot na waring naghahanap. Narinig ko ang pagtawag ng kasama niya mula sa likuran ko. Mukha itong papalapit sa kinaroroonan niya. I crept behind him silently. Bago pa niya maamoy ang pabango ko, umiwas na kaagad ako kaya’t nang iputok niya ang baril niya ay nakasabay niya ang isa pa niyang kasama na marahil ay aatake mula sa aking likuran at hindi namalayang nasa pwesto ko rin ang kasama niya. Kaya’t ang ending, silang dalawa ang nag-barilan. Siguro’y naaalarma na sa malinaw na tunog ng mga silencer kaya’t iyong dalawang naiwan ay ginamitan na ako ng ibang taktika. “Miss Heather, walang mananakit sa ‘yo.” Sabi ng isang may baritonong tinig. “Sumama ka na lang sa amin. Walang mananakit sa inyo, pangako.” May pagkatanga silang mangumbinsi at mang-uto. May armas sila. Paano naman ako mag-aassume na hindi sila mananakit ng lagay na ‘yan? Tonto. Natunton ko ang isa sa dalawang natitira. Sa palagay ko’y siya ang nagsalita dahil sa lugar na iyon mismo halos nanggagaling ang tinig. Kagaya ng ginawa ko sa una’y ipinulupot ko ang nylon sa kanyang leeg. Mabilis ang kanyang paglaban na marahil ay inasahan ang galaw kong iyon. Inagaw ko ang patalim sa kanya at itinutok iyon sa leeg niya na syang nagpatigil ng pagpupumiglas niya. Dahil doon ay naging malaya akong higpitan ang pagsakal sa kanya. Nakitaan ko ng dugo ang paligid ng balat na naiipit ng nylon, unti-unting napipinsala marahil ng angking talim ng tali. Walang kaanu-ano’y napigtas ang nylon. Napamura ako sa aking isipan. Napilitan akong gamitin ang patalim upang malagutan siya ng hininga ng tuluyan. Kumalabog ang ulo nito sa cymbals ng drums sa tabi nang humandusay. Natawag niyon ang atensyon ng huling lalaki. Naglabas siya ng patalim na mabilis kong nasipa. Nakita ko ang maang niyang reaksyon nang makita ako ng malinaw. Sa hula ko’y natigilan siya’t napaisip kung paanong ang kagaya kong may maamong mukha ay nakayang patayin ang kanyang mga kasamahan. Welp, buddy, napagdaanan ko na rin ang tanong na ‘yan. So far, wala pa akong nakukuhang sagot. Patakbo siyang umatake sa akin. Hinablot ko ang drum stick at sinalubong siya. Naihambalos ko sa kanyang mukha ang drum stick, dumaplis sa kanyang mata na panandaliang nagpatigil sa kanya. Walang sabi-sabing bigla na lamang siyang napasubsob sa akin kasabay ng malakas na tunog ng putok ng baril. At namataan ko si Savier nang tumingin ako sa harapan.  “Tinawagan mo dapat ako, Maryan!” tiim ang bagang niyang wika at may kung anong ekspresyon sa mukhang nilibot niya ng tingin ang entablado. Itinulak ko ang walang buhay na lalaki. Humandusay ito sa sahig. Ibinaba ni Savier ang hawak niyang baril. Nakita ko ang panginginig ng kamay niyang nakahawak doon. Muli’y may pumintig sa kaibuturan ng aking pagkatao. Nairita ako sa sarili ko. Kaya’t sa halip na magpasalamat sa pagpunta niya rito kahit hindi naman kailangan ay inirapan ko pa siya’t iniwasan. “I’m not calling anyone. This is my own battle. And I fight my battle alone.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD