Plan Eleven

2659 Words
Plan Eleven Her Plan “How do you know that?” Nililipad ng hangin ang buhok ko. Nakakailang ulit na ako sa pagbabalik ng mga hibla niyon sa ilalim ng tainga ko ngunit lagi lamang iyong tumatakas sa bawat pag-ihip ng hangin. Sa kabila niyon, hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa magandang tanawin ng asul na karagatan. “I saw your sketch one time. I adored it. Alam kong gustong-gusto mo ng tahimik na lugar kaya’t nang nagkaroon ako ng pagkakataon, binili ko ito. Alam kong magugustuhan mo ang lugar na ito.” Napatango ako ng wala sa sarili ko sa kabila ng aking pagkalito dahil sa naging motibo niya ng pagbili nito. “Yeah. I like it.” Love it even. Ayaw ko lamang talagang aminin sa kanya. “Pwede bang pumasok muna kayo bago kayo mag-usap d’yan?” sita ni Erinne na nabuksan na ang pintuan at hinihintay lamang kaming sumunod sa kanya. Pagkapasok pa lamang ng bahay, agad ko nang napansin ang kahoy nilang sahig. I felt nostalgic. Pakiramdam ko kasi’y maski sa bahay, ibinase iyon ni Gino sa sketch ko. Sa sala nama’y kumpleto na ang dekorasyon. Ang mga furnitures na maaliwalas sa mata. Lihim kong pinupuri ang dalawa dahil sa maganda nilang pili. May maliit na batang lumabas mula sa kwarto at tumakbo pababa ng hagdanan saka sinalubong ng mahigpit na yakap si Gino. Tuwang-tuwa ang kumag. When I turned to Erinne, she’s smiling and waving at the little girl. “Who’s she?” tanong ko na pumukaw ng atensyon ni Hime. “Our little angel, si Calila. She’s three years old.” Ka-mukha niya ‘yong dalawa. Kuha ang mata ni Hime ‘tapos kuha naman ang lips kay Gino. Beautiful kid. Naintriga tuloy ako. “Gaano katagal na ba kayong dalawa?” at bakit wala akong kaalam-alam dito? “Dalawang taong naging kami pero tatlong taon na kaming kasal. Siya ‘yong sinasabi ko sa ‘yo noong huling beses tayong nagkausap sa telepono. Since then you didn’t call me anymore.” Ang sarap batukan nitong si Hime. Wala namang nakakapag-skype sa ZAFT Isolation. Meron ba? “I’ve been in the Isolation for four years, Hime.” Simple ko na lamang na sagot. It explained it all anyway. “What happened to the girls? Hindi ba dapat graduate na sila?” “Oh.” Naupo siya sa couch na sinundan ko. “Maduming record. I managed to get away with Gino’s help pero hindi sila. They’re mean girls to the very end. Hayaan mo sila. Magdusa sila ro’n.” Saka siya ngumisi. Well… kung si Rey ang Dean, tigok ka talaga sa manners. He’s a perfectionist. Kaya naman pala nabubulok pa rin sina Fifie, Denden at Sae sa Ashton. “So… Why didn’t you told me about Gino? Bakit hindi mo sinabing may gano’n kang nakaraan? Hindi ba dapat ako ang unang nakaalam? Ang dami mong utang na paliwanag sa akin, ah.” Huminga ako ng malalim. “Natakot lang ako na baka umiwas ka o matakot sa ‘kin. I mean… sino ba namang matutuwang makipag-kaibigan sa gaya ko ‘di ba?” “Buang ka ba?” nakasimangot niya akong pinalo sa braso. “For Pete’s sake, Maryan, we grow up almost like sisters. Kung meron mang dapat na ikatakot eh iyon ‘yong mga paghahabol sa ‘yo ng Mafia at lalo na nitong bugok mong kapatid sa ‘yo. Lucky you nakatago ka sa Underground kaya hindi ka gaanong nagagalaw.” Lucky me. “Serinna ko, pwede mo bang samahan muna si Cali sa taas?” sabad ni Gino mayamaya nang matapos siyang makipagkamustahan sa anak niyang cute. “Gusto raw niyang matulog.” Na-gets ni Erinne ang excuse na iyon ni Gino upang makipag-usap sa akin kaya’t kinindatan niya ako before mouthing ‘be back’ saka pumanhik sa itaas kasama iyong bata. Naupo naman si Gino sa sofa na nasa harapan ko. May mga ilang saglit kaming nagtitigan bago siya natatawang napailing. “I don’t know where to start.” Umarko ang kilay ko. “Pwede mong umpisahan sa pag-iisplika kung bakit mo ako pinapahabol at kung bakit kailangan mo pa akong dalhin sa tinitirhan ninyo para lang do’n.” He inhaled a huge deep breath bago lumunok. Maraming sinasabi ang mga mata niya pero hindi ko alam kung papaanong babasahin ang mga iyon. marunong akong magbasa ng galit. Ng frustration. Ng inis. Ng takot. But those emotions are absent in his eyes. Mas lalo tuloy akong nalilito sa ikinikilos niya. “Alam ko na gusto mo akong patayin, Yan, and I swear it’s okay. Okay lang sa akin kung sana… kung sana nangyari ito limang taon sa nakalipas. Hindi ngayong may mga iiyak at masasaktan kapag nawala ako. Naiintindihan ko kung nalilito ka. Pero sana makinig ka sa gusto kong sabihin sa ‘yo ngayon. Promise me that you’ll be listening.” I chewed my lip, handa nang tanggihan siya ngunit sa huli’y iba ang lumabas sa bibig ko. “Yeah fine, I will.” Tumikhim siya, ipinagdaop ang kanyang mga palad at sa huling pagkakataon ay nagbuga ng malalim na hininga. “Bata pa ako noon. Young and envious. Masyado akong nabulag ng inggit ko sa ‘yo na ni hindi ko na namalayang nagiging masama na akong kapatid para sa ‘yo.” And sadly, alam kong lahat ng sinasabi niya ngayon ay may katotohanan. “It was my job to love you as your brother. It was my job to understand why you are what you are dahil ako ang nakakasama mo simula nang ipanganak ka. Pero ang lahat ng ‘yon ay kinalimutan ko. “Everyday I wake up, pumapasok sa isip ko na i-greet ka ng good morning ‘tapos tatanungin ko kung anong gusto mong breakfast. But in the end, I would always attempt to finish you dead on the dining table. That sucks big time, Maryan. It was hard. I don’t want to hurt you but I don’t want to look like a loser either. So I did what I thought was more right than being a brother to you. But now… I want to do everything right, Yan. Dahil kahit anong gawin kong paglimot sa nakaraan, na kahit anong gawin kong limot na may kapatid ako, may parte pa ring kulang. Hindi kita pwedeng iwan ng gano’n lang.” Tumiim ang bagang ko. Naningkit ang mga mata kasabay ng pagkuyom ng aking mga kamay. “Do you want something from me?” “You want the truth? Yes.” Matapat niyang sagot na lihim kong pinalakpakan. Nakikita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata ngunit hindi ko malaman kung ikatutuwa ko ba iyon o hindi. “Pero kung tatanggihan mo, hindi kita pipilitin. I just want you to live with us. Be a family.” Napakunot ako ng noo. Saglit kong kinalimutan ang huli niyang sinabi at pinagtuunan ang mga nauna. “Anong… anong gusto mo sa ‘kin.” At ang mga sumunod niyang sinabi ay hindi ko inaasahan. “I want you to take over Mafia.” Katahimikan. Nalaglag ang mukha ko. Did he just say what I thought he said? Take over his Mafia? Ano bang… What the hell is happening? Sinasapian ba ng kung anong maligno si Gino? Ay sabagay. Mukha naman na siyang maligno, hindi na kailangan ng sapi. Inakmaan ko siya ng suntok na ikinapitlag niya. “Gago ka talaga, h’wag mo nga akong pinaglololoko!” “Maryan—” “Bakit ba kasi hindi mo na lang deretsuhin? Bakit ba hindi mo na lang tuloy-tuloy na ungkatin ang nakaraan hindi ‘yong ginagago mo pa ‘ko? Just say what you’ve been dying to say! Pinatay ko ang mga pekeng magulang natin. Nakakalimutan mo ba ‘yon, Gino? Nakakalimutan mo ba kung bakit sa loob ng dalawampung taon ay nagtago ako mula sa ‘yo? Nakakalimutan mo na ba ang lahat ng ‘yon?” Saglit siyang natigilan. Tumingin siya sa akin at saglit kong nakita roon ang pagkamuhi sa alaalang iyon. Ngunit mga ilang sandali pa’y nakahuma siya. Naging mahinahon at nakuha pa ngang ngumit sa kabila ng tamlay ng ngiting iyon. “If you explain to me why you did what you did then I might as well forget it.” Hindi ako makapaniwalang ganoon lamang kadali ang lahat ng iyon sa kanya. Pinatay ko ang foster parents namin when I was still young. Masyadong napamahal si Gino sa kanila kaya’t nagalit siya sa ginawa ko. Pakiramdam niya’y parte iyon ng pag-aaway namin kaya’t ilang taon niya akong tinugis para lamang pagpantayin ang dalawang paa ko sa kabaong. Gusto kong pinananatili ang ganoong sitwasyon namin. Doon ako nasanay. Sa ganoon ako nabuhay. Ngunit nang mga oras na iyon, hindi ko malaman kung anong nagtulak sa akin upang ipagtapat sa kanya ang katotohanan. “Nang gabing ‘yon… no’ng tumakas ako pagkatapos kong patayin ang lahat ng miyembro ng Death Panel, nagtangka ang Daddy na molestyahin ako. Naunahan ko siyang mapatayin. Doon ko nalaman ang plano ni Mommy. Hindi niya ako pinatuloy do’n para itago sa mga otoridad. It turns out na naghihintay lang siyang lumaki ang patong sa ulo ko bago nila ako isurrender sa Mafia.” Nakita ko ang panginginig niya. Sa kung anong dahilan hindi ko alam. Pero malinaw na dinamdam niya ang kuwento ko base pa lamang sa kanyang facial expression. Noon ko lamang siya nakitang ganoon ka-vulnerable matapos ang mahabang panahon. “In short balak nila akong pagkakitaan.” Dagdag ko. At dahil sa awa—na hindi ko alam kung saan nanggaling—ay isinama kong sabihin sa kanya ang mga ginawa ng foster parents namin sa kanya. “I left that night full of their blood hindi dahil sa gusto nilang gawin sa akin. Hindi. Pinatay ko sila dahil nalaman kong sinadya nila tayong paghiwalayin. Sinadya nilang tamnan ka ng inggit. And I… he told me you left me because you’re ashamed of me. I—” Sa gulat ko’y bigla na lamang siyang tumayo at mahigpit akong niyapos ng yakap. Napilitan akong tumayo dahil sa pag-aalalang mangawit siya sa gano’ng posisyon. Unconsciously, napangiti na lang ako. Ugh. Who says I don’t miss my brother? “Silly.” Hindi nakalampas sa akin ang pagkabasag ng kanyang tinig. “Nag-alala ako sa ‘yo nang umalis ka. Ni hindi ka man lang nagparamdam. At kahit kailan hindi kita ikinahiya. Pinagsisisihan ko ang lahat ng nagawa ko noon. Sana alam mo ‘yon. And… and you did a good job. I’m glad you killed them.” That sounded twisted pero pakiramdam ko, ito lamang ang tanging pagkakataon na nagkasundo kaming dalawa ni Gino sa haba ng panahon. Ramdam ko ang galit niya sa naikuwento ko. At kakatwa man ngunit tila ba nabawasan ng bigat ang dibdib ko. Mga ilang sandali pa’y kumalas siya mula sa pagkakayakap sa akin. Nakangiti niyang kinuha ang kamay ko at hinatak ako papasok sa isang kwarto sa itaas na siyang ipinagtaka ko. At lalo lamang akong napakunot ng noo nang mabungaran ko ang silid. May balak ba siyang i-assassinate ako? Tama ba kasing maglatag ng napakaraming armas sa may mesa? “Ano ‘to?” taas ang kilay kong tanong. “Akala ko ba ayos na tayo? May balak ka pa ring patayin ako?” “Timang, hindi. C’mere, I’ll show you.” He went forward where a deck of cards are located. Kinuha niya iyon at iniabot sa akin. Kahit nagtataka’y kinuha ko. “Alam kong kaya mong mag-survive sa kahit na anong armas. Magaling ka. Sa ibang bagay mo nga lang nagamit ang galing mo. Pero mas skilled ka sa paggamit nito. Besides, alam kong paborito mong armas ‘to.” Kunot-noong nilabas ko ang mga baraha. Kumuha ako ng isa. Sa unang tingin, mukha lang siyang normal na joker. Pero nang ihagis ko ‘yon sa direksyon ng kahoy niyang pader, it was sharp enough para kumagat sa kahoy at lumikha ng maliit na hiwa roon. Napangiti ako sa tuwa. Ang tagal nang hindi ako nakakahawak ng deck. I missed using them after all. Pero hindi ko maintindihan kung saan niya kinuha ito. Matagal nang wala ang mga baraha ko. “This isn’t my original. It was burned, Gino.” Tumango siya. “Yeah, I know. I asked Eric to have you another one that’s close to the original. Half of it has poisons and liquid sedatives just in case you may need it.” Napamaang ako. May parte sa aking na-excite na gamitin ang baraha kaya’t bago pa man ay ipinokus ko na ang atensyon ko kay Gino. “Salamat. Salamat dito ng marami. But uhm… your offer… why is that?” Pumasok ng kwarto si Erinne. Ngumiti sa aming dalawa ngunit hindi umimik. Saglit ding natahimik si Gino pero mayamaya’y nagsalita nang marahil ay maipon na ang mga tamang salita sa kanyang isipan. “Gusto ko nang umalis sa Mafia para sa kapakanan ni Serinna at ng mga anak ko, Maryan. I want to live a normal life. But I can’t just proceed if I know my people are not secured. Mafia is now entitled to do right by the government dahil kakampi na namin ang ZAFT. And it’s you that I only trust to continue the reign.” Ako? f**k, ba’t ako? Ang lakas ng sanib ng taong ‘to. Sa lahat naman ng rasong sasabihin niya, doon naman talaga ako nagduda. “Bakit ako? And’yan naman si Eric, ah.” Natawa siya ng mahina na parang pinagtatawanan niya ang pagkagulat ko. Ngunit bago pa man siya makapagsalita’y nasingitan na siya ni Erinne na lumapit at tinapik ako sa balikat. “I know how you handled the whole Underground District. Marumi ang lugar na ‘yon. Maraming magnanakaw. Maraming mga krimen ang hindi nalulutas. At kahit pa ilegal ang ginagawa natin sa Resistance noon, nagawa mong pamunuan sila ng may moral. I agree with Gino on that one. Kung mayroon man akong pagkakatiwalaan na humawak sa Mafia, ikaw ‘yon. You’re a born leader, Cloud. You can be an awesome Mafia Empress. Maybe much more awesome than your brother.” “Aray naman, Serinna ko.” Komento ni Gino na pinaningkitan ni Erinne. “Totoo naman, eh.” Napahinga ako ng malalim at inignora ang saglit nilang palitan. “Pwede bang mag-request? Pwedeng… pwedeng agent naman muna bago Empress?” Pareho silang tumingin sa akin na nalilito Umiling ako. “Guys… ang dami ko nang nagawang kasalanan. Pwede bang tignan n’yo naman muna kung kaya ko pang timbangin ang tama at mali bago n’yo ako ilagay sa posisyong ‘yan? I would love to do right but I don’t know if I’m capable of it.” Saglit silang napaisip. At nakahinga ako ng maluwag nang marinig na sumang ayon si Erinne sa akin. “I agree with Cloud, Gino. Maybe… you should try her as an agent first.” Sa puntong iyon tumango si Gino saka ipinamulsa ang kanyang mga kamay. “Yeah, you’re right. Fine, alright then. You’re a first class agent now, Yan.” Ngumiti siya sa akin. “Welcome to Mafia.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD