Plan Ten

2040 Words
Plan Ten Her Plan “Napapadalas ata ang pagiging tambay natin sa mansyon ni Fafa Savier, mga bading?” Binuhos na ni Ren ang natitirang juice sa pitsel sa baso ni Denden dahil inumang niya kay Ren ang baso niya. Kumakain lang sina Sae at Fifie ng crackers habang nilalaro ko naman ang rubics cube sa sofa. “Okay lang ‘yon noh. Kesa naman kulang na lang eh maging mansyon ng kwago ‘tong mansyon ni Savier de dito na lang tayo tumambay.” Nakangiting sagot ni Renee. Okay na sila kay Ren dahil nalaman na nila ang side of the story ni Renee tungkol sa mga issues na kumakalat. Mas lalo nga yatang natuwa sa akin si Ren dahil naging dahilan pa ako ng pagkadaragdag niya ng marami pang kaibigan. Iyon lang naman yata kasi ang pangarap niya sa buhay. Ang magkaroon ng kaibigan. Pambihira. Kawawang babae. “Ang dami kasing kwarto, hindi ba kayo naliligaw?” usisa ni Fifie. “Minsan kung sa’n-sa’n na lang din kami pumapasok na kwarto. Wala naman kasing gumagamit ng mga kwarto na ‘yan.” Sana pinaupahan na lang. Pera rin ‘yon. “Sandali lang, girls ha. Kukuha pa ako ng juice.” Tumayo na si Renee at nagtungo sa may kusina. Naiwan kami ro’n. Mga ilang sandali pa’y binato nila ako ng unan para kuhanin ang aking atensyon. “Gaga ka, bakla. Ginagamit mo ba si Ren para rumesbak d’yan sa ex mo?” Umarko ang kilay ko sa sinabi ni Denden. “Hindi ko kahit kailangang gumamit ng kahit na sino. Kayang-kaya ko si Savier ng mag-isa. Isa pa, kung totoo mang ginagamit ko si Ren, para rin naman sa kanya ‘yon. I’ll be saving her the heartbreak. Alam nating lahat kung saan hahantong ‘yang kagagahan niya kay Savier.” They shivered at the thought. Inignora ko lamang iyon at bumalik na sa pagso-solve ng rubics cube nang makarinig kaming lahat ng sigaw mula sa kusina kung saan nagtungo si Ren.  Napatalon kami patayoat napasugod kung saan nanggagaling ang malakas na sigaw ni Ren at ng tunog ng basong bumagsak sa sahig. Nang humantong doon ay nakita naming nagtalunan mula sa bintana ng kitchen ang ilang mga kalalakihan papasok. Muntik na akong mapabuntong hininga’t mapamura sa sobrang frustration. Mafia’s pets again. “Get away!” sigaw kina Ren saka kinuha ang kitchen knife na nakabaon sa holder at sinaksak ang isang susugod. I threw the knife towards the man na naghahandang maglabas ng syringe na may laman marahil na pampatulog. Ang kaso’y naunahan siya ng kutsilyo at tinamaan sa dibdib kaya patay. Buti nga sa ‘yo. Hindi ko namalayan ang lalaking humawak ng kamay ko mula sa likuran. Inis na hinarap ko siya, ipinorma ang dalawa kong daliri at walang sabi-sabing itinusok iyon sa kanyang mga mata. Napaatras siya na sumisigaw. Tatawa na sana ako dahil sa reaksyon niya nang maramdaman ko iyon. Ang baril na nakatutok sa likuran ng ulo ko. “Don’t move. Hindi ako magdadalawang isip na iputok ‘to sa ulo mo.” Hindi sa takot akong iputok nga niya sa bungo ko ‘yong baril. In the first place wala naman akong pakialam. Ang problema’y may kasama akong iba. Naririto sina Ren. Sina Fifie, Denden at Sae. Wala silang kinalaman sa nangyayari. Wala akong tiwalang iaabswelto sila ni Gino. “Sandali lang, Fafa Gino! H-H’wag mong gagawin ‘yan kay Yan-yan! Masyado siyang maganda para mamatay sa ganyan.” Napairap ako sa pagtili ni Denden. Gaga talaga ang isang ‘to. Hindi umimik si Gino ngunit naramdaman ko ang pagtulak niya ng baril sa ulunan ko. “Lakad. Labas, Maryan.” Tumiim ang bagang ko. Naunang umalis sa kusina sina Sae, Denden, at Fifie. Atubili si Ren na sumunod ngunit nahatak siya noong tatlo. Napilitan akong maglakad, nag-iisip kung anong maaari kong gawin o gamitin para mabitawan ng impaktong ito ang baril na itinututok niya sa akin. Napaka-unfair naman kasi. May armas siya, ako wala. Kahit kailan talaga maduga ‘tong tarantadong ito. Sinapit namin ang sala. Doon ako nakakuha ng pagkakataon na pumihit at makapuntos ng sipa sa mukha niya. Nabitawan niya ang baril. Umatake akong muli at gagamitan sana siya ng nerve control ngunit nasalo niya ang kamay ko at ipinilipit iyon sa aking likuran. Napasigaw ako. “Ouch! Damn you, bastard, masakit ‘yon!” Tumulak ako patalikod na siyang nagpaatras kay Gino. Sa paggalaw niyang iyon—bagaman at nadagdagan ang puwersa sa braso ko dahil naipit iyon sa aming pagitan—lumuwag naman ang kanyang pagkakahawak doon na nagbigay sa akin ng tsansang baliktarin ang posisyon at pilipitin ang kanyang kamay sa likuran. “Ah-ah-ah! Aray!” Sinipa ko ang isa sa mga vase do’n para mabasag. Dumampot ako ng bubog saka ko hinawakan sa buhok niya si Gino mula sa likuran at itinutok sa leeg niya ang matalas na bubog. Sa talim niyon ay agad na nagmarka sa kanyang leeg.  “Yan!” sigaw niya na nagpupumilit iiwas ang kanyang leeg sa patalim. “H’wag d’yan, h’wag sa parteng ‘yan! That’s my wife’s favorite part!” Napanganga ako. Kinikilabutan ako sa sinabi niya! Talagang kailangan isama niya si Hime sa usapan? “Kadiri ka! p*****t! Mangilabot ka nga sa sinasabi mo! Lahat na lang ng babae! Ugh!” “Heyyy! Sa asawa ko lang ako gano’n sa maniwala ka’t sa hindi.” “Sinungaling ka! Sinong maniniwala sa ‘yo?” “They will.” Saka niya itinuro sina Fifie, Denden at Sae na magkakapanabay na nagkibit ng kanilang mga balikat. Pinaningkitan ko ng mata ang kapatid ko. “Gago.” Diniin ko ang matalas na parte ng basag na bubog sa kanya. Nagdugo ang balat ng bahagya. Pinipilit pa rin niyang mag-iwas ngunit mas limitado na ang galaw niya ngayon, sa pag-aalala marahil na baka sa maling galaw ay lumala ang matamo niyang sugat. Hindi ako nagdalawang isip na tuluyan siya kung hindi lamang ako napatigil sa pamilyar na tinig na sumigaw mula sa pintuan. “Cloud! Holy s**t, drop that!” Narinig ko ang pagsinghap ni Gino sa harapan ko. “Dammit, Serinna, I told you not to come!” Sumimangot si Hime. “May karapatan akong magpunta dito, tonto! Bestfriend ko ‘yang may hawak sa ‘yo at sangkot ka rito!” bulyaw niya kay Gino pagkatapos ay sa akin bumaling. Sa gilid ng mata ko’y nakita kong gulat na gulat din sina Sae, Denden at Fifie sa biglaang pagsulpot ni Hime. “Ibaba mo na ‘yan, Cloud, utang na loob. Asawa ko ‘yang tinututukan mo ng patalim.” Nakakadiri. Ugh! Kahit kailan hindi ko inisip na maririnig kong tatawagin ng matalik kong kaibigan ang impakto kong kapatid bilang asawa. Ano na bang nangyayari sa mundo? Is this what Dante Alighieri likes to call the Divine Comedy? Para kasing binibiro lang ako ng tadhana eh. “Kapatid ko siya, Hime. Remember? ‘Yong kapatid kong nangangati akong patayin!” “Hindi mo siya pwedeng patayin, Cloud! Madami nang nagbago, okay? Nagbago na rin ang kapatid mo. C’mon, ibaba mo na ‘yan. Pag-usapan natin ito. You trust me, right? You trust me the most. Let go of Gino, we talk. Just talk.” Oddly enough, she sounded very… police-like. Iyan ba ang nagagawa ng pagiging ZAFT agent? Hindi ko namalayang napahigpit ang hawak ko sa bubog habang nakikinig sa mga kabalbalang nalalaman ni Hime. Naramdaman ko ang pagdurugo sa palad ko, ang pagtulo niyon sa leeg ni Gino na nagpasinghap sa kanya. “s**t, Yan, don’t hurt yourself.” He whispered. At hindi ako makapaniwala pero parang… parang naringgan ko ng pag-aalala ang kanyang tinig. Ah no. Can’t be. Must be my imagination. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Erinne. Nahuli ko rin ang pagkuyom ng kamao ni Gino na palagay ko’y naghahanda nang sumuko at tanggapin ang kanyang pagkatalo. Napakunot ako ng noo. Hindi nga siguro ganoon kagaling si Gino bilang agent pero sa pagkakatanda ko’y may ibubuga ang mokong na ito. Kaya niya akong baligtarin kung tutuusin. Ano bang nangyayari? “Serinna, just go. You can’t stress yourself, dammit!” giit niya kay Hime na nananatili sa kinatatayuan niya. “Gago! Tantanan mo nga ako, Ginoboy. Hindi ako inbalido para kailanganing mahiga parati. Iniwan mo akong nagsusuka kanina at nag-aalala sa mangyayaring komprontasyon ninyo ng bestfriend ko.” Stress… Nagsusuka… Oh damn it. Don’t tell me… “A-Anong nagsusuka? Anong stress? M-May sakit ka?” Mas okay pa sana kung sasabihin nilang may flu si Hime. Matutuwa pa ako. Pero ang sunod niyang sinabi’y naging effective para mapakawalan ko si Gino. “You can’t kill Gino, Cloud. I’m pregnant.” Oh s**t. Itinulak ko si Gino. Sinalo siya ni Hime na kaagad na yumakap sa asawa. Nag-iwas ako ng tingin. Ang sakit kasi sa mata. Sa halip ay napatingin ako kina Sae, Fifie, Denden at Ren na parang may hinihintay na reaksyon mula sa akin. Nasapo ko ang noo ko. Pambihirang buhay ito! “Pakipaliwanag nga sa akin kung bakit ka biglang nabuntis, Hime.” Tiim-bagang akong muling bumaling sa matalik kong kaibigan. “Oh, little sister, I’m sure you know the process. You know about the birds and the bees.” Nakangising sagot ni Gino na parang ipinagmamalaki pa niya ang ginawa niya. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. “Gusto mong mabalian na ng tuluyan?” Tumikhim siya’t nagkamot sa ulo. “Err… okay na ako, thanks.” Nailing si Erinne sa asawa ngunit mayamaya’y bumaling sa akin, ang ekspresyon niya’y napupuno ng pagmamakaawa. Na para bang may gusto siyang hingin sa aking alam niyang hindi ko ibibigay. “Cloud… pwede bang sumama ka sa amin? Gusto ka lang namang makausap ni Gino, eh. Please. Trust me this time, Yan. Sandali lang. Sandaling-sandali lang, pahingi lang ng kaunting oras mo.” I cannot see where this is leading but I had to make sure that the girls will be fine at dapat lang naman talagang umalis ako sa mansyon na ‘to bago pa ako may masirang kahit na ano dito. “I’ll call my people. Sila nang bahala sa mga tao sa kusina n’yo.” Marahang wika ni Gino kay Ren habang papalabas kami ng mansyon. Sumakay kami sa kotse niya. Magkatabi sila sa harapan ni Erinne. Nakikita kung paano alagaan ni Erinne ang kapatid ko habang nagmamaneho ang kumag. Naro’n nang punasan niya ang dugo na nasa leeg ni Gino. Nagbubulungan pa sila. Nakakasuka. Don’t tell me she’s really in love with the bastard? Napahinga ako ng malalim. Buhay nga naman. “Cloud.” She handed me a towel na tinaasan ko lamang ng kilay. “Your hands, wipe the blood.” Kinuha ko ‘yon at inipit lamang sa aking palad sa pamamagitan ng pagkuyom. Sa kakapanood ko sa kanilang mag-asawa at sa pagpipigil na masuka ay hindi ko namalayang huminto ang kotse. “We’re here.” Sabay anunsyo ni Gino. Pumarada ang kotse. Bumaba silang dalawa. Saglit akong nag-atubili ngunit bumaba rin at sumunod sa kanila. Napakunot ako ng noo sa nakikita ko. Kaharap ng bahay ang malinaw na view ng karagatan. Sa tabi ng bahay na iyon ay isang green house na mula sa aking kinatatayuan ay natatanawan pa ng samu’t-saring mga bulaklak. “Beach house?” usal ko, hindi makapaniwalang sa ganitong ka-simpleng kapaligiran titira sina Hime at ang kapatid kong matagal nang choosy pagdating sa bahay. This is more like… my type. Natigilan ako nang mapagtanto ang nais niyang iparating sa akin sa pamamagitan ng beach house na ito. Matamis siyang ngumiti na para bang nauunawaan niyang nakuha ko ang gusto niyang sabihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD