Plan Twelve

2265 Words
Plan Twelve Her Plan “You can’t just throw me all of those, Hime. At least iisplika mo naman sa akin kung bakit ko kailangan ng mga bagay na ito at kung para saan ang mga ‘to!” angal ko na inis na inis na kanina pa sa ginagawa niya. Tumingin siya sa akin saka pabuntong hiningang iniikot ang kanyang mga mata. Para lang akong isang trash can sa kama niya na tinatambakan ng mga damit niyang hindi niya ginagamit. May kung anu-anong ando’n na hindi ko naman malaman kung para saan. Seriously? May mga maayos naman akong damit, ah! Bakit pa niya ako kailangang pahiramin ng damit niya? “Come on, tama na ‘yang pag-iinarte mo. Magsha-shopping tayo.” Saka hinatak niya ang kamay ko palabas ng kwarto. Nadatnan namin si Gino na nakikipaglaro kay Calila sa sala. May lalaking teenager namang naroon na pinanonood ang mag-ama. Base sa narinig ko, Coco ang pangalan niya. Like duh? Who in their right mind would name their kid next to a coconut? Not unless pinaglihi siya sa buko. Pero mukhang hindi naman dahil ang layo naman ng mukha niya sa buko. “Gino, we have to go shop. Kailangan ni Cloud ng mga gamit at damit.” Tumingin siya sa amin. Binalingan ko lamang ng masamang titig si Erinne ngunit hindi niya ako pinansin na mas lalo ko pang ikinairita. Binuhat ni Gino si Calila. “Oh, okay.” Ano? Anong okay? “Hey, dito na lang tayo. Ayokong lumabas. Okay lang ako, marami akong damit na pwedeng gamitin. Honestly. Dito na lang tayo.” Inirapan ako ni Hime. “Tse, manahimik ka nga d’yan. You have no cool clothes, you have no phone, no laptop, no shoes and bags. I have to get you something.” At sa kasamaang palad, sumang-ayon pa ang kapatid kong mukhang under ng asawa niya. “Yeah, Serinna’s right, Yan. We have to get you something.” At dahil do’n, diretso na nga kami sa mall. Napagkaisahan na ako, eh. May magagawa pa ba naman ako do’n? Isa lang akong inosenteng dalaga na walang kaalam-alam sa mga ganyan. “Oh. Ito?” umang sa akin ni Hime ng nadampot niyang damit. Napaatras kaagad ako. Nasa likuran ko si Gino na buhat si Calila at umiwas nang muntik ko silang mabunggo. “Tigilan mo ako d’yan, Hime. Baka masakal kita ng wala sa oras.” kumuha ba naman ng pink na shirt? Agad niyang binitawan ang damit. “Joke lang, hindi ka na mabiro. Alam ko namang wala kang gustong kulay kung hindi black and white. Alam ko namang hate mo ang penk. Oh sya tara do’n.” Out of frustration ay tinignan ko si Gino para iparating iyon. “Wrong choice of best friend.” Napakamot siya sa likuran ng kanyang ulo. “Yeah, same sentiment.” Wala na siyang ibang nasabi pa nang hatakin ako ni Hime sa isang section doon. Kukuha siya ng isang item saka itatapat sa akin. Noong nakapag-decide siya sa unang choice, bigla siyang napahinto ‘tapos tumingin kay Gino. “Kailangan ng taga-bitbit.” Aba sosyal. Kailangan talaga ng alalay. Hindi ba pwedeng kami na lang ang magbitbit n’yan? “Bitbit ko si Cali.” Wika naman ni Gino na iniumang pa ang anak niya para i-emphasize ang kanyang punto. “Tawagan mo si Xena.” Nanlaki agad ang mata ko pero bago pa ako makapalag eh nakatawag na si Gino. Taray. Hong bileeees. So wala akong nagawa kung hindi ang samahan silang maghintay para kay Xena sa harapan ng section na iyon. Walang problema doon sa dalawa kasi may topic silang pinag-uusapan at nilalaro si Calila. Eh ako, dakilang out of place. Ikatlong gulong. In english, third wheel. “Gin— Heather?” lumuwa ang mga mata niya nang mapahinto’t mapagkilanlan ako. Lumingon kaming lahat. Oh well. Dumating na siya. Kumunot ang noo ni Gino at sa huli’y sa akin matamang tumitig. “Magka… kilala kayo?” “Ah, yes.” Natatawang sagot ni Xena. “Schoolmates. T’saka… kaibigan siya nila Fifie kaya magkakilala kami. ‘Di ba, Heather?” Tumango na lang ako kahit hindi naman totoo. Nagkakilala lang kami kasi gusto niyang gantihan si Savier samantalang ako ay nag-iispiya sa parehong lalaki para kumpirmahin ang kasalanan niya sa akin. Sinungaling din talaga itong si Xena eh ‘no? “Wow, good.” Nakangiting wika ni Erinne saka kumindat sa akin. “Cloud, single ‘yan si Xena.” Napanganga ako kasabay ng pagre-react ni Gino. “Serinna ko naman, h’wag mong binebenta ang kapatid ko.” “Okay naman silang tignan, ah.” Depensa niyang inilangan ko. Gaga ba talaga siya? “Isa pa kaibigan mo naman si Xena. We both know him. Might as well.” Kibit balikat niya. Tumingin si Gino kay Xena na tumatawa lang. Mukhang sasang-ayon na siya kay Erinne kaya umigkas ang kamay ko at lumanding sa ulo niya. Dapat lang na batukan. Inaatake ng sapi. “Aw. Masakit ‘yon.” Angal niya habang hinihimas ang likuran ng kanyang ulo. “Tigilan n’yo ‘kong dalawa, kakatayin ko kayo ng buhay.” Pagbabanta ko na masama ang tingin. Badtrip naman kasi itong mag-asawang ito. “Ay nako tara na nga.” sabay salaksak ni Erinne ng hawak niyang itim na damit kay Xena at lumayas. Nagkatinginan kami ni Xena. Magkapanabay na nailing dahil pareho kaming trap sa sitwasyong hindi naman namin gusto. Naging follow the leader ang drama namin. Erinne will pick out an item, itatapat sa akin para suriin kung tama ang sukat pagkatapos ay ibabato niya iyon kay Xena. Kaya pagkalaon, parami ng parami ang bitbit na damit ng kawawang achoy namin. “Wooooow! Ang ganda ng printed bikini!” Napakunot ako ng noo. Erinne likes bikinis. Malamang kanya ‘yan. Imposibleng bibilhin niya iyan para sa akin. Baka madagukan ko na talaga siya ng tuluyan. “Ma’am, pwede n’yo pong i-fit ‘yan.” sabi ng saleslady na tumabi sa kanya nang damputin niya iyon. Nakita kong kuminang ang mata ni Gino. Bigla-bigla na lang eh isinalaksak sa akin ang karga niyang bata pagkatapos ay hinila si Erinne sa fitting room. Naiwan kami ni Xena do’n na nakanganga. “Ano ‘yon?” Natawa na lang si Xena na parang gusto niyang sabihin sa aking may milagrong mangyayari sa mahiwagang fitting room na ‘yan. Ugh! Bakit ko ba naisipang sakyan ang trip ng mag-asawang monggoloyd na iyon? “Tita?” Napatingin ako kay Calila. Hinawakan niya ang mukha ko na parang naa-amuse siya. “Beautiful Tita.” Napangiti ako. Sa sulok ng mga mata ko’y nakita kong ngumingisi rin si si Xena na parang asong ulol. Anong nginingiti-ngiti niya d’yan? “Hoy, mukha kang asong ulol.” Natawa siya. “Sorry. It’s just that… you look stunning. Tama si Calila. Maganda ka, Heather.” Ayuuun. So kailangan talagang mambola? Iiling-iling akong naglakad papunta sa fitting room na pinasukan ng dalawa at sinipa ang pintuan no’n pero hindi bumukas kasi naka-lock ang pintuan. “Bilisan n’yo nga ‘yang quickie n’yo! Nagugutom na kami!” kahit hindi naman gaano. Tumabi sa akin si Xena na maraming bitbit na damit. Honestly nakakahiya. To think na pinagbitbit siya ng mga damit kong halos mga pili lahat ni Erinne. Black and white ang mga kulay at karamihan ay tank tops and daring clothings. Babaeng iyon talaga. Ginagaya ako sa kanya. “Xena?” napapitlag ako nang may matinis na tinig ang tumawag sa kanya. “Oh my gosh, babe si Xena oh!” Napalingon kaming pareho. At pareho ring umarko ang kilay namin nang makita ang isang babae—hindi si Ren—pero kasama si Savier na nakakunot ang noong nakatingin sa amin. “Sino… ka?” litong tanong ni Xena na mukhang iniisip kung saan niya nakita ang babaeng iyon. “Oh.” Natawa ang babae at may pahimas-himas pa sa braso ng katabi ko. “Nagkita na tayo sa hotel dati when you fetch Savier my honey. Hindi mo ako natatandaan?” Ang dami kasing babae. Nalilito tuloy pati si Xena. Napabaling ang kaharap namin kay Calila at pati na sa akin. Lumapad ang ngiti niya. “Oh my gosh, is this your child? Infairness ah, ang ganda ng mag-ina mo. Sabi ko na nga ba magaling ka ring pumili.” Flirty ang ngiting iginawad niya kay Xena. Grabe. Isa ring hindi makamot ang kakatihan. “Anong ginagawa n’yo rito?” kaswal na tanong ni Savier kay Xena. “Sinasamahan ko si Maryan na bumili ng basic needs niya. Shopping in short.” At para bang nang-aasar ay kumindat pa siya sa akin. Nginiwian ko siya ng lihim. Tumango naman si Savier at nagpaalam na. Nagkatinginan kami matapos niyon. Magsasalita sana siya nang lumabas sina Gino at Erinne na inaayos ang buhok niya into a ponytail. Nakalimutan ko ang naging encounter namin kay Savier dahil sa inis ko sa dalawa. “Nakakadiri kayo! Alam n’yong nasa mall tayo at nasa pampubliko kayong lugar. Wala na ba talaga kayong kahihiyan?” Pero sa kasamaang palad, hindi yata tumalab ang sermon ko sa kanila lalo na kay Hime. “Maryosep naman, Cloud. Para namang hindi mo ginagawa ‘to.” Inambaan ko siya ng suntok na tinawanan ni Calila na akala yata’y naghaharutan kami ng nanay niya. “Gaga. At least not in public.” “Private naman ang fitting room, ah.” Depensa ni Gino na kinuha si Calila mula sa akin at nginitian ang anak niyang tumatawa. Napanganga ako. Diyos ko po! Masisiraan ako ng bait sa mga ito! “Well then let’s go to the counter.” Anunsyo ni Erinne mayamayang matapos siya sa p*******i. Tinungo namin ang counter. Bago pa man makapaglabas ng wallet si Gino’y naunahan na siya ni Xena. Kaya para kaming mga ewan na shocked na nakatingin sa kanya. At marahil ay napansin niya iyon nang ngisi siyang bumaling sa amin. “What? Pinagbitbit n’yo na rin naman ako de lubusin n’yo na ang pag-alila sa akin.” Umismid si Erinne. “Trip na trip mo rin ang pagpapaalila, ah. May gusto ka kay Cloud, noh? Papa-impress ka pa ah.” Tumawa lang siya ngunit hindi sumagot. Hindi ko tuloy malaman kung uma-acting lang siya o ganyan na talaga ang pag-iisip ng kumag na ‘yan. Sunod na pinuntahan namin ang cell phone store sa pamimilit ni Gino. Gusto raw nila akong bilhan ng cell phone. Sino ba naman ako para tumanggi sa libreng telepono? “Good afternoon po, Sir, Madames.” Nakangiting bati ng saleslady. Nagkatinginan kami ni Xena nang pareho naming mapansin si Savier na naroon din. Saglit siyang tumingin sa amin pero hindi na kami pinansin pagkatapos. Iyong saleslady naman eh kinakausap ‘yong dalawa para i-explain ang mga bago nilang promo at kung anu-anong bagong model. I proceeded to take a look at the cell phones na nakalagay sa isang glass. Actually lahat naman pwede sa akin basta’t nagagamit ng maayos. Kaya lang susulitin ko na since treat naman nila ang lahat. Natigilan ako sa pagsusuri at pagtitingin-tingin nang halos makabungguan ko na ang mukha ni Savier. Tumingin siya sa akin. Napatingin din ako sa kanya at nagtatakang kinukuwestyon siya ng ekspresyon ko. Magkatabi na kami ni Savier at halos one inch na lang ang layo ng mukha naming dalawa habang nagtitingin sa mga cell phones na naka-display. Saglit lang niya akong tinignan ‘tapos lumakad-lakad na ulit habang ako’y naiwan ng nakatanga sa sobrang pagka-weirdo ng ikinikilos niya. Wow. Abnormal talaga. “Ito na lang.” sabay turo ko do’n sa touch screen na phone na kulay black. Ang sabi ng saleslady Nokie Lumia 900 daw ‘yon. Hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin ng mga sinasabi niya kaya’t nevermind na lang. Bahala na nga si garfield sa paggamit n’yan. “Oh tarang kumain.” Ngiting yaya ni Gino pagkalabas namin doon. “Sa’n n’yo gusto?” “Gusto ko sa greenwhich.” Kibit-balikat kong sabi dahil nagke-crave ako sa pizza. “Ako rin, Tita, inwhich!” panegunda ni Calila na itinaas pa ang kanang kamay. Tumaas ang kilay ko. Anong inwich? Saglit lang kaming kumain sa greenwhich. Pag-uwi’y sa sasakyan ako ni Xena napunta. Iyong mag-anak eh s’yempre sa kotse ni Gino. Alangang sumabay ako ro’n? Tahimik kami ni Xena habang buma-byahe. Inaalala ko ang nangyari kanina, iyong babaeng nakita namin na kasama ni Savier. Naisipan kong usisain siya sa bagay na iyon. “Hindi alam ni Ren na niloloko siya ni Savier?” Sumulyap sa akin si Xena pero bumalik din kaagad sa kalye. Nakita ko ang pagguhit ng mapait na ngiti sa kanyang labi na hindi ko mawari kung saan nanggagaling. “Hindi malalaman ni Renee ‘yon. Laruan siya ni Savier at hindi obligasyon ni Savier ang sabihin ‘yon sa kanya. It’s our obligation. Kung gusto natin siyang masaktan, that is.” Natahimik ako, walang maisagot. Muli kong binalikan ang encounter namin kanina kay Savier. May mali, eh. Weird. May nakita ako sa mga mata niya kanina na hindi ko maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD