KUYA

1591 Words
NOT A TYPICAL OTHER WOMAN By JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 4   Hindi na lang ako nagsalita. Nakita kong namula ang maputi niyang mukha at napaupo. Nakailang hakbang na ako palayo sa kaniya nang makasalubong kong palapit si Papa. Huminto ako. Dinaanan niya ako at dire-diretso siya kay Kuya. "Tapatin mo nga ako gago ka... bakla ka ba?" salubong ang kilay na tanong ni Papa. Lumapit ako. Bihira kasing manigaw o magalit si Papa. Siguro dahil takot din kaming bigyan siya ng kahit anong dahilan para magalit sa amin. Hindi sumagot si Kuya. Gusto kong ako na lang sana ang magsabi kay Papa na hindi bakla si Kuya. Katunayan, girlfriend niya yung isang babae kanina pero kung ako aamin para sa kanya na girlfriend niya yung isang babaeng pinalayas ni Papa ay mas magagalit siya sa amin. Ang hirap kasi ng sitwasyon ni Kuya, may girlfriend pero hindi niya masabi. Hindi niya mapatunayan kay Papa na lalaki siya. Kung bakit kasi ganoon ang isip ni Papa, kapag may baklang kaibigan si Kuya, bakla na rin ito? Saan kaya nanggagaling ang galit niya sa mga bakla? Pati tuloy ako, nahawa na sa kanya. Tahimik na tinungo ni Kuya Daniel ang aming hagdanan. Pagtalikod niya ay hinablot ni Papa ang kuwelyo niya sa likod. Hanggang sa nakita ko na lang ang malakas na suntok ni Papa sa tagiliran ni Kuya Daniel. Sobrang siyang nasaktan kaya ito napasalampak at namilipit sa sakit. "Kinakausap kita tarantado ka ah. Huwag kang bastos ha,” singhal ni Papa sa kanya. “Pa, tama na po. Nasasaktan po ako.” Itinaas ni Kuya Danile ang kanyang kamay. “Talagang sasaktan kitang hayop ka!” sinipa niya ito sa tagilran. Namilipit si Kuya sa sakit. Hindi pa nakuntento si Papa. Hinawakan niya si Kuya sa leeg. Sinakal. “Kung bakla ka tang-ina mo, hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin. Umayos ka gago! Hindi mo na ako nirespeto. Kabilin-bilinan kong bawal ang baklang bisita sa bahay. Bawal ang makipagkaibigan sa mga putang-inang salot na 'yan! Tigas ng ulo mo ha!" “Pa, hindi ho ako makahinga.” Pilit tinatanggal ni Kuya ang kamay ni Papa na sumakal sa kanya ngunit lalo pang hinigpitan ni Papa. Nahihirapan na si Kuya na huminga, halatang nauubusan na ito ng hangin dahil sa pamumula ng kanyang mukha. “Ano ha, tatanda ka na? Papatayin talaga kitang hayop ka kung ayaw mong tumino!” Napapapikit na si Kuya Daniel. Kailangan ko siyang tulungan ngunit paano? Natatakot akong madamay. Ayaw kong sa akin mabunton ang galit ni Papa. “Alfred, ano ba? Diyos ko! Mapapatay mo na ang anak natin!" narinig kong sigaw ni Mama na nagmamadaling lumapit sa kanila. Itinulak niya ng ubod ng lakas si Papa.   Mabilis na suminghap ng hangin si Kuya Daniel. Naubo. Tuluyang bumagsak. Pilit niyang binubuo ng hangin ang kanyang baga. Nanghina siya. Tumingin siya sa akin. Alam kong nakita niya ang aking pagluha. Nakita ko si Vicky na noon ay umiiyak na rin sa tabi ko. Akala ko mamamatay na si Kuya kanina. Hindi ko pa rin magawang kumilos. Hindi ko pa rin alam ang aking gagawin. Sobrang natakot ako kay Papa. Noon alam ko, kaya ngang patayin ni Papa si Kuya. Ngunit ang mas masakit sa akin ay yung wala naman ginagawang masama si kuya o hindi naman siya nito binigyan ng kahihiyan pero gano’n niya ituring at pahirapan ang kapatid ko.  “Babakla e. Tandaan mo ha? Huling beses na kitang pagsasabihan. Kung hindi ka marunong sumunod sa batas ko, pwede kang lumayas dahil ayaw kong may kasamang bakla sa pamamahay ko! Kung hindi ka naman lalayas, ako mismo ang papatay sa’yo kaysa magiging pabigat at salot ka sa lipunan!” “Alfred ano ba! Anak mo ‘yang pinagsasabihan mo ng ganyan. At hindi siya bakla. Hindi niya alam kung saan niya ilulugar ang sarili niya! Bawal siyang mag-girlfriend so, paano niya patutunayan sa’yo na lalaki ang anak mo! May barkada lang na bakla, pag-iisipan mo agad na bakla na rin ang anak mo. Ikaw ang dapat nakakaramdam kung bakla o hindi ang anak mo at alam kong alam mo na hindi siya bakla! Huwag mong idamay ang anak mo sa galit mo sa-” parang biglang natigilan si Mama. Nakita niya kasing itinaas na ni Papa ang kamay niya para sampalin siya. “Basta ang batas ko ay batas na kailangang sundin habang nandito pa ang mga anak mo sa aking pamamahay.” “Ganyan ka na ba katigas? Ganyan ka na ba binago ng kasalanan ng ibang tao sa’yo?”  “Hindi na ito tungkol pa sa ibang tao. Tungkol na sa anak mong sumusunod na sa yapak ng…” tumigil siya. Halatang lalo pang nagalit. “Yan ang sinasabi ko noon pa sa’yo na huwag mong sinasanay ‘yang anak mo na ‘yan hindi ka nakinig sa akin.” “Kung may galit ka sa nakaraan mo, huwag mong ibunton sa anak mo. Ni hindi ka nga sigurado kung ano siya. Sige, hayaan mong malaya silang manligaw para patunayan sa’yo na mali ka lang ng hinala. Wala ka ring karapatan na higpitan o saktan siya. Anak natin siya oo, ngunit hindi natin siya pag-aari at hindi natin hawak ang katawan, puso at isip niya.” “Hayan! Kaya ‘yan nagkakaganyan kasi nga kinukunsinti mo! Sa harap pa talaga ng ibang mga anak mo? Para mo na ring sinabi na ayos lang na baliin ang mg autos ko. Pinamumukha mo tang-ina na walang kwenta ang pangaral ko sa mga anak ko!” “Mali ang paraan mo. Mali ang kaisipan at pananaw mo. Lahat na ng tao sa mundo Alfred, naka-move on na sa pagkakaroon ng anak ng bakla at hindi sana ako kokontra kung totoo ang bintang mo. Ikaw na lang Alfred ang naniniwala na ganyan ang anak mo!” sumisigaw na si Mama. “Talaga? Pagsabihan mo ‘yang anak mo. Habang ako ang nagpapalamon sa inyo, wala kayong karapatang suwayin ako. Ngayon kung ayaw ninyo sa patakaran ko, malaya kayong makakaalis mga punyeta kayo!” singhal ni Papa saka siya umalis at dinig ko pa ang malakas niyang pagbalabag sa pinto ng kwarto nila ni Mama. Lumuhod si Mama. Niyakap niya si Kuya habang nakasalampak pa. “James, kumuha ka ngang tubig.” “Ilang balde po ‘Nay?” biro kong sagot para lang gumaan ang pakiramdam naming lahat. “Tubig, tubig na mainom. Anong balde ang sinasabi mo e gising naman ang kuya mo.” “Akala ko kasi ibubuhos.” Napangiti si Mama pero pinigilan lang niya. Pinunasan ni Mama ang luha ni Kuya. "Tumayo ka na anak. Alin ang masakit ha? Nakahihinga ka bang maayos?" Noon ko lang uli nakitang nagalit si Papa ng husto. Nang huli kong makitang magalit at pinalo si kuya ay noong pinapakialaman at binibihisan ni kuya ang Barbie ni Vicky. Mga bata pa kami noon. Katunayan, ako rin ay kasama niya noon sa pagdadamit sa ilang dolls ni Vicky. Tuwan-tuwa kami noon pero mga bata pa kami. Naroon din ako noon kaya lang si kuya ang naaktuhan ni Papa na may hawak sa Barbie samantalang ako ay kakatapos ko lang bihisan ang isa din ngunit nabitiwan ko na noon at hawak ko na ang robot kong laruan. Si Kuya ang pinalo at sinabi pa ni Papa na dapat gayahin ako ni kuya na mahilig lang sa mga laruang panlalaki. Nainis ako. Nang dahil sa mga baklang bisita niya ay nagawang suntukin ni Papa si kuya. Ibig sabihin ay ganoon na pala kalalim ang galit nito sa mga bakla. Mula noon, naging malamig na ang pakikitungo ni kuya kay Papa. Iniiwasan niya at kapag nagbabakasyon siya ay mas gusto ni kuya na magkulong sa kuwarto. Kapag umaalis naman si Papa ay parang hindi maipinta ang saya sa mukha ni kuya. "Bakit mo ba lagi kasing sinusuway si Papa kuya?" tanong ko nang minsang galing siya sa labas at nakipagkuwentuhan sa mga barkada niya. "Ang tanungin mo ay dapat si Papa. Bakit ang higpit niya sa atin? Bakit ba napakabigat ng dugo niya sa mga baklang barkada ko e, hindi naman siya pinakikialaman. Wala na kasi sa lugar ang pagdidisiplina niya." "Kaya ka niya sinasaktan kasi matigas ang ulo mo. Wala naman mali sa mga pinagagawa sa atin." "Siguro sa iyo, wala. Sa akin meron. Nag-aaral naman ako ng mabuti. Lagi nga akong top sa klase pero nakikita ba niya iyon? Ikaw nga ni hindi ka nasasabitan ng medalya kasi puro basketball lang ang inaatupag mo pero mas paborito ka pa niya sa akin. Saka alam ba niya tungkol sa inyo ni Cathy?" “Uyy wala namang ganyanan kuya. Gusto mo isumbong rin kita tungkol kay Janine?” “Sus. Kahit naman malaman niya, ako lang ang pagagalitan. Paborito ka no’n eh.” "Wala naman paborito si Papa sa atin. Pasaway ka lang kasi." "Pasaway na kung pasaway." Pumasok na siya sa kuwarto niya. Isang gabi ay nagising ako sa ingay. Tinignan ko ang alarm clock ko, lagpas ng alas dose pa lang ng hatinggabi. Napapikit pa rin ako sa antok pero nagulantang ako sa tinig ni Papa. Parang kulog iyon na dumagundong sa buong kabahayan namin. Napabalikwas ako at paglabas ko ng kuwarto ko ay nakita kong hila-hila ni Papa ang si Ate Janine. Ang girlfriend ni Kuya. Walang saplot sa katawan. Sumilip ako sa loob ng kuwarto at nakita ko si kuya na nakabalabal lang ng kumot na parang nabigla sa bilis ng pangyayari. Nang gabing iyon, sinubok ang aming pamilya. Nawasak dahil sa katigasan ng ulo ni Kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD