LUPIT

2368 Words
 NOT A TYPICAL OTHER WOMAN By JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 5 Isang gabi ay nagising ako sa ingay. Tinignan ko ang alarm clock ko, lagpas ng alas dose pa lang ng hatinggabi. Napapikit pa rin ako sa antok pero nagulantang ako sa tinig ni Papa. Parang kulog iyon na dumagundong sa buong kabahayan namin. Napabalikwas ako at paglabas ko ng kuwarto ko ay nakita kong hila-hila ni Papa ang si Ate Janine. Ang girlfriend ni Kuya. Walang saplot sa katawan. Sumilip ako sa loob ng kuwarto at nakita ko si kuya na nakabalabal lang ng kumot na parang nabigla sa bilis ng pangyayari. "Sino ‘to Daniel ha! Sino ka!" tinulak tulak ni Papa si Ate Janine. Nakatingin si Janine kay Kuya. Nakikusap na sabihin ni Kuya kay Papa kung sino siya sa buhay niya. Ngunit nagulat si Kuya at natakot, kaya halatang blangko ang isip niya. Ni hindi niya magawang ibuka ang kanyang mga labi.   Ngunit nang hawakan sana ni Papa si Ate Janine ay mabilis na iniharang ni Kuya ang sarili niya. Dahil sa ginawang iyon ni Kuya ay lalong nag-init si Papa sa galit. Malakas na suntok ang pinakawalan ni Papa sa panga ni Kuya. Sinundan iyon ng isa pang sipa sa sikmura. Sa lakas no'n ay napasubsob na si Kuya sa gilid ng kuwarto. Sinabunutan ni Papa si Ate Janine. Kinaladkad na walang saplot sa katawan at malakas niyang itinulak saka niya sinipa ng ubod ng lakas palabas ng kuwarto. "Umalis ka rito! Baka mapatay kita tang-ina mo!" sigaw ni Papa kay Ate Janine. Mabilis na kinuha ni Kuya Daniel ang damit ni Ate Janine at inihagis nito sa kanyang girlfriend. "Umalis ka na Janine. Bilis!!!" sigaw ni Kuya nang maihagis niya ang damit nito. Hinarangan ni Kuya si Papa. Handa niyang gawin ang lahat huwag lang masaktan ang kanyang  pinakamamahal. Nakita ko kay kuya kung gaano niya kamahal si Ate Janine. Siya na lang ang saktan ni Papa huwag lang ang kanyang girlfriend. Awang-awa ako kay Kuya nang sinasaktan siya ni Papa. Parang ramdam ko yung mga sipa at suntok ni Papa sa tagiliran ni Kuya habang iniharang niya ang katawan niya sa pintuan ng kanyang kwarto. Mabilis din namang isinuot ni Ate Janine ang pantalon niya at blouse saka siya nagmamadaling bumaba. Hindi ko nagawang awatin si Papa sa p*******t niya kay Kuya. Duguan na ang mukha ni kuya noon at naroon lang akong nakatanghod. Lumabas si Mama sa kuwarto nil ani Papa. Siya na lang ang alam kong magtatanggol kay kuya. Siya ang inaasahan kong pipigil kay Papa ngunit dala ng pagkagulat, hindi siya agad nakakilos. Saka na lang ito kumilos nang sumigaw na si Vicky sa tabi ko. Paulit-ulit na sinisigaw ni Vicky ang “Tama na Papa. Kawawa ang kuya! Papa!!!!” “Alfred, ano bang nangyayari sa’yo! Ano bang nangyayari dito? Anong ginawa ng anak mo para saktan mo ng ganyan! Anak mo ‘yan! Alfred!” “Sige mangialam ka! Lumapit ka nang dalawa ko kayong masaktan!” banta ni Papa kay Mama. Gumapang si Kuya Daniel palapit sa amin ni Mama. Umaasa siguro siyang tutulungan naming siya at pigilan namin si Papa. "Tang ina mo! Ang lakas ng loob mo gago ka! Lumayas ka! Magsama kayo ng putang inang babaeng iyon." Paulit-ulit sinasabi ni Papa iyon habang pinagsisipa niya si Kuya. Binibitbit niya si Kuya. Hinawakan sa leeg saka niya ito walang awang sinapak sa mukha. Muling bumagsak at nadapa si Kuya. Hindi pa rin tinigilan ni Papa si Kuya kahit duguan na. Sinipa-sipa at dinagukan ng ubod ng lakas. Hindi na siya ang dating Papa ko. Parang ibang tao na siya. Punum-puno ng galit ang kaniyang mukha. Hindi niya tinitigilan si Kuya sa kasusuntok at kasisipa. Nang napagod si Papa sa kasusuntok at kasisipa kay kuya ay pinatayo niya itong muli at hinawakan sinakal niya si Kuya. "Ano ha! Hindi ka titino? Hindi ka makikinig? Astig ka na? Kaya mo na akong suwayin? Kaya mo na ang sarili mo, di ba? Ano! Lumaban ka gago! Labanan mo ako tutal maangas ka naman eh!" Habang sinasabi ni Papa iyon ay mas dumiin ang pagkakabigti niya kay Kuya. Nahihirapan na si Kuyang huminga. Pinilit na ni Kuya na tanggalin ang nakasakal na kamay ni Papa ngunit hindi niya iyon magalaw man lang. Alam kong kung tatagalan pa ni Papa ang pagsakal kay Kuya ay tuluyan na siyang maubusan ng hangin at maari niya itong ikamatay. Sobrang higpit ng hawak ni Papa sa leeg ni Kuya at napapaluha na ito sa kasisinghap ng hangin ngunit hindi talaga niluluwangan ni Papa ang pagkakasakal niya kay Kuya. "Pa! Papa ko, h-indh-I ho ak- ako mak-mak-kahi- nga!" pagmamakaawa ni Kuya kay Papa. Desperado na siya sa kaunting hangin lang. “Papa, mamamatay na si Kuya. Please Papa. Tama na po!” naisigaw ko. Hindi ko lang sinasabi iyon, nagmamakaawa ako para sa buhay ng kapatid ko. "Ano ha! Akala ko ba matapang ka? Akala ko ba kaya mo na ako? Lumaban ka putang ina mo!" "Sorry ho Pa! Patawarin na ho ninyo ako Papa!" umiiyak na paghingi ni Kuya Daniel ng tawad kay Papa. Umaasa kami nina Mama na maaring sa paraang ganoon ay bitiwan na ni Papa si Kuya. At pagkarinig ni Papa sa paghingi ni Kuya ng tawad ay isang malakas na suntok sa sikmura ang muli nitong pinakawalan kay Kuya. Namilipit si Kuya sa sakit ngunit alam kong mas mainam na iyon para tuluyan na munang makasinghap ng hangin si Kuya. Napapaubo si Kuya habang sumisinghap ng hangin. Nahuli ng mga mata ni kuya ang mata kong na nakatingin sa kanya. Alam kong alam niya, nakikita niya sa akin na awang-awa ako sa sinapit niya. Hindi ko kailanman nagugustuhan ang nakikita kong ginagawa sa kanya ni Papa. Umiiyak na ako noon. Ngunit wala akong ginawa. Hindi ang awa ko noon ang kailangan ni Kuya  kundi ang suporta ko ngunit paano ko iyon ipakikita. Lalabanan ko ang sarili kong ama para sa kapatid ko? Nagsisigaw si Mama para awatin si Papa. Nandiyang yakapin ni Mama si Papa habang sumisigaw ng kaunting awa sana para kay kuya. Ngunit ano bang magagawa ni Mama. Mahina lang siya. Hindi niya kayang pigilan si Papa. Ngunit kahit naitutulak na ni Papa si Mama ay patuloy pa rin ito sa pagtulong sa kapatid ko. Natatamaan din siya ng suntok at sipa ni Papa. Ilang suntok din ang tumama sa kanya dahil katawan na niya ang kanyang ipinapangsangga. Samantalang ako ay nanatiling nakatayo lang roon. Wala akong maisip gawin. Gustuhin ko mang awatin si Papa ay natatakot naman akong baka ako lang din ang pagbalingan ni Papa ng kaniyang matinding galit. Sana naiintindihan ako ni Kuya. "Tang- ina mo! Ang kapal ng mukha mong magdala ng babae rito. Ang kapal ng mukha mo na suwayin ang utos ko! Lumayas ka hayop ka! Mula ngayon, hindi na kita anak. Ikaw na ang bahala sa buhay mo!" pagkasabi ni Papa ang pagmumurang iyon kay kuya ay isa pang tadyak ang pinalasap niya habang nakasalampak na ang kapatid ko sa sahig na parang lantang gulay. Tinungo ni Papa ang aparador ni Kuya. Binuksan niya iyon at kinuha niya ang mga damit saka niya ipinaghahagis iyon sa mukha ni Kuya. Nakita kong may umaagos sa taas ng bibig ni Kuya. Dumudugo ang ilong at nguso nito sa mga suntok ni Papa. Napapaluha ako sa mga ginawa ni Papa sa kanya. Parang hindi na kasi anak ang sinasaktan niya. Parang isa siyang kriminal kung saktan. Parang hindi na tao. Hindi ko na nakontrol ang aking pagluha. Kasabay ng pagyugyog ng balikat ni kuya ang pag-iyak ko ngunit sinikap kong hindi hahagulgol. Kahit gaano kabigat sa dibdib kong makita ang sinapit ni Kuya ay ayaw kong makita nang mga kapatid kong humahagulgol ako dahil sa mga p*******t ni Papa. Isa-isang pinulot ni Kuya ang mga damit niya at isinilid niya iyon sa kanyang maleta. Habang ginagawa iyon ni Kuya ay napalingon siya kay Mama na nakayakap kay Papa. Pilit pinapakiusapan ni Mama si Papa. Inihaharang niya ang balingkinitan niyang katawan. Ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para hindi na masasaktan pa ni Papa ang kuya ko. "Tama na, Alfred. Maawa ka naman sa anak mo. Lalaki ang anak mo. Hindi naman iyan mabubuntis. Nag-aaral naman siya ng maayos. Makinig ka naman! Bigyan mo naman ng awa at pang-unawa ang anak mo.” “Awa? Pang-unawa? Maawa ka sa kagaya niyang suwail? Matigas ang ulo ng anak mo. Nagdala rito ng babae at alam niyang isa ‘yan sa pinagbabawal ko habang nag-aaral siya. Nagtatalik sila sa mismong pamamahay natin? Nasaan ang respeto niya sa akin? Nasaan ang pagsunod niya sa mga utos ko?” “Kung palalayasin mo siya, saan naman iyan pupunta.” “E di bahala siya sa buhay niya, magpalaboy-laboy o kaya ay magnakaw. Wala na akong pakialam. Ano bang silbi ng mga suwail na anak sa mundo? Wala hindi ba? Hindi ako manghihinayang na mawalan ng anak kung suwail rin lang naman.” “Tama na, Alfred. Sinaktan mo na ang anak mo. Halos patayin mo na siya. Huwag mo naman palayasin ang bata. Wala yang ibang mapuntahan. Tayo lang ang meron siya, Alfred ano ba!" Umiiyak na pagsusumamo ni Mama. “Mabuti nga’t hindi ko pa napatay ngunit ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha niyan dito sa pamamahay natin!” Nilingon kami ni Kuya. Nakita ko ang paglapit ni Vicky sa kanya. Umiiyak. Niyakap niya ito. “Kuya, huwag ka nang umalis. Dito ka lang ho!” “James kunin mo si Vicky. Baka magaya siya diyan sa gagong ‘yan na maging suwail. Saka baka may sakit na rin ‘yan sa pakikipagtalik sa kung sinu-sinong babae. Malay ba natin baka naman may AIDS na ‘yan!” Lumapit ako. Hirap man sa loob sinunod ko pa rin ang utos ni Papa sa takot. Mabilis kong hinila si Vicky palayo kay kuya. Nakita ko ang mga luha sa mga mata ni kuya. Kagaya ko, umiiyak din siya. Iniiyakan ko ang nangyayari sa kanya. “Ikaw, anong ginawa mo? Di ba pinababantayan ko sa’yo ang kapatid mo?” dinuro ako ni Papa “Nalusutan ka ha, gago!” “Maaga ho kasi akong natulog ‘Pa.” “Ibig sabihin tatanga-tanga ka. Kagaya ka ng Mama mong tatanga-tanga! Lahat kayo rito tanga!” Hindi na lang ako sumagot. Muli kong tinigan si Kuya. Nang matapos mailagay ni Kuya sa maleta niya ang mga damit niya ay mabigat ang mga paa niyang lumabas sa kuwarto ngunit alam kong wala siyang mapupuntahan. Hindi namin napaghandaan na mangyayari sa ito sa kanya. Hindi ko akalain na kaya itakwil ni Papa ang kuya dahil sa maaga itong nagmahal. Nang dahil lang sa nahuli niya itong may katalik sa loob ng kanyang kuwarto ganoon na katindi ang p*******t ni Papa. Bago bumaba sa hagdanan si Kuya ay nilingon niya muna ang kami ni Vicky. Gusto kong magpaalam ng maayos sa kanya. Nakita ko ring gusto ni Kuya na mayakap kami ngunit hindi niya magawa dahil tinitignan siya ng masama ni Papa. Nakita niya naman siguro ang awa at lungkot sa mukha ko. Ang pag-iyak ni Vicky ay nakadagdag sa amin ng bigat ng loob para iwan kami ng mahal na mahal naming panganay. Ngunit kailangan n ani Kuyang umalis. Mabilis niya kaming kinawayan at tinungo niya na ang hagdanan namin. Pababa na siya sa hagdanan noon nang biglang hinabol siya ni Papa. Hindi bumibitaw si Mama noon kay Papa dahil nga pilit niya itong pinipigilang saktan muli si Kuya. Nang makita ni Kuya na aambaan na naman siya ni Papa ng suntok ay umilag ito. Sa lakas ng suntok na iyon kung hindi iilag si Kuya ay maaring mawalan ito ng panimbang at mahuhulog siya sa hagdanan. Ngunit sana hinayaan na lang ni Kuya na mataaman siya at siya ang bumagsak. Nakita ko na lang kasi si Mama na nakayakap kay Papa ang siyang nawalan ng panimbang. Sinikap ko ring abutin ang kamay ni Mama ngunit dahil sa layo ko kay Mama at bilis ng mga pangyayari ay hindi ko nagawang saklolohan pa siya. Bumagsak si Mama sa may kataasan naming hagdanan. Tumama ang ulo nito sa gilid ng semento. Kitang-kita ko ang masaganang dugo na umagos sa aming sahig. Lahat kami ay natigilan na parang sandaling tumigil ang pag-inog ng aming mundo. Ilang sandali pa’y sabay-sabay kaming bumaba. Gusto na naming liparin pababa ang hagdanan para tulungan si Mama. Si Kuya ang unang nakalapit kay Mama. Hindi ko alam ang gagawin ko noon. Nakita kong nahihirapan na si Mama at may luhang bumagtas sa gilid ng kaniyang mga mata. "Umalis ka na anak. May address at telephone number si lolo mo diyan sa likod ng TV. Puntahan mo na lang muna siya." Hirap na bilin ni Mama kay Kuya. Nakita kong may dugong lumabas sa kanyang ilong at gilid ng kaniyang labi. Sa huling sandali ay kaligtasan pa rin ni Kuya ang iniisip ni Mama. "Ma, di po ako aalis na ganyan kayo. Hindi ko po kayo maiiwan. Sorry Ma, pati kayo nadamay." Humahagulgol na sinabi ni Kuya. "Buwisit ka! Wala kang magagawa pa dito gago ka kaya lumayas ka na. Malas ka sa buhay namin." singhal ni Papa kay Kuya. Itinulak niya ito palayo ngunit hindi ito nagpatinag. Sa tuwing itinutulak ni Papa si Kuya ay pilit pa ring lumalapit si Kuya kay Mama. "U-malis ka na anak. Kunin mo yung address ng lolo mo... bi-bilisan mo..." paanas na pakiusap ni Mama kay Kuya. Nakita ko sa mga mata ni Mama ang masidhing pakiusap kaya kahit hindi gusto ni Kuyang iwan si Mama ay sinunod niya ang kagustuhan ni Mama. Pagkakuha ni Kuya sa address na sinabi ni Mama ay tinungo niya ang pintuan. "Please Leny... lumaban ka. Kailangan ka namin ng mga bata. Please..." narinig kong pakiusap ni Papa. Hanggang sa narinig ko na lang na may padating ng ambulansiya. Kitang-kita ko si Mama na parang wala nang buhay na isinakay nila sa ambulansiya. Ngunit nagdasal ako. Ipinagdadasal ko habang hawak ko ang kamay niya na sana makarating pang buhay si Mama sa hospital. Hindi ko mapapatawad si Papa at si Kuya kung may mangyari sa kanya. Hindi ko kakayaning mawalan kami ng ilaw ng tahanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD