Mga Basang Katawan

1533 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ----- At parang isang taong naalipin ng kapangyarihan, dahan-dahan siyang lumapit sa aking kama at humiga. At noong nakahiga na, agad akong tumagilid sa kanya. Niyakap ko ang basa niyang katawan. Tumagilid rin siya paharap sa akin. hinawi niya ang aking basang T-shirt at agad kong tinanggal ito. At pagkatapos kong tanggalin ang aking t-shirt, naalimpungatan ko na lang ang paglapat ng aming mga labi. Unang pagkakataon ko iyon na makatikim ng halik. Alam ko, iyon din ang una niya. Pareho naming hindi alam ang gagawin. Ngunit dahil wala naman talagang taong nagpraktis muna ng halikan sa totoong labi ng kanyang mahal bago sila natuto, hinayan na lang namin na ang bugso ng aming pagnanasa ang siyang maggiya sa amin upang malasap ang sarap ng unang halik. At sa gitna ng ingay ng paghahampas ng hangin sa aming bahay at pagbuhos ng matinding ulan; at sa kabila ng nagyeyelong lamig, ipinalabas namin ang nag-aalab na bugso ng aming pagnanasa. Inangkin namin ang bawat isa. Sabay na inabot namin ang r******************n. Iyon ang pinakaunang karanasan ko sa kamunduhan; kay Manuel. At noong nakaraos na kaming pareho atsaka rin humupa ang bagyo. Humina ang hampas ng hangin at humupa na ang ulan. Parang isang napakalaking coincidence. Bumagyo, bumaha, na-trap ako sa gitna ng baha, iniligtas ni Manuel, at may nangyari sa amin. At sabay sa paghupa ng init ng aming katawan, humupa rin ang galit ng kalikasan. Siguro ay kung isang taong mapamahiin lang ako, iisipin kong ang bagyong iyon ay sinadyang isaboy sa aming lugar upang magkrus ang aming landas ni Manuel. Napaisip tuloy ako ng, “Hindi kaya siya sadyang itinadhana para sa akin?” Noong bumalikwas na kami sa higaan, doon lang namin napansin na halos nasa tuhod na pala ang lalim ng tubig sa ikalawang palapag nga aming bahay. “Humina na ang bagyo,” sambit ni Manuel habang isinuot niya muli ang kanyang maong na short at isinara ang zipper ng kanyang harapan. Wala siyang brief kung kaya deretso na siyang nagsuot nito. “H-hindi na tayo pupunta pa ng evacuation center?” sagot ko habang isinuot ko na ran sa aknig brief atsaka ang short. “Babalik pa rin. Naroon ang mga magulang mo, naroon din ang dalawa kong kapatid at ang inay. Atsaka, may pagkain doon. Dito wala.” Napaisip ako. “Oo nga pala. Nasa ibaba ang kusina at siguradong hindi tayo makapagluto ng pagkain dahil sira ang mga lutuan.” “At wala ring koryente...” dugtong din niya. Kaya lumusong muli ang kanyang kalabaw sa baha na nagsimula nang humupa. At habang nakaangkas kaming dalawa sa likod ng kanyang kalabaw na lumalangoy, siya ang nasa unahan at ako ang nasa huli, mahigpit naman ang pagkakayakap ko sa kanyang katawan. Pakiwari ko ay ayaw ko na lang makarating sana sa evacuation center. Parang gusto ko na lang na palaging may bago at baha... Iyon ang pinakaunang saya na nalasap ko sa piling ni Manuel. Tuwang-tuwa ang inay at itay noong nakarating na kami sa evacuation center. Napaiyak din ako dahil sa dinanas nila. Muntik-muntikan na raw pala silang mabagsakan ng mga puno ng niyog at kahoy. Bagamat wala silang naisalba sa aming mga manok at baboy, masaya pa rin kami na ligtas kaming lahat. Malaki rin ang pasasalamat ng aking mga magulang kay Manuel. Akala ko ay ang pangyayaring iyon ang siyang maging simula sa tuloy-tuloy naming pagiging close ni Manuel. Ngunit simula noong nanumbalik na ang normal na kalagayan ng aming sitio, napansin kong hindi na nagpapakita pa sa akin si Manuel. Hindi na rin siya dumadaan sa aming bahay. Hindi ko alam kung sinadya niya iyon o nagkataon lang na hindi siya dumadaan. Naghintay pa rin ako. Isang araw naglakad ako sa kalsada patungo sa palengke noong naaninag ko sa di kalayuan na makakasalubong ko si Manuel. Tuwang-tuwa ako kasi gusto ko na siyang kausapin at nasasabik na rin ako sa kanya. Ngunit laking gulat ko noong imbes na tumuloy siya nang deretso upang magkasalubong kami, lumihis siya ng daan at nagmamadali. Tumakbo ako upang mahabol ko siya. Tinawag ko pa ang pangalan niya. Hindi siya lumingon. Doon ko napagtanto na marahil ay sadyang iniiwasan niya ako. Sa gabing iyon, hindi ako dinalaw ng antok. At nabuo sa isip ko na puntahan na lang siya sa bahay nila. Tutal, sa pagkakataong iyon, alam ng lahat sa sitio namin na si Manuel ang nagligtas sa akin. Naabutan ko sa harap ng kanilang barung-barong ang kanyang ina, nagwawalis. “Aling Mila... nand’yan po ba si M-manuel?” tanong ko. “Ay... ikaw pala Junjun!” sambit ng ina ni Manuel. “Saglit lang at tatawagin ko.” Nilapitan niya ang pinto ng kanilang bahay at sumigaw, “Manuel! Manuel! Nandito si Junjun! Hinahanap ka!” at baling sa akin. “Sige Junjun, upo ka mua d’yan ha?” turo niya sa bangkong kawayan na nakapuwesto ng patagilid sa bungad ng kanilang hagdanan atsaka itinuloy ang pagwalis. Tamang-tamang natapos ang inay niya sa pagwalis sa harap ng bahay, tumungo naman ito sa likod upang doon ipagpatuloy ang pagwalis. Siya ring paglabas ni Manuel, kamot-kamot pa ang ulo at halatang bagong gising. Naka-short pa rin siya, iyong short pa rin niya noong baha at kadalasan kong nakikitang suot niya. Nakahubad din ang pang-itaas niyang katawan. Siguro ay iyon talaga ang nakasanayan niya, palaging hubad ang dibdib. Umupo siya sa dulo ng sahig kung saan ang bungad ng pintuan at itinukod ang dalawa niyang paa sa pangalawang pinakamataas na baitang ng kanilang hagdanang kawayan. “Bakit?” ang agad niyang tanong na parang hindi nasiyahang dinalaw ko siya. “G-gusto ko lang magpasalamat sa iyo eh.” ang may pag-aalangan ko pang sabi. “Hayaan mo na iyon. Tapos na iyon,” sagot naman niya. Natahimik ako nang sandali. Para kasing iba ang tono ng kanyang pananalita. Maya-maya, “A-ayaw mo ba akong makita?” ang tanong ko. “H-hindi naman sa ganoon. Basta... kung maaari, huwag kang pumarito sa amin.” at tumayo siya, bumalik na sa loob ng bahay. Parang nagdadabog. Bigla naman akong nalungkot. Hindi ko kasi inaasahang ganoon ang reaksyon niya sa aking pagdalaw. At wala akong nagawa kundi ang umuwi, ang aking isip ay litong-lito kung ano ba talaga ang aking nagawa sa kanya. Lumipas pa ang ilang linggo at iyon na talaga ang routine. Hindi na siya dumaan sa bahay namin, kapag nagkasalubong kami, lilihis siya upang hindi kami magkasalubong. Pati na rin sa pagpapakopra ng aking mga magulang sa aming niyogan ay hindi na rin daw niya tinatanggap. Noong una ay tiniis ko ang lahat. Iniisip ko nab aka may problema lang iyong tao at sa kalaunan ay manumbalik rin ang nakagawian niyang pagdaan sa bahay naming. Ngunit sa paglipas pa ng ilang araw, para na akong nato-torture dahil ganoon pa rin siya, umiiwas. Parang napaka unfair naman kung sa kabila nang pagtulong niya sa akin ay bigla siyang magbago. Unfair din kung ang nangyari sa amin ang dahilan gayong pareho naman naming ginusto iyon. At kung may sama ng loob man siya sa akin, dapat ay sabihin niya upang klaro, makapag explain ako at kung ayaw niyang tanggapin ang explanation ko, at least alam ko kung ano ang ikinasasama ng loob niya. Sabado ng umaga, dinalaw ko muli siya sa bahay nila. Ngunit wala raw siya doon sabi ng kanyang kapatid na babae. Nasa niyogan daw ng kalapit ng niyogan sa amin. Dahil alam ko ang lugar, pinuntahan ko. Ngunit wala rin akong nakitang tao. Tatalikod na sana ako noong biglang may nalaglag na niyog, “Doon ka sa may kubo! Baka mahagip ka ng mga niyog!” Si Manuel. Naroon pala siya sa taas isang puno ng niyog. At maya-maya muli ay may nalaglag, buko naman. “Hala ka...! Pagagalitan ka ng may-ari! Hindi pa nakokopra iyan ah!” sambit ko. “Di ibawas niya sa bayadniya sa akin kung gusto niya!” sagot naman niya. At nakita kong bumaba na siya sa puno. Dumeretso ako sa kubo na sinabi niya at naupo sa bangko na kahoy. Noong lumapit siya, dala-dala na niya ang apat na buko. Hinugot niya ang kanyang itak na nakalaylay sa gilid ng kanyang beywang, binutasan ang isang buko atsaka iniabot iyon sa akin. “Pasensya ka na, ito lang ang maibigay ko sa aking bisita...” Napangiti naman ako habang tinaggap ang buko. Hindi ako nakakibo sa tuwa. Hindi ko kasi akalain na harapin niya ako at talagang nag-effort pa siya na pakainin ako ng buko. Tinungga ko ang sabaw noon at noong ibinaba ko na, kinuha niya ito asaka hinati. Gumawa rin siya ng pangkuskos at noong natapos, siya na rin ang nagkuskos ng laman. Tahimik lang ako habang ginawa niya iyon. Pinagmasdan ko ang bawat galaw niya. “Kain ka na” ang sambit niya noong natapos na siya sa pagkuskos at iniabot sa akin ang buko na nakuskos na ang laman. “H-hindi ka na galit sa akin?” sambit ko noong tinanggap ko ang buko. “Hindi naman talaga ako galit sa iyo eh. Ayaw ko lang...” hindi na niya itinuloy pa ang sasabihin. “Ayaw mo ng ano?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD