Ninja Move

1547 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ----- Noong lumingon na ako, kunyari ay nagulat akong ganoon, napanganga ang aking bibig at lumaki ang aking mga mata. Pero syempre, char lang iyon. Sobrang lakas kaya ng kalampag ng aking dibdib. Para akong aatekehin ng sakit na vertigo, kung ano man iyon. Naghintay ako sa resulta. “Freeze!” sa isip ko lang. At nakita ako na lang na tiningnan niya ang dahan-dahang gumulong na bola sa harap ng kanyang kalabaw. At pati ang bola ay naki-cooperate rin talaga sa moment na iyon. Mabagal ang kanyang paggulong. Mahinahon namang pinahinto niya ang kalabaw. At kalmanteng-kalmante ang lolo ninyo, ha. “Ay sorry...!” ang sambit kong nakatingin sa kanya noong huminto na ang bola. Binitiwan naman niya ang pamatay na ngiti. At, “Ok lang...” ang maiksi niyang sagot. “Sige kunin mo na.” dugtong din niya. Pakiramdam ko ay bigla kong nakalimutan kung paano ang tamang paglalakad habang nilapitan ko ang bola. Sobra ang pagka-conscious ko na kahit ang paggalaw ng aking paa ay tila hindi ito naaayon sa normal na paglalakad. Pakiwari ko ay iyon ang pinakamahabang paglalakad ko sa layo na galing sa bungad ng pintuan ng aming bahay patungo sa gitna ng daan na wala pang sampong metro ang pagitan. Pagkatapos kong damputin ang bola, tumayo ako sa gilid ng daanan na parang isang tagahanga lang na kinawayan ang dumaang iniidolong artista sakay sa kanyang float. Nanatili siyang nakangiti siya sa akin habang nakikaway rin. Iyon ang isang eksenang hindi mabura-bura sa aking isip. Lalo na ang kanyang pamatay na ngiti. Isang araw, binagyo ang aming lugar. Sobrang lakas ang bagyo na iyon na tinagurian nilang isang super-typhoon. Noong una normal na buhos na ulan lang naman ang pumapatak. Ngunit sa kalaunan, patindi nang patindi na ang buhos ng ulan. Nagtatanghali na noong naramdaman na namin ang pagtaas ng tubig hanggang sa hita at ang aming mga kapitbahay ay nagsimula nang magsilikasan. Dahil kungkreto naman ang aming bahay at may pangalawang palapag pa, nagdesisyon ang itay na huwag kaming lumikas. Ang siste, pupuntahan daw nilang dalawa ng inay ang aming bukirin upang isalba ang mga alagang manok at baboy ni itay. “Jun-jun, dito ka lang sa bahay. Huwag na huwag kang umalis o bumaba ha? Delikado baka mapaano ka!” ang bilin sa akin ni itay at inay. “Opo...” sagot ko. Sa isip ko naman ay hindi naman iyon delikado kasi, mahina ang agos ng tubig at nasa tatlong baitang pa lamang ito ng aming hagdanan. Bumaba pa nga ako sa ground floor namin at dinala sa second floor ang mga gamit na delikadong mabasa kagaya ng TV, radyo, ang makina ng inay, mga gamit sa kusina, at iba pang puwede kong dalhin sa itaas. Ngunit nagsimula ang aking takot noong unti-unti ko nang naramdaman ang palakas na palakas ng bugso ng hangin. Hanggang sa sobrang lakas na nito na pakiramdam ko ay pati ang bubong na yero ng aming bahay ay ililipad na ng hangin kung hindi man ay ang buong bahay. Sa bawat pagragasa ng malakas ng hangin, ramdam ko ang paggalaw ng buong kabahayan. At dahil dito, pati ang buhos ng ulan ay nakakapasok na rin sa loob ng bahay. Naririnig ko pa ang paisa-isang pagsibagsakan ng mga puno ng kahoy sa paligid. Sobrang natakot ako, hindi lang para sa aking sarili kundi pati na rin sa aking mga magulang na lumusong pa patungo sa aming bukirin. Ngunit wala rin akong magawa dahil sobrang taas na ng tubig at hinid pa ako marunong lumangoy. Hanggang sa tumaas pa ang tubig na isang baitang na lang at maaabot na nito ang pangalawang palapag ng aming bahay. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Sinilip ko ang bintana at kitang-kita ko ang napakalalim ng putiking kulay na tubig na rumagasa patungo sa direksyon ng baybayin. Walang katao-tao sa paligid. Parang ako lang ang nag-iisang tao sa mundo. Sa buong buhay ko, noon lang ako nakaranas ng ganoon katinding pagkatakot. Noon ko lang din naranasan ang ganoon katinding delubyo sa aming lugar. Sumagi nga sa isip ko na baka iyon na ang katapusan ng mundo, kagaya ng iyong tinatawag na great flood sa bible kung saan iilang tao at hayop lamang ang pinalad na makaligtas. Kaya wala na akong nagawa kundi ang manalangin na sana ay kung iyon na nga ang katapusan ng mundo, mapatawad ako sa aking mga kasalanan. Ipinalangin ko rin ang aking inay at itay na sana... sana lang ay ligtas sila at hindi sila napahamak. Sa aming bukirin kasi ay maraming mga kahoy. Siguradong nagsibagsakan na rin ang mga iyon at kung nandoon sila, nakakatakot na maliban sa baha, baka matamaan sila, kundi man ay maaanod sa baha. Ilang pulgada lang at maabot na ang sahig ng pangalawang palapag. Sobrang takot ko na at inihanda ko na ang aking sarili na baka iyon na ang aking katapusan. Nasa ganoon ako katinding takot noong sa gitna ng malakas na ingay ng paghahampas ng hangin sa atip at dingding ng bahay ay may narinig akong isang boses na tila tinatawag ang aking pangalan. “Junjun! Junjun!” Bigla din akong nabuhayan ng loob. Tinakbo ko ang balkon ng aming bahay at nakita ko roon si Manuel. Nakaakyat na pala siya. Halos ka-level na lang kasi nito ang tubig. Sa sobrang tuwa ko na may kasama na ako, napayakap ko siya. “Manuel!!! Mabuti at dumating ka! Ang inay at itay ko, nasa bukid pa!” bulalas ko. “Ligtas na sila!” ang pasigw niyang sagot sa akin gawa ng ingay. “May bali sa paa ang iyong ama, natamaan daw ito ng palaspas ng bumgsak na niyog noong nasa burol sila ng inyong bukid! May mga tanod na nakakita sa kanila doon kung kaya idineretso na sila ng iyong ina sa evacuation! At huwag kang mag-alala dahil nagamot na siya. Naroon kasi ang lahat ng taga-sitio, at naroon din si Mang Damian, ang hilot. Lahat ng mga taga-sitio ay naroon, naka-evacuate na. Ikaw na lang ang naiwan dito! Kaya noong hinahanap ka ng iyong ama at ina, ako na ang nagvolunteer dahil alam ko, delikado ang itay mo sa kalagayan niya!” “P-paano ka nakarating dito???” “Ang kalabaw ko!” at lingon niya sa labas. “Sandali! Pwede bang papasukin ko ang kalabaw ko? Mapapagod siya at baka mamatay kapag hindi nakapagpahinga!” Tiningnan ko ang kalabaw na naglalangoy pa rin pala. Tinablan din ako ng awa. “Paano natin paakyatin iyan sa terrace. May harang na barandilya!” “P-pwede bang gibain natin ang isang bahagi para makaakyat ang kalabaw ko?” “P-paano? Semento iyan?” “May palakol ka ba?” At iyon. Dali-dali kong hinanap ang palakol. Mabuti naman at naisama kop ala ito sa aking paglilipat ng gamit galing sa ground floor. Dali-dali ko itong ibinigay kay Manuel na agad ding sinimulan ang pagpalakol sa isang bahagi ng terrace. At habang pinalakol niya ang terrace, napatitig na lang ako sa kanya. Nakahubad siya ng pang-itaas, naka-short lang, nakapaa. Sobrang hanga ako sa ipinakita niyang tatag at lakas. Alam kong sa paglusong pa lang niya sa baha at bagyo patungo sa bahay namin ay katakot takot na enerhiya na ang kanyang inilabas. Ngunit tila wala siyang kapaguran. Malakas pa rin ang kanyang hataw. Para siyang si superman. Noong nasira na ang parteng iyon ng barandilya, saka niya hinila ang kalabaw na kusa sing umakyat sa terrace. Noong tuluyan nang nakaakyat ang kanyang kalabaw, tinapik niya ang pisngi nito na para bang pinuri ng, “Good job!” at baling sa akin. “Pagod na pagod ang alaga ko...” sambit niya. “P-paano iyan?” Ang tanong ko. “H-hindi na tayo makaalis dito?” “Magpahinga muna siya, kahit 30 minutos lang... tapos dadalhin na kita sa evacuation center,” sambit niya. Pinapasok pa talaga namin ang kalabaw sa loob ng bahay habang dinala ko naman si Manuel sa kuwarto ko. “Pahinga ka muna...” sambit ko. “Ito pala ang kuwarto mo?” sambit niya. “Oo...” “Pati pala dito ay basa na rin.” Wika niya noong napansing basa na rin halos ang buong kuwarto. “Oo, sa lakas ba naman ng hampas ng hangin ay pumapasok ang tubig sa mga guwang sa kisame at bintana at hayan...” turo ko pa sa kisameng basang basa at patuloy ang pagpatak ng tubig-ulan. Nahiga ako sa ibabaw ng kama. Tiningnan ko siya. Noon ko lang napagmasdan nang malapitan ang kanyang anyo; ang kanyang matipunong dibdib na tila sa isang rebolto ng machong si Adonis ng Greek mythology. Makipot ang kanyang beywang kung saan ay makikita ang mga balahibong nakahilera galing sa kanyang pusod patungo sa ilalim ng kanyang short. Noong ibinaling ko ang aking paningnin sa kanyagn mukha, tinitigan niya pala ako. Ewan ko kung para saan ang titig niyang iyon. Ngunit nakipagtitigan rin ako. At sa gitna ng malakas na kalampag ng aking dibdib ay hindi ko nilubayan ang pagtitig sa kanya. Noon ko lang din napagmasdang mabuti ang angkin niyang kakisigan. Moreno, makinis ang balat, makakapal ang kanyang mga kilay, matangos ang ilong, at ang mga mata ay mistulang nakikipag-usap. “Halika, tabi ka sa akin...” sambit ko. Ewan kung bakit ko rin nasambit iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD