Kabanata 21

2049 Words
MAKALIPAS ang kalahating oras bumuhos ang ulan nang malakas. Ginising ng ulan ang kaniyang natutulog na diwa sa pagtama sa kaniyang likuran. Hindi lamang iyon ang nagpapahirap sa kaniya nang mga sandaling iyon. Maging ang sugat sa kaniyang kanang paa ay ibayong kirot ang ibinibigay. Hindi niya maikilos ang nasaktang paa. Maliban pa rito, dumagdag pa ang pumintig-pintig niyang ulo. Pinagmasdan niya ang kaniyang paligid sa kaniyang pagtihaya nang higa sa malapad na tuktok ng bato na kaniyang kinalalagyan. Nagsisimula na ring manginig ang kaniyang buong katawan dahil sa dulot na lamig ng panahon. Sinubukan niyang umatras padikit sa gilid ng bangin upang hindi gaanong matamaan ng ulan na nagawa niya rin naman. Iniligay niya ang buo niyang lakas sa dalawa niyang kamay upang makagalaw habang isinisipa ang kaliwang paa. Nahuhugasan ng ulan ang kaniyang nasugatang paa kaya nakakagat niya ang pang-ibabang labi sa labis na pananakit. Nadala ang kaniyang kumalat na dugo paibaba ng bato. Huminto siya sa paggapang patalikod nang tumama ang kaniyang likod sa matigas na gilid ng bangin. Nagsumiksik siya sa awang na nagawa ng dalawang bato pa. Dahil dito ay nabawasan ang pagtama ng ulan sa kaniya. Hindi na siya malalagay sa sitwasyong ikamamatay niya dahil lamang sa lamig. Pagkaupo niya nang mabuti'y pinagmasdan niya nang maigi ang itsura ng kaniyang paa. Mahahalata ang lalim ng mga suguat gawa ng matatalim na mga ngipin ng lobo na kaniyang ikinangiwi. Nang mabawasan ang pagdurugo ng kaniyang sugat, pinunit niya ang laylayan ng kaniyang suot na damit. Kinagat niya ang marumi na rin niyang suot at hinila. Napapaungol na lamang siya nang malalim sa paglagay niya ng puwersa. Umikot ang kaniyang punit na pang-itaas na damit hanggang sa makabalik sa pinanggalingang dulo. Sa ginawa niyang iyon, lumitaw ang kaniyang tiyan at balakang. Ininda niya ang sakit sa pagbalot niya ng pinunit na tela sa kaniyang sugat. Sa pagtali niya sa magkabilang dulo ay humina na rin ang ulan. Dahil wala rin naman siyang magawa, pinagmasdan niya ang pagtama ng tubig-ulan sa bato. Naglakbay ang kaniyang isipan at hindi niya mapigilang ikumpara ang naging buhay niya sa pinanggalingang mundo. Niyakap niya ang kaniyang sarili kahit hindi nababawasan niyon ang nararamdaman niyang lamig. Nasabi niya sa kaniyang sarili na hindi isang biyaya ang pagkabuhay niya sa Kasarag dahil sa mga nararanasan niya. Marahil iyon ang parusa niya sa pagkitil niya sa sarili niyang buhay. Dahil kung hindi, wala sana siya sa sitwasyon na iyon na hindi nagdurusa. Labis ang hindi ganda ng kaniyang buhay sa mundong iyon. Sapagkat hindi lamang ang mga tao ang nagnanais na angkinin ang kaniyang buhay. Habang tumatagal siya sa gilid ng bangin, pahina nang pahina ang ulan. Kumilos siya sa kinauupuan at tumayo na umiikang-ikang. Inalam niya kung gaano kataas ang kaniyang kinalalagyan. Hindi pa rin siya bubuhayin kung maisipan niyang tumalon. Maingat siyang tumingin paibaba nang hindi madulas. Nakita niya sa ibaba ang mga katawan ng mga lobo sa mga bato sa ibaba. Lumulusot sa pagitan ng mga bato ang umaagos na naninilaw na tubig. HIndi nakatulong sa kaniya ang pagsilip kaya lumipat siya sa kaniyang kaliwa. Pinagmasdan niya nang maigi ang gilid ng mga bato sa paghahanap ng paraan upang makababa. Maaari nga siyang umakyat paibaba sa gilid ng bangin gamit ang mga nakausling bato kung kaniyang nanaiisin. Ngunit sa dahil nga sa sugat sa kaniyang kanan mahihirapan siya para magawa iyon. Gayunman pinili pa rin niyang gawin ang naisip dahil nga sa wala nga rin namang tutulong sa kaniya kundi sarili lamang. Walang mangyayari kung mananatili siya sa bangin. Hindi siya sigurado na mayroong mapapadaan doon na maaaring tumulong sa kaniya. Kung mayroon man, aabutin pa iyon ng ilang araw. Hindi rin malayong ang araw ay magiging buwan, at ang buwan ay magiging taon. Sa mga sandaling iyon siguradong mamamatay na siya dahil sa gutom at lamig. Tumayo siya nang tuwid habang idinidiin ang nasugatang paa. Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi dahil sa kirot. Inulit niya ang pagdiin sa paa upang masanay siya. Nanng masiguradong hindi na siya papahirapan ng sugat, lumapit na siya sa gilid ng bangin. Una niyang ikinapit ang kamay sa nakausling bato. Sinunod niya ang kanang paa. Sa pagtapak niya sa bato ay napapabuga siya ng hangin upang matiis ang sakit. Hindi nagbago ang guhit sa kaniyang mukha nang simulan niya ang pag-akyat paibaba nang dahan-dahan. Ngunit kahit anong pag-iingat niya ay nadulas pa rin ang kaniyang paang nasugatan. Sumunod ang isa niyang paa sa pagkadulas. BAgo pa man siya mahulog, ikinapit niya nang mariin ang kaniyang dalawang kamay. Napasigaw na lamang siya dahil sa kaniyang pagkalambitin. Nagmadali siyang itapak ang dalawa niyang paa bago pa man siya tuluyang mahulog. Nakahinga siya nang maluwag nang makaligtas nga siya kapahamakan. Nagpahinga siya saglit upang habulin ang hininga habang pinagmamasdan kung ilang dipang taas na lamang ang naiiwan bago siya makarating sa ibaba. Mayroong kalayuan pa rin ang kaniyang kinalalagyan kaya nawawalan na naman siya ng pag-asang makababa na hindi nahuhulog. Kasalungat man ang takbo ng kaniyang isipan, pinagpatuloy niya pa rin ang pagbaba sa gilid ng bangin. Naroong nauulit ang pagkadulas ng kaniyang mga paa't kamay na siyang nagpapatigil sa kaniya panandalian. Sa kaniyang pagbaba nga ay nakarating siya sa ibaba. Nakuha niya pa ngang tumawa dulot nang tuwa na umalingaw-ngaw sa bangin. Dulot ng tuwa niyang nararamdaman na sinabayan pa ng kaniyang pagmamadali nadulas siya sa huling pagkakataon. Nang sandaling iyon nahulog na nga siya paibaba. Impit ang kaniyang ungol sa kaniyang pagbagask nang padapa. Tumalon pa ang t***k ng kaniyang puso dahil kamuntikan nang tumama ang kaniyang ulo sa matulis na bato. Hinabol niya ang kaniyang paghinga't nanatili sa pagkadapa kahit na nadaanan siya ng umaagos na tubig. Sa lalong pagnginig ng kaniyang katawan, bumangon na siya mula sa pagkadapa. Sinimulan niya ang paglalakad sa pagitan ng mga bato. Nadaanan niya pa ang katawan ng isang abuhing lobo. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kaniya nang mga sandaling iyon. Marahil dahil sa galit kaya nagawa niyang bagsakan ng malaking bato ang ulo ng mabangis na hayop kahit wala nang buhay. Sa ginawa niyan iyon nabasag nga ang ulo ng abuhing lobo. Hindi siya nagtagal sa kinatatayuan. Lumakad siya patungo kanluran ng bangin kahit na wala siyang ideya kung tama nga ba ang pinupuntahan niya. Napapatigil pa siya dahil sa pananakit hindi lang ng kaniyang katawan maging ng kaniyang sugat sa paa. Naupo siya sa bato habang pinagmamasdan ang itaas ng bangin. Naririnig niya mula sa kaniyang kinalalagyan ang paghuni ng mga ibon. Tumatama sa kaniyang mukha ang mahinang pagpatak ng ulan. Habang tahimik siya ay naisip niya kung nasa loob pa rin ng Kingon ang lugar na iyon. Dahil kung nasa labas siya ng pader mababa ang tiyansa niya ngang mabuhay dahil sa kumakalat na halilmaw. Pero naisip niya rin marahil kahit sa loob ng mga pader ng Kingon ay mayroon ding mga halimaw na naghihintay lamang ng pagkakataon. Imposibleng wala lalo na't napalawak ng Kingon. Kaya kahit saan man siya magpunta wala talagang ligtas na lugar. Isa lang ang tumimo sa isip niya nang mga sandaling iyon. Para tumagal sa mundong iyon kailangang maging mahusay sa pakikipaglaban. Kaya nagdesisyun siya nang mga sandaling iyon sa oras na mawala ang sugat sa kaniyang paa sisimulan niya ang kaniyang pagsasanay sa kaniyang sarili kahit na mahirap. Maghahanap siya ng magtuturo sa kaniya. Pero para magawa niya iyon alam niyang dapat mayroon siyang salapi na pangbayad sa magtuturo sa kaniya. Ngunit wala naman siya kahit na isang barya sa kaniyang bulsa. Bumagsak na lamang ang kaniyang balikat sa katotohanang iyon. Mas mahirap nga talagang mabuhay sa sa Kasarag malayo sa pinanggalingan niya dahil kahit nasa loob lang siya ng bahay kumikita siya ng malaking halaga. Sa pagtila ng ulan kumilos siya sa kaniyang kinauupuan. Napapahawak siya sa kaniyang dalawang tuhod dulot ng pagod. Sa pagtagal ng kaniyang paglalakad, hinihila niya na nang bahagya ang kaniyang nasugatang paa. Pakiwari niya pa ay hindi magtatapos ang bangin katulad ng kakahuyan na pinasukan niya bago makarating sa lugar na iyon. Nakayuko na siyang naglalakad nang makita nang maigi ang tinatapakang mga bato. Hindi niya namalayan nakarating na siya sa dulo ng bangin kung saan kumikipot ang daan. Nagmadali siya sa kaniyang paghakbang dulot ng galak. Hindi niya napansin ang mga makakapal na sapot sa kaniyang itaas. Huli na niya namalayan na hindi siya dapat dumaan sa dakong iyon ng bangin dahil sa mga naglalakihang gagamba. Nanigas na lamang siya nang bumaba sa harapan niya ang maitim na gagamba. Mahahaba ang mga paa nito't bilog na bilog ang likuran. Napaatras na lamang siya nang balak siya nitong saputan. Mabuti na lamang nagawa niyang makaatras. Ngunit sa pag-atras niyan ay humarang naman ang isa pang gagamba kaya napatakbo na lamang siya patungo sa gilid. Bumangga ang likod niya sa matigas na lupa. Lumapit patungo sa kaniya ang dalawang gagamba't nadagdagan pa ang mga ito ng dalawang pares pa. Sa takot niya ay pumulot siya ng bato't binato ang gagambang mas malapit sa kaniya. Tinamaan niya rin naman ang ulo ng gagamba kaya nahinto ito saglit. Huminto man ang una ngunit ang iba pa ay na patuloy pa rin. Sa pagsugod ng mga ito sa kaniya ay yumuko siya para umilag na nagawa niya rin naman kahit papaano. Sa laki ng mga gagamba'y nakakalusot siya sa ilalim ng mga ito. Nag-away pa ang mga gagamba para sa nag-iisa nilang pagkain kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na makaalis sa pugad ng mga ito. Nang mapagtanto ng mga gagamba na makakalayo na siya, nagsitigil ang mga ito sa pag-aaway at gumapang nang mabilis sa mga sapot para mahabol siya. Nakatabo naman siya sa katapusan ng bangin at kaunting dipa na lamang makakalabas na siya. Sa kasamaang-palad naabot siya ng isa sa mga gagamba. Tinapakan siya ng gagamba't mabilisang binalot ng sapot. Sa mabilis na pag-ikot sa kaniya ng gagamba'y nahilo ang kaniyang ulo. Nang maiwan na lamang ang kaniyang ulo na hindi nababalot bigla na lamang tumama sa ulo ng gagamba ang punyal na nagpaatras dito. Maririnig na lamang ang pag-iyak ng mga ito sa pagsugod ng babaeng tumulong sa kaniya galing sa kaniyang uluhan. Tumalon-talon ang babae sa pader ng bangin upang magawang tamaan ang mga gagamba. Pinutol nito ang mga paa't hinihiwa ang matatabang likuran. Bumagsak sa lupa ang katawan mga gagamba nang magkasunod-sunod na wala na ngang buhay. Sa pagtayo ng babae'y pinatalsik nito ang dugo ng gagamba sa talim ng punyal bago iyon naglaho sa manipis na hangin. Kapagkuwan ay lumapit ito sa kaniya. Pinagmasdan siya nito nang maigi habang humihinga nang malalim. "Bakit ka masyadong matapang? Walang takot kang pumasok ng kakahuyan kahit na wala kang alam sa pakikipaglaban," ang nasabi nito sa kaniya. Sinalubong niya ang mga mata nito. "Hindi ako matapang. Sinusubukan ko lang. Ayaw ko nang maging duwag dahil walang naidulot sa akin na maganda. Gusto kong manatiling buhay nang maituloy ko ang balak sa pananatili ko sa mundong ito. Dahil kapag nagawa ko iyon hindi malayong maranasan ko ulit muling maging masaya," ang makatotohanan niyang sabi sa babae. "Iba ka talagang mag-isip. Hindi ka dapat ganiyan. Masyado ka pang bata. Kahit dapat lang matutunan mo ang mga bagay-bagay katulad ng pangangalaga mo sarili, maging masaya ka pa rin katulad nang ibang bata. Mabilis lang ang takbo ng panahon, sulitin mo ang pagiging bata mo. Pasensiya na't pinagdudahan kita," ang mahaba-habang saad ng babae sa kaniya. Nilapitan siya nito't sinimulang alisin ang nakabalot sa kaniyang katawan hanggang sa maikilos niya ang kaniyang mga kamay. "Ano ba ang kaya mong gawin?" ang sumunod nitong tanong nang iupo niya ang kaniyang sarili. Sinalubong niya ang mga mata nito. "Wala akong alam kahit pagdating sa salamangka," pagbibigay alam niya rito. Napatitig ang babae sa nalaman nito mula sa kaniya. Nasapo nito ang noo. "Kung ganoon mahihirapan ka para maging manglalakbay. Mukhang kailangan kong ituro sa iyo ang mga alam ko kahit ang paggamit na lamang sa punyal,," ang nasabi nito sa kaniya. "Hindi ako mahusay sa paghawak ng espada kaya iyon lang ang maituturo ko sa iyo." "Walang problema. Sa nakita ko sa iyo ay magiging magandang sandata pa rin ang punyal." "Bata, maraming taon ang ginugol ko para mapunta sa estado ko ngayon. Hindi ganoon kadali." "Magsasanay ako nang maigi para sa pagtanda ko ay maging katulad mo na ako," aniya sa babae sa kaniyang pagtayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD