Kabanata 25

2071 Words
Malayo man siya sa kinalalagyan ni Mara kaharap ang tatlong estranghero, naramdaman niya pa rin ang tensiyong bumalot sa mga ito. Gumapang ang takot sa kaniyang mga balat na siyang nagtulak sa kaniyang buhok sa katawan na magsitayuan. Humigpit ang kapit niya sa itaas ng pader. Sumalamin ang lamig ng bato sa kaniyang palad. Nakikita niyang nakikipag-usap si Mara sa estrangherong nakabalabal na nakatayo sa gitna ng dalawang kasama nito. Tinaas ng nasa gitna ang kamay nito nang balak lumapit ng nasa kaliwa nito kay Mara. Napapitigil naman ang pangalawang estranghero't umatras ito nang dalawang beses. Nagpatuloy sa pakikipag-usap si Mara sa mga estranghero ngunit paglipas ng mga sandali ay natapos na lamang iyon. Sabay-sabay na sumugod ang tatlong nakabalabal kay Mara na naghanda rin naman kaagad. Nagpalabas ng punyal si Mara ng punyal nang magamit nito sa pagharap sa mga kaaway. Sa isang iglap lamang ay nasa harapan na ni Mara ang tatlo. Ang unang nasa gitna ay inilabas ang espada nito sa likuran ng suot nitong balabal. Pinatalim naman ng nasa kaliwa ang mga kuko nito. Ang panghuling nasa kanan ay sibat naman ang ginamit na sandata pangharap kay Maara. Magkakasabay na tumalon ang tatlo sa babae. Bago pa man masaktan ng mga ito si Mara, ang babae'y naglaho sa panipis na hangin habang nasa ere ang tatlo. Lumitaw si Mara sa likuran ng tatlong nakabalabal. Mabilisan nitong sinipa ang nasa kanan at sinunod ang nasa kaliwa. Hindi rin nito pinagbigyan ng pagkakataon na makalingon ang nakalabal na nasa gitna. Nagpalabas si Mara ng isa pang punyal sa isang kamay nito't tinarak nang magkasabay-sabay sa likuran ng lalaking nasa gitna. Bumagsak ang dalawang nakalabal palayo't sa harapan lang ni Mara ang pinakalider. Sa pagtayo ni Mara sa lupa, hindi na ito nagulat nang maglaho ang katawan ng nakabalabal na naging buhangin. Lumitaw ang pinakalider ng mga estrangerho sa likuran ni Mara. Inihampas ng nakabalabal ang espada nito, lumingon si Mara na nakahanda ang dalawang hawak nitong punyal. Pinagtagpo nito ang mga talim niyon upang masangga ang espada. Sa pagtama ng mga talilm ng espada'y tumalsik si Mara papalayo dulot ng pinakawalang puwersa ng estranghero gamit ang espada. Napaluhod si Mara nang isa nitong paa upang hindi ito gumulong sa parang. Dumulas ang paa't tuhod nito sa damo kaya binaon nito ang isang punyal sa lupa nang hindi siya tuluyang tumalsik. Hindi pa man nakakatayo si Mara ay sumugod kaagad ang nakabalabal. Nakalapit kaagad sa babae ang kaaway sa bilis nito. Sa pag-angat ng nakabalabal sa hawak nitong espada, lumusot si Mara sa ilalim ng mga kamay nito't hiniwa ang tagiliran ng kaaway. Nanigas na lamang ang nakabalal sa pagkalat ng lason sa sugat nito sa tagiliran. Pinihit nito ang katawan pabalik kay Mara habang ibinababa ang espada. Nakipag-usap ang nakabalabal kay Mara sa pagsapo nito ng tagilirang nasugatan. Sinundan iyon ng malakas na pagtawa ng kaaway. Lumingon sa kinaroroonan niya si Mara't naintindihan niya kung ano ang mangyayari dahil hindi niya nakikita ang dalawa pang nakabalabal. Lumitaw ang isang nakabalabal sa tabi ng pinakalider at tinaas nito ang dalawang kamay upang pagalingin ang sugat. Binalak na tumakbo ni Mara pabalik ng bahay ngunit sa pagtaas ng pinakalider sa espada nito, hindi na nakatuloy pa ang babae. Inasahan niya na kung ano ang mangyayari ngunit natakot pa rin siya nang lumitaw sa likuran niya ang isang nakabalabal mula sa ilalim ng lupa. Hinawakan siya nito sa leeg kasabay ng pagturo nito ng matatalim na mga kuko sa kaniyang leeg. Napalunok na lamang siya ng kaniyang laway. "Sumunod ka sa mga sasabihin ko kung ayaw mong tapusin ko ang buhay mo," babala ng nakabalabal sa boses ng isang babae. Tumango-tango na lamang siya para rito. "Humakbang ka palabas ng bakuran." Sinunod niya nga ang babae sa utos nito sa kaniya. Mahigpit siya nitong hinawakan sa likuran ng kaniyang leeg. Kaunting diin na lamang ay masusugatanan na siya ng tumalim nitong mga kuko. Hindi rin naman siya nakarating sa tarangkahan sa pader dahil sa narinig niyang tinig ng ahas. "Yumuko ka," mabilisang sabi sa kaniya ng ahas sa kaniyang isipan. Hindi man niya maintindihan kung ano ang binabalak nitong gawin yumuko pa rin siya. Tumama na lamang sa ulo ng babaeng mayroong hawak sa kaniya ang pinutol na kahoy. Sa lakas ng pagtama ng kahoy napaatras ito nang ilang beses palayo sa kaniya't natanggal ang balabal nito. Napagmasdan niya ang mukha nitong galit na galit at ang puting-puti nitong mahabang buhok. Nagmadali itong ibalik ang balabal nang mapagtanto nito ang nangyari. Binalik nito kapagkuwan ang atensiyon sa kaniya na puno ng galit ang mga mata. Bumagsak siya sa lupa dulot ng pangangatog ng kaniyang tuhod. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin," mariing babala sa kaniya ng babae kahit hindi naman siya ang nagtapon ng kahoy dito. Napaatras siya nang gapang upang makalayo rito na hindi naman nangyayari dahil sumusunod ito sa kaniya ng paghakbang. Itinaas ng babae ang kamay nito't muling pinatalim ang mga kuko nito. Sa balak nitong pagtusok sa kaniyang mga mata ng mga kamay nito, bumaba ng puno ang malaking ahas. Napatitig dito ang babae dulot ng pagkagulat. Hindi na hinintay ng ahas na masaktan pa siya ng babae, pumulupot ang buntot ng ahas sa kaniya't hinila siya nito. Inilagay siya ng ahas gitna ng katawan nito nang hindi siya magawang masugatan ng kaaway. Tumawa nang malalala ang babae katulad ng isang bruha. "Hindi ako makapaniwala na mayroong ganitong halimaw na tinatago rito si Mara," ang nasabi pa ng babae. "Pero kahit ano pang ilabas niya, mamamatay siya ngayong araw. Ikaw ang uunahin ko." Tinuro siya ng babae. "Kasama ang alaga niyong ahas." Hindi na pinatapos ng ahas ang pagsasalita ng babae. Inihampas nito ang buntot sa babae kaya tumalsik ito't bumangga sa pader na ikinasira niyon. Napasigaw na lang ang babae sa lalong pagtaas ng galit nito. Nananakit ang katawan nitong bumangon na matatalim ang tingin. Nang makatayo ito nang tuwid, binaluktot nito ang katawan. Napapatitig na lamang siya rito nang mabalot ang katawan nito ng maputing balahibo. Nag-iba na rin ang hugis ng mga kamay nito. Maging ang mukha nito'y nabalot ng balahibo. Nang ibalik nito ang tingin sa kaniya ay nag-aapoy ang mga mata nito sa galit. Sumugod ang babae patungo sa kaniya na labis ang bilis. Dahil dito ay lalong pinaikutan siya ng katawan ng ahas hanggang sa wala na siyang makita gaano't kaunting liwanag na lamang ang tumatama sa kaniya na sumisilip sa pagitan ng katawan ng ahas. Pumaikot ang babae sa ahas habang sinusugatan nito ang katawan. Hindi magawang makaganti ng malaking ahas sa liksi ng babae. Sa tuwing susubukan nitong kagatin ang babae ay naglalaho ito. Sa huli ay winasiwas ng ahas ang buntot nito kaya naalis ang nakaproteksiyon nitong katawan sa kaniya. Kahit anong hampas nito ng buntot sa hangin ay hindi nito magawang masaktan ang babae. Hindi niya rin masundan ang paggalaw ng babae. Mayamaya'y nanlaki na lamang ang mata niya nang mahulog ang ulo ng ahas at bumagsak ito sa lupa. Nakatayo sa likuran ng pinakaleeg ng ahas ang babae na nababalot ng dugo ang mga kamay. Tumalon ito sa ere't sinipa ang katawan para bumagsak sa lupa. Nanginginig ang kaniyang mga kamay nang lumapag sa lupa ang babae ilang dangkal ang layo sa naputol na ulo ng ahas. Nakuha pa nitong pagsipa-sipain ang ulo habang tumatawa nang masama. Nang magsawa ito sa ginagawa ay binaling nito ang atensiyon sa kaniya. Nais niyang tumakbo palayo rito ngunit hindi sumusunod sa kaniya ang kaniyang paa na animo ay mayroong sariling mga isip. "Sino ka ba?" ang nakuha niyang sabihin sa babae. "Hindi kita kailangang sagutin," ang nakalolokong saad ng babae sa kaniya. Hindi siya mapakaniwala na namatay ang ahas dahil sa magproteksiyon sa kaniya. Dahan-dahang humakbang patungo sa kaniya ang babae na lalong nagpadagdag sa takot niya na nararamdaman. Huminga siya nang malalim upang mag-ipon ng tapang na naiwan sa kaniyang dibdib. Sinubukan niyang igalaw ang kaniyang mga paa na nagawa niya rin naman. Kung kaya nang mga sandaling iyon ay hindi siya nag-aksaya ng pagkakataon. Tumakbo siya papalayo sa babae ngunit sadyang mabilis ang babae kaya kaagad din naman siya nitong naabutan. Tinaas ng babae ang kamay nitong matutulis ang mga kuko upang ibaon sa kaniyang likod. Sa kabutihang-palad bago pa man dumikit ang mga kuko nito sa kaniyang likod, humarang ang maitim na apoy sa matulis na kuko ng babae. Kumalat ang apoy paakyat sa kamay ng babae na siyang nagtulak dito para tumalon palayo. Napasigaw na rin ito sa pagkapaso ng balat nito. Mabilisan nitong pinatay ang apoy na kumapit sa mga kamay nito na masama ang tingin sa kaniya. Samantalang siya naman ay napapatingin sa kaniyang kinatatayuan dahil sa naglalarong itim na apoy sa hangin. Bumalik sa kaniyang isipan ang nangyari nang mahabol siya ng halimaw sa pinanggaling baryo. Doon niya napagtantong hindi dahil sa tinulungan siya ng kalikasan kundi nanggagaling mismo sa kaniya ang itim na apoy. Naglaro rin naman kaagad ang itim na apoy. Sa galit ng babae ay muli itong sumugod sa kaniya. Hindi pa rin niya masundan ang bilis nito kaya naiharang niya na lamang ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang mukha. Lumitaw nga sa harapan niya ang babae't nagbabalak na siya ay saktan. Sa pagatake nga nito sa kaniya ay muling lumabas ang apoy. Lumapad ang apoy sa harapan niya't humarang sa babae. Kasunod niyon ang pagbalot ng apoy sa babae't kaya tumalon na naman itong napapasigaw. Hindi pa man nakalalapag ang babae sa lupa'y tumulis ang itim na apoy sa harapan niya. Humaba iyon nang humaba patungo sa babae. Paglapag nga ng babae sa lupa'y sinangga nito ang itim na apoy na tutusok dito ng kamay. Natusok nga ang kamay nito sa mayroong pulsahan bago naglaho ang apoy. Ang sumunod na ginawa ng babae ay dumapa ito sa lupa at ibinuka ang bibig sa pagsisimula nitong umatake. Sa bibig nito ay nabubuo ang liwanag na ibubuga nito sa kaniya. Hindi niya malaman ang gagawin sapagkat wala rin naman siyang ideya kung paano kontrolin ang apoy. Kumikilos lamang iyon nang mag-isa. Mulingi naglaho ang apoy at hindi niya alam kung paano papalabasin iyon. Mabuti na lamang nagising na ang malaking ahas. Ang naputol nitong ulo ay muling kumunekta sa katawan nito sa pamamagitan ng mapula nitong dugo. Nang makatayo ang ahas, inihampas nito ang buntot sa babae. Natigil ang pag-ipon ng babae sa enerhiya sa bibig nito't tumalbog ito sa malayo. Sa nangyari ay nawala ang pag-isa ng espiritung bantay ng babae sa katawan nito. Nang sandali ring iyon ay tumatakbong pumasok si Mara. Hawak nito ang brasong nasugatan. Lumapit ito kaniya't sinuri ang kaniyang buong katawan. "Nasaktan ka ba?" nag-aalala nitong tanong. Iniling niya ang kaniyang ulo para rito dahil hindi naman siya makapagsalita. Binaling nito ang atensiyon sa pababangon ng babae nang malamang hindi siya napapaano. "Kailan ka ba titigil?" ang tanong nito sa kaaway. "Hindi ako titigil hanggang hindi ka nawawala sa mundong ito," sagot naman ng babaeng kaaway. Nagbabalak ang babae na sumugod na hindi na nito nagawa nang lumitaw ang isang imahe sa himpapawid matapos ang pagkidlat. Napapatingala na lamang siya rito't pinagmasdan nang maigi ang suot ng imahe. Sa nakikita niyang magarbong balabal na binurdahan ng ginto nasasabi niyang ang hari iyon ng Kingon. Nakasuot din kasi ito ng ginintuang korona. "Magsitigil kayong dalawa! Parang hindi kayo dating magkaibigan!" sigaw ng imahe na ikinatigil ng babaeng kaaway ni Mara. "Bukas na bukas din, dumalo kayo sa pagpupulong! Doon niyo pag-uusapan ang alitan niyong dalawa!" ang huling nasabi ng imahe ng hari bago iyon naglaho. Tumingin nang masama sa kanila ang babae. "Hindi pa tayo tapos, Mara," mariin nitong sabi't naglakad papalabas ng bakuran. Hinatid na lamang nila nang tingin ang babae sa paglakad nito papalayo hanggang makalabas ng bakuran. Tumalon ito nang mataas bago ito naglaho. Naibaling niya ang kaniyang atensiyon kay Mara nang mapaupo ito sa lupa dahil sa pagod. Tinapik niya ang balikat sa babae dahil nauunawaan niya kung anong klase ng sakit ang nararamdaman nito dahil sa nakakaaway niyang kaibigan. Hindi niya man alam kung ano ang naging dahilan ng mga ito ngunit sa nakikita niya ay walang kasalanan si Mara. Napatitig na lamang sa kaniya ang babae't mayroong siya sinabi rito. "Puwede ka namang umiyak," sabi niya sa babae't tuluyan nga itong humagulhol. Naibaling niya ang kaniyang tingin sa ahas nang ibunggo nito ang ulo sa kaniyang likod. Hinapo niya ito sa ulo't binigyan niya ito nang manipis na ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD