Tuwid niyang pinagmamasdan si Mara sa paghawak nito nang pabalikdtad sa punyal na isang dangkal ang haba. Mahigpit ang pagkakapit ng mga daliri nito sa hawakan nang hindi dumulas ang matalim na sandata sa kamay nito. Naroon sila sa bakuran sa pagsisimula niya sa pagsasanay gamit nga ang punyal. Umiihip ang banayad na hangin sa kanilang kinatatayuan na siyang sumasayaw sa blusang suot at mahabang itim na buhok ng babae.
Pinakita ni Mara kung paano umatake gamit ang punyal na nakasunod ang kaniyang mata sa bawat pagkilos nito. Una nitong inihakbang ang kanang paa kasunod ng kamay nitong hawak ang punyal. Umindayog ang buhok nito sa mabilis na paggalaw ng katawan nito. Sinugatan ni Mara ang hangin na gumawa pa ng tunog na tila pinupunit. Hindi lang isang beses nitong ginawa ang bagay na iyon kundi pinangalawahan pa nito. Matapos niyon binaling nito ang buong atensiyon sa kaniya na itinatago ang punyal sa pagwasiwas lang sa kamay nito. Naglaho kaagad ang punyal kasingbilis ng paglabas niyon.
"Ganoon ang dapat gawin mo. Isang libong ulit mong gagawin ngayong araw," pagbibigay alam nito sa kaniya. "Kapag nagawa mo'y iba naman ang susunod mong gagawin."
"Isang libo?" ang naitanong niya rito dahil sa bahagyang pagkagulat.
"Bakti? Hind mo ba magagawa? Kung ako sa iyo ngayon pa lang huwag ka nang magreklamo dahil para sa kabutihan mo ang pinapagawa ko."
Dinama niya ang matigas na hawakan ng punyal na kahoy na inukit nito para sa kaniya. Hindi nito nais na gumamit siya ng tunay dahil mataas ang posibilidad na siya ay masugatan. "Hindi ako nagrereklamo. Nagtatanong lang ako dahil imposible lalo na't sa ganito akong katawan."
Mataman siyang pinagmasdan ng babae kasabay ng malalim nitong buntong-hininga.
"Walang imposible kung gugustuhin mo. Simulan mo na."
Inalis niya ang tingin sa babae matapos ng sinabi nito. Wala siyang ibang magagawa kundi sundin ang utos nito. Muli niyang pinagmasdan ang punyal na kahoy at sinimulang magsanay. Magkasabay na gumalaw ang kaniyang katawan at kamay. Ang kaniya namang paghakbang ay maling-mali. Imbis sa harapan niya maitapak ang kanan niyang paa, naging pantay ito sa kaliwang niyang paa. Sinubukan niyang humiwa sa hangin ngunit hindi gumawa iyon ng ingay malayo sa nangyari kay Mara. Naisip niyang dahil marahil sa lakas ng pagtarak kaya inulit niya na mayroong puwersa. Ngunit katulad sa simula ay walang anong maririnig na tunog mula sa punyal na kahoy.
Nag-aalangan siyang tumingin sa babae.
"Tama ba ang ginagawa ko??" ang naisipan niyang itanong dito.
"Hindi," simpleng tugon nito sa kaniya. Kinuha nito ang patpat na nakasandig sa pader. "Ibuka mo nang maayos ang mga paa mo," sabi nito nang ipatama nito ang patapat sa pagitan ng kaniyang mga paa. "Kung gagalaw ka na, huwag mong alisin ang isa mong paa para kung magkamali ka nang pasok madali kang makaatras. Ihakbang mo rin nang mabuti ang kanan mong paa. Panghuli, yumuko ka nang kaunti," dugtong nito nang magaan siya nitong paluin sa likuran.
Napasunod na lamang siya sinabi nito't aramdaman niya ang hirap ng kaniyang posisyon. Lahat ng bigat niya ay naiipon sa kaliwa niyang paa. Humakbang palayo sa kaniya ang babae kaya bumalik siya sa pagsasanay. Wala na ring iba pa itong nasabi sa kaniya sa paulit-ulit niyang paggalaw. Mataman lamang siya nitong pinagmamasdan. Hindi pa man siya nakakarami ay nagsisimula nang bumigat ang kaniyang kamay. Maging ang kaniyang mga tuhod ay napapagod na rin. Nakakaramdam siya ng pamumuo ng pawis sa kaniyang katawan kahit na umiihip ang hangin.
Huminto siya sa paggalaw nang hindi na niya makaya ang bigat ng kaniyang mga kamay. Nagaalangan siyang lumingon sa babae't isinenyas nito ang ulo para siya ay magpatuloy. Huminga siya nang malalim bago nga muling nagsanay. Inisip niya lang na kailangan niyang maging mahusay para tumagal siya sa mundong iyon bilang pagganyak. Kung sa simula ay mabilis pa ang kaniyang pagwasiwas sa punyal, habang tumatagal lalo siyang bumabagal. Gayunman hindi pa rin siya tumigil at patuloy lamang sa pagsasanay.
Sa paglipas ng mga sandali ay pagod na pagod na ang kaniyang mga kamay at paa. Naghahabol na rin siya ng kaniyang hininga kahit hindi naman siya tumakbo. Basang-basa na rin siya ng kaniyang sariling pawis. Nais niyang tumigil para magpahinga ngunit sa klase ng tingin ng babae sa kaniya'y hindi niya magawa. Hindi nais nito na siya ay huminto kahit ilang segundo lamang. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nagamit niya nang husto ang kaniyang katawan dahil sa pinaggalingang mundo ay hindi niya nga magawang mag-ehersisyo.
Sa hindi nga niya pagtigil sa pagsasanay, katawan niya ang sumuko. Nakaramdam na lamang siya ng pagkahilo't bumagsak sa lupa. Pinagmasdan niya ang babae na hindi bumabangon.
"Puwede bang magpahinga ako? Mamaya ko na lang itutuloy," wika niya sa babae sa paghahabol niya sa kaniyang hininga.
"Hindi puwede. Bumangon ka na riyan," matigas na sabi sa kaniya ng babae.
"Magpapahinga pa rin ako kahit pigilan mo pa ako." Inalis niya ang tingin sa babae't huminga nang malalim nang bumaik sa dating bilis ang takbo ng kaniyang puso sa dibdib.
Mapapansin ang pagbagsak ng balikat ng babae. "Nakalimutan kong bata ka pa rin. Sige, magpahinga ka pero kalahating oras lamang," anang babae sa paglalakad nito patungo sa bahay.
Binuhusan siya ng tuwa kaya napabangon siya nang upo't pinagmasdan ang paglayo ng babae. Iniyuko niya pa ang kaniyang ulo rito nang makuha nitong lumingon bago ito pumasok nang tuluyan sa bahay nito. Tumayo siya't nagtungo sa mayabong na puno. Muli syang naupo sa duyan habang nakatingala sa mga sanga nito para hanapin ang itim na ahas. Ngunit lumipas ang mga sandali na hindi ito nagpapakita sa kaniya. Napagod lamang ang kaniyang leeg kaya tumuwid na lamang siya ng pag-upo.
Sumipol siya upang magtawag ng hangin. Mayamaya nga ay umihip ang malamig na hangin sa kaniya kaya naipipikit niya ang kaniyang mata upang lasapin ang samyo niyon. Idinuyan niya rin nang bahagya ang kaniyang sarili sa pagkalma ng kaniyang paghinga.
Kung saan hindi niya na hinihintay na magpakita pa sa kaniya ang makamandag na ahas, nagparamdam nga ito sa kaniya. Sa paglambitin nito sa kaniyang harapan ay tumalon na naman ang pagtibok ng kaniyang puso. Nasapo niya na lamang ang kaniyang dibdib dahil sa ginawa nito. Nahulog pa ang ilang mga tuyong dahon na nadala rin ng hangin palayo.
"Gaano na kalayo ang nabasa mo sa libro?" ang tanong nito sa kaniya sa loob ng kaniyang isipan.
Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang kaniyang sarili. "Nakakailang pahina pa lamang ako. Sinubukan ko ring gawin ang mga nakasulat. Pakiramdam ko ay nadagdagan nga ang espirituwal kung enerhiya," pagbibigay alam niya rito.
"Mabuti nanag hindi masayang ang pagtulong ko sa iyo." Lumalabas ang mahabang nitong dila sa pagsasalita nito.
Sinalubong niya ang reptalya nitong mga mata na hugis butil ng bingas ang balintataw. "Hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon kung bakit tinulungan mo ako. Hihingi ka ba ng kapalit sa akin?" aniya para kung sakaling hindi siya nagkakamali mapaghahandaan niya kung ano man.
"Nagkakamali ka," pagtama nito sa kaniya. "Tinulungan lang kita dahil mayroong mangyayaring hindi maganda sa mga susunod na taon."
Kumunot ang noo niya sa narinig mula sa itim na ahas. "Ano ang ibig mong sabihin?" taka niya rin namang tanong dito.
Nag-alangan sumagot ang ahas sa panandaliang pananahimik nito. Gayunman pinagpatuloy pa rin naman nito ang pagsasalita.
"Magkakaroon ng digmaan dito sa Kingon," paglalahad nito sa kaniya.
"Kailan naman?"
"Kung malaki ka na siguro. Kaya kung ako sa iyo habang wala pa ang araw na sinasabi ko magsanay ka nang mabuti. Huwag mong ipagsasabi sa iba ang nasabi ko. Saka kung sabihin mo, wala rin namang maniniwala sa iyo dahil hindi likas sa katulad mong bata na makausap ang katulad kong nilalang."
"Naguguluhan ako sa iyo," ang makatotohanan niyang sabi dahil hindi niya talaga naunawaan ang huli nitong pangungusap.
"Hindi ordinaryong nakakausap mo ako. Madalas ang mga taong mayroong mataas na enerhiyang epsirituwal ang nakakapag-usap sa akin nang ganito. Huwag mong isipin dahil nakakausap mo ako, malakas ka na. Hindi iyon ganoon. Kakaiba ka lang talaga. Hindi ko matukoy kung ano ang tumpak na dahilan."
Naintindihan niya rin naman ang sinabi nito sa kaniya dahil nga hindi siya nabibilang sa mundong iyon. "Posible talaga ang sinasabi mong digmaan lalo na't isang mahiwagang mundo ang Kasarag," pagbali niya sa naging usapan.
"Pero baka gusto mo ring gawin ang dati kong pangarap sa buhay," suhesiyon nito sa kaniya kaya napatitig naman siya rito.
"Ano'ng pangarap mo ba ang hindi natupad?" tanong niya rin naman.
"Ang pag-ikot sa buong Kasarag," sagot nito sa kaniya.
Nagbalik sa kaniyang isipan ang imahe ng mapa't ang mga nasabi sa kaniya ng babae.
"Huwag mong sabihin ikaw iyong dating guro ni Mara?" bulalas niya nang lumabas sa kaniyang isipan
"Hindi. Alalay lang ako ng guro niya," pagtama naman ng makamandag na ahas sa kaniya.
"Pakiramdam ko ay nagsisinungaling ka lang," aniya na hindi binigyang pansin ng makamandag na hayop.
Umalis ito sa pagkalambitin sa kaniyang harapan at muling nagtago sa likuran ng mga dahon. Hindi niya pinilit pa itong sabihin ang totoo dahil naisip niyang mayroon itong mabigat na rason kaya nagtatago ito bilang isang ahas.
Tumingala siya sa kalangitan nang mabilis na maipon ang makapal at madilim na mga ulap. Umalis siya ng duyang kinauupuan upang mapagmasdan nang maigi ang mangyayari. Pakiramdam niya ay mayroong magaganap na hindi maganda sa katapusan ng pagkaipon ng mga ulap. Tiningnan niya ang bahay nang hindi pa rin lumalabas dito ang babae. Sa balak niyang paglalakad patungo rito para pumasok sa loob narinig niya na lamang na magsalita ang itim na ahas.
"Huwag kang gumalaw," babala nito sa kaniya na kaniyang ikinatigil sa paghakbang.
Sa pagitigl nga niya ay kumidlat sa harapan niya't umabot sa lupa. Naitaas niya ang kaniyang kamay sa panginginig niyon dulot ng takot para isangga sa kaniyang mukha. "Ano ang nangyayari?" ang naitanong niya sa ahas nang muli siyang tumingala sa kalangitan.
"Hindi ko alam kung paano ka sasagutin dahil hindi ko alam kung sino ang may gawa niyan. Ang sigurado lang ako ay hindi basta-basta ang mga nagbabalak sumira sa bahay."
"Ano? Dahil ba sa aklat?" aniya sa ahas.
"Imposible ang sinasabi mo. Walang nakakaalam na narito ang aklat," ang nasabi naman sa kaniya ng ahas. "Baka dahil sa iyo?"
"Hindi rin ako. Wala akong ibang taong nakasalamuha sa pagpunta ko rito maliban sa mga manglalakbay at sa batang prinsipe. Wala silang ideya na narito ako. Baka nagpunta rito ang may gawa niyan para kay Mara?"
"Marahil tamaga ka. Hindi malayong nabunyag ang kaniyang tunay na trabaho."
"Kung ganoon hindi ba dapat tulungan mo siya? Bakit hindi mo siya tawagin?"
"Hindi ko magagawa ang sinasabi mo," ang makatotohanan nitong sabi sa kaniya.
"Ano?"
"Nagsingunaling siya sa iyo. Hindi niya ako nakakausap."
Naputol ang kanilang pag-uusap nang kumdilat ng pagkalakas paibaba ng bahay. Sa bilis niyon sumabay iyon sa pagbukas at sara niya sa kaniyang mga mata. Bago pa man tumama sa bahay ang maliwanag na kidlat, lumitaw ang nakabalot na pananggalang sa buong buhay. Pinatalsik ng pananggalang ang kidlat at kumalat iyon sa buong paligid. Kamuntikan pa siyang matamaan niyon kaya napatigil siya sa kaniyang paghinga. Sapo ang kaniyang dibdib ibinalik niya ang kaniyang tingin sa bahay sa paglaho ng pananggalang. Nang sandali ring iyon lumabas na ang babae ng bahay nito na nagpupunas ng mga kamay nito sa suot nitonng tapis sa paghugas.
Lumingon ito patungo sa kaniya. "Ayos ka lang?" tanong nito sa kaniya.
"Oo," tugon nito na mayroong kasamang pagtango ng kaniyang ulo.
"Dito ka lang," ang sabi niya rito. "Hindi maganda kong lalabas ka ng bakuran."
Tumingin ito sa malayo't naglakad patungo sa parang habang inaalis ang tapis sa kaniyang harapan. Napalingon na lamang siya sa direksiyon na pupuntahan nito. Umabot ang kaniyang mata sa mataas na bahagi ng parang kung saan nakatayo ang tatlong mga estrangherong nakabalabal na itim. Walang takot na naglakad si Mara patungo sa mga ito. Kumilos naman siya sa kaniyang kitatayuan sa paglaho ng mga madilim na ulap sa kalangitan.
"Makinig ka kay Mara. Hindi pa panahon para para sumunod ka sa kaniya," paalala sa kaniya ng ahas sa paglambitin nito sa sanga.
"Hindi ako pupunta," sabi niya rito't tumayo sa pader kung saan ulo niya lang ang nakikita sa taas niyon.