Kabanata 2

2107 Words
Inakala niya talagang hindi na siya masusundan ng mga lalaking nanggugulo sa kaniya. Ngunit naging malaki ang pagkakamali niya sa bagay na iyon. Sapagkat sa pagliko niya patungo sa interseksiyon bigla na lamang niya itong nakasalubong na nakasuot ng mga dilaw na kapoteng sinag. Natigalgalan na lamang siya’t natigil sa paghakbang. Pinagmasdan siya nang masama ng lalaking nasa gitna na nagsisilbing lider. Sa mga labi nito ay nakaguhit ang matalim na ngisi. Kahit ang dalawang kasama nito’y kakaiba ang tingin sa kaniya. Nahahalata niya sa mukha ng mga ito na tumatakbo ang masamang balak sa isipan ng mga ito nang mga sandaling iyon. “Tingnan mo nga rin naman ang sinusuwerte,” ang nasabi ng lider sa kaniya. “Kung saan balak mong huwag nang hanapin ay siya mismo pa ang lumapit sa atin.” Umatras siya nang isang hakbang dahil sa narinig mula rito. “Ano na naman ba ang kailangan niyo? Wala ba kayong magawa sa buhay at ako na naman ang napapagdiskitahan niyo?” ang nasabi niya sa lider sa nanginginig niyang boses. Kahit ang kamay niyang mahigpit ang hawak sa payong at sa kaniyang dalang buko pie ay nanginginig din hindi dahil sa lamig kundi dahil sa takot na nararamdaman. “Ito nga ang ginagawa namin sa buhay namin. Ang pakikipaglaro sa iyo,” ang nakakalokong sabi ng lider na sinundan nito ng pagak na tawa. Sumabay dito ang dalawa nitong kasama. Umakyat ang dugo sa kaniyang ulo na ikinapula ng kaniyang dalawang tainga. Iyon nga lang kahit magalit siya sa mga ito wala rin naman siyang magagawa sa pagigi niyang duwag. Kahit anong gawin niyang laban sa mga ito malabo siyang manalo. Minsan na niyang ginawang subukang harapin ang mga ito ngunit nabugbog lang siya’t nadala sa ospital. Kung kaya hindi na niya inulit. “Lubayan niyo ako,” ang kinakabahan niyang sabi sa mga ito. Sinubukan niya pang umatras ngunit sa pagsenyas ng lider sa ulo nito’y mabilisang lumapit sa kaniya ang dalawang kasamahan nito. Hinawakan siya ng dalawa sa kaniyang mga kamay kaya nabitiwan niya ang kaniyang dala-dala. Sa pagkahulog ng kaniyang payong ay nabasa nga siya ng bumubuhos na ulan. Pinagmasdan niya ang kahon ng buko pie na unti-unting nababasa. Pinilit niyang kumawala sa nakahawak sa kaniya nang magawa niyang mapulot ang buko pie. Ngunit hindi siya pinagbigyan ng mga ito. Lumingon siya sa kaniyang paligid upang humingi ng tulong. Sa kasamaang-palad walang ibang taong napapadaan sa lansangan na kanilang kinalalagyan nang mga sandaling iyon. Kung saan kailangan niya ang tulong doon pa mistulang nawala ang mga tao na para bang nagsasabi sa kaniya na nararapat lamang na siya ay magdusa sa kamay ng tatlong lalaki. “Huwag mo nang subukang kumawala pa. Lalo ka lang mahihirapan,” ang nasabi sa kaniya ng lider nang lumapit na ito sa kaniya. Tiningnan niya ang lider na nagmamakaawa ang titig. “Hayaan mo akong pulutin ang buko pie. Hindi siya puwedeng mabasa,” saad niya sa lalaki. Nilingon ng lider ang kahon sa tabi ng daan. “Ano bang mayroon sa buko pie na ito?” ang nasabi nito sa kaniya’t tinapakan ang kahon nang paulit-ulit hanggang mapipit iyon. Sa hindi nito pagtigil ay lumabas ang laman niyong buko pie na kumalat bago nahugasan ng tubig-ulan. Nanlulumo na lamang siyang napayuko ng kaniyang ulo. Sa lagay niya nang mga sandaling iyon hindi na siya makakabili pa ng panibagong buko pie. Hindi naman siya puwedeng bumili sa ibang panaderya dahil hindi gusto ng kaniyang mga magulang. Hinawakan ng lalaki ang kaniyang baba’t iniangat iyon. Pinakatitigan siya nito nang masama. Inilayo niya ang kaniyang mukha’t sinubukan muling kumawala sa mga ito. Humigpit ang kapit sa kaniya ng dalawa’t sinuntok siya ng lalaki sa kaniyang tiyan na ikinapilipit niya sa sakit. Nanghina siya sa sakit ng kaniyang sikmura’t nasuka pa siya nang kaunti. Napangiwi na lamang ang lalaki nang pagmasdan siya nito. Umatras ito palayo nang hindi ito madikitan ang sukang bumagsak sa basang tabi ng daan. Dinala siya ng tatlo papasok sa eskenita malayo sa pangunahing daan. Nang makarating sa gitna binitiwan siya ng dalawa. Sinipa siya ng lider sa kaniyang likod na kaniyang ikinabagsak sa mga basurang naroon. “Pabayaan niyo na ako,” pagmamakaawa niya sa mga ito. Hindi niya magawang maiangat ang kaniyang paningin. “Wala naman akong ginagawa sa inyo.” “Wala nga. Pero makita lang kita umiinit na ang ulo ko.” Hinawakan siya ng lider sa kaniyang mahabang buhok. Napapangiwi siya sakit na dulot ng kapit nito. “Pakiusap. Hindi naman ako lumalapit sa inyo.” “Iyon na nga rin ang nakakairita. Hindi ako natutuwa hanggang wala akong nagagawa sa iyo. Ngayong araw hindi mo matitikman ang kamao ko. Pero alam mo rin naman siguro ang dapat mong gawin, hindi ba?” sabi sa kaniya ng lider. Dinuruan siya nito sa mukha’t binitiwan na nito ang kaniyang buhok. Muli na lamang niyang naiyuko ang kaniyang ulo sa pagsisimula niyang hubarin ang kaniyang suot. Una niyang ibinigay sa lider ang kaniynag pitaka na nakuha pa nitong pagmasdan ang laman. Napangiti na lamang ito nang makita nito ang laman niyong mga salapi. Natatawa na lamang sa kaniya ang tatlo habang pinagmamasdan ng mga ito ang kaniyang paghubad. Una niyang inalis ang kaniyang sweater kasunod ang kaniyang short kasama ang boxer brief. Tinakpan niya ang kaniyang harapan nang hindi mapagmasdan ng mga ito ang kaniyang masilang bahagi. Natatakot siyang lalo lamang siyang pagtawanan ng mga ito. Kinuha ng dalawang kasamahan ng lider ang hinubad niyang mga damit. “Umalis na kayo,” sabi niya sa mga ito na nakayuko ang ulo. “Nagawa niyo na ang gusto niyo.” “Napakapangit mo talaga,” sabi ng lider na pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. “Dapat siguro sa tulad mo’y mamatay na nang mabawasan ang mga katulad mong sakit sa mata.” Muli siyang sinuntok ng lider sa kaniyang tiyan na ikinaluhod niya sa eskenita habang hawak ang tiyan na namimilipit sa sakit. Natawa na lamang ang dalawa sa lumabas sa bibig ng lider. Inalis ng lider ang mga lamang pera ng kaniyang pitaka. Nang maubos nito ang laman ng pitaka, tinapon nito iyon na tumama sa kaniyang mukha bago mahulog sa maruming eskenita. Hindi pa nakuntento ang mga ito sa kanilang kalokohan. Inilabas ng mga ito ang kanilang mga p*********i’t inihian siya nito. Pinaliguan siya ng mga ito ng mainit na maruming tubig galing sa katawan ng mga ito.   Matapos siyang pagdiskitahan ng mga ito, umalis din naman ang mga ito dala ang kaniyang hinubad na damit. Malakas na tawa na lamang ang narinig niya sa paglayo ng mga ito papalabas ng eskinita. Napatitig na lamang siya sa kaniyang itsura dahil hindi rin naman nagkakamali ang mga ito. Lumulubo ang kaniyang tiyan at bumubundok ang kaniyang taba sa katawan. Marahil tama ngang mawala na rin siya dahil wala na rin siyang rason para mabuhay. Wala rin siyang halaga sa mundong kaniyang kinagagalawan. Hindi siya hahanapin ng mga tao kahit mamatay pa siya. Nang makauwi siya na hindi hinuhuli ng mga pulis naghanap siya ng maaari niyang maisuot na damit sa mga basurang nakatambak. Hindi siya naiyak sa kaniyang kalagayan sapagkat naging manhid na ang kaniyang puso mula nang mawala ang kaniyang magulang. Sa katapusan ng kaniyang labis na pag-iyak sa libing ng kaniyang magulang kailanman ay hindi na siya muling lumuha pa. Sa kabutihang-palad, nakahanap din naman siya ng lumang kapoteng kulay madilim na berde. Sira na ang kalahati niyon ngunit magagamit niya pa ring pangtabon sa hubad niyang katawan. Matapos niyang maisuot ang kapote sa kabila ng masamang amoy niyon nagsimula na siyang maglakad pauwi ng kaniyang inuupahan. Dumaan siya sa pinagbagsakan ng buko pie. Pinulot niya ang kahon kahit na sirang-sira na. Hinawakan niya nang mabuti nang hindi matapon ang natitirang buko pie na laman niyon. Nakayuko lamang ang kaniyang ulo sa paglalakad. Hindi niya iniaangat ang kaniyang ulo kahit na bumangga siya sa nakasalubong na babae. Pinagmasdan siya nang masama ng babae sa kaniyang pagpapatuloy na hindi humihingi ng paumanhin. Huminto lang siya saglit nang mapadaan siya sa interseksiyon. Sa pagtitig niya sa daan sa pagbuhos ng ulan naisip niyang panahon na para samahan niya ang kaniyang magulang nang magkakasama na sila sa kabilang buhay. Laman ng kaniyang isipan ang kaniyang magulang sa kaniyang paghakbang. Binalikan niya ang masasayang araw na buhay pa ang mga ito. Sa kaniyang mga labi ay gumuguhit ang ngiting walang kahulugan. Sa paglalakbay ng kaniyang isipan nakarating na rin siya sa kaniyang inuupahan. Umakyat siya sa kaniyang palapag. Malayo pa man siya sa pinto napansin niya na kaagad ang may-ari na mataba ang pangangatawan. Nakasuot ito ng bestidang bulaklakin na kulay dilaw. Naghihintay ito sa kaniya sa pintuan habang pinapadyak ang mga paa. Bumalik sa kaniyang isipan kung ano ang kailangan nito sa kaniya nang araw na iyon. “Mabuti naman narito ka na,” ang sabi nito sa kaniya kahit ilang dipa pa ang layo niya rito. “Alam mo rin naman siguro kung anong dahilan bakit ako narito ngayon. Kailangang mo nang umalis sa pauhapahan na ito. Marami na akong panahong ibinigay sa iyo.” Nakakapagbayad naman siya nang maayos ngunit pinapaalis pa rin siya nito sa paupahan na iyon. Maraming nagrereklamong kapitbahay tungkol sa hindi niya paglabas madalas ng paupahan. Nahihiwagaan ang mga ito sa hindi niya paglabas. Hindi gusto ng mga ito ang pagiging iba niya. Iniisip ng mga tao na isa siyang mamamatay-tao. Hindi niya tiningnan ang matabang may-ari sa patuloy niyang paglalakad. Hindi rin niya ito sinagot kaya sumama ang tingin nito sa kaniya. Binalewala niya ang matalim na tingin nito’t pumasok siya kaagad sa inuupahan pagkarating niya sa harapan ng pinto niyon. Napaatras na lamang ang may-ari nang masinghot nito ang masangsang na amoy na nagmumula sa kaniyang suot na kapote. Bago pa man mayroon pang masabi sa kaniya ang may-ari sinara niya ang pinto sa pagmumukha nito. Hinayaan niya lang ang may-ari na hampasin ang pinto nang makailang ulit na siyang gumagawa ng ingay sa kaniyang silid. Tumigil din naman ito matapos ang malakas na pagsigaw. Tinulak niya ang kabinet na lagayan ng kaniyang damit at hinarang sa pinto. Napabuntong-hininga siya nang malalim pagpasok niya sa silid kung saan walang manghuhusga sa kaniya. Hinubad niya ang suot na kapote’t hinayaang bumagsak sa sahig. Kapagkuwan ay nagtungo siya sa harapan ng telebisyon at binuksayon iyon. Naupo siya sa sahig na inilalapag ang nasirang buko pie. Kinain niya ang buko pie habang nanonood ng telebisyon. Hindi rin naman pumapasok sa kaniyang isipan na naging blangko ang kasalukuyang palabas. Tiniis niyang kainin ang basang buko pie kahit na marumi na iyon. Hindi niya alintana na iba na ang lasa niyon. Sa pagtitig niya sa telebisyon tuluyan na ngang nagdilim ang kaniyang isipan. Kumilos ang kaniyang katawan na para bang mayroong sariling isip. Nakuha niya ring maubos ang buko pie dahil sa walang laman ang kaniyang tiyan magmula pa kahapon. Tumayo siyang nahihirapan sa laki niya at bigat. Nagtungo siya sa sulok ng silid kung saan naroon ang itinabi niyang isang galon ng gasolina. Dinala niya sa gitna ng silid at kinuha ang pangsindi sa debuhista sa lababo na malapit lang sa kaniya. Nag-iingay ang natatapakan niyang mga basura. Pagkakuha niya sa pagsindi’y binalikan niya ang gasolina. Binuksan niya iyon at binuhos sa buong silid. Binasa niya lahat kahit na ang telebisyon at ang kaniyang pinag-ipunang kompyuter. Sa katapusan ng kaniynag pagbasa sa buong silid, dumating ang may-ari sa labas na mayroong kasamang dalawang kalalakihan. Pilit na binuksan ng mga ito ang pinto sa pagtulak niyon. Hindi na niya pinatagal pa ang mga sandali’t pinaliguan niya na ang kaniyang sarili ng gasolina mula ulo hanggang paa. Sa pagbitiw niya sa galon ay siya ring pagbagsak ng kabinet. Unang pumasok ang isang lalaking dala ng may-ari. Napatitig ito sa kaniya habang tinakpan ang ilong dahil sa amoy ng gasolina. Tinaas niya kaagad ang hawak na pangsindi’t sinilaban ang sarili. Napalabas na lamang ang lalaki’t hindi nakatuloy ang may-ari na balak pumasok. Mabilis na kumalat ang apoy sa buong silid mula sa kaniyang nasusunog na katawan. Napasigaw na lamang siya sa pagkasunog ng kaniyang balat na siyang umalingawngaw sa katahimikan ng pauhapan. Gumuhit ang takot sa mukha ng may-ari lalo na at gumapang ang apoy patungo sa pinto. Sa hindi pagtigil ng apoy napaluhod na lamang siya sa sahig. Unti-unting nagdilim ang kaniyang paningin. Hindi niya inasahan ang sunod na nangyari. Nasabi niya na lang na pinaglaruan siya ng kaniyang isipan sa kaniyang katapusan. Lumitaw sa kaniyang harapan ang babaeng nagbantay sa panaderya na nabilhan niya ng buko pie. Puting-puti ang suot nito’t nakalutang sa kaniyang harapan. Nginitian pa siya nito nang tuluyan siyang mawala ng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD