Kabanata 23

2259 Words
Ginugol niya ang paglipas ng bawat sandali sa pagbabasa ng itim na librong ibinigay sa kaniya ng ahas. Hindi na nagpakita pa sa kaniya ang makamandag na hayop matapos nitong iwanan siyang mag-isa. Bumalik ang katahimikan sa loob kaya malinaw na maririnig ang pagtama ng ulan sa bubongan. Nadagdagan lamang ang ingay ng pagpatak ng ulan ng paglipat niya sa pahina ng librong kaniyang pinagtuunan ng pansin. Huminto lamang siya sa pagbabasa nang marinig niya ng pagbukas ng pinto sa ibabang palapag ng bahay. Indikasyon na nakabalik si Mara galing sa bayan. Nagmadali siyang isinara ang libro't naghanap ng mapagtataguan niyon. Dahil wala rin naman siyang mapagtataguan, inihulog niya lamang sa ilalim ng mesa. Hindi rin naman mapapansin kaagad iyon ng babae kung sakaling pumasok nga ito sa silid aklatan dahil sa harang sa harapan. Nagkunwari na lamang siyang pinag-aaralan ang kabuuang mapa ng Kasarag. Mayamaya nga'y narinig niya na lamang ang pag-akyat nito sa hagdanan. Gumagawa ng hindi nagbabagong tunog ang paghakbang nito sa bawat baitang. Sinundan iyon ng pagbukas sa pinto sa inalisan niyang silid at muling pagsara niyon. Lumakad kapagkuwan ang babae patungo sa kaniyang kinaroroonan. Pagkarating nga nito sa nakabukas na pinto sumilip ito. Tumama ang mga mata nito sa kaniya kaya sinalubong niya ang tingin nito.Tanging blusang bulaklakin na lamang ang suot nito nang mga sandaling iyon matapos alisin ang ginamit na balabal sa paglabas nito. "Inakala ko kung saan ka pumunta't mayroong nangyari naman sa iyo," ang nasabi ni Mara sa paghakbang nito papasok ng silid aklatan. Binalik niya ang kaniyang mga mata sa mapa kahit na wala rito ang kaiyang buong atensiyon. "Nabagot ako kaya naghanap ako nang magagawa. Mabuti't nahanap ko itong silid aklatan. Nagbasa ako ng libro't tinitiningnan ko ngayon itong mapa," pagsisinungaling niya sa babae. Naglakad papalapit sa kaniya ang babae na hindi binibigyang pansin ang mga estante ng libro. Yumayangitngit nang bahagya ang tinatapakan nitong sahig na gawa sa kahoy. "Mahilig ka bang magbasa?" ang naitanong nito sa kaniya na sinagot niya ng isang tango kahit nakatingin dito. "Hindi ko nagagamit ang akalatan na ito dahil hindi ko hilig magbasa. Sumasakit ang ulo ko kahit sa ilang talata pa lang ng mga salta." Pinagmasdan nito ang nakalatag na mapa pagkatayo nito sa harapan ng mesa. "Saan mo nakita itong mapa?" "Doon," aniya sa babae na nakaturo ang daliri sa estanteng kasunod ng pintuan. Sumunod ng tingin sa kamay niya ang babae't binalik sa kaniya kasabay ng pagbaba ng kaniyang kamay. "Hindi ko alam ng mayroong mapa na ganito rito sa silid aklatan. Mahalaga ang ganitong mapa. Lalo na't gawa ito mismo ng yumao kong guro." "Bakit hindi mo alam na narito?" pag-usisa niya rito dulot na rin ng pagtataka. "Iniwan lang sa akin ng guro ko ang bahay na ito. Wala rin siyang sinabi sa akin na mahalagang bagay na nairto sa aklatan," paliwanag naman nito sa kaniya. "Minsan ko na rin kasing nasabi sa kaniya na nais kong tumira rin dito sa pagtanda ko." Napatango-tango siya ng kaniyang ulo bilang naintindihan niya rin naman ang sinabi nito. "Tama ba ang mga nakaguhit dito? Sa nakikita niyo ay napakalawak ang Kasarag," sabi niya sa babae na pinagmamasdan nang maigi ang mapa. "Hindi ako sigurado. Minsan nasabi niyang hindi lang ang tatlong pangunahing lupain ang mayroon sa Kasarag. Marami pang maalaking lupapin na hindi napupuntahan. Kaya nga ginugol niya ang buhay niya sa paglalakbay para makadiskubre. Dahil doon tinawag siya ng mga tao na isang taong nababaliw. Wala pang sino man ang nakakalampas sa karagatan na nakapaikot sa tatlong lupain." "Ibig mong sabihin, hindi totoo ang mga nakalagay dito?" ang naitanong niya sa babae. "Totoo ang mga iyan. Ang guro ko ang tanging nakalampas sa malawak na karagatan. Hindi niya lang sinabi sa mga tao para magulat na lamang ang mga ito kapag naikot niya na ang buong Kasarag. Pero imposible pa rin talaga ang pangarap niyang iyon. Namatay na lamang siya na hindi nagagawa ang gusto niyang mangyari," pagkuwento ng babae sa kaniya. Tinuro nito ang mga nakasulat na salita sa itaas ng mapa. "Ano ang ibig sabihin nito?" Binasa niya rin naman ang mga salita. "Upang mabuksan ang natatagong lihim kailangan ng pitong perlas mula sa kailaliman ng karagatan," saad niya't napatitig na lamang siya sa mukha ng babae dahil sa paglaki ng mga mata nito. "Bakit? Ano ang problema?" ang naguguluhan niyang tanong dito?" "Paano mo nababasa ang unang lenguwahe?" pag-usisa nito sa kaniya. "Ako nga ay kahit isang saita ay walang alam. Masyado ka pang bata para matutunan mo. Wala ring makapagtuturo sa iyo dahil bilang lamang sa isang kamay ko ang may alam sa pinakalumang lenguwaheng walang kahirap-hirap na nabasa mo." Huminga siya nang malalim sa pag-iisip nang maaari niyang idahilan dito. Pinagtagpo ng babae ang dalawa nitong kamay sa harapan sa paghihintay nito ng sagot mula sa kaniya. Hindi niya alam na ibang lenguewahe na iyon malayo sa unang librong nabasa niya tungkol sa isang talambuhay ng orihinal na nagmamay-ari sa ginamit niyang pangalan. "Biyaya sa akin," ang makatotohanan niyang sabi sa babae. Pinakatitigan siya ng babae dahil hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa kaniya. "Imposible," ang naisatinig nito. "Alin ang imposible roon? Gayong sa mundo ako ng Kasarag ipinanganak," pangungumbinsi niya sa babae. "May punto ka rin naman. Nagulat lang ako. Ikaw ang unang taong nakilala ko na binayayaan ng kaalaman sa lenguwahe." "Kahit ako rin naman nagulat din nang makahawak ako ng isang libro." Binalik niya na lamang sa dating ayos ang mapa't isinara ang pabalat niyon. "Siyanga pala, nakabili ka ba ng kristal?" "Narito nga't dala ko." Isinilid nito ang kanang kamay sa bulsa ng suot nitong blusa. Inilabas nito mula roon ang asul na kristal. Hindi kalakihan ang kristal sa kamay ng babae. "Ano ang gagawin ko?" sabi niya nang tanggapin niya ang kristal. Malamig ang bato na iyon sa kaniyang palad. "Hawakan mo ng dalawang kamay. Ipunin mo ang enerhiya sa katawan mo patungo sa kristal." Kumunot ang kaniyang noo sa paliwanag nito dahil hindi niya ito maintindihan. "Paano ko magagawa iyon? Paano ko malalaman kung tama ba?" "Isipin mong nag-iipon ka ng enerhiya sa kristal. Epektibo na ang paraan na ganoon para sa pagsisimula mo." Sinunod nga niya ang sinabi nito't pinikit ang mga mata habang nakalagay ang kristal sa dalawa niyang palad. Inisip niya ngang nag-iipon siya ng enerhiya patungo sa kaniyang mga kamay. Ngunit wala naman siyang maramdaman na kung ano kahit sa paglipas ng mga sandali. Binuksan niya ang kaniyang mga mata para tingnan ang krisital. Hindi nagkaroon ng reaksiyon ang bato. Ipinikit niya ulit ang kaniyang mga mata sa ikalawang pagkakataon at inulit ang sinabi nito. Sinasabi niya sa kaniyang isipan na guma na sana. Ngunit kahit anong pilit niya ay hindi talaga nagliliwanag ang asul na kristal. Napabuntonghininga na lamang siya nang malalim nang iminulat niya ang kaniyang mga mata. Dulot ng pagkadismaya ay naibaba niya na lamang ang kaniyang kamay at nilapag ang asul na kristal sa mesa. "Siguro nga ay wala talaga akong enerhiya sa katawan ko," ang nasabi niya sa babae. Nalungkot talaga siya sa naging resulta dahil ibig sabihin niyon wala talaga siyang pag-asang matuto ng salamangka. Nagkamali rin marahil ang ahas sa kaniya. Hindi malayong pinaglalaruan lang siya nito. Isa nga rin namang tusong hayop ang isang ahas. Pinagmasdan siya nito nang tuwid na nakaguhit ang lungkot sa mga mata nito. "Pasensiya na. Akala ko talaga ay nagtataglay ka ng hibla," wika nito para siya ay aluin. "Ayos lang ako. Inasahan ko na rin naman ganito," sabi niya sa babae para hindi na lamang siya nito kausapin. Inabot niya na lamang ang librong nasa tabi ng mesa't binuklat-buklat iyon. Napabuntonghininga nang malalim ang babae sa nakikita sa kaniya na mapapansin sa pagbagsak ng mga balikat nito. Pinulot nito mula sa mesa ang asul na kristal at pinagmasdan iyon nang maigi. "Baka peke itong batong nabili ko. Hayaan mo't bibili ako ng bago. Subukan natin ulit." "Huwag na," pagtanggi niya sa naiisip nito. "Wala rin namang problema sa akin kung wala talaga akong espirituwal na enerhiya sa katawan." Hindi niya naiwansang isipin naman ang babaeng nagdala sa kaniya sa mundong iyon dahil sa nangyari. Napagtanto niyang kaalaman lamang talaga sa lenguwahe ang binigay nito sa kaniya. Pinagpatuloy niya na lamang ang pagbuklat sa libro. Napapatitig na lamang ang babae't pinabayaan na lamang siya nito dahil hindi na rin naman siya makausap. Iniwan siya nito sa loob ng silid aklatan sa paglabas nito. Isinara rin nito ang pinto nang magsimula itong maglakad sa pasilyo. Pagkawala nga ng babae'y sinara niya ang hawak na libro't pinulot ang libro sa ilalim ng mesa. Pinagmasdan niya iyon nang maigi't binuklat. Sa inis niya ay binalak niyang punitin ang pahina niyon. "Huwag mong itutuloy iyan kung ayaw mong kumapit sa iyo ang sumpa," babala sa kaniya ng ahas sa kaniyang isipan. Sa narinig nasara niya na lamang ang libro't inikot niya ang kaniyang paningin sa silid para hanapin ang ahas. Hindi niya naman ito nahanap. "Saan ka?" tanong niya rito. "Dito sa likod mo," pagbibigay alam nito sa kaniya. Lumingon nga siya sa likuran para lamang mapaatras dahil nakalambitin ang ahas sa labas ng bintana. Tinulak ng nguso nito ang salaming sara para makapasok. Napaatras na lamang siya't bumangga ang likod sa mesa dahil sa natatakot pa rin siya rito. Gumapang ang ahas paibaba ng bintana't nanatili sa sahig paharap sa kaniya. "Nagsinungaling ka sa akin. Ano pa ang halaga ng librong ibinigay mo. Wala naman akong enerhiya sa katawan ko," aniya sa makamagandag ng ahas. "Hindi man lang nagliwanag ang kristal nang kaunti." "Isa lang ang ibig sabihin niyon. Hindi masukat ng kristal ang kapangyarihan mong taglay," paliwanag sa kaniya ng ahas. Pinagmasdan njiya nang maigi ang itim na ahas dahil hindi niya malaman kung dapat ba siyang maniwala sa sinabi nito. "Paano mo nalaman?" "Maniwala ka. Alam ko." "Gaano naman ako nakakasigurado na hindi mo gawa-gawa lang?" "Isa ako sa pinakamahusay na salamangkero ng kaharian na ito," pangungumbinsi nito sa kaniya kaya lalo lang siyang nagdadalawang-isip. Pinagmasdan niya ito nang tuwid na nagtatanong ang mga mata. Nababasa nito kung anon ang tinatakbo ng kaniyang isipan kaya nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Isa akong dating tao na naging ahas matapos mapatay. Ano naniniwala ka na ba?" "Hindi pa rin," tugon niya rito. "Kung ganiyan ka ay wala na akong magagawa," sabi nito at walang babalang mabilisan siya nitong tinuklaw sa leeg. Naramdaman niya na lamang pagbaon ng matalim nitong mga pangil at pagkalat ng makamandag nitong lason sa kaniyang mga ugat. Matapos siya nitong matuklaw pinabayaan siya nito't napaluhod na lamang siya sa sahig. Sumakit ang kaniyang ulo't dibidb na parang puputok na ang mga iyon. Nanglalabo na rin ang kaniyang paningin hanggang sa tuluyang bumagsak ang kaniyang buong katawan sa sahig. Isa lang ang naisip niya nang mga sandaling iyon, balak lang talaga siya nitong tuklawin kaya kinausap siya nito. Nais siya nitong mamatay dahi marahil alam talaga nitong hindi siya nabibilang sa mundong iyon. Ngunit nagkamali ang itinatakbo ng kaniyang isipan. Sapagkat matapos ang mga sandali'y gumaan na ang kaniyang pakiramdam. Sa katawan niya ay lumalabas ang itim na espirituwal na enerhiya kawangis ng apoy. Nang imulat niya ang kaniyang mata ay sumalubong sa kaniya ang ahas na naghihintay sa kaniya. Iniupo niya ang kaniyang sarili't pinagmasadan ang kaniyang kamay kung saan lumalabas ang kaniyang taglay na enerhiya. "Ano ang ginawa mo sa akin?" ang naitanong niya sa makamandang ng ahas kasunod ng paglaho ng itim na enerhiya. "Sinabi ko na sa iyong tutulungan kitang mailabas ang natatago mong kapangyarihan," paliwanag sa kaniya ng ahas. "Sa kadiliman nahuhugot ang espirituwal mong enerhiya kaya hindi magawang basahin ng asul na krisital." "Ano ang ibig mong sabihin sa bagay na iyon? Masamang kapangyarihan ang matutunan ko?" "Lahat naman ng kapangyarihan nagiging masama kung hindi tama ang paggamit mo. Sa kadiliman o liwanag man huhugutin ang kakayahan ng isang tao nasa iyo pa rin kung aling daan tatahakin mo. Walang masama sa espirituwal mong enerhiya. Sabihin na nating madalas ang nagtataglay ng itim na enerhiya ay ang mga demonyo. Pero tao ka rin naman kaya magiging maayos ka. Magkakaproblema ka lang kung hayaan mong lamunin ka ng kakayahan mo." "Hindi ko ito gusto. Mas nanainisan ko pang maging ordinaryo kaysa naman maging masama." Hinampas siya ng ahas ng buntot nito sa braso. "Tanggapin mo kung ano ang mayroon ka," ang huling nasabi ng ahas sa kaniya't gumapang ito pabalik ng bintana. Napasunod na lamang siya nang tingin dito sa kaniyang pagtayo mula sa sahig. "Sandali," pagtawag niya rito bago pa ito tuluyang makalayo. Naglambitin ang ahas na dinudungaw ang ulo sa bintana. "Alam mo ba kung sino ako?" Pinagmasdan siya nang maigi ng ahas. "Hindi. Pero sa palagay ko ay hindi ka taga-rito. Ang ibig kong sabihin ay hindi taga-rito'y hindi ka nabibilang sa kaharian na ito." "Paano mo naman nasabing hindi? Pinanganak ako sa isang baryo sa silangan ng Kingon." "Dahil sa kulay ng buhok mo. Sa buong buhay bilang tao, hindi pa ako nakakasalamuha ng katulad mo. Marahil mula ka sa ibang kaharian sa katapusan ng kalawakan ng karagatan." Napaisip din naman siya sinabi nito. "Posible ang sinabi mo. Hindi malayong ang ama ko ang nanggaling sa sinasabi mo," aniya sa makamandag ng ahas. "Huwag mag-alaala. Wala rin naman akong balak na usisain ka," ang huling nasabi sa kaniya ng ahas sa tuluyan nitong paggapang patungo sa bubongan ng bahay. Nasapo naman niya ang leeg na mayroong dalawang sugat dahil sa pagkirot niyon. Sa pagtitig niya sa bintana'y nagsisimula siyang mahilog. Inalog niya ang kaniyang ulo bago mawala ang kaniyang pagkahilo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD