DAHIL nga sa wala na ang kaniyang ina sa mundong iyon, inisip niya pa rin naman kung ano ang kaniyang gagawin. Ngayon wala na talagang pipigil sa kaniya marahil panahon na ngang umalis siya sa baryo na iyon. Wala nga rin namang mangyayari sa kaniya kung patuloy siyang manatali roon sa pagkawala ng kaniyang ina. Pakirawi niya ay mauulit ang nangyari sa baryo nang gabing iyon. Nagkaroon siya ng ideya na sumama sa mga manglalakbay para makarating sa kalapit na bayan. Kapag naroon na siya ay maari na siyang humiwalay sa mga ito upang makipagsapalaran nang mag-isa. Laman ng kaniyang isipan ang bagay na iyon, pinagmasdan niya ang manglalakbay kasama ang babae na nanatiling nakikipag-usap sa pari. Umalis naman ang lalaking kumausap sa kaniya upang gamutin ang naiiwang sugatan.
Iyong akala ng lahat na wala nang iba pang mangyayaring masama sa baryo ay isang malaking pagkakamali. Sapagkat bigla na lamang yumanig ang buong simbahan kahit wala namang lindol. Tanging ang kabuuan ng simbahan ang marahas na gumagalaw na siyang nagtulak sa mga taga-roon na sumigaw. Ang mga matataas na salamin na naguhitan ng mga imahe’y magkasunod-sunod na nabasag. Nagsitago pa ang mga taga-baryo sa gitna ng mga upuan upang iligtas ang mga sarili mula sa kapahamakan na paparating. Huminto ang pagyanig nang tumawa nang malakas ang pari. Nabaling ang tingin niya sa pari kasabay ang mga manglalakbay.
Tumingala ang pari sa bubongan ng simbahan kung saan napipintahan ng mga imahe habang tumatawa pa rin nang malakas. Lumutang ito kapagkuwan paatras patungo sa altar, pagkaraa’y tumayo sa itaas ng mahabang mesa.
“Mamamatay na kayong lahat dito!” malakas na sabi ng pari sa boses nitong naging malalim. “Kahit anong gawin niyo’y hindi na kayo makakatakas pa!”
Pinagmasdan nito ang mga manglalakbay na matalim ang tingin. Dahil dito’y inihanda ng dalawang manglalakbay ang mga sandatang hawak ng mga ito upang harapin ang nilalang na nagpapanggap na isang pari. Sa pagsugod ng dalawang manglalakbay ay bigla na lamang nagsilabasan ang matutulis at malalaking tinik mula sa manipis na hangin na siyang pumuno sa kalaparan ng simbahan. Nagsimula ang paglabasan ng mga tinik sa altar.
Umilag ang dalawang manglalakbay sa mga tumutusok na tinik na nagawa rin naman ng mga ito. Ngunit ang taga-baryo ay hindi na nagawang nakaligtas. Muli na lamang napuno ng sigawan ang buong simbahan sa pagtakbo ng mga tao patungo sa wasak ng bahagi upang lumabas. Wala rin namang nakaalis ni isa sa mga taga-baryo sa pagtusok ng mga tinik sa kanilang mga likod.
Nanigas na lamang ang katawan niya sa paglapit ng mga tinik sa kaniyang kinauupuan. Hindi na naman siya nakakakilos sa labis na takot na kaniyang nararamdaman. Ilang hakbang na lamang ay maabutan na siya ng mga tinik. Kung hindi pa siya aalis sa upuan ay pihadong magiging katulad ang kalagayan niya sa mga taga-baryo na natuhog. Mabuti na lamang tumakbo pabalik sa kaniya ang lalaking manipis ang tabas ng buhok.
Hinawakan siya kaagad ng lalaki sa kaniyang braso’t umiwas sa tumusok na mga tinik. Kamuntikan siyang matamaan ng tinik. Dumaplis lamang iyon sa kaniyang balikat. Sa kapal nga ng mga tinik nanatili silang nakatayo na hindi nakakakilos. Hindi niya makita ang dalawang manglalakbay na naroon sa altar. Narinig niya na lamang ang malakas na pagtawa ng nilalang na nagmumula roon.
Nabaling niya ang kaniyang tingin sa lalaking manipis ang tabas ng buhok nang magsalita. “Nasaktan ka ba?” ang naitanong nito sa kaniya sa pagbitiw nito sa kaniyang braso.
Tiningnan niya ang kaniyang sarili sa naging tanong nito. Wala naman siyang nakikitang sugat o pagdurugo. Hindi rin siya nakakaramdam ng kung ano mang pananakit.
“Hindi,” tugon niya sa naging tanong ng lalaki nang ibalik niya ang atensiyon dito.
“Mabuti naman,” ang nasabi ng lalaki sa kaniya. “Huwag kang gumalaw. Makakalis tayo rito.”
Inilihis ng lalaki ang nakatabong balabal sa beywang nito kung saan nakasukbit ang manipis at mahaba nitong espada. Limitado man ang paggalaw nito, nagawa rin naman nito na mabunot ang espada. Kuminang ang espada sa liwanag na pinapakawalan ng buwan. Sa unang subok ng lalaki na alisin ang mg tinik, hindi man lang nakagasgas ang espada. Napatitig na lamang siya rito.
“Sigurado ka ba na magagawa mo?” ang tanong niya rito.
Hindi siya sinagot ng lalaki kahit alam naman nito ang magiging resulta pa rin kahit na ulitin nitong subukang tagpasin ang mga tinik.
“Sandali. Huwag kang mag-aalala, makakalaya tayo rito,” saad ng lalaki sa kaniya.
Itinikom na lamang niya ang kaniyang bibig sa muli nitong pagwasiwas sa hawak na espada. Pinagmasdan niya ang pagitan ng mga tinik at nalaman niyang maaari siyang lumusot. Makakatulong sa kaniya ang liit ng kaniyang katawan.
“Gusto mo bang humingai ako ng tulong sa mga kasama mo? Puwede akong sumuot sa ilalillm ng mga tinik para makarating sa altar,” aniya sa lalaki.
Tinigil ng lalaki ang pagwasiwas nito sa hawak ng espada’t nilingon siya nito. “Sa tingin ko ay hindi na kailangan,” sabi naman nito.
Gumuhit sa kaniyang mukha ang pagtataka. “Bakit naman hindi?” pag-usisa niya rito.
Hindi na siya kailangang sagutin ng lalaki dahil sa liwanag na nanggaling sa altar. Lumusot ang liwanag sa pagitan ng mga tinik. Naiharang niya ang kaniyang kamay sa harapan ng kaniyang mga mata nang hindi siya masilaw. Sinundan iyon ng pagsabog ng liwanag na siyang umalis sa mga tinik. Nasunog ang mga tinik katulad sa papel hanggang sa maging abo’t naglaho matapos mahipan ng hangin. Sa pagkalaya nga nila sa mga tinik nasaksihan niya ang hindi magandang senaryo sa loob ng simbahan. Nagkalat ang katawan ng mga taga-roon at nabasa ng bumuhang dugo ang sahig.
Sa harapan ng altar ay patuloy na nakikipaglaban ang dalawang manglalakbay sa nilalang na nagpanggap na pari. Nang mga sandaling iyon ay hindi na nakasuot ng mahabang itim na balabal ang nilalang. Hindi na rin ito nasa anyong tao. Ang katawan nito’y naging mahabang purong itim. Bumaluktot ang mga paa nito sa pagtayo nito. Walang laman ang mukha nito kundi bungo na lamang na nagmumukhang maskara sa malayo. Sa naging laki nito’y umabot ang likuran nito sa mababang kisame ng simbahan.
Inahampas ng nilalang ang mahaba nitong kamay na matutulis ang mga kuko sa dalawang manglalakbay. Tumalon paatras ang babaeng manglalakbay na nakahanda ang hawak nitong palaso. Samantalang ang lider nito’y buong tapang na hinarap ang nilalang. Winasiwas nito ang hawak ng espada para salubungin ang kamay ng nilalang. Hindi nga nagawa ng nilalang na saktan ang manglalakbay. Naputol ng lider ang kamay ng nilalang sa pagtalon ng manglalakbay na siya ring pagpakawala ng babae sa pana. Tumama ang pana sa guwang ng bungo ng nilalang. Sa paglapag ng lider sa sahig na basa ng dugo’y kasabay nito ang naputol na kamay ng nilalang bago iyon naglaho matapos maging abo.
Sa galit ng nilalang ay umatungal ito nang nakapakalas. Natakpan niya ang kaniyang tainga nang hindi pumutok. Napaatras nang ilang hakbang ang dalawang manglalakbay dahil sa pagpalahaw ng nilalang.
“Hindi niyo ako mapapatay!” ang malakas na sabi ng nilalang. Ang kamay nito’y unti-unting nabuo habang ang isa nitong kamay ay inalis ang tumusok na pana sa bungo nito.
Naalis niya ang kaniyang mga mata sa nilalang nang pagmasdan siya ng lalaking manipis ang tabas ng buhok. “Dito ka lang. Magtago ka sa mga upuan,” bilin nito sa kaniya sa paghahanda nito sa sariling sandata.
Hindi na siya hinintay ng lalaki na makasagot sa pagtago niya sa likuran ng upuan. Tumakbo ito patungo sa mga kasamahan nito nang matulungang puksain ang nilalang. Umalis sa kinatatayuan ang nilalang at sumugod sa mga manglalakbay. Inihampas nito ang kamay na naiwasan din naman ng mga manglalakbay sa pagtalon ng mga ito sa iba’t ibang direksiyon. Sa punto ring iyon nakarating ang lalaking manipis ang tabas ng buhok sa harapan ng nilalang. Mabilisan itong umusal ng dasal na nakataas ang espada. Sa pagsiwas nito sa espada’y nagliwanag ang sahig na kinatatayuan ng nilalang. Unti-unting gumuhit ang liwanag ng bilugang simbulo na mayroong nakapaloob na tala. Nang subukan ng nilalang na kumilos hindi ito kaagad nakagalaw dahil sa pumipigil ditong simbolo.
Sa pagkatigil nga ng nilalang, sumugod ang lider ng mga manglalakbay. Tumalon ito ng mataas hawak ang malapad na espada upang putulin ang ulo ng nilalang. Sa kasamaang-palad hindi nagawa ng manglalakbay ang balak nitong gawin. Sa pagpalahaw ng nilalang ay bigla-bigla na lamang sumabog ito na ikinatalsik ng mga manglalakbay. Dahil dito’y naglaho ang simbolo sa ilalim nito. Tumalbog sa iba’t ibang direksiyon ang mga manglalakbay at bumagsak na impit ang mga ungol. Sa pagsabog nga ng nilalang ay hindi nagbalik ang hugis ng katawan nito. Naging usok na lamang ito na palutang-lutang sa hangin. Ang mayrong hugis lamang dito ay ang mukha nitong bungo.
Nang mapadako ang tingin ng nilalang sa kaniya’y bigla na lamang itong lumipad patungo sa kaniya. Nanglaki ang kaniyang mata sa balak nitong gawin sa kaniya. Dahil dito’y tumakbo siya palabas ng simbahan upang mailigtas niya ang kaniyang sarili sa katapusan. Dumaan siya sa wasak na bahagi simbahan. Iyong akala niyang makakatakas siya sa nilalang ay isang malaking pagkakamali. Sapagkat pagkarating niya sa harapang lupa ng simbahan, naabutan siya nito habang muling nabubuo ang katawan nito mula sa pagiging usok. Hinabol siya ng matutulis nitong kamay at sinakal ang kaniyang leeg. Iniangat siya nito mula sa lupa na tumatawa nang masama. Sa punto ring iyon ay nakalabas na ang tatlong manglalakbay.
“Pakawalan mo siya,” mariing sabi ng lider ng mangangaso.
Sinalubong ng nilalang ang galit nitong tingin. “Bakit ko naman gagawin ang sinasabi mo? Dapat na rin siyang mamatay nang hindi maalis sa isipan niyo ang nangyari rito. Wala kayong maililigtas kahit na isa,” saad ng nilalang.
Dumadagundong ang boses nito sa lapit niya. Hinigpitan nito ang pagkapit sa kaniyang leeg kung kaya nga napapahawak na lamang siya sa mga kamay nito. Sinubukan niyang alisin ngunit hindi kahit kaunti ay hindi niya magawa. Sa pagkaputol ng pagtuloy ng hangin sa kaniyang baga’y nagsimula nang tumubig ang kaniyang mga mata.
Sa balak na paglapit ng tatlo sa nilalang, nagpakalawa ang nilalang ng mga tinik sa harapan nito. Lumitaw ang mga tinik sa lupa papatusok sa mga manglalakbay. Nagsitalon ang mga manglalakbay nang mailigtas nila ang kanilang mga sarili. Dahil dito ay napalayo ang mga ito sa kaniya. Kasunod niyon ay ang pagtalon ng nilalang sa bubongan upang makatakas sa mangangaso. Hindi siya binitiwan kaya kitang-kita niya kung paano ito patalong lumipat sa mga bubongan na isang direksiyon ang patutunguhan. Lumingon lamang ang nilalang nang sumunod nang habol ang mga manglalakbay. Tumatakbo ang mga ito sa lupa na nakatingin sa bubongang tinatalunan ng nilalang.
Ilang mga kabahayan pa ang tinalunan ng nilalang bago ito nakarating sa bukana ng kakahuyan. Sa paglapag nito sa lupa’y tumama ang panang pinakawalan ng babae sa balikat nito. Umilag ang nilalang kapagkuwan nang sundan ng babae ang pana. Tumatakbo pa rin ang mga ito nang mahabol ang nilalang. Ang ginawa ng nilalalang upang matigil saglit ang manglalakbay ay ikinulong ang mga ito. Idinikit ng nilalang ang kamay nito sa lupa na siya rin ngang paglitaw ng mga makakapal na tinik.
Nang masiguradong hindi kaagad makakasunod ang mga nilalang nagpatuloy ito sa pagtakbo hanggang sa makapasok na ito sa kakahuyan.
Pumailaim ito nang pumailam na hindi hindi inaalintana ang dilim. Naibaba na lamang niya ang kaniyang kamay nang mapagtanto niyang wala na siyang magagawa pa. Sumuko na kaagad siya’t hayaang dalhin siya ng nilalang bago nito tapusin ang kaniyang buhay. Huminto lang ang nilalang nang makarating ito sa talahiban. Pinagmasdan siya nito nang mariin sa malapitan.
Naiipikit niya ang kaniyang mga mata nang hindi niya matingan ang guwang sa mukha nitong bungo. “Pakawalan mo ako,” pagmamaakaawa niya rito.
Hindi pinakinggan ng nilalang ang kaniyang pagdaing. Binalewala nito ang kaniyang mga naging salita.
“Sino ka ba?” tanong nito sa kaniya. “Hindi ka taga-rito. Nakikita ko.” Naimulat niya na lamang ang nanglalaki niyang mata dahil sa narinig. “Ngunit hindi na rin mahalaga kung sino ka dahil hanggang dito ka na lang. Magpapaalam ka na rin. Mamamatay ka na ngayon.”
Humigpit ang pagkasakal nito sa kaniya kung kaya nga nagsisimula na ring magdilim ang kaniyang paningin. Hindi hinintay ng nilalang na malagutan siya ng hininga. Binuka nito ang bibig na matutulis ang mga ngipin para lamunin nang buo ang kaniyang ulo. Naipikit niya na lamang ang kaniyang mata’t hinintay ang panibagong katapusan. Hindi siya nanghinayang sa pangalawang buhay na ibinigay sa kaniya.