Kabanata 17

2176 Words
SA PAGPAPALIT ng liwanag sa kasalungat nitong dilim, nakarating sila sa unang bayan sa lungso ng Kingon. Pinaliguan ng mapula't manilaw-nilaw na kulay ang kalangitan na sumasalamin sa kalapuan. Nagsimula na ring mabuhay ang mga tulos sa tuktok ng pader na nakapaikot sa buong bayan. Limampu't limang talampakan ang taas ng pader na gawa adobe. Ito ang siyang proteksiyon sa mga halimaw at nilalang na nagbabalak manghimasok sa kanluran ng lungsod. Bago pa man ang pader ay ang malawak na kaparangan na siyang naghihiwalay sa kakahuyan. Mabilis ang takbo ng mga kabayong kanilang sinakyan kaya nalampasan nila ang kalaparan niyon hanggang makarating sa pader. Nagsibaba kapagkuwan sila ng mga kabayo nang magkasunod-sunod. Naabutan nila ang hanay ng mga taong papasok sa mataas na tarangkahan na sinusuri nang mabuti ng mga nakabantay na kawal. Sumunod dito ang grupo ng mga manglalakbay kabuntot sila ng batang maputi ang buhok. Naghintay lamang ang mga manglalakbay na makalampas ang nasa unahan nang mabaling sa kanila ng mga kawal ang atensiyon. Hindi niya ibinuka ang kaniyang bibig kahit na magkatabi lamang sila ng batang lalaki. Natatabunan ng balabal ang ulo nito nang hindi kaagad mapansin ang maputi nitong buhok. Inilayo niya na lamang ang kaniyang buong atensiyon mula rito't pinagmasdan ang nakabukas na malaking tarangkahan. Maya-maya'y oras na para ang grupo ng manglalakbay ang suriin ng mga kawal. Lumapit ang tatlong manglalakbay sa mga ito hila ang mga kabayo ng mga ito't inilabas ng lider ang parihabang medalyon na kulay tanso mula sa likuran suo nito sa dibdib. Pinagmasdan iyon ng kawal na nakasuot ng pulang balute matapos tanggapin. Nang matingnan ng kawal ang medalyon binalik nito iyon sa lider at lumingon sa kinatatayuan nila ng batang lalaki katabi ang itim na kabayo ng babaeng manglalakbay. "Sino naman ang dalawang bata na kasama niyo?" pag-usisa ng kawal. Lumingon sa kanila ang lider. "Iniligtas namin sila sa baryong ginulo ng mga halimaw," pagbibigay alam ng lider at binalik ang tingin sa kawal. Inalis ng kawal ang tingin sa kanila ng batang lalaki't humakbang patalalikod. "Tumuloy na kayo," ang huling sabi ng kawal na iwinasiwas pa ang kanang kamay patungo sa tarangkahan. "Dapat niyong ipatala ang dalawa nang walang maging problema," dugtong nitong paalala. "Iyon nga ang balik naming gawin. Ipapasok na rin namin sila sa bahay ampunan. Maraming salamat," saad ng lider na mayroong kasamang pagngiti. Nawala rin naman ang ngiti sa labi nito kasabingbilis ng paglabas niyon sa paglalakad nito't pagkatalikod ng kawal. Lumakad na rin sila ng batang lalaki kasabay ang dalawa pang manglalakbay. Sa paghakbang niya ay hindi niya sinasadyang mabangga ito sa balikat sa pangangatog ng kaniyang tuhod. Napagod siya sa kanilang pagtungo roon sa Kingon na sinabayan pa ang pagkulo ng kaniyang tiyan. Sumama ang tingin ng bata sa kaniya na hindi niya binigyang-pansin. Umiwas na lamang siya rito kaya napapatingin sa kaniya ang sumuri sa kanilang kawal. Binilisan niya ang kaniyang paghakbang nang makasabay siya sa babaeng manglalakbay. Tumabi siya sa babaeng manglalakbay sa pagpasok nila sa tarangkahan. Nakasabit sa lagusan ang mga tulos na siyang nagbibigay ng liwanag sa kanilang paglalakad papasok. Ang kahabaan ng lagusan ay sumunod sa lapad ng pader kung kaya tumagal pa sila roon ng ilang minuto bago tuluyang makalampas dito. Sa likuran ng pader ay abalang daan kung saan papunta't paparito ang pinaghalong mga lahi hindi lamang tao. Ang mga gusali't bahay sa bayan na iyon ay gawa rin sa mga bato. Humalo sila sa dagat ng tao nang makadaan. Napatigil siya sa paghakbang nang mapadaan sa kanilang harapan ang isang taong lobong nakasuot ng asul na damit na binurduhan ng kulay ginto sa kuwilyo at manggas. Nakalitaw ang maputi nitong buntot at ang dalawa nitong matulis na tainga sa abuhin nitong buhok. Maging ang taong lobo na ito ay napatitig sa kaniya't sumama ang tingin. Hinawakan siya ng babaeng manglalakbay sa kaniyang balikat. "Huwag kang tumititig sa mga ibang lahi lalo na sa mga taong lobo. Hindi nila gusto. Baka anong gawin ng katulad niya sa iyo," paalala sa kaniya ng babaeng manglalakbay. Sinunod niya rin naman ang babaeng manglalakbay dahil na rin sa kabang naramdaman. Dapat lamang na makinig siya rito lalo na't limitado lamang ang alam niya sa mundo ng Kasarag. "Hindi lang ba mga taong lobo ang nagpupunta rito maliban sa mga tao?" ang naitanong niya nang alisin ng babaeng manglalakbay ang kamay nito sa kaniyang balikat. "Oo. Iyon ang kagustuhan ng hari ng Kingon nang magkaroon ng katahimikan sa pagitan ng ibang lahi," ang naisagot naman sa kaniya ng babae. "Sa palagay ko ay hindi rin naman nasusunod. Pihadong nagdudulot pa rin ng kaguluhan ang iba't ibang lahi dito." "Hindi ka nagkakamali sa bagay na iyon. Pero mayroon pa rin namang mga mabubuting ibang lahi katulad din sa mga tao. Kailangan mo lang talagang umiwas sa mga masasama't walang maidudulot na mabuti sa iyo," ang huling nasabi ng babaeng manglalakbay sa kaniya sa pagpapatuloy nila sa paglalakad sa lansangan. "Kumain mo tayo," wika ng lalaking manipis ang tabas ng buhok na nasa gawing kaliwa ng babaeng manglalakbay. Lumingon ito sa lider at naghintay sa magiging desisyon nito. "Sige. Kailangan ko rin naman ng maiinom. Nanunuyo na ang lalamunan ko." "Diyan na tayo kumain," suhestiyon ng babae na nakaturo ang isang daliri sa tuluyan na mayroong karatulang hugis bilog. Hindi na nga nawala ang ingay sa paligid kahit na gabi na. Lalo lamang naging buhay ang lansangan sa liwanag na gawa ng mga bilugang parol na kulay dilaw na nakasabit sa gilidng daan. Ilang sandali pa nga ay nakarating na sila sa harapan ng tuluyan. Pinasok ng mga manglalakbay ang kabayo ng mga ito sa eskinita. Naiwan siya sa daan kasama ang batang lalaki. Ibinaling niya ang kaniyang atensiyon sa mga taong naglalakad nang magkaroon siya ng ideya sa klase ng mga nananatili roon. Halos lahat ng mga nasa daan ay manglalakbay na nababalot ang katawan ng mga balabal. Nakalitaw ang mga dalang sandata ng iilan. Napatitig na lamang sa kaniya ang batang lalaki. Inalis niya ang tingin sa mga naglalakad nang bumalik na ang tatlong manglalakbay. Naunang pumasok ang lider sa nakabukas na pinto. Lumalabas sa pintuan ang ingay ng mga parokyano na nagmumula sa loob. Isinenyas ng babaeng manglalakbay ang kamay nito sa kanila ng batang lalaki para lumapit na ginawa na rin naman nila. Nag-aalangan man bumuntot na siya rito sa pagpasok nila. Kailangan niyang kumain bago siya humiwalay sa mga ito. Hindi niya maaaring hayaan ang mga manglalakbay na iwanan siya sa bahay ampunan lalo na't hindi niya alam kung makakaalis pa siya roon. MInsan na siyang napunta sa hapunan nang mawala siya nang siya ay bata pa lamang kaya alam niya kung ano ang klaseng buhay ang mayroon sa ampunan. Hindi naging maganda ang kaniyang mga alala. Mas magiging malala ang sitwasyon sa ampunan lalo sa mahiwagang mundo ng Kasarag siya sa isinilang muli. Hindi lamang ingay ang tumatakas sa pintuan kundi maging ang pinaghalong amoy na naglalaro sa hangin sa loob ng tuluyan. Sa pintuan pa lamang makikita na ang grupo ng mga mangangaso na naroon sa malayong sulok na siyang gumagawa ng ingay at lima ang bilang. Pinagdikit ng mga ito ang dalawang mesa nang makapag-inuman ang mga ito habang kumakain. Wala nang iba pang mga parokyano maliban sa mga ito kung kaya bakante ang karamihang mesa. Lumapit ang mga manglalakbay sa mesa kasalungat ng mga mangangaso na nakasunod pa rin sila ng batang lalaki. Gayunman lumingon pa rin sa kanila ang pinakapinuno ng mga mangangaso na malabato ang pangangatawan. Ibinaba nito ang malaking baso sa pagkaubos ng laman niyong alak kasabay nang malakas nitong pagsigaw. Pinahid nito ang labi ng likod ng kamay nito habang nanatili pa ring nakatingin sa kanila na papaupo pa lamang sa mesa. Sa kabilang ibayo na parihabang mesa pumuwesto ang tatlong nakatatanda't nanatili naman sila kabila ng batang lalaki. Ang mga manglalakbay ay hindi pinagkaabalahang tingnan ang mga manganaso sa paglapit sa kanila ng serbedora na malusog ang hinaharap. Nakasuot ito ng damit na hapit sa mahugis nitong katawan. Pinag-aaralan ng puno ng mangangaso ang kanilang mga ayos kung kaya hindi niya napigilan ang sarili na lingunin ito. Noon pa man ay hindi niya na nagugustuhan na may nakatingin lalo na't sinasabi iyon ng kaniyang pakiramdam. Sa ginawa niyang iyon nagkasalubong ang kanilang tingin ng mangangaso. Sumenyas pa ito sa kaniya na lumapit siya rito. Hindi niya rin naman sinunod ang mangangaso't binalik ang atensiyon sa lider ng manglalakbay sa pagtatanong nito. "Ano ang sa inyo? Sabihin niyo ang gusto niyo. Ako na ang bahalang magbayad. Sagot ko ang hapunan natin ngayon," presinta ng manglalakbay sa kanila ng batang lalaki na nasa kaniyang kaliwa. "Kahit ano lang basta ay iyong nakakabusog," wika niya sa manglalakbay. Binaling ng lider ang tingin sa batang lalaki sa pananahimik nito. "Ikaw? Ano ang sa iyo?" tanong nito. Nag-alangang sumagot ang batang lalaki sa pananahimik nito. Sa huli ay nagsaita pa rin naman ito. "Hindi ako nagugutom," sagot nito sa manglalakbay. "Sigurado ka?" paniniguro ng manglalakbay. "Anong hindi nagugutom? Gayong pareho lang naman tayong walang nakain habang nasa daan. Ayaw mo lang sabihin dahil hindi ka sanay sa mga pagkain dito?" dugtong ng manglalakbay. Tumalim ang tingin ng batang lalaki. "Hindi ka dapat nagsasalita nang ganiyan," matigas na sabi ng batang lalaki sapat lang para marinig ng manglalakbay. "Pinapahamak mo ako. Hindi dapat maghinala sa akin ang kahit sino." "Huwag kang mag-alala. Walang mangyayari sa iyo habang kasama kami." Tinaas ng manglalakbay ang kanang kamay nito upang pigilang ang batang lalaki sa iba pang sasabihin nito. "Ako na nga ang bahala sa kakainin mo." "Ano na nga ang kakainin niyo?" sambit ng serbedora na naghihintay. "Bigyan mo na lamang kami ng karne ng baka. Lutong-luto lahat," pagbibigay alam ng manglalakbay. "Dagdagan mo na rin ng tatlong baso ng alak at dalawang baso ng dalandan para dito sa dalawang bata." Tumango-tango ang serbedora matapos ng mga narinig nito mula sa manglalakbay. Umalis na rin naman ito na hindi inuulit ang gustong kainin ng mga manglalakbay. Pinagmasdan niya ang lider nang pinaglaro nito ang mga daliri sa ibabaw ng mesa na gumagawa ng hindi nagbabagong tunog. Naririndi siya sa ingay na gawa niyon kaya balak sana niyang magsalita para huminto. Ngunit naunahan na siya ng batang lalaki. "Itigil mo nga iyan. Nakakairita," matigas na sabi ng bata. Huminto rin naman ang lider ng manglalakbay. Pinatong nito ang siko sa braso nang makausap nito nang malapitan ang batang lalaki. "Ayusin mo ang pagsasalita mo. Nakakatanda pa rin ako sa iyo," anang lider. "Ano ngayon kung nakakatanda ka? Mas mataas naman ang posisyon ko sa iyo," paalala naman ng batang lalaki. Pinagmasdan niya ito dahil sa narinig at nilipat sa manglalakbay nang umayos ito sa pagkaupo matapos tapikin ng babaeng manglalakbay ang balikat nito. Huminga nang malalim ang lider upang kontrolin ang sarili. "Hindi nga ako nagkamali sa naisip," aniya sa manglalakbay. "Ganoon lamang sasabihin niya kung isa siyang dugong bughaw. Kung ako ang pamilya hindi ko ipapagkatiwala ang buhay ng anak sa kung sinong mamayan lang. Dahil sa heneral ang nagbantay sa kaniya, isa ba siyang anak ng ministro?" aniya sa mga manglalakbay na bigla nanahimik. Nagtinginan pa ang mga ito sa isa't isa. Sa hindi pagsasalita ng mga ito nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Huwag mong sabihing isa siyang prinsipe. Tama ako, hindi ba? Ang ugali niya ay ang likas na ugali ng mga prinsipe sa mga kuwento't palabas." Hinawakan ng lider ang sentido nito sa pananakit niyon. "Kung anu-ano ang naiisip mo. Maling-mali ka," sabi naman nito sa kaniya't binaba na ang kamay. Napakibit-balikat na lamang siya sa pagpapanggap ng manglalakbay sa kaniya. Nang mapalingon siya sa batang lalaki ay ubod nang sama ang tingin nito sa kaniya na para bang nais siya nitong lusawin nang buhay. "Darating ang araw na mapaparusahan kita sa kalapastanganan mo," matigas na sabi ng batang lalaki. Mahina man iyon ngunit malinaw niya pa ring narinig. "Isa ka ngang prinsipe. Hindi mo kailangang itago sa akin. Dahil ba sa naisip mong gagamitin ko ang katotohanang iyon para sa pangsarili kong kagustuhan? Kahit malaman ko, wala naman akong pakialam," sabi niya sa batang lalaki. "Hindi ako maiinggit. Mas naawa pa ako sa iyo. Sa pinakita mong pag-uugali, sa palagay ko'y hindi maganda ang buhay mo bilang isang prinsipe. Sa pagkakatandan ko, hindi masaya ang buhay ng isang prinsipe dahil kontrolado ang lahat ng galaw mo. Hindi ka magiging malaya. Ganoon ka ba?" Tumigil siya sa pagsasalita nang bigyan ng pagkakataon ang prinsipe. Hindi pa rin naman ito sumagot at nanatiling masama ang tingin sa kaniya. "Kung nanahimik ka'y malungkot ang buhay mo. Huwag kang mag-aalala, alam ko ang pakiramdam ng hindi masaya. Malungkot din naman ang naging buhay ko dati." Nang mapagtanto niyang masyado nang mahaba ang kaniyang mga sinabi. Itinikom niya na ang kaniyang bibig. Napapatitig na lamang sa kaniya ang mga manglalakbay sa pag-iwas niya nang tingin sa kaniyang katabi. Tumayo ang lider ng manglalakbay upang guluhin ang kaniyang buhok. Napabuntonghininga na lamang siya sa ginawa nito. Nagtitimpi siyang sabihin dito na matanda na siya para gawin nito ang bagay na iyon sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD