NADATNAN niya ang mga manglalakbay na nagsasalin ng niluto ng mga ito sa mangkok na gawa sa kahoy pagkabalik niya sa harapan ng nasirang templo. Samantalang ang batang lalaki kasama ang matanda ay nakaupo sa mga bato sa tabi. Lumapit siya sa lider ng manglalakbay nang iabot nito ang dalawang mangkok. Hindi niya tinanggap ang binibigay nito’t pinagmasdan lamang ang mga iyon.
“Ano ang ginawa mo roon sa loob?” pag-usisa ng manglalakbay sa kaniya.
“Wala naman. Naglakad-lakad lang,” tugon niya naman dito. “Bakit? Mali bang pumasok sa loob ng templo dahil sa diyosa? Mamamatay ba ako dahil nakita ko ang rebulto?” dugtong niyang tanong.
Naibaba na lamang ng manglalakbay ang mga kamay nito hawak ang dalawang mangkok. “Hindi naman. Sino naman ang nagsabi sa inyo niyan?” nagtatakang saad nito.
“Sila,” aniya na isinesenya ang ulo papunta sa dalawang nakaupo sa bato.
“Huwag mo na lang pansinin ang sinabi nila. Iyon marahil ang pinaniniwalaan nila,” paliwanag naman ng manglalakbay. “Ibigay mo sa kanila nang makakain na rin sila.” Inabot nito ulit sa kaniya ang dalawang mangkok.
Sa pagkakataong iyon tinanggap niya na ang dalawang mangkok.
“Ibig sabhin hindi sila nagsasabi nang totoo?” paniniguro niya sa dalawang manglalakbay.
“Nasa iyo kung ano ang papaniwalaan mo. Pero ito lang ang masasabi ko sa iyo, huwag mo paniwalaan kaagad ang sinasabi ng mga taong makakasalamuh amo. Hindi ka nasisigurado kung nagsasabi sila nang totoo. Baka nagsisinungaling lamang sila. Huwag kang masyadong magtiwala.”
“Kung ganoong hindi ka nagttiwala sa mga iyon bakit mo sila hinayaang tumigil dito? Bibigyan mo pa ng pagkain,” paalala niya sa manglalakbay.
“Dahil sa nagugutom sila,” nang manglalakbay. Ginalaw nito ang kamay para siya ay paalisin na.
Marahil nga talaga ay sadyang mabait ang manglalakbay kaya kahit ganoon ito mag-isip pinagbibigyan pa rin nito ang mga estrangherong nakakasalubong. Napabuntonghininga na lamang siya nang malalim na pinagmamasdan ang hawak na mangkok. Bago pa man niya maramdaman ang init ng masabaw ng pagkain, lumapit na siya sa dalawa. Sa paglalakad niya patungo sa mga ito ay napatitig sa kaniya ang dalawa kaya hindi naman siya nakaiwas na makaramdam ng pagkaasiwa.
Pagkarating niya sa harapan ng mga ito’y ibinigay niya ang dalawang mangkok sa matanda na tinanggap din naman ng huli.
“Saang lugar ka galing bata?” pag-usisa ng matanda sa kaniya.
Ibinigay nito ang isang mangkok sa batang lalaki katabi nito. Ngunit ang batang lalaki ay hindi tinatanggap. Busangot ang mukha nitong pinagmamasdan ang umuusok pang pagkain.
“Kung iniisip mong mayroong lason iyang halo, nagkakamai ka,” saad niya para sa batang lalaki.
Sinalubong niya ang mata nito na masama ang tingin. “Bakit mo naman naisip na kaya ayaw kong kumain ay dahil doon?”
“Nakikita ko sa mukha mo,” ang walang buhay niyang sabi.
Inilapag na lamang ng matandang lalaki ang mangkok na hawak sa pagitang ng kanilnag kinaupuang bato. Sa paghigop nito sa sabay ay hindi nito pinigilan ang sarili na siya ay usisain.
“Saan ka ba galing bata? Sa kulay ng buhok mo’y mayroong akong palagay na sa malayo ka pa galing. Ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng kulay ng buhok na katulad nang s aiyo,” ang nasabi ng matandang lalaki sa kaniya. “Dahil alam ko ang mga angkang sa buong bansa at sa mga karatig, nahuhulaan kong nasa malayo ka nga talaga galing.”
“Bakit gusto mong malaman?” tanong niya pabalik sa matanda.
“Wala naman,” tugon nito sa kaniya.
“Mas mabuti pang huwa mo na lang alamin. Kahit sabihin ko sa iyo, hindi mo pa rin naman malalaman kung saan,” aniya sa matandang lalaki’t tinalikuran niya ang mga ito. Naglakad siya kapagkuwan pabalik sa mga manglalakbay na nagsimula na ring kumain.
Lumingon lamang siya sa dalawa nang makatayo siya sa tabi ng mga manglalakbay na nakaupo sa lupa. Sinimulan na ring kainin ng batang lalaki ang binigay nila rito. Nailing na lamang siya ng ulo para rito. Hindi niya naiwasang pagmasdan ang karwahe na sinakyan ng mga ito’t hindi niya napigilang mag-isip. Pumasok sa isip niya na marahil galing sa pamilyang mataas ang antas ang batang lalaki kaya ganoon na lamang itong nag-alangan na kumain na gawa ng mga manglalakbay.
Naputol ang pagtakbo ng kaniyang isipan nang iabot sa kaniya ng babaeng manglalakbay ang mangkok na para sa kaniya. Tinanggap niya rin naman iyon sa pag-upo niya sa lupa.
“Grasyon, bakit hindi ka makipagkaibigan doon sa bata? Mukhang magkaedad lang kayong dalawa. Para mayroon kang kaibigan,” suhestiyon sa kaniya ng babae. Nakatitig lang sa kaniya ang dalawang kasamahan nito na naghihintay sa kaniyang magiging sagot.
“Hindi ako makikipagkaibigan sa kaniya.” Hinawakan niya ng dalawang kamay ang mangkok upang makahigop nang maayos sa sabaw.
“Bakit naman hindi?” paniniguro ng babae.
“Wala namang rason. Ayaw ko lang,” aniya sa babae na tunay niyang nararamdaman nang sandaling iyon. Hindi sumasagi sa isipan niya na makipagkaibigan sa kahit na sino sa mundong iyon.
“Sayang naman. Malay mo paglaki niyong dalawa’y muling magkita ang landas niyo’t kakailanganin mo nang tulon niya. Sinasabi ko sa iyo isa siyang maharlika. Kaibiganin mo na para mayroon kang mahingan nang tulong kung kailangan.”
Naingat niya ang kaniyang tinging mula sa kinakain at pinagmasdan ang babae. “Tama nga ang naisip ko,” aniya’t nilingon ang dalawa na tinapos kaagad ang pagkain.
Naglakad kapagkuwan ang matandang lalaki patungo sa kanila samatalang ang bata ay humakbang patungo sa karwaheng naghihintay sa mga ito. Napalingon na rin dito ang mga manglalakbay. Hindi niya inalis ang tingin sa pag-akyat ng batang lalaki sa karwahe kaya nang lumingon ito ay nagkasalubong ang kanilang mga tingin. Tumalim ang mga mata nito bago ito tuluyang pumasok ng karwahe na sinasara ng malakas ang pinto.
Ilang hakbang pa ay nakarating sa kanilang kinauupuan ang matandang lalaki. “Maraming salamat sa pagkain. Aalis na kami,” saad ng matandang lalaki nang ibalik nito ang wala nang lamang mangkok.
Kinuha iyon ng manglalakbay na manipis ang tabas ng buhok habang kinausap ng lider ang matandang lalaki.
“Mag-ingat kayo sa daan,” ang napiling sabihin ng manglalakbay.
Ngumiti ang matandang lalaki’t iniyuko nito ang ulo. Matapos nitong alisin ang tingin lumakad na ito patungo sa karwahe. Napapasunod na lamang siya ng tingin din sa matanda. Umakyat ito sa puwesto nito sa harapan ng karwahe na hinahawakan ang lubid. Sa pagpitik nito sa lubid ay humalinghing ang kabayo’t sinimulan ang pagtakbo. Hindi na rin naman niya tiningnang ang karwahe sa pag-alis niyon.
“Ano kayang nangyari sa mga iyon at nagmamadali?” nahihiwagaang saad ng babaeng manglalakbay.
“Huwag mo kaming tanungin dahil hindi rin naming alam,” ang naisipan namang sabihin ng manglalakbay na manipis ang tabas ng buhok.
NAGPATULOY sila sa kanilang paglalakbay patungo sa kalapit na bayan sa pagtaas ng araw. Kahit na mainit ang panahon hindi mararamdaman iyon sa tayog ng mga puno sa kagubatan na iyon. Binabasag ng takatak ng kanilang kinasasakyang kabayo ang katahimikang nakabalot doon. Wala silang nakasalubong o nakasabay sa daan. Naipipikit niya ang kaniyang mata dahil sa malamig na hanging tumatama rito. Naluluha ang kaniyang mata dahil sa hangin. Sa bilis ng takbo ng kabayo narating nila ang baryong iniwan na rin ng mga taga-roon. Tanging ang naiwan na lamang sa mga kubo roon ay ang pinagpatong-patong na bato na ginamit bilang dingding.
Nang marating nila ang huling kubo, napatigil na lamang sila nang mapansin ang nakatumbang karwahe. Bumangga ang unahan niyon sa dingding ng kubo. Makikita rin sa lupa ang talsik ng dugo. Nagkatinginan na lamang ang mga manglalakbay.
“Mukhang mayroong nangyari sa dalawa,” puna ng babaeng manglalakbay sa paglapit nito sa nakatumbang karwahe. Bumababa ito kasabay ng lalaking kasamahan nito’t sinuri nila ang loob. Nang makuntento ang babae binalik nito ang tingin sa kanilang ng lider ng mga ito. “Sa tingin ko’y dapat nating alamin kung anong nangyari. Kung mahusay man ang matanda sa pakikipaglaban, hindi niya makakayanan kung maraming bilang ang sumugod sa kanila.”
“Mag-ikot tayo,” saad ng lider ng mga manglalakbay. Tumalon ito mula sa kinasasakyang kabayo kaya naiwan siyang nakaupo. “Dito ka lang. Bantayan mo ang mga kabayo,” bilin nito sa kaniya sa pagtali nito ng lubid sa poste ng nasirang kubo.
Iniikot nito ang paningin sa paligid upang matingnan nang maigi kung mayroong naiwang mga tanda na magsasabi sa kanilang kung ano ang nangyari roon. Humakbang ang lider patungo sa gitna ng daan at pinagmasdan ang dugo. Napasunod na lamang siya nang tingin dito lalo na ng idikit nito ang hintuturo sa basang lupa. Inilapit nito kapagkuwan ang daliri sa kaniyang ilong nang maamoy ang dugo.
“Sa kanaluran ako,” pagbibigay alam ng babae sa paghakbang nito sa likuran ng lider. Pinagmasdan nito ang lalaking kasamahan. “Sa timog ka naman.”
Tumayo ang lider na pinapahid ang daliri sa hita ng suot nitong pantalon. “Mag-ingat kayo. Hindi tao ang makakaharap niyo kung sakaling narito pa,” paalala ng lider. Sumagot naman ng tango ang dalawang kasamaha nito bago magsilakad ang mga ito upang hanapin ang bata at ang matandang lalaki.
Sa paglalakad ng lider patungo sa ibang direksiyon, hindi niya pinigilang magsaita.
“Hindi mo ako puwedeng iiwan dito,” malakas niyangs sabi sa manglalakbay na nagpatigil dito.
Lumingon sa kaniya ang manglalakbay. “Mas ligtas ka rito,” sabi naman nito sa kaniya.
“Gaano ka nakakasigurado riyan? Samatang iyong dalawa nga ay inatake,” paalala niya sa manglalakbay.
“Iba ang nangyari sa kania. Hindi malayong mayroon silang dalang nakaakit ng halimaw. Kung mayroon mang pumunta rito, magtago ka.”
Tinaas nito ang kamay para pigilan ang kung ano pang sasabihin niya. Sumama na lamang ang kaniyang mukha sa paglalakad nito palayo. Hindi na siya nito tiningnan pa hanggang sa mawala ito sa kaniyang paningin sa pagliko nito sa likuran ng sirang kubo. Sa kaniyang pag-iisa naiikot na lamang niya ang kaniyang paningin. Bumaba na rin siya ng kabayo para tingnan ang karwahe. Sa liit niya’y bahagya siyang nahirapan sa pag-akyat ngunit nagawa niya pa rin naman sa huli.
Sumilip siya sa gilid ng pintuan. Hindi kaaya-aya ang itsura ng loob ng karwahe sapagkat maraming talsik ng dugo roon. Napadako ang kaniyang tingin sa sulok dahil sa nakaawang na kutson ng upuan. Nakarinig pa siya ng pagkaluskos mula rito. Bumaba siya sa pintuan at nagpatihulog para makatayo. Nang makatayo nga siya’t kinakabahan siyang lumapit sa pintuan. Marahan niyang iniangat ang kutson niyon. Pagkabukas nga niya’y bigla na lang tumumba patungo sa kaniya ang batang lalaki na puti ang buhok na walang malay tao. Sa pagkabigla niya’y nadala siya nito sa pagkatumba. Tumama ang kaniyang ulo sa kabilang sulok ng karwahe na kaniyang ikinangiwi.
Nasapo na lamang niya ang likuran ng kaniyang ulo sa kaniyang pagbangon. Inihiga niya kapagkuwan ang batang lalaki’t pinagmasdan ito nang maigi. Tinapik-tapik niya ang makinis at malambot nitong pisngi. Pinakarimdaman niya ang dibdib nito sa pag-aakalang wala itong buhay. Naramdaman niya pa rin naman ang pagtibok ng puso nito.
Muli niya itong ginising na mayroong kasamang pag-alog sa balikat nito. Wala rin naman siyang ibang naisip para ito ay magising. Malakas niya itong sinampal na ikinagising nga nitio na dilat ang mga mata. Nang mapatitig ito sa kaniya’y gumapang ito nang paatras.
“Lumayo ka sa akin!” mariing sabi sa kaniya ng batang lalaki. Sinapo nito ang pisngi nitong namumula dulot ng kaniyang pagsampal. “Ano ang balak mong gawin sa akin?”
Kumunot ang noo niya sa pinagsasabi nito. “Ikaw na nga itong tinulungan, pag-iisipan mo pa ako nang masama,” aniya sa batang lalaki’t tumayo na lamang.
Sa balak niyang pag-akyat sa pintuan para makalabas pinigilan siya ng batang lalaki.
“Huwag kang lalabas,” sabi nito sa kaniya. Tinaas pa nito ang isang kamay. Ibinalik niya ang tingin dito na nagtatanong ang mukha. “Mayroong mga halimaw sa labas,” dugto nito sa pagbaba ng kamay at pinagpatuloy ang paghapo sa namumula pa ring pisngi.
“Iyon nga ang sabi ng manglalakbay. Saan na ang matandang kasama mo?”
Sinalubong nito ang kaniyang mga mata. “Inilayo niya ang mga halimaw,” sagot naman nito sa kaniya.
“Kung bakit kasi kayong dalawa lang ang naglakbay,” aniya sa batang lalaki.
Iniupo niya na lamang ang kaniyang sarili na nakasandig sa sahig ng karwahe. Umayos na rin ng upo ang batang lalaking kausap niya.
“Namatay na silang lahat sa pag-alis naming sa pinaggalingan naming bayan. Kaming dalawa lang ang naiwan ng matanda kong kasama,” pagbibigay-alama nito sa kaniya.
Tumango-tango siya sa kaniyang narinig. “Mabuti naman nakaligtas pa kayo,” ang nasabi niya na wala rin naman talagang ipagkahulugan. Iyon lang ang tanging naisip niyang sabihin dito dahil hindi rin naman siya marunong umaiw ng taong nahihirapan. Sa sarili nga niya ay hindi niya magawang palakasin.