SA UNAHAN ng kabayo ay ang matandang lalaking nagpapatakbo sa kabayo. Nakasuot ang matandang lalaki ng pulang kasuotan. Hindi ito nakabalabal katulad ng mga manglalakbay. Pinatigil nito ang kinasasakyan nang mapadako ang tingin nito sa kanilang naroon sa harapan ng nasirang templo. Sa paghmapas nga nito sa hawak na lubid huminto ang kabayo na humahalinghing nang mahina habang pinapadyak ang kaliwang harapang paa. Lumapit na lamang ang lider ng mga manglalakbay dito para kausapin ang matandang lalaki. Nabaling na lang niya ang atensiyon dito kasabay ng dalawang manglalakbay pa.
“Ano ang kailangan niyo?” pag-usisa ng lider sa bagong dating. Pinagmasdan nito nang maigi ang matandang lalaki.
Sinalubong ng matandang lalaki ang tingin ng manglalakbay. “Maaari bang makipahinga kami kasabay niyo? Hindi pa kami nakakain. Ilanga raw na,” saad ng matandang lalaki imbis na direktang sagutin ang naging tanong ng manglalakbay dito.
“Maaari naman,” sagot naman ng manglalakbay. “Sino ba ang kasama mo?”
“Ang apo ko lang. Balak naming manirahan sa kasunod na bayan kaya naglalakbay kami ngayon,” pagbibigay alam ng matandang lalaki.
“Bakit? Mayroon bang nangyari sa bayang pinanggalingan niyo?” ang sumunod na tanong ng manglalakbay dito.
“Oo,” wika ng matandang lalaki. “Nagsilabasan ang mga halimaw.”
“Saan ba kayo galing?”
“Sa Zinai” tugon ng matandang lalaki.
“Ang layo ng pinanggalingan niyo. Nagsisilabasan nga roon ang mga halimaw. Mabuti namang naisipan niyong umalis na roon,” saad ng manglalakbay. “Bumaba na kjayo. Magsisimula na kami sa pagluluto,” ang huling nasabi ng manglalakbay bago ito bumalik sa siga.
Lumapit ang lalaking manipis ang tabas ng buhok sa kabayo nito’t inalis sa likurang ng hayop ang pangluto. Inalis din dito ang sakong tela na naglalaman ng natitirang karne, mga gulay na panghalo ng mga ito at ang mga pangpalasa.
“Ano raw ang kailangan nila?” pabulong na tanong ng babaeng manglalakkbay sa lider ng mga ito.
Nilingon ng lider ang kasamahan nito. “Gusto lang nilang makikain. Gutom na gutom na sila,” pagbibigay alam ng lider.
Hindi niya inalis ang tingin sa matandang lalaki sa pagbaba nito ng karwahe mula sa kinauupuan niyang bato. Paglapag nito sa lupa’y napalingon na rin ito sa kaniya na nagtulak sa kaniya na ilayo ang tingin dito. Hindi rin naman siya binigyang-pansin ng matandang lalaki sa paglapit nito sa pinto ng karwahe. Sa pagbukas nito sa pinto ay doon niya pa lamang binaik ang tingin dito. Kinausap nito ang taong naroon sa loob.
“Puwede ka nang lumabas. Makakain na tayo,” saad ng matandang lalaki’t tumabi sa pintuan.
Lumabas nga sa pinto ang isang batang hindi nalalayo ang edad sa limang taong gulang na siya. Busangot ang mukha ng bata dahil s ainis na nararamdaman nito. Puting-puti ang buhok nito kasing puti ng niyebe. Sinuksok nito ang isang kamay sa bulsa ng suot nitong pantalong bughaw ang kulay. Samantalang ang isang malayang kamay ay inayos ang pagkabutones ng suot nitong pang-itaas. Bumababa ito ng karwahe na walang lumalabas sa bibig.
Magkasabay na naglakad ang dalawa patungo sa kaniyang kinauupuan. Hindi niya nagugustuhan kung paano maglakad ang batang lalaki. Pagkalapit ng mga ito tinuro ng matandang lalaki ang batong katabi ng kaniyang kinauupuan. Hindi kaagad na sumunod ang batang puting-puti ang buhok. Pinagmasdan lang nito ang matandang lalaki na walang sinasabi. Nagtinginan pa ang dalawa na ang mga ito lamang ang nagkakaintihan. Bago pa man mayroong masabi ang mga ito sa kaniya, umalis siya sa kaniyang kinauupuan. Lumipat na lamang siya ng puwesto’t tumayo katabi ng siga. Napatitig na lamang sa kaniya ang dalawang manglalakblay na siya ring pagbalik ng lalaking manipis ang tabas ng buhok.
“Bakit ka umalis doon, Grayson?” tanong sa kaniya ng babae. “Makipag-usap nga roon sa bata dahil mukhang magkaedad kayo para mayroon kang maging kaibigan.”
“Hindi ko siya gusto. Hindi kami magkakasundo,” aniya sa babaeng manglalakbay.
“Paano mo naman nalaman gayong hindi ka pa naman nakikipag-usap sa kaniya?”
“Alam ko lang. Tutulongan ko na lang kayo sa pagluluto,” pag-iwas niya sa mga ito. Hindi rin naman nagkakamai ang kaniyang pakiramdam.
Hindi pa man nailalapag ng lalaking manipis ang tabas ng buhok ang dala ng mga ito, kinuha niya ang pangluto’t inilagay isinukbit niya sa kahoy na itinayo. Pinaapoy niya rin ang siga kahit hindi siya inuutusan. Kumuha siya ng dalawang bato’t pinagbunggo ang mga iyon na siyang nag-apoy sa tuyong damo. Napapatitig na lamang sa kaniya ang mga manglalakbay sa kaniyang paggalaw.
Nang sandaling iyon ay lumapit sa kanila ang matandang lalaki kaya napalingona ang mga manglalakbay dito. “Mayroon kaming natitirang gulay pangdagdaga sa lulutuin niyo,” nag-aalangang sabi ng matandang lalaki.
“Itabi mo na lang nang mayroon kayong magamit sa susunod na araw,” anang lider ng manglalakbay nang ibaling nito ang atensiyon dito.
“Maraming salamat,” anang matandang lalaki na iniyuyuko ang ulo. “Balikan ko lang iyong apo ko,” dugtong pa nito na tinuturo ng hinlalaki ang batang lalaking nakaupo na sa bato. Hindi na naalis ang inis sa mukha nito.
Tumango ang lider ng manglalakbay para sa matandang lalaki sa pag-alis nito. Tiningnan siya nito kapagkuwan na pinipigilan ang kaniyang kamay. “Hindi mo kailangan kaming ipagluto. Kahit anong gawin mo, hindi magbabago ang isip ko,” malumanay na sabi ng lider.
Binawi niya ang kaniyang kamay dito. Sinalubong niya ang tingin ng manglalakbay.
“Gusto ko lang na mayroong ginagawa,” paliwanag niya naman sa mali nitong akala.
Naglagay ng tubig ang lalaking manipis ang tabas ng buhok mula sa sisidla nitong dala. Nilapag nito kapagkuwan sa lupa ang sakong naglalaman ng mga gulay at karne. Una nitong inilabas ang malinis na karne nababalutan ng papel. Nilublob nito sa tubig sa pangluto ang karne’t inihanda naman ang mga gulay. Tinulungan niya na lamang ito sa pagbabalat habang pinapakuluan ang karne.
“Bakit nasabi mong hindi magbabago ang isip mo? Mayroon ba kaming hindi nalalaman?” pag-usisa ng babaeng manglalakbay.
“Gusto ni Grayson na sumama sa ating paglalakbay,” pagbibigay alam ng lider. “Hindi maari ang gusto niya.”
Napatango ang babaeng manglalakbay dahil naiintindihan naman nito kung ano ang sinasabi ng kanilang lider. Inilihis nito ang atensiyon mula sa lider patungo sa kaniya.
“Tama siya,” pagsangayon ng babae na nakatitig sa kaniya.
Pinagmasdan niya ang babae’t ginantihan niya ito ng isang tango para sabihin ditong nauunawaan niya ang lahat. Naiintindihan niya rin naman ngunit nais niya pa ring sumama sa mga ito.
“Itigil mo na nga iyan. Maupo ka na roon,” sita sa kaniya ng lider ng manglalakbay.
Pinagmasdan siya nito nang masama para makinig siya rito. Natakot din naman siya kaagad kaya binitiwan niya ang hawak na gulay na kaniyang binabalatan. Umalis na lamang siya sa siga’t naupo sa batong kalapit ng pasukan sa abandunadong templo. Napalingon siya sa matandang lalaki dahil nakangiti ito sa kaniya. Inalis niya rin naman ang tingin dito dahil hindi niya nagugustuhan kung paano siya nito nginingitian. Samantalang ang batang kasama nitoi’y malayo ang tingin.
Dahil wala siyang balak makipag-usap sa bata, nakaramdam siya ng pagkabagot. Umalis na lamang siya sa kinauupuan at nagtungo sa pasukan ng abandunadong templo habang hindi siya napapansin ng mga manglalakbay sa pagiging abala ng mga ito sa pagluluto. Upang makapasok sa templo’y sumuot siya sa ilalim ng tumbang poste. Sa liit ng katawan niya bilang limang taong gulang nakalusot siya rito.
Hindi naman siya natatakot sa mga ganoong lugar kaya wala siyang pagdadalawang isip na pumasok doon. Mas natatakot siya sa mga tao sa kung anong magagawa ng mga ito sa kaniya. Pagkalampas niya sa tumumbang poste binati siya mga kuwadradong adobe na nagkalat sa patyo ng templo. Maingat siya umakyat sa mga ito nang makarating sa tuktok niyon. Nang makarating siya sa itaas, iniikot niya ang kaniyang paningin sa paligid na abot ng kaniyang paningin. Natigil ang kaniyang mata sa ibaba ng kaniyang inakyat. Sapagkat naroong nakatayo ang batang lalaking maputi ang buhok.
“Ano ang ginagawa mo?” ang tanong nito sa kaniya na malinaw niyang narinig kahit na malayo siya rito nang ilang dipa.
Tiningnan niya lang ang batang lalaki. Bumababa siya kapagkuwan ng mga adobe na hindi ito sinasagot. Nagkamai pa siya ng paghakbang kaya nadulas ang kaniyang paa. Mabuti na lamang hindi siya gumulong sa mga adobe nang kumapit siya nang mahigpit sa dulo ng batong kaniyang kinadulasan. Tumayo siya nang tuwid nang mapansin niya ang ulo ng batang lalaking lumilitaw sa itaas ng mga adobe. Huminga siya nang malalaim at pinagpatuloy ang pagbaba. Nakarating din naman siya sa ibaba ilang hakbang ang layo sa bunganga papasok ng altar. Nag-alagan siyang pumasok ngunit nang mayroong bumulong sa kaniyang tainga ng boses ng babaeng nagdala sa kaniya sa mundong iyon pinili niyang pumasok
Hindi rin naman siya kaagad nakapasok sa bunganga dahil pagliparan ng mga ibaon papalabas. Sa pagkagulat niya’y napaupo siya na tinatakpan ang kaniyang mukha. Nagsilaparan lang din naman ang mga itim na ibon papalabas na hindi siya sinasaktan. Tumayo lamang siya nang makaalis lahat ng mga ibon.
Sa pagtayo niya ay siya ring paglapit ng batang lalaki patungo sa kaniya. Nang mapagtanto niyang nakita ninto ang pagkaduwag niya, sumama kaagad ang kaniyang mukha.
Tinaliman niya ito nang tingin. “Huwag mo nga akong sinusundan,” mariin niyang sa bata.
“Hindi kita sinusundan,” pagtama naman ng bata sa kaniya.
Pinagsalubong niya ang dalawa niyang kilay dito. “Bata ka pa lang pero malaking sinungaling ka na,” aniya na mayroong diin ang mga saita.
Sa puntong iyon ang batang lalaki nama ang sumama ang mukha. Binaliwala niya ang sama ng tingin nito’t pinagpatuloy ang pagpasok sa bunganga. Iniwan niyang nakatyao sa labas ang batang lalaki. Matapos ng bunganga’y naglakad siya sa daanan na napalamutian ng marmol. Nawala na ang dating maputing kulay ng marmol na ginamit at naging itim na lamang gawa ng paglipas ng mga panahon. Mayroon namang liwanag sa loob dahil sa sumisilip na sinag ng araw sa bintanang ginapangan ng berdeng halaman.
Nakarating siya sa mismong altar ng templo sa hindi niya pagtigil sa paglalakad na siya ring pagkawala ng tinig ng babaeng bumubulong sa kaniya. Naroon sa gitna ng isang altar ang rebulto ng isang babae. Hindi niya namukhaan ang rebulto dahil nabasag iyon. Tanging katawan lamang ang naiwan. Sinubukan niyang pakinggan ang bumubulong na boses ngunit hindi na iyon bumalik pa.
Muli siyang nagulat nang bigla na namang nagsalita ang batang lalaki. Nasapo niya ang kaniyang dibdbi kung saan mabilis ang pagtibok ng kaniyang puso.
“Mukhang templo ito para sa isang diyosa,” ang saad ng batang lalaki.
Nilingon niya ang batang lalaki na ibinababa ang kaniyang kamay. Maging ito ay napatitig sa rebulto. Iyon ang unang pagkakataon na nalaman niyang mayroon ding ibang mga diyos na sinasamba ang mga tao sa mundong iyon. Ang akala niya ay isang diyos lamang mayroon ang Kasarag na madalas na binabanggit ng para sa simbahan. Ang paring isang nagpapanggap na nilalang.
“Sino namang diyosa?” ang naitanong niya na lamang sa batang lalaki sa pagtayo nito sa kaniyang kanan.
Nagtatakang tanong sa kaniya ng batang lalaki nang lingunin siya nito. “Paanong hindi mo alam? Gayong kilalang-kilala ang diyos na iyan.” Tinuro nito ang nasirang rebulto.
Sinalubong niya ang tingin nito.
“Magtatanong ba ako kilala ko?” ang sumunod niyang sinabi.
Bumuntonghininga nang malalaim ang batang lalaki.
“Siya lang naman ang diyosang kinamumuhian ng mga tao. Dahil sa kaniya halos maubos ang mga tao ng magkaroon ng digmaan sa Kasarag. Likas siyang masama. Ang pangalan niya’y Amara,” paglalahad nito sa kaniya.
Hindi na nito ang iba pang sasabihin nang makarinig sila ng paghakbang sa kanilang likuran. Magkasabay silang lumingon para alamin kung sino ang sumunod sa kanila. Ang matandang lalaki iyon na kasama ng batang lalaki. Mabilis itong humakbang papalapit.
“Odeo. Hindi ka dapat pumasok rito. Baka anong gawin sa iyo ng diyosang inalayan ng templong ito,” paalala ng matandang lalaki.
“Ano ang magagawa niya sa akin gayong matagal na siyang patay?” saad ng batang lalaki sa paglalakad nito palayo sa altar.
“Kahit na. Mabuti na iyong nag-iingat. Hindi puwedeng mayroong mangyari sa iyo. Mamamatay ka dahil sa pagtitig diyan sa rebulto,” dugtong ng matandang lalaki sa pagsabay nito sa batang maputi ang buhok.
Hindi pinagkaabalahan ng dalawa na lingunin siya para malaman kung sumunod ba siya o hindi. Ibinalik niya na lamang ang kaniyang tingin sa rebulto. Mayroong nagsasabi sa kaniya na kilala niya ang diyosang si Amara kahit na walang mukha ang kaniyang pinagmamasdan. Inalis niya rin naman kaagad sa isipan niya ang ideyang iyon kasingbilis ng paglabas niyon. Umalis na lang din siya palayo ng altar nang sumuksok sa kaniya ang sinabi ng matandang lalaki. Baka lalo siyang malasin kung manatili siya roon sa loob nang matagal.