Kabanata 15

2178 Words
SA PANANATILI nilang dalawa ng bata sa loob ng karwahe narinig na lamang nila ang pagpalahaw ng halimaw. Hindi niya pinigilan ang kaniyang sarili para silipin ang nangyayari sa labas. Nakasunod nang tingin sa kaniya ang batang lalaki na nakaguhit ang takot sa mga mata nito. Tinalon niya ang pintuan na nagawa niya rin namang maabot. Kumapit siya rito nang maiangat niya ang kaniyang sariling bigat palabas ng karwahe. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bumalik rito,” mariing sabi sa kaniya ng batang lalaking naiwang nakatayo sa loob. Tumayo siya sa gilid ng pintuan upang ibalik ang tingin dito. “Aalamin ko lang kung saan naroon ang halimaw para makaiwas tayo’t makapagtago sa ibang lugar. Hindi maganda kung manatili tayo rito sa karwahe,” paliwanag niya sa batang lalaki. Inalis niya ang kaniyang tingin sa batang lalaki’t tumingin sa malayo kung saan nagmumula ang palahaw. Nanglalki na lamang mata niya nang makita niya ang halimaw paglitaw ntio sa likuran ng kubong kalapit ng kaniyang kinalalagyan. Abuhin ang kabuuang balat ng halimaw. Mahahaba ang bahagi ng katawan nito. Nakabaluktot ang paa nito sa paglalakad kasama na ang mga kamay nito. Matutulis ang siko nito na umabot ang talim nang kalahating dipa. Ang mga mata nito’y lima ang mga bilang na nakatingin sa iba’t ibang direksiyon. Natigalgalan na lamang siya nang mapalingon sa kaniya ang halimaw. Sa pagpalahaw ng halimaw, sinugod siya nito na siyang dahilan kaya napatalon na lamang siya pabalik sa loob ng karwahe. Hindi niya naisip na malapit lang sa kanila ang halimaw. Inakala niyang makakaalis siya roon na walang nakakasalubong. Ngunit isang malaking pagkakamali nga ang kaniyang naisip. Sa ingay na nagmumula sa labas lalong binalot ng takot ang mukha ng batang lalaki. Nagmadali itong lumapit sa upuan upang magtago sa loob niyon. Nang balak niyang sumunod dito ay tinulak na lamang siya nito't sinara ang kutson. Hindi niya ipinagpilitan na magtago roon dahil sa hindi naman sila kasya na dalawa. Humakbang na lamang siya sa patungo sa gilid sa lilim ng pintuan. Nakadikit ang kaniyang likod sa sahig. Hindi naman nakatulong ang pagtayo niya roon sa dami ng mga mata ng nilalang. Pinigilan niya ang kaniyang paghinga nang tumalon sa karwahe ang halimaw. Umalog-alog ang karwahe sa bigat nito. Ipinasok nito kapagkuwan ang ulo nito para masilip ang loob. Pagkababa nga nito sa ulo ay kaagad siya nitong nakita. Lalong kumabog ang kaniyang dibdib dulot ng takot. Pumalahaw ito sa harapan niya’t inabot siya nito ng pinalaya nitong isang kamay. Gumulong siya nang hindi nito maabot. Nagawa niya rin namang makaiwas kung kaya winasiwas nito ang kamay nang tumama sa kaniya ang matulis nitong siko. Sa kabuting palad hindi siya inabot niyon sa paghakbang niya pakaliwa. Dumaplis lamang ang talim ng sikot nito sa kaniya’t tumusok sa sandigan ng upuang pinagtataguan ng batang lalaki. Nang maisip niyang mapapahamak ang batang lalaki dahil sa kaniya, napagdesisyunan niyang lumabas na lamang. Sisisihin niya lamang ang kaniyang sarili kung mayroong mamamatay nang dahil sa kaniya katulad ng nangyari sa kaniyang magulang sa mundong kaniyang pinanggalingan. Habang hindi paa naalis ng halimaw ang talim ng siko nitong bumaon, nagmadali na siyang kumilos. Pinilit niyang umakyat sa pintuan sa muling pagtalon niya rito. Naalis ng halimaw ang siko nito nang naiangat niya na ang kaniyang sarili. Hindi siya kaagad nakalayo nang iwasiwas ng halimaw ang kamay nitong matatalim ang kuko. Tinamaan siya nito sa kaniyang braso na kaniyang ikinatalbog palayo sa karwahe. Gumulong siya sa lupa kaya nagsiliparan ang alikabok hanggang sa bumangga ang likod niya sa pader na pinagpatong-patong na mga bato ng isang kubo. Nakuha niya rin namang maupo. Naluluha na lamang siyang tumingin sa kalagayan ng kaniyang braso dulot ng takot. Kitang-kita ang mga hiwa sa kaniyang balat dulot ng mga matulis na kuko ng halimaw. Hindi niya maigalaw iyon. Naibalik niya na lamang ang atensiyon sa halimaw sa pagpalahaw nito. Mabilis itong gumapang patungo sa kaniya matapos umalis sa ibabaw ng karwahe. Sinisi niya ang kaniyang sarili nang mga sandaling iyon. Kung bakit kasi pumayag pa siya sa manglalakbay na magpaiwan doon kahit alam niyang hindi niya mapapangalagaan ang kaniyang sarili mula sa kapahamakan. Imbis na tumakbo hinintay niya na lamang ang halimaw na masaktan siya nito. Minsan pa ay sumuko siyang magpatuloy dahil wala rin naman siyang rason para mabuhay sa Kasarag. Napapatitig na siya itsura ng halimaw na gusto-gusto siyang lamunin. Lumitaw sa kaniyang mga mata ang mukha ng kaniyang ama bago ito malagutan ng hininga. Nasabi niya sa kaniyang sarili na makakasama niya na rin ang kaniyang mga magulang. Ngunit nang malapit na sa kaniya ang halimaw sumagi sa isip niya ang huling sinabi ng kaniyang ama na mabuhay siya para sa kanilang tatlo na kaniyang nakalimutan dulot ng kalungkutan. Nais niya rin namang maging masaya kahit papaano. Pero dahil nga sa nangyari sa kaniyang magulang hindi niya na nalaman kung ano ang salitang iyon. Marahil kailangan niya lang talagang hanapin ang rason para siya ay tunay na maging masaya sa mundong iyon. Sa unti-unting paglapit ng halimaw kusa na lamang gumalaw ang kaniyang katawan. Sa laki ng halimaw sumuot siya sa ilalim nito’t tumakbo papalayo rito. Nagawa niya ngang makaiwas sa halimaw. Hindi niya inaksaya ang pagkakataon para makahanap ng paraan upang hindi siya nito masaktan. Nakangiwi siyang tumakbo palayo rito habang naghahanap ng mapagtataguan. Dahil dito binilisan ng halimaw ang paggapang para mahabol siya nito. Madali nga siya nitong naabutan kaya nahampas naman siya nito. Hindi na nga siya nakailag at tumalsik patungo sa kubong buo pa ang kalahating bubong. Bumangga ang likod niya tabing bahagi ng dingding. Lumusot siya roon hanggang sa bumagsak siya sa loob kung saan nagkalat ang mga papabulok ng dayaming ginamit sa bubongan. Napaubo-ubo na lamang siya sa kapal ng alikabok. Habang naroon siya’y tumalon ang halimbaw sa bubongan na tuluyan ikinasira niyon. Nagsibagsakan ang mga kahoy kaya umiwas siya rito. Gumapang siya paatras bago pa man siya mabagsakan. Sa pagbaba ng halimaw sa loob ng lumang kubo pinagmasdan siya nito nang maigi. Napalingon siya sa isa mga kahoy na bumagsak. Hindi na rin pinatagal ng halimaw ang mga sandali. Sinugod siya nito na nakabuka ang bibig na matutulis ang mga ngipin. Hindi niya alam kung makakatulong sa kaniya ang pagkuha sa kahoy pero kinuha niya pa rin. Naisipan niyang itutok iyon sa paglapit ng halimaw sa kaniya na nakapikit ang mata. Sa bilis ng halimaw hindi nito naiwasan ang kahoy kung kaya natusok ang leeg nito’t kumawag-kawag ito para maalis iyon. Nadala pa siya nito dahil nakahawak pa rin siya sa kahoy. Hindi niya binitiwan ang kahoy na lalo niya lang binaon sa leeg nito gamit lang ang isang kamay sa pagbalik ng sensasyon dito. Nagsilabasan sa sugat ang maitim nitong dugo’t napaliguaan pa siya sa kaniyang mukha. Bumitiw lamang siya sa kahoy nang hahawakan siya nito. Muli siyang gumulong sa lupa upang makailag na tinitiis ang sakit sa kaniyang nasaktang braso. Tumakbo siya kapagkuwan sa nasirang pader dingding ng bahay. Nang makalabas na siya naabot ang kaniyang paa ng kamay ng halimaw na siyang naging dahilan ng kaniyang pagkadapa. Agaran siyang lumingon sa takot na hindi siya makakatakas dito. Sa pagtama ng kaniyang mata sa halimaw nakahinga siya nang maluwag. Sapagkat bumagsak na lamang ang halimaw sa lupa. Umaagos sa leeg nito ang dugo dahil sa naalis na kahoy. Lumuwag ang kapit nito sa kaniyang paa kaya nakaalis na siya. Gumapang siya nang ilang dangkal palayo sa katawan ng halimaw bago siya tumayo. Hindi siya tumagal sa pagkatayo nang higit niyang naramdaman ang sakit sa kaniyang sa braso sa pagtigil ng sigla sa kaniyang katawan. Napaluhod na lamang siya ulit sa lupa. Impit ang kaniyang ungol habang tinitiis ang sakit. Hindi tumitigil ang pagdurugo niyon kaya nanglalabo ang kaniyang paningin dulot na rin ng lason sa galing sa kuko ng halimaw. Kapag hindi magagamot ang kaniyang braso pihadong mawawalan siya ng buhay. Sa pagdaloy ng lason sa kaniyang mga ugat, bumibigat ang kaniyang pakiramdam. Bumagsak na lamang siya nang tuluyan sa lupa na nakahiga. Pinagmasdan niya ang kalangitan sa panglalabo ng kaniyang paningin. Ang kaniyang paghinga ay bumabagal dahil sa walang siglang pagtibok ng kaniyang puso sa loob ng kaniyang dibdib. Nang sandaling iyon lumabas sa karwahe ang batang lalaking maputi ang buhok. Iniikot nito ang paningin sa paligid para alamin kung ano ang nangyayari. Tumama ang mata nito sa halimaw na walang buhay bago nito inilipat sa kaniya. Nanglaki na lamang ang mga mata nito nang makita nito ang kaniyang kalagayan. Nag-aalangan itong bumaba ng karwahe. Lumapit pa rin naman ito sa kaniya’t pinagmasdan nang maigi ang kaniyang sitwasyon. “Saan na ang mga kasama mo? Kailangan mo ng tulong,” saad ng batang lalaki sa kaniya. Naupo lang ito sa tabi niya dahil hindi nito malaman kung ano ang dapat gawin nang mga sandaling iyon. Sa pagluhod ng batang lalaki’y bumalik na rin naman ang dalawang manglalakbay na hindi kasama ang lider ng mga ito. Hindi na kailangang pang ipagbigay alam ng batang lalaki kung ano ang nangyari. Sapagkat nakita kaagad ng dalawa ang kaniyang kalagayan. Mabilisang tumakbo ang mga ito patungo sa kaniya’t lumuhod sa kaniyang harapan ang lalaking manipis ang tabas ng buhok. “Huwag kang mag-aalala maililigtas kita,” paniniguro sa kaniya ng lalaking manglalakbay. Nakatitig lang siya sa lalaking manglalakbay dahil hindi naman siya makapagsaita. Hinawakan nito ang kaniyang braso’t tinutok dito ang isang nakabukang kamay. Samantalang ang babaeng manglalakbay ay sinuri ang halimaw. Umusal ang lalaking manglalakbay ng dasal kasabay ng pagliwanang ng kamay nito. Naramdaman niya na lamang ang mainit na enerhiyang dumadampi sa kaniyang balat. Sa paggamot nga ng manglalakbay sa kaniya ay nawala ang bigat na kaniyang nararamdaman. Maging ang sakit sa kaniyang braso ay unti-unting naglaho. Sa hindi pagtigl ng lalaking manglalakbay sa pag-usal ng dasal, humilom ang mga sugat sa kaniyang braso. Huminto lamang ito nang magamot siya nito nang tuluyan. Inilalayan siya nitong makaupo kaya napapatitig na lamang siya sa braso niya. Tanging dugo niya na lamang ang makikita roon at walang ano mang sugat. Naibaling niya lang ang kaniyang atensiyon sa babaeng manglalakbay nang lumapit ito sa kanila. “Mabuti't nagawa mong mapatay ang halimaw,” saad ng babaeng manglalakbay sa kaniya na ginantihan niya ng isang tango. Tinaas nito ang hinlalaki na mayroong ngiti sa labi. Ang lalaking manglalakbay ay binaling nito ang atensiyon sa batang lalaki. “Ikaw naman? Nasaktan ka ba?” paniniguro ng manglalakbay. Iniling ng batang lalaki ang ulo’t inilabas nito mula sa bulsa nito ang maputing panyo. Kinuha nito ang isa niyang kamay ay iniwan nito ang panyo bago ito naglakad pabalik sa karwahe. Napapasunod na lamang siya ng tingin sa likuran nito na nahihiwagaan sa ikinilos nito. Napatitig siya kapagkuwan sa panyong binigay nito’t naintindihan niya rin naman kung bakit nito ibinigay. Ginamit niya ang panyo sa pagpunas sa mga dugo sa kaniyang braso. “Isang pagkakamaling nakatakas sa amin ang halimaw,” ang nasabi ng babae sa kaniya. “Hindi namin akalain na dito tatakbo pabalik.” Pinagpatuloy niya ang pagpunas kaya ang puting panyo ay naging pulang-pula. “Sinuwerte lamang ako,” ang nasabi niya sa mga manglalakbay. “Marami pa nga talaga akong hindi alam sa mundong ito.” “Malalaman mo rin naman. Hindi na bago sa katulad mong lumaki sa isang baryo na magulat,” anang babaeng manglalakbay. “Kung hindi ka magiging maingat mahahantong ka talaga sa kamatayan. Nagkalat sa buong bansa hindi lang ang mga halimaw pati na rin ang masasamang tao.” “Saan mo naman nakita iyong bata?” pag-usisa ng lalaking manglalakbay kaya pinagmasdan niya ito. Tinapos niya ang pagpunas sa dugo sa kaniyang braso. “Nagtatago siya roon sa ilalim ng mga upuan. Nasaan naman iyong kasama niyang matanda?” aniya sa manglalakbay. “Hindi pa namin sa nakikita,” sagot naman nito. “Sigurado namang maayos ang matandang iyon. Natatandaan ko na kung sino siya. Hindi siya simpleng tao lang na basta matatalo ng isang mababang uri ng halimaw kahit hindi siya gumagamit ng salamangka.” “Talaga? Sino naman iyong matanda?” pag-usisa niya rito. “Dating heneral iyon sa Forlon,” pagbibigay alam naman nito sa kaniya. “Ibig mong sabihin mababang uri ng halimaw lang iyan?” Tinuro niya ang abuhing halimaw na kaniyang napatay. “Oo. Isa iyan sa pinakababang uri kaya nga madalas silang makita sa mga baryo upang manginain ng mga tao.” Inilahad nito ang kamay sa kaniya para tulungan siyang makatayo. Pinagmasdan niya lang ang kamay nito’t hindi iyon kinuha. Tumayo siyang mag-isa kaya napapangiti na lamang ng ulo ang lalaking manglalakbay sa kaniya. Nilapitan niya kapagkuwan ang batang lalaki para isauli ang puting panyo. Ngunit nang maisip na hindi maganda na basta niya lang isauli iyon na hindi nalalabhan. Napatitig na lamang sa kaniyang ang batang lalaki sa paglapit niya rito. “Lalabhan ko muna itong panyo mo bago isauli sa iyo,” aniya sa batang lalaki. Sinalubong nito ang kaniyang mga mata. “Itapon mo na lang iyan. Aanhin ko pa iyan. Nagamit mo na,” ang walang buhay nitong sabi sa kaniya na ikinukunot ng kaniyang noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD