HIS RUTHLESS WAYS
EPISODE 16
REALTALK
SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW.
KINAKABAHAN AKO sa sasabihin ni Aiden sa akin mamaya. Hanggang ngayon ay nasa conference room pa rin siya at nagmemeeting. Habang ako naman dito ay naghihintay sa studio sa kanya. Malalim ang paghinga ko dahil sa kaba na aking nararamdaman. Nang marinig ko ang pagbubukas ng pintuan ay agad akong napatingin dito ay nakaramdam ako ng maliit na dismayado dahil hindi si Aiden ang aking nakita kundi si Lloyd, pero mabuti na rin na nakita ko ulit siya.
“S-Sir Lloyd!” tawag ko sa kanya at napatayo na rin ako.
Bahagyang ngumiti sa akin si Liam at lumapit siya sa akin.
“Sorry nga pala sa nangyari kanina, Sierra. Nakita mo pa kaming mag-away ni Aiden kanina,” sabi ni Lloyd at napakamot din siya sa kanyang batok.
Maliit akong ngumiti. Nahihiya ako kay Lloyd dahil sa mga nalaman ko ngayong araw. Hindi ko lang pala siya manager lang, anak siya ng isang sikat na artista at singer na si Cole Griffin. Isa siyang Griffin!
“A-Ako po dapat ang humingi ng tawad sa nangyari, Sir Lloyd. Sorry po talaga….” nahihiya kong sabi sa kanya at bahagya rin akong napakagat sa aking labi.
Umiling iling si Lloyd at ngumiti siya sa akin.
“It’s okay, Sierra. At please, don’t call me sir, just Lloyd. Ayokong magbago ang pagtrato mo sa akin kahit na alam mo na ang tungkol sa totoong ako,” seryoso na sabi ni Lloyd sa akin.
Ngumiti naman ako kay Lloyd at tumango. Natutuwa ako sa manager ko dahil sobrang down to earth niya. Ang swerte ko rin talaga na si Lloyd ang naging manager ko.
“Okay Lloyd…”
Nakita ko na biglang sumeryoso ang mukha ni Lloyd habang nakatingin siya sa aking mga mata. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba.
“B-Bakit?” tanong ko sa kanya.
“Sierra, hindi mo man sabihin sa akin, alam kong may namamagitan sa inyo ni Aiden. Pero hindi kita pinagbabawalan kung ano man ang mga desisyon mo o gusto mong gawin na may kinalaman sa kanya. Gusto ko lang na magbigay ng advise, lalo na’t kilala ko na siya simula pa noong mga bata kami,” seryosong sabi ni Lloyd habang nakatingin pa rin siya ng seryoso sa aking mga mata. Napatango naman ako at siya naman ay ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin sa akin.
“Alam mo naman ang nangyari sa love life ni Aiden, diba?”
Napalunok ako sa aking laway at hinay hinay rin na napatango.
“Masakit ang nangyari sa kanya lalo na’t damay rin ang kakambal niyang si Caden. Pero Sierra, kahit na nasasaktan si Aiden, mahal na mahal niya pa rin si Nica. Bata pa lang kami ay may namamagitan na sa kanilang dalawa. Gagawin ka lang na rebound ni Aiden,” seryoso na sabi Lloyd habang nakatingin pa rin siya sa akin.
Napakagat ako sa aking labi at pinigilan ko na hindi maiyak sa sinabi ng manager ko sa akin.
Alam ko naman… alam ko naman ‘yun. Sino ba naman ako diba? Wala akong kalaban laban.
Sabina Veronica Generoso Santiago is Aiden’s greatest love at hindi ko na mapapalitan ‘yun.
Ang sakit pala talaga kapag natamaan ka ng realidad. Kanina ay nasasabik ako sa pag-uusap namin mamaya ni Aiden, pero ngayon na nakausap ko si Lloyd at nasabi niya iyon sa akin ay para akong nawalan ng gana.
“I’m sorry if I made you cry, Sierra.”
Hindi ko namalayan na tinapik tapik na pala ni Lloyd ang aking balikat at pinapatahan na niya ako ngayon. Umiiyak na pala ako ng hindi ko namamalayan!
Mabilis akong napapunas sa aking luha at huminga ako ng malalim.
Nakakahiya!
“O-Okay lang ako, Lloyd. S-Salamat pala sa sinabi mo,” mahina kong sabi at pinilit ko na ngumiti sa kanya.
Pinunasan ko muli ang aking mga luha at huminga ako ng malalim at tumayo ako.
Humarap ako kay Lloyd bago ako magsalita muli. “L-Lloyd, alis na muna ako…” sabi ko at lumabas na ng studio..
Plano ko sana na pumunta sa CR at doon ipagpatuloy ang aking pag-iyak. Pero habang naglalakad ako sa may hallway, napatigil ako sa aking paglalakad nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon… walang iba kundi si Aiden.
Napatigil din siya sa paglalakad at napatingin siya sa akin. Nakita ko ang pagkunot sa kanyang noo at napataas din siya sa kanyang kilay. Halatang papunta rin ngayon si Aiden sa studio at mukhang tapos na rin siya sa kanyang meeting sa conference room.
“Where do you think you’re going, Celeste?” seryosong tanong sa akin ni Aiden.
Pinilit ko na hindi mag salubong ang aming mga tinging dalawa dahil baka bigla akong maiyak ulit.
“U-Uuwi na muna, Sir Aiden. May emergency lang sa bahay,” mahina kong sabi habang iniiwasan ko pa rin ang tingin niya sa akin.
Nang aalis na sana ako ay naramdaman ko ang kanyang paghawak sa aking braso kaya napaharap ako sa kanya at nagkasalubong ang aming mga tingin.
“Are you crying?” nagtataka niyang tanong sa akin.
Napalunok ako sa aking laway at mabilis akong napailing.
“H-Hindi po…. Napuwing lang ako, hindi ako umiiyak,” sagot ko sa kanyang tanong at sinubukan kong maging masigla ang boses ko.
Mukhang hindi pa rin naniniwala si Aiden sa alibi ko. Inalis ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso at muli akong nagsalita.
“Aalis na po ako, Sir Aiden. Paalam na po!” sabi ko at nagmamadali akong umalis palayo sa kanya.
“Celeste!” narinig ko pa siyang tinawag ang aking pangalan, pero hindi ko na nilingon pa si Aiden at nagmamadali na akong umalis.
Nang makalabas ako sa building ay agad din akong pumara ng taxi at umalis. Nakaramdam ako ng konting lungkot dahil hindi talaga ako sinundan ni Aiden. Sino ba naman ako para sundan niya diba?
Isa lang naman ako sa mga babaeng naka one night stand ni Aiden Coleman. Hinding-hindi ako magiging Veronica Santiago na mahal na mahal niya. Hinding hindi ko mapapantayan si Ma’am Veronica sa puso ni Aiden kahit anong gawin ko.
“Kahit na nasasaktan si Aiden, mahal na mahal niya pa rin si Nica.”
Muli kong naalala ang sinabi ni Lloyd kanina. Napapikit ako sa aking mga mata at napasandal sa aking kinauupuan at hinayaan ko ang mga luha kong pumatak sa aking mga mata.
TO BE CONTINUED...