RUTHLESS 15: PAG-ASA

1175 Words
HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 15 PAG-ASA  SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. NANLAKI ANG aking mga mata sa gulat nang sabihin iyon ng manager ko na si Lloyd. Sandali lang… isa siyang Griffin?! Anak siya ng iniidolo kong si Cole Griffin! “I’m warning you, Liam. I’m still your boss and you are working in my company,” malamig at madiin na sabi ni Aiden habang matalim pa rin siyang nakatingin kay Lloyd. Parang any minute ay susuntukin na niya ito kapag may nasabi pang makakapagpagalit si Lloyd kay Aiden. Nakita kong ngumisi si Lloyd kay Aiden. “I know that, Aiden. Pero hindi mo pa rin ako mapapaalis dito. Alaga ko si Sierra kaya hindi mo siya pwedeng utusan na lang bigla at pagalitan kung kailan mo gusto,” malamig na sabi ni Lloyd. Nakita kong humakbang si Aiden palapit kay Lloyd kaya pumagitna na ako sa kanilang dalawa dahil kinakabahan na ako… baka bigla silang magsuntukan. “S-Sir Aiden… S-Sir Lloyd… huminahon na po kayo,” awat ko sa kanilang dalawa. Bahagya naman akong nagulat nang biglang higitin ni Aiden ang aking kamay at hinila niya ako palapit sa kanya. Nang madikit ako sa kanya ay agad niyang pinulupot ang kanyang braso sa aking bewang kaya nanlaki ang aking mga mata sa gulat. “She’s not yours, Liam. Celeste is mine. Kaya wala kang karapatan na diktahan ako sa gusto kong gawin sa kanya,” madiin at galit na sabi ni Aiden kay Lloyd at hinila niya ako palabas sa kwarto at naiwan mag-isa doon si Lloyd na may gulat pa rin na ekspresyon sa mukha. Hila pa rin ako ngayon ni Aiden at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Natatakot akong magsalita dahil nakikita ko pa rin sa kanyang mukha ngayon ang galit. Natatakot ako na baka sa akin niya ibunton ang galit na nararamdaman niya at ayaw kong mangyari ‘yun dahil masasaktan ako. Nakita ko na papunta kami sa studio kung saan ginagawa namin lagi ang session namin dito. Binuksan ni Aiden ang pinto at pinasok niya ako sa loob at napasigaw na lang ako nang bigla niya akong isandal sa pader at malakas niyang sinira ang pinto at nilock niya ito. Lumapit siya sa akin at ikinulong niya ako sa kanyang mga braso. Napalunok ako sa aking laway at ramdam ko na rin ang malakas na pagtibok ng aking puso. “S-Sir Aiden….” “Why are you doing this to me, Celeste?” Napakunot ang aking noo at naguguluhan sa naging tanong niya sa akin. “A-Ano po?” Wala naman akong ginagawa sa kanya, ah? “After that night… I can’t stop thinking about you!” galit na sigaw ni Aiden habang nakatitig siya sa aking mga mata. Napasinghap ako at nagulat sa kanyang sinabi. Muli na namang bumilis ang pagtibok ng aking puso at para akong hindi makahinga ng maayos ngayon. Mas lalo pang inilapit ni Aiden ang kanyang mukha sa aking mukha at hinaplos niya ang aking pisngi. “S-Sir….” “I want you, Celeste… so bad….” Sh*t! Ano ba ‘tong nangyayari ngayon? Para akong mababaliw! Naiiyak ako. Napahawak ako sa kanyang dibdib at sinubukan ko siyang itulak palayo sa akin pero mas lalo niya lang idinikit ang kanyang katawan sa akin. “S-Sir Aiden…” tawag ko sa kanya. “What? You don’t want me?” mahinang tanong ni Aiden sa akin. Nang mapatingin ako sa kanyang mga mata ay muntikan na akong mawalan ng balanse. Para siyang nagmamakaawa na nakatingin sa aking mga mata ngayon. Paano ko aayawan ang lalaking ‘to? Mahal ko na siya simula pa noong high school pa ako. At kagaya niya… hindi ko kayang kalimutan ang nangyari sa amin sa gabing iyon. Hinahanap ko siya palagi. “G-Gusto kita….” mahina kong sabi at napakagat ako sa aking labi. Namungay ang kanyang mga mata at muli niyang hinaplos ang aking pisngi. “Do you like to be with me again?” muli niyang tanong sa akin. Para akong kinakapos ng hininga ngayon at hindi makapagsalita ng maayos. “Y-Yes, Sir Aiden….” Idinikit niya ang kanyang noo sa aking noo kaya napapikit ako sa aking mga mata. “Just call me Aiden when we’re flirting with each other. I don’t like you being formal with me.” Napalunok ako sa aking laway at tumango ako. “O-Okay po….” “And stop being with Liam always.” Napamulat ako sa aking mga mata ng sabihin niya iyon. Bahagya rin niyang inilayo ang kanyang mukha sa aking mukha at seryoso ang kanyang mukha na nakatingin sa akin. “He’s my manager,” sabi ko sa kanya. Tumango siya. “And you’re mine, Celeste.” Muli akong napalunok sa aking laway. Is he confessing his feelings for me now? Totoo ba ‘tong nangyayari ngayon, o panaginip lang? “A-Aiden…” Inilapit niya muli ang kanyang mukha sa aking mukha at nagulat na lang ako nang bigla niyang idikit ang kanyang labi sa aking labi. “Akin ka lang, Celeste. I don’t share my properties to anyone,” malamig na sabi ni Aiden at muli niya akong hinalikan sa aking labi. Napapikit ako sa aking mga mata at humigpit ang aking pagkakakapit sa kanyang dibdib at hinalikan ko pabalik si Aiden. Naiiyak ako sa sobrang tuwa ngayon. May gusto rin sa akin ang lalaking matagal ko nang minamahal! May pag-asa ako sa kanya. At hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito. Gagawin ko ang lahat para mahalin niya ako. “A-Aiden….” mahina kong ungol nang bumaba ang kanyang paghalik sa aking leeg at naramdaman ko rin ang kanyang kamay sa aking dibdib. Pinisil-pisil niya ito at hinaplos. Mas lalong lumalim ang paghahalikan naming dalawa at binuhat na rin ako ngayon ni Aiden. Natigil na lang kami sa aming paghahalikan nang biglang may kumatok sa pinto. Mabilis kong itinulak palayo si Aiden at natigil din siya sa paghalik sa akin. Napalayo ako sa kanya at inayos ko ang aking sarili at tumalikod ako. Naramdaman ko na binuksan ni Aiden ang pinto at nagsalita siya. “What?” “Sir Aiden, hinihintay na po kayo doon sa conference room para sa meeting,” narinig ko na sabi ng isang staff. Napasulyap ako kay Aiden at nakita ko siyang napatingin din sa akin kaya umiwas kaagad ako ng tingin. “Okay, I will be there in a minute,” narinig ko na sabi ni Aiden. Narinig ko na sumira na ang pinto. Sigurado akong umalis na si Aiden kaya napayuko ako. Akala ko ay aalis na talaga siya, pero nagulat ako nang may biglang humawak sa magkabila kong pisngi at mabilis na hinalikan ang aking labi. Si Aiden…. “‘Wag ka munang umuwi, let’s talk later,” seryosong sabi ni Aiden at lumabas na siya sa studio room. Naiwan naman akong mag isa na nakangiti na parang baliw. Napahawak ako sa aking labi at hinang napaupo sa may couch. May gusto sa akin ang iniidolo ko… ang crush ko. May pag-asa ako sa kanya! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD