PROLOGUE
HIS RUTHLESS WAYS
PROLOGUE
“YOU still love her?”
Natigil siya sa pagsusuot sa kanyang pants ng itanong ko iyon sa kanya. Malamig niya akong tinignan bago siya muling nagpatuloy sa kanyang pagsusuot sa kanyang saplot sa katawan. Napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang aking sarili na mapapaiyak ngayon.
Hindi man niya sabihin sa akin ang totoo… ramdam ko naman ito.
“Mahal mo pa si Veronica,” mahina kong sabi at napayuko.
Narinig ko ang kanyang mahinang pagmumura kaya muli akong napatingin sa kanya. Nakita ko siyang matalim na nakatingin sa akin ngayon.
“What the hell is wrong with you, Sierra Celeste Gomez?! Kailan ka pa naging pakialamera sa buhay ko, huh? Hindi kita binigyan ng permiso para pakialaman ang buhay ko kaya stop asking me about that question and stop mentioning her name!” galit niyang sabi habang masama pa rin na nakatingin sa akin.
Mabilis akong napatayo at lumapit ako sa kanya upang hawakan ang kanyang kamay. Akmang hahawakan ko na siya ng umatras siya palayo sa akin at sinenyasan nya akong tumigil ako sa aking ginagawa.
“A-Aiden, I’m sorry… Hindi na mauulit, hindi ko na siya babanggit at hindi na ang magtatanong ulit,” mahina kong sabi habang nakatingin sa kanya. Kinakabahan na rin ako ngayon dahil baka iwan na naman niya ako kagaya ng nangyari noon.
Umiling siya habang nakatingin sa akin gamit ang malamig na ekspresyon sa kanyang mukha, kaya mas lalo akong kinabahan.
“You’re starting to become demanding, Celeste. Hindi ka naman ganyan noong una nating pagsasama ah? What happened to you, huh? Nahulog ka na ba nang sobra sa akin and you’re expecting me to love you back?” malamig na sabi ni Aiden at ngumisi siya sa akin.
Pinigilan ko ang aking luha na pumatak sa aking mga mata habang nakatingin sa kanya ngayon.
Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya—mahal na mahal ko siya. Alam ko na itong ginagawa ko ngayon ay malaking katangahan. Hindi ito dapat ginagawa ng isang matinong babae… ang magpakatanga sa isang lalaki. Pero ano ang magagawa ko? I love Gideon Aiden Coleman. Simula pa noong nag dalaga ako ay siya na ang lalaking pinapangarap ko at hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito ngayon na mas mapalapit sa kanya.
“A-Aiden, no… hindi naman ako nagiging demanding eh,” mahina kong sabi.
Bahagyang tumagilid ang kanyang ulo habang nakatingin pa rin sa akin. Para siyang pinag-aaralan ang mga galaw at pag-iisip ko ngayon kaya mas lalo akong kinabahan.
Kung paalisin man ako ni Aiden ngayon, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Si Aiden na lang ang meron ako ngayon at kung paalisin man niya ako ngayon sa condo unit niya… sa kalye ako matutulog.
“Know your boundaries, Celeste. Hindi porket pinatira kita dito sa condo unit ko at may nangyari sa ating dalawa ay pwede ka ng manghimasok sa buhay ko. Ano naman kung mahal ko pa siya? Masasaktan ka ba? Anong gagawin mo? You’re not my f-cking girlfriend,” malamig na sabi ni Aiden at lumabas siya sa aking kwarto.
Nang makalabas si Aiden ay doon na bumuhos ang aking luha na kanina ko pa pinipigilan na pumatak. Napatakip ako sa aking mukha at humagulgol ako. Naninikip ang dibdib ko ngayon sa sakit na aking nararamdaman. Ang sakit magsalita ni Aiden… damang-dama ko ang sakit.
Alam ko naman na hinding-hindi ko malalamangan si Miss Veronica eh. Maganda si Miss Veronica, sexy, mayaman, matalino, nakapagtapos ng pag-aaral, at may maipagmamalaki. Ako? Ewan ko ba… wala akong maipagmamalaki. Isa lang naman akong walang kwenta. Kung hindi ako nagmakaawa kay Aiden na makitira dito sa kanya ay baka naging palaboy na ako ngayon.
Lumayas ako sa pamamahay ng nag-iisa kong pamilya, ang ate ko… dahil sinasaktan niya ako at hindi ko na kaya ang pananakit niya sa akin. Kinuha niya rin lahat ng pera ko at wala akong trabaho.
Tang inang buhay ‘to! Hindi na nga ako swerte sa pamilya ko, pati ba naman sa pag-ibig ay hindi pa rin ako swerte?! Bakit pa ba ako nabubuhay sa mundong ito kung puro naman kamalasan ang dumating sa buhay ko? Konting-konti na lang talaga at susuko na ako eh… pero paano na lang si Aiden? Kailangan niya pa ako.
Nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon. Alam ko na hindi rin siya okay. Pareho kaming dalawa… pareho kaming may malaking pinagdadaanan. Kaya rin siguro pinatulan niya ako dahil naramdaman niyang katulad lang kaming dalawa.
Nabuntis ng kanyang kambal na si Sir Caden ang longtime girlfriend ni Aiden na si Veronica. Galit na galit si Aiden nang malaman niya ang totoo at syempre ay nasaktan din siya ng sobra. Sino ba naman ang hindi magagalit kapag nalaman mong nabuntis ng kambal mo ang iyong girlfriend?
Aiden changed.
Ang dating Aiden na palangiti at mabait ay nawala na lang bigla.
The old Aiden that I adore the most is gone. Nang dahil sa nangyari ay nagbago na siya.
He’s now ruthless. Wala siyang pakialam kung may nasasaktan na siya sa mga sinabi niya. Wala siyang pakialam kung may nasagasaan na siyang ibang tao sa kanyang ginagawa at sa mga sinasabi niya. He doesn’t care at all.
Ewan ko ba kung bakit nanatili pa rin ako dito sa tabi niya. Ako na ata ang pinaka tangang babae dahil kahit na ilang ulit na niya akong saktan ay nanatili pa rin ako. Ilang ulit na niya akong tinawag na Veronica habang nagtatalik kaming dalawa. Ilang ulit na niyang binabanggit ang pangalan ni Veronica kapag lasing siya. Nakakairita na sa tainga na paulit-ulit na marinig ang pangalan na iyon galing sa lalaking pinakamamahal mo. Pero anong magagawa ko? I’m not his girlfriend. Ewan ko nga kung ano niya ako eh. Hindi ko nga rin alam kung ano ang tawag sa relasyon naming dalawa dahil may nangyayari naman sa amin.
Hmm, f-ck buddies? I don’t know.
Hindi ko iiwan si Aiden… nandito lang ako para sa kanya.
Hindi pa naman ako napapagod… ayokong sukuan siya. Habang kaya ko pa ay nandito lang ako para kay Aiden. Mahal na mahal ko siya.
I’m willing to accept all of his ruthless ways.