HIS RUTHLESS WAYS
EPISODE 17
GIRLFRIEND
SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW.
DAY OFF ko ngayon kaya nandito lang ako sa apartment namin ni Ate Christine. Kapag day off ko ay umuuwi talaga ako sa apartment namin upang mag linis dahil hindi na nakakalinis si Ate rito at kung hindi naman ako maglilinis ay mananatiling madumi ang loob at labas ng aming apartment.
Katatapos ko lang maglinis sa living room at napaupo na muna ako sa sofa upang makapag pahinga ng konti. Habang nakaupo ako ngayon, naalala ko na naman ang napag-usapan namin ni Lloyd noong nasa studio kami. Napasandal ako sa sofa at napapikit ako sa aking mga mata.
Ang tanga mo talaga pagdating sa pag-ibig, Celeste!
Sobrang tanga.
“Celeste!”
Natigil ako sa aking pagpapahinga nang marinig ko ang malakas na boses ng aking nakakatandang kapatid. Padabog niyang binuksan ang pintuan ng aming apartment at nakita ko siyang pumasok dito sa loob. Napatayo naman ako at hindi mapigilan na makaramdam ng kaba nang makita ko ang nanlilisik na mga mata ng aking kapatid habang nakatingin sa akin.
“A-Ate Christine, nandito ka na pala….” nanginginig ang boses na sabi ko sa kanya.
“Bwisit na buhay ‘to!” galit na sigaw ni Ate Christine at hinagis niya sa aking harapan ang dala-dala niyang bag.
Mabilis naman akong nakaiwas sa paghagis ni Ate sa kanyang bag sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko ngayon sa takot dahil sa naging reaksyon niya ngayon.
“A-Ate, may problema po ba?” tanong ko sa kanya.
Napasabunot siya sa kanyang buhok at muli siyang napasigaw. Humarap si Ate Christine sa akin habang nag-uusok pa rin siya sa galit at nanlilisik ang kanyang mga mata.
“Tang inang Chantal talaga na iyon! Lahat na lang ay inagaw niya sa akin eh! Bakit pa ba siya umuwi rito sa Pilipinas?!” galit na sabi ni Ate Christine.
Napasinghap naman ako sa gulat nang sabihin niya iyon. Ngayon ko lang siya nakita na galit na galit kay Ate Chantal, ang kapatid ni Aiden. Matalik na magkaibigan ang kapatid ko at si Ate Chantal kaya nakakagulat na galit na galit ang kapatid ko ngayon sa kanya.
“B-Bakit po, Ate Christine? May ginawa po bang kasalanan si Ate Chantal sa inyo?” kinakabahan ko na tanong sa aking kapatid. Syempre gusto ko rin na malaman ang rason kung bakit siya galit ngayon, pero nakakaramdam din ako ng takot dahil baka sa akin ibunton ng aking kapatid ang kanyang galit.
Muling humarap sa akin si Ate Christine at mabilis siyang lumapit sa akin at napasigaw na lang ako sa gulat at sakit nang bigla nyang hilahin ang buhok ko nang napakalakas.
“Isa ka pa! Ano bang pakialam mo huh?! At bakit ka nandito?! Akala ko ba ay may trabaho ka?! Gusto mo na naman magpaka prinsesa ritong babae ka?!” galit na sabi ni Ate habang hawak niya pa rin ang buhok ko ng napakahigpit.
“A-Ate… day off ko po ngayon. Bumili rin po ako ng grocery para rito sa bahay,” naiiyak kong sabi habang sinusubukan kong alisin ang kamay niyang nakahawak pa rin sa buhok ko.
“Nasaan na ang pera mo?! Ibigay mo ang pera mo sa akin!” galit na sabi ni Ate. Nataranta naman ako nang bigla niyang kunin ang bag ko.
Hinila ko naman ito palayo sa kanya at nakipag agawan ako.
“Ate! Akin na po ‘yang bag ko!”
“Akin na ang pera mo!” sabi ni Ate Christine habang kinakalkal niya ang loob ng bag ko hanggang sa tuluyan na niyang nakuha ang aking wallet.
Nag-agawan kami ni Ate Christine sa aking wallet pero dahil sa emosyon niya ngayon, naitulak ako ni Ate Christine sa sahig at tuluyan na niyang naagaw sa akin ang aking wallet. Hindi ko mapigilan na mapaiyak na lang hanggang na nakuha na ni Ate Christine ang pera na nasa loob ng aking wallet.
“Dapat binibigyan mo ako ng pera kapag umuuwi ka rito sa apartment! Hindi ‘yong grocery lang ang ambag mo rito! Bayaran mo lahat ng pagsisikap na ginawa ko para sayo simula pa noong bata ka!” sabi ni Ate Christine at tuluyan na siyang lumabas ng apartment.
Alam ko kung saan gagamitin ni Ate ang pera na nakuha niya mula sa akin… ipang-iinom niya at ipangbibili ng bawal na gamot. Oo, gumagamit si Ate Christine ng bawal na gamot dahil nakita ko siya sa kwarto niya na gumagamit nito, pero hindi ko pinaalam na alam ko na baka saktan niya lang ako.
“SIERRA, okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala.”
Napakurap kurap ako sa aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Lloyd. Huminga ako ng malalim at inayos ko muna ang aking sarili bago ako humarap kay Lloyd.
“S-Sorry, Lloyd. May sinasabi ka ba sa akin?” tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. “Nireremind lang kita sa recording mo now with Aiden,” sabi ni Lloyd sa akin.
Tumango-tango naman ako. Tama nga pala, ngayon nga pala ang recording ko kasama si Sir Aiden. May new song na ako at ito rin ang magiging debut song ko. Tumulong ako sa pagbuo ng lyrics sa kanta, pero si Aiden at si Sir Black talaga ang nag ayos ng lahat kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanila.
Hindi na naulit ang pag-uusap namin ni Aiden at hindi na rin siya lumapit sa akin para makausap ako na kami lang dalawa. Seryoso siya at sobrang professional kapag magkasama kaming dalawa kaya ganun din ang aking ginagawa.
At ngayon ay magkakasama ulit kami ni Aiden at kinakabahan na ako. Nakalimutan ko na ngayon na pala ang recording namin. Hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kagabi sa apartment—ang pagkuha ni Ate Christine sa aking pera. Next week pa ako magkakapera kaya sa dorm na muna ako for the mean time dahil libre naman ang pagkain doon. Maglalakad na lang siguro ako mamaya dahil malapit lang naman sa dorm ko itong Music Beat.
“Ready ka na ba?” tanong sa akin ni Lloyd.
Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti. “O-Oo naman! Sobrang excited,” sabi ko at pinakita sa kanya na excited talaga ako, kahit na nanghihina pa rin ako ngayon.
Kailangan kong maging malakas ngayon at ‘wag munang isipin ang problema sa pamilya.
SINABAYAN ako ni Lloyd papunta sa recording room at nang makapasok kami sa loob ay nandoon na si Aiden at kasama niya si Sir Black at isa pang producer na nag-ayos din ng kanta ko. Binati ko naman silang lahat, kasama na doon si Aiden na nakatingin lang sa papel na hawak niya. Huminga ako ng malalim at pumasok na sa kabilang room at nagsuot na ako ng headphone at binigyan muna ako ng ilang minuto para mag practice sa kanta. Ang title ng kanta ko ay Huwag Na Huwag Mong Sasasabihin.
“Ready ka na Sierra?”
Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ko ang malamig at seryoso na boses ni Aiden. Nag angat naman ako ng tingin at napatingin ako sa kanya sa may glass wall na naghahati kung nasaan ako ngayon at kung nasaan sila ngayon.
Seryoso ang kanyang tingin sa akin kaya hindi ko mapigilan na makaramdam ng kaba. Napalunok ako sa aking laway at sunod-sunod ako na tumango.
“R-Ready na po ako….” mahina kong sabi.
Nakita ko naman si Lloyd sa likuran ni Aiden na nag che-cheer sa akin at kumakaway kaya nakaramdam din ako ng konting ginhawa. Huminga ako ng malalim at hinanda ko na ang aking sarili para sa aking pagkanta.
Sinimulan na ni Sir Black at pagpapatugtog sa instrument ng kanta at ako naman ay hinanda ko na rin ang aking sarili sa pagkanta.
May gusto ka bang sabihin?
Ba't ‘di mapakali?
Ni hindi makatingin
Sana'y 'wag mo na 'tong palipasin
At subukang lutasin
Sa mga isinabi mo na
Nagsimula na akong kumanta at nag focus na muna talaga ako. Ayokong mapahiya ako sa mga producers… lalo na kay Aiden na ramdam na ramdam ko ngayon ang kanyang pagtitig sa akin.
Nang matapos ko ang buong pagkanta ay narinig ko ang malakas na palakpakan sa kabilang bahagi ng room. Nakita ko ang malakas na pagpalakpak ni Lloyd at ganun din ang ibang mga producers. Pero nasa isang tao lang ang tingin ko ngayon… nasa kay Aiden lang.
Nakatingin pa rin siya sa akin pero hindi na malamig ang ekspresyon sa kanyang mukha ngayon, may ngiti na akong nakikita kaya hindi ko na rin mapigilan na mapangiti.
“Good job, Miss Sierra! Ang ganda talaga ng boses mo at hindi na kailangan na turuan ka kung paano kantahin ang kanta dahil alam na alam mo na talaga,” nakangiti na sabi ni Sir Black.
Hindi ko naman mapigilan na maging emosyonal sa sinabi ni Sir Black sa akin.
“M-Maraming salamat po….”
Nag compliment din si Sir Lloyd sa akin at isa pang producer bago sila lumabas sa recording room dahil may importante pa silang gagawin. Naiwan kami ni Sir Aiden at Sir Black sa loob. Tahimik pa rin si Aiden ngayon pero nakatingin siya sa akin. Hindi ko mapigilan na makaramdam ulit ng kaba.
“Good work, Sierra. Can you sing the chorus again?” seryoso na sabi ni Aiden at may mga inayos siya sa computer na nasa harapan niya.
Napalunok naman ako sa aking laway at sinunod ko ang kanyang sinabi.
Seryoso akong kumakanta ngayon habang nakapikit at nang imulat ko ang aking mga mata ay natigil ako sa pagkanta nang makita ko kung sino ang pumasok sa loob ng recording room… si Ma’am Veronica—ang ex girlfriend ni Aiden.
“Black, labas ka muna,” narinig ko na sabi ni Aiden. Nakita ko naman na lumabas na si Sir Black sa recording room at naiwan na kaming tatlo ni Aiden kasama ang kanyang ex-girlfriend.
“Anong ginagawa mo rito, Veronica?”
Inalis ko ang suot ko na headphone kaya narinig ko ang pag-uusap ni Aiden at ni Ma’am Veronica. Naririnig ko ng malinaw ang pag-uusap nilang dalawa.
“A-Aiden kailangan nating mag-usap,” sabi ni Ma’am Veronica.
“Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan, Nica? Tapos na tayong mag-usap, diba? Hindi pa ba sapat ‘yun?” malamig na sabi ni Aiden.
Habang pinagmamasdan ko sila ngayon ay hindi ko mapigilan na makaramdam ng sakit. Nakikita ko sa kanilang dalawa na mahal pa rin nila ang isa’t isa.
Mahal pa rin ni Aiden si Ma’am Nica….
“G-Gusto ko na mag-usap tayo nang matino, Aiden! Kailangan kong linawin ang lahat ng nangyari. Kailangan kong magpaliwanag sayo.”
Huminga ako ng malalim at hinay-hinay akong lumabas sa kabilang room upang makaalis sana, may door kasi sa kabila. Para naman mabigyan ko sila ng time na magkausap na sila lang dalawa. Pero nang makalabas ako ay napatingin sa akin si Ma’am Nica kaya nanlaki ang aking mga mata at nagulat.
“M-Miss Nica!” iyon lang ang aking nasabi.
“Who the hell are you?!” mataray niyang sabi sa akin habang nakataas ang kanyang kilay.
Napalunok ako sa aking laway at hindi ko mapigilan na makaramdam ng kaba.
Magsasalita na sana ako nang biglang hawakan ni Aiden ang aking kamay at hinila niya ako palapit sa kanya at pinulupot niya ang kanyang braso sa aking bewang. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat at hindi ako makagalaw sa kanyang ginawa.
“Hindi mo pa pala nakikilala ang girlfriend ko,” sabi niya.
Mabilis akong napatingin kay Aiden nang sabihin niya iyon. Ang tingin niya ay nasa kay Ma’am Nica at seryoso at malamig ang ekspresyon sa mukha niya ngayon.
Girlfriend? Ako?
“W-What? Anong girlfriend?” naguguluhan na sabi ni Ma’am Nica habang nakatingin sa aming dalawa ni Aiden.
Napalunok ako sa aking laway at nakaramdam ng konting hiya.
Hindi naman kasi kapani-paniwala na girlfriend ako ni Aiden dahil ang cheap ko na babae, hindi kagaya ni Ma’am Nica na perpekto.
Mas lalo akong nagulat sa susunod na sinabi ni Aiden.
“This is my girlfriend, Sierra Celeste Gomez. Sierra, this is my twin brother’s wife, Sabina Veronica Coleman.”
Pinakilala niya ako kay Ma’am Nica na girlfriend niya!
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Ma’am Nica nang ipakilala ako ni Aiden. Napatingin sa akin si Ma’am Nica at nakita ko ang mangiyak ngiyak niyang mga mata ngayon at hindi ko mapigilan na makaramdam ng awa.
“H-Hello po, Miss Nica,” nahihiya kong bati rito bilang respeto na rin.
Napakurap kurap ang mga mata ni Ma’am Nica at muli siyang napatingin kay Aiden.
“Aiden—”
“Veronica, please, ayoko nang makita ka ulit. Bumalik ka na doon kay Caden. Masaya na ako sa buhay ko ngayon,” sabi ni Aiden na ikinatulo sa luha ni Ma’am Nica at mabilis niya naman itong pinunasan.
“O-Okay… fine. I-I’m… I’m happy for your happiness, Aiden. Sana makausap na kita, pero siguro ay hindi pa ngayon… sa tamang panahon,” mahinang sabi ni Ma’am Nica at muli siyang napaiyak.
Napakagat ako sa aking labi at umiwas ako ng tingin dahil naiiyak na rin ako.
Nasasaktan ako para sa kanila… nasasaktan ako para sa sarili ko.
Nagkasalubong ang tingin namin ni Ma’am Nica at iiwas na sana ako ng tingin nang bigla siyang ngumiti sa akin at nagsalita.
“Please take care of Aiden. ‘Wag mo sana siyang iwan at… at mahalin mo siya nang todo,” wika ni Ma’am Nica at tuluyan na siyang naiyak at nagmamadali siyang lumabas sa recording room at naiwan kami sa loob ni Aiden.
Tuluyan na rin na tumulo ang mga luha sa aking mga mata at mabilis kong inalis ang pagkakakapit ni Aiden sa aking bewang.
“Celeste—”
Itinaas ko ang aking kamay upang patigilin siya sa pagsasalita at umiling-iling ako habang patuloy na umaagos ang mga luha ko.
“H-Huwag muna ngayon, Aiden. Hayaan mo muna akong mapag-isa,” nasasaktan kong sabi at lumabas ako sa kabilang exit door ng recording room at nag walk out.
Para akong hihimatayin… ang sikip ng dibdib ko.
Bakit ba ako umabot sa sitwasyon na ito?
TO BE CONTINUED...