HIS RUTHLESS WAYS
EPISODE 13
CONCERN
SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW.
TULUYAN NANG pumatak ang mga luha sa aking mga mata habang nakatingin ako kay Aiden. Biglang nanghina ang aking mga tuhod kaya muntik na akong mapaupo sa may sahig, buti na lang at nahawakan ako ni Aiden at hinawakan niya ako sa aking bewang. Muli kaming nagkatinginan. Sobrang lapit na rin ng mga mukha namin ngayon at hindi ko mapigilan na mapatingin sa kanyang labi… sa labi niyang una kong nahalikan.
“Celeste!” tawag niya muli sa akin.
Bahagya akong napatalon sa gulat at muli akong napatingin sa kanyang mga mata.
“S-Sir Aiden….”
“Sino ang may gawa sayo nito? As one of the artists of G Coleman, no one should experience abuse, even if it’s in personal,” seryosong sabi ni Aiden habang nakatingin siya sa aking mga mata.
Parang biglang naglaho ang kasiyahan na nararamdaman ko kanina dahil sa pagiging concern ni Aiden sa akin. Concern lang pala siya dahil artist ako rito sa kompanya niya. Hindi siya concern sa akin personally… it’s all about work.
Umiwas ako ng tingin kay Aiden at bahagya ko siyang itinulak palayo sa akin dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.
Pinunasan ko ang mga luha sa aking mukha at huminga ako ng malalim.
“O-Okay lang po ako, Sir Aiden. ‘Wag po kayong mag-alala, hindi naman ako mamamatay sa mga pasa ko ngayon. Hindi rin po ito nakakaapekto sa boses ko kaya wala po kayong dapat na ipag-alala,” malamig kong sabi bago ako muling mapatingin sa kanya.
Umiwas siya ng tingin sa akin at nakita ko ang bahagyang paglunok niya sa kanyang laway at tumango siya.
“Fine, but after this session, you should go to the clinic and have a check there,” sabi ni Aiden at umupo na siya sa kanyang pwesto.
Huminga ako ng malalim at tumango.
“M-Masusunod po, Sir Aiden.”
Bakit ko ba naisip na concern siya sa akin? Hindi naman ako importante kay Sir Aiden eh. Sino ba naman ako diba? Isa lang naman akong nobody at hindi naman ako kagandahan para lang magustuhan ni Aiden. Siguro kaya lang ako napatulan ni Aiden noong gabi na iyon dahil lasing siya at naiimagine niya na ang nasa harapan niya nun ay ang girlfriend niyang si Veronica.
Hindi naman kasi ako kasing ganda ni Ma’am Veronica eh. Hindi rin pang model ang katawan ko at ang dry pa ng skin ko.
“Celeste, ano ba?! Mag focus ka nga!” sigaw ni Sir Aiden kaya natigil ako sa aking pagkanta.
Bahagya akong napayuko at inalis ko ang headphone sa aking tainga. Nag re-recording kami ngayon at sinusubukan ako ni Aiden sa bagong uri ng kanta. Tinitignan niya kung ano ang babagay sa akin kaya ginagawa namin ito ngayon. Pero hindi talaga ako makapag focus ngayon lalo na sa nangyari kanina. Siguro ay kailangan ko na muna talagang pumunta sa clinic dahil para na akong maloloka.
“S-Sorry po, Sir Aiden… babawi po ako sa susunod.”
Nakita kong napatayo si Aiden at napahagod siya sa kanyang buhok. Sinenyasan niya akong lumabas sa kabilang room kung nasaan ako ngayon na nagrerecord. Ibinalik ko muna sa lalagyan ang ginamit kong headphone kanina at lumabas na ako sa room at lumapit ako kay Aiden.
Humarap siya sa akin habang nakapamewang at nakatingin ng seryoso sa akin ngayon.
“You’re not in the real state of mind, Miss Celeste.”
Napakurap kurap ako sa aking mga mata at iniwas ko ang tingin kay Aiden.
“S-Sorry po, Sir Aiden,” tangi kong nasabi sa kanya.
“I will bring you to the hospital.”
Nanlaki ang aking mga mata at muli akong napatingin sa kanya.
“H-Ho? ‘Wag na po! Pupunta lang po ako ng clinic ngayon,” taranta kong sabi.
Baka makita niya pa ang iba ko pang mga pasa sa katawan. Ayokong malaman niya ang nangyari sa akin.
“Class dismissed. Pumunta ka na sa clinic. Ayokong makita kitang nagpalaboy-laboy dito sa kompanya. Magpahinga ka doon sa clinic, o umuwi ka sa inyo,” malamig na sabi ni Aiden at umalis na siya at lumabas na sa studio.
Nang makaalis na si Aiden ay napahawak ako sa aking dibdib at hina akong napaupo sa silya. Huminga ako ng malalim at bahagyang napapikit.
Mababaliw na ata ako kapag nagtagal pa na lagi kong nakakasama si Aiden. Parang sasabog ang puso ko kapag nandyan sa aking tabi at kapag nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ko ata mapapanindigan ang lagi kong itinatatak sa utak ko na boss lang ang tingin ko sa kanya. Dahil habang tumatagal na nakakasama ko si Sir Aiden… mas lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.
DUMIRETSO NA ako sa clinic at nagpagamot na sa aking pasa sa mukha kagaya ng inutos sa akin ni Aiden. Nagpahinga lang din muna ako doon sa isang bed nila at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at inabutan na ako ng gabi. Nang mapatingin ako sa aking relo ay nakita kong alas otso na ng gabi. Kailangan ko nang umuwi sa dorm! Oo, may dorm na kami at kasama ko sa dorm ang iba pang mga new artists na kasabayan ko ngayon sa pagta training. Maganda na rin ito na may dorm kami para hindi ako laging umuuwi doon sa apartment dahil sakit lang ang aabutin ko kay Ate Christine.
Inayos ko na ang aking sarili at nagpaalam na rin ako sa nurse na nagbabantay ngayon sa clinic. Naglalakad ako ngayon sa may hallway at papunta na rin ako ngayon sa elevator. Hinintay ko itong binuksan at nang bumukas ito ay nagulat na lang ako ng makita ko sa loob si Aiden. Nataranta ako bigla kaya ang nagawa ko na lang ay bahagya akong yumuko bago pumasok sa loob.
Iniwas ko na makasalubong ko ang kanyang mga mata.
Kami lang dalawa ngayon dito sa loob ng elevator.
“Okay ka na?” narinig ko na tanong ni Aiden.
Ang lakas ng t***k ng puso ko ngayon! Sana hindi marinig ni Sir Aiden dahil nakakahiya talaga.
Tumingin ako kay Aiden at pinilit kong ngumiti sa kanya kahit na kinakabahan pa rin ako ngayon.
“O-Okay na po ako, Sir Aiden. Maraming salamat po pala kanina at pasensya na po sa abala,” mahina kong sabi.
Tumango siya. “I’m expecting your active participation for tomorrow’s session, Miss Celeste,” seryosong sabi ni Aiden.
Napalunok ako sa aking laway at sunod-sunod akong tumango.
“N-Noted po, Sir Aiden. Makakaasa po kayo….”
Tumunog na ang elevator at bumukas na ito. Nasa ground floor na pala kami. Unang lumabas si Aiden at sumunod naman ako. Natigil siya sa kanyang paglalakad at humarap sa akin. Bahagya akong nagulat sa pagtigil niya sa paglalakad kaya napatigil din ako.
“B-Bakit po Sir?”
“Saan ka uuwi ngayon?” tanong niya sa akin.
“Uhm… sa dorm po.”
Tumango siya at nakita ko ang bahagyang pagnguso ng kanyang labi.
“Ihatid na kita doon sa dorm niyo.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Aiden.
“H-Ho? ‘Wag na po!” nahihiya kong sabi.
Kumunot naman ang kanyang noo, parang hindi niya nagustuhan ang pagtanggi ko.
“Doon din naman ang daan ko pauwi. Ihatid na kita dahil gabi na. ‘Wag nang matigas ang ulo, Miss Celeste! Ayokong napapahamak ang mga new artists ng G Coleman!” wika ni Aiden.
Bahagya akong napanguso at wala akong magawa kundi ang umuo na lang. Sumunod na ako kay Aiden hanggang sa nakarating na kami sa kanyang sasakyan. Nahihiya pa akong pumasok sa loob dahil ang ganda ng kotse niya at halatang bago at mamahalin. Hindi ito ang gamit niyang sasakyan noong nagkasama kami sa bar, iba na naman ito.
Tahimik lang ako sa loob ng kotse ni Aiden at nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan. Malakas pa rin ang pagtibok ng aking puso. Hindi na ata ito babalik sa dati dahil kasama ko ngayon ang dahilan kung bakit mabilis ang pagtibok nito.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa building ng dorm namin. Itinigil na niya ang kanyang kotse. Bago ako lumabas ay humarap na muna ako kay Aiden. Nakita ko siyang nakatingin sa akin ng seryoso ngayon.
Ngumiti ako kay Aiden at nagsalita.
“Salamat po sa pagpapasakay sa akin dito sa kotse niyo, Sir Aiden. Thank you rin po kanina.”
Tumango siya at muntik na akong mapatili ng bigla siyang ngumiti sa akin.
“Please take care of yourself, Miss Celeste. You will become a big star soon, so you should take care of yourself too,” malumanay na sabi ni Aiden.
Napangiti ako sa kanyang sinabi at tumango ako.
“Naintindihan ko po, Sir Aiden. Maraming salamat ulit….” sabi ko at lumabas na ako sa kanyang sasakyan.
Hinintay ko muna na makaalis siya bago ako pumasok sa loob. Nang makaalis na si Aiden ay hindi ko na mapigilan ang aking sarili na mapatili at mapatalon dito sa labas ng building ng dorm namin.
Kinikilig ako!
Para akong bumalik sa pagiging teenager sa nararamdaman ko ngayon.
Mabait pa rin naman pala si Aiden eh. Bumabalik na naman iyong ugali ni Aiden na nagustuhan ko noong high school pa ako. Alam kong mabait pa rin siya, hindi niya lang ito pinapakita dahil nasaktan siya sa ginawa ng ex-girlfriend niya.
TO BE CONTINUED...