HIS RUTHLESS WAYS
EPISODE 14
SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW.
HINDI PA rin mawala ang kilig na aking nararamdaman kapag naaalala ko ang encounter namin ni Sir Aiden. Sobrang bait niya… at mas lalo lang din akong nahuhulog sa kanya.
“Hoy Sierra! Kanina ka pa nakangiti diyan ah!”
Napakurap kurap ako sa aking mga mata at napatingin ako sa kasama ko rito sa dorm. Isa ring new artist ang kasama ko rito sa dorm at katulad ko rin siya, nagtatraining pa lang. Pero hindi siya talaga galing sa G Coleman kundi doon siya ngayon nag tatraining sa Music Beat kung saan ka-partner din ng G Coleman sa industry.
Napatingin ako sa kasamahan ko rito na si Ariana at nagsalita ako.
“A-Ah… wala. May sinasabi ka ba sa akin, Ariana?” tanong ko sa kanya.
Naningkit naman ang kanyang mga mata na para bang hindi siya naniniwala sa aking sinasabi.
“Hmm… ikaw ha! Lagi ka na lang talaga lutang kapag nakakauwi ka rito sa dorm. Siguro ay may crush ka doon sa G Coleman ‘no? Sino kaya ‘yan!”
Bahagyang namula ang aking pisngi sa sinabi ni Ariana at muli kong naalala ang mga tagpo namin ni Aiden sa loob ng kompanya at… at sa nangyari kanina na paghatid niya sa akin papunta rito sa dorm.
“Oy! Namumula ang pisngi mo, Sierra! Sabi ko na nga ba… may kakaiba sayo eh!” sabi muli ni Ariana at mabilis naman akong napailing-iling.
“H-Hindi, Ariana! Ano… nakita ko kasi ang isa sa mga idols ko kanina doon sa G Coleman. Naalala ko lang at kinilig ako. Iyon lang ‘yun ‘no!” sabi ko sa kanya.
Ngumisi na lang sa akin si Ariana at hindi na siya nagsalita muli. Alam kong hindi pa rin naniniwala si Ariana sa aking sinabi at hinayaan niya na lang ako. Kahit anong explain ko sa babaeng ito ay hindi naman siya naniniwala kaya tinigilan ko na lang din.
“BUKAS, may gagawin kang gig sa isang party, Sierra. Maraming mga businessman at mga artista rin na dadalo rito. Ito ang unang event sa exposure mo bago ka mag debut sa music industry,” sabi sa akin ng aking manager na si Lloyd.
Dalawang araw na ang nakalipas ng makita ni Aiden ang mga pasa ko sa mukha. Naghilom na rin ang mga pasa ko sa katawan dulot ng pananakit sa akin ng aking kapatid na si Ate Christine. Dalawang araw na rin akong hindi umuuwi doon sa apartment at nagpapakita kay Ate Christine. Hindi niya rin naman ako hinahanap at hindi rin siya nagte-text sa akin o tumatawag. Baka nga ay masaya pa ‘yun na hindi ako umuwi dahil madadala niya ang lalaki niya doon sa apartment.
“L-Lloyd, kaya ko kaya ‘yun?” kinakabahan ko na tanong sa aking manager.
Bahagyang kumunot ang kanyang noo at lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang magkabila kong balikat.
“Kinakabahan ba ang alaga ko?”
Huminga ako ng malalim at tumango.
“K-Kinakabahan ako, Lloyd….” mahina kong sabi sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at bahagya niyang ginulo ang aking buhok.
“Sierra, I trusted you, okay? You can do it! Ikaw pa ba? Ang galing mo kaya! At isa pa, big opportunity na rin ito para sa ‘yo. Ang swerte mo nga dahil sa dami niyong new artists ay ikaw ang napili na mag perform sa event na iyon!” wika ni Manager Lloyd at kinindatan niya ako.
Magsasalita na sana ako ng marinig namin ni Lloyd ang pagbubukas ng pinto rito sa room kung nasaan kami ng manager ko. Napatingin kami rito ni Lloyd at nagulat naman ako ng makita ko si Sir Aiden na pumasok dito sa loob ng room.
Taranta naman akong napabati sa kanya.
“G-Good morning po, Sir Aiden!” bati ko at bahagya akong yumuko.
“Magandang araw, Sir,” narinig ko naman na pagbati ni Lloyd kay Aiden.
“Why are you not there in the studio room?” tanong ni Aiden habang seryoso ang kanyang tingin sa akin.
Bahagya naman akong nagulat sa kanyang naging tanong sa akin.
“P-Po?” taka kong tanong sa kanya.
“You supposed to be there for the recording!” inis na sabi ni Sir Aiden. Nataranta naman ako bigla at nakaramdam ng takot dahil baka pagalitan ako ni Aiden.
Napatingin naman ako kay Lloyd upang humingi ng tawad sa kanya. Tumango siya at siya ang humarap kay Sir Aiden.
“I’m so sorry for the inconvenience, Sir Aiden. Hindi ko pa po kasi nasasabi kay Sierra ang tungkol sa recording. At isa pa, 30 minutes pa po bago magsisimula ang recording kaya hindi iyon kasalanan ni Sierra kung bakit ang aga niyo sa studio room,” seryosong sabi ni Lloyd kay Sir Aiden.
Nagulat naman ako sa naging uri ng pagsasalita ni Lloyd kay Sir Aiden. Natatakot ako para kay Lloyd dahil baka ito pa ang pagalitan ni Aiden at ang worse ay baka paalisin pa rito sa kompanya!
Nakita ko ang pag kunot ng noo ni Aiden na para bang nainis siya sa sinabi ni manager ko na si Lloyd sa kanya.
“What did you say?!”
Humakbang palapit si Lloyd kay Aiden at nasa likuran na ako ni Lloyd ngayon. Mas lalo akong kinabahan sa kanyang mga kilos at susunod na sasabihin.
“Ang sabi ko… ‘wag mong pinagalitan ang alaga ko kahit na wala siyang kasalanan. Remember, I am her manager… at kung sino man ang manakit sa alaga ko, lalabanan ko ito—kahit ikaw pa ‘yan, Sir Aiden,” seryoso at malamig na sabi ni Lloyd.
“L-Lloyd!” tawag ko sa aking manager at hinawakan ko ang kanyang braso. Nakita kong napatingin si Aiden sa aking kamay kung saan ko hinawakan si Lloyd at mabilis ko naman itong inalis dahil nakita ko na parang mas nagalit pa si Aiden sa ginawa ko.
“Lloyd Rivera, pinapaalala ko lang sa iyo… you’re just a new manager of this company. Baka gusto mong mapaalis sa trabaho mo?” panakot ni Aiden kay Lloyd.
Nataranta na ako kaya pumagitna na ako sa kanilang dalawa.
“S-Sir Aiden….” tawag ko kay Aiden at humarap ako sa kanya. Nakita ko naman na napatingin siya sa akin at tinaasan niya ako ng kilay.
Magsasalita na sana ulit ako nang biglang magsalita si Lloyd na nasa aking likuran ngayon at nagulat ako sa susunod niyang sasabihin.
“You can’t get me out of this company, Aiden… you know that.”
Hindi niya tinawag na sir si Aiden!
Nakita kong mas lalo lang nainis ang mukha ni Aiden sa sinabi ni Lloyd.
Nakita kong ngumisi si Lloyd bago magsalita ulit.
“And I am not Lloyd Rivera. It’s Liam Lloyd Rivera Griffin.”
Griffin?
Sandali… familiar ang apelyido na iyon—sandali lang!
Nanlaki ang aking mga mata sa gulat ng napagtanto ko kung sino itong manager ko ngayon.
Siya ang anak ng sikat na artista at singer na si Cole Griffin!
TO BE CONTINUED...