RUTHLESS 12: WHAT WAS I MADE FOR

1732 Words
HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 12 SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. KOMPLETO NA ang araw ko! First voice lesson ko with Sir Aiden was successful. Hindi ako nasigawan o napagalitan man lang niya. He gave me a lot of advice after I finished my song. And he praised my voice many times kaya feeling ko ang haba na ng hair ko. “Uy! Kanina ka pa nakangiti diyan, Sierra! Nako… in love na talaga ‘tong kaibigan natin, Ace!” narinig ko na sabi ni Sunny. Napasimangot naman ako at napatingin ako sa kanilang dalawa. Day off ko ngayon kaya napag-usapan naming tatlo na magkita rito sa restobar na lagi naming kinakantahan noon. Matagal ko na rin silang hindi nakikita at nakakausap kaya nang nagkaroon ako ng day off, agad ko silang tinawagan at masaya ako na free ngayon si Sunny at Ace. “Sunny naman! Hindi ba pwedeng masaya nga?” Ngumuso siya. “Bakit, sinabi ko bang bawal ka nang maging masaya? Ang tanong, sino ang nagpapasaya kay Sierra Celeste Gomez?!” “Syempre sino pa ba? Edi si Gideon Aiden Coleman!” sunod na sabi ni Ace. Pinanlakihan ko naman sila ng aking mga mata at napatingin ako sa paligid para makita kung may nakakarinig ba sa kanilang sinabi. Ayokong magkaroon ng issue ‘no! Hindi pa nga ako nag dedebut, magkakaroon na kaagad ng issue. “Ano ba! Hinaan niyo nga ang boses niyo,” saway ko sa kanila. Humalahak si Sunny. “Ang pula ng mukha mo ngayon, Sierra! Ano na, kwento mo na sa amin ang tungkol sa voice lesson niyo ni Aiden,” nakangisi na sabi ni Sunny. Tutok din sa akin si Ace na parang excited din sa aking ikukwento sa kanilang dalawa. Huminga ako ng malalim bago ako magsalita at ikwento sa kanila ang nangyari. “So ito na nga ang kwento….” Kinuwento ko na sa kanila ang naging araw ko sa first day of voice lesson with Sir Aiden. Naikwento ko rin sa kanila na kinilig ako nang sobra at never pa akong pinagalitan ni Aiden sa session naming dalawa. Naikwento ko rin sa kanila ang pagmeet ko sa mga idols naming mga singers na naka contract sa G Coleman. Advantage rin talaga na sa G Coleman ako napunta dahil ang dami kong mga nakita na mga sikat na artista at mga singers. “Waaah! Oh my Gosh, Sierra! I’m so happy for you!” wika ni Sunny at lumapit siya sa akin upang yakapin ako. “Pasali ako diyan!” sabi naman ni Ace at sumama siya sa pagyakap ni Sunny sa akin. Natawa naman ako sa dalawa kong kaibigan at niyakap ko rin sila pabalik. Nagkwentuhan pa kaming tatlo at hindi lang ako ang nagkwento, pati rin sila Sunny at Ace. Kahit na wala na ako, ipinagpatuloy pa rin nila ang pagkanta at paggi-gig. Minsan ay nakakaramdam din ako ng guilt dahil hindi ko naisama si Sunny at Ace sa akin sa G Coleman. Pero lagi naman nilang sinasabi at pinaparamdam sa akin na sobrang saya nila na nakapasok ako sa pangarap kong recording agency. “Mag ingat ka, Sierra! Kapag may problema ka, tawagan mo lang kami ni Ace, okay?” Tumango ako kay Sunny. “Salamat sa inyo Sunny at Ace! Mag ingat kayo!” Pagkatapos naming magkwentuhan tatlo ay hinatid din nila ako pauwi sa apartment. Nang makaalis na ang motor na sinasakyan nila Sunny at Ace ay pumasok na rin ako sa loob ng apartment. Natigilan naman ako ng makita ko ang aking kapatid na si Ate Christine na nakaupo sa may sofa habang may hawak na alak. Nag angat siya ng tingin sa akin at tinaasan niya ako ng kanyang kilay. “Oh? Bakit ngayon ka lang nakauwi huh?” tanong sa akin ni Ate Christine. Napalunok ako sa aking laway at nakaramdam ako ng kaba. Lasing siya… baka maisipan niya na naman akong saktan. “A-Ate Christine, may pinuntahan lang po kami nila Sunny at Ace,” sabi ko. “Ang sabihin mo, nagpunta na naman kayo sa bar! Ano ba Celeste?! Hindi ka ba talaga marunong makiramdam?! Oo, day off mo nga ngayon, pero sana naman iniisip mo rin ako diba?! Nagpapakahirap ako rito para lang may pambayad tayo sa mga utang, sa grocery, at sa mga pangangailangan mo! Tapos ikaw ay nagpapakasaya lang?!” Napayuko ako at napakagat sa aking labi upang pigilan ang aking pag iyak. “S-Sorry po, Ate….” mahina kong sabi, ang tanging nasabi ko ngayon. “Walang hiya ka talaga!” Napasigaw na lang ako nang bigla nyang hilahin ang aking buhok at sinampal niya ako ng malakas sa aking pisngi. Hina akong napaupo sa may sahig habang nakahawak sa pisngi ko na sinampal ni Ate Christine. Tuluyan na akong naiyak ngayon ng dahil sa ginawa ng kapatid ko. “A-Ate… tama na po. Babawi po ako sa inyo kapag nakapag debut na po ako. Bigyan niyo po muna ako ng konting oras,” umiiyak kong sabi. “Puro ka na lang excuses!” Napasigaw ako sa sakit nang bigla niya akong sipain habang nakaupo ako rito sa may sahig. Muli siyang lumapit sa akin at hinila ang aking buhok at sinampal ako sa aking mukha. “Tang ina mo talaga! Sana ikaw na lang ‘yung nawala eh! Napakawalang kwenta mo! Umalis ka nga sa harapan ko!” galit na sigaw ni Ate at muli akong sinipaan sa huling pagkakataon bago ako patakbong umalis doon at pumunta sa aking kwarto. Nang makapasok ako sa loob ay hina akong napaupo sa sahig at napasandal sa pader at niyakap ko ang aking sarili. Tahimik akong umiiyak at nanginginig pa rin ang buo kong katawan ngayon ng dahil sa ginawa ni Ate. Napatingin ako sa aking mga pasa at muli akong naiyak. Simula pa noong nawala ang mga magulang namin at si Ate na ang nagpapalaki sa akin, dito rin nagsimula na saktan niya ako. Naintindihan ko naman siya eh… pero parang sumusobra na rin siya sa pananakit niya sa akin. Minsan ay naiisip ko na rin na magsumbong sa mga kaibigan ko, o dumiretso na lang sa police station at kasuhan si Ate. Pero iniisip ko pa rin siya… marami rin siyang naibigay sa akin. Marami siyang isinakripisyo para lang may pang kain sa akin. Kaya sa abot ng aking makakaya… titiisin ko ang pananakit ni Ate Christine sa akin. HIRAP AKO sa pagtago ng mga pasa ko sa katawan sa ginawa ni Ate Christine na pananakit sa akin kagabi. Isang araw lang kasi ang day off ko at nandito na ulit ako sa G Coleman upang ituloy ang voice lesson session ko kasama si Sir Aiden. Mamaya pag uwi ko ay bibili ulit ako ng bagong concealer dahil naubos ko na ito sa paglagay sa mga pasa ko upang hindi ito makita. “Sierra, okay ka lang ba?” Nag angat ako ng tingin kay Lloyd nang magsalita siya. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. “O-Oo, okay lang ako. Sorry kung kanina pa ako tahimik at lutang ah? May problema lang kasi sa bahay….” sabi ko sa manager ko at ngumiti ako ulit. Ayokong bigyan pa ng problema ang manager ko dahil marami na siyang problema mapa trabaho o personal man. Alam ko na parang kaibigan ko na rin talaga si Lloyd, pero hindi niya pwedeng malaman ang totoong nangyayari sa buhay ko kapag kasama ko ang aking kapatid. “Hindi mo lang ako manager, Sierra, Kuya mo na rin ako. Kung may gusto kang sabihin o ipalabas para guminhawa ang nararamdaman mo, pwede mo akong pagsabihan… makikinig ako sayo,” seryosong sabi ni Lloyd sa akin. Pinigilan ko ang aking sarili na maluha sa kanyang sinabi. Ngumiti ako at tumango sa sinabi niya. “S-Salamat, Lloyd. Sige, alis na ako… baka naghihintay na si Sir Aiden sa akin sa may studio,” sabi ko at umalis na sa harapan ni Lloyd. Baka kasi kapag natagalan pa kami mag-usap ay masabi ko sa kanya ang nangyari sa akin. Ayokong mapahamak si Ate Christine kaya itatago ko lang ito. Nakarating na ako sa studio at nang makapasok ako sa loob ay wala pa si Aiden. Maaga pa kasi eh kaya wala pa siya at nauna ako. Huminga ako ng malalim at umupo sa isang silya. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimula akong kumanta. Ang kinanta ko ngayon ay ang kanya ni Billie Eilish na What Was I Made For. ’Cause I, I I don’t know how to feel But I wanna try I don’t know how to feel But someday, I might Someday, I might Hindi ko mapigilan na maging emosyonal habang kumakanta ako ngayon. Habang tumatagal ay nagiging hikbi na ang aking pagkanta. Tinakpan ko ang aking mukha at ibinuhos ko na lahat ng sakit na aking nararamdaman simula pa kagabi. Lagi kong tinatanong sa aking isipan kung bakit… bakit nagawa akong saktan ni Ate Christine? Mahal na mahal ko siya. Ang gusto ko lang naman ay maramdaman mula sa kanya na itinuturing niya rin ako na kapatid, na importante ako sa kanya. At iyon ang matagal ko nang pangarap na mangyari. “Why are you crying?” Natigil ako sa aking pag iyak nang marinig ko bigla ang boses ni Aiden. Nag angat ako ng tingin at nakita ko na lang sa aking harapan si Aiden na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. Mabilis akong tumayo at pinunasan ko ang kumalat na luha sa aking mukha ngayon. “S-Sir Aiden, ikaw po pala. Sorry po sa—” “What the hell happened to your face?!” Lumapit sa akin si Aiden at hinawakan niya ang aking mukha. Natigilan ako sa kanyang ginawa at naistatwa rin ako sa aking kinatatayuan. “S-Sir Aiden….” “Who did this to you?!” “H-Ho?” natataranta kong sabi. “May pasa ka sa mukha, Celeste!” Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Aiden. Napatingin ako sa aking kamay at nakita ko ang concealer na kumalat. Ay hala! Naalis pala ang nilagay kong concealer sa mukha nang umiyak ako! Hindi kasi branded ang concealer na nilagay ko kaya mabilis mag wash out. Patay! “S-Sir Aiden—” “Who did this to you, Celeste? Tell me!” sigaw ni Aiden habang nanlilisik ang kanyang mga mata. He’s mad right now… ngayon ko lang siya nakitang ganito. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD