HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 22 LAST NIGHT SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. “Tang ina mo, Aiden!” “f**k you ka talaga!” “Ayoko na sayo!” Shit na malagkit! Napamulat ako sa aking mga mata nang naalala ko ang mga pinagsasabi ko kagabi. Pinagmumura ko si Aiden! Pinagmumura ko ang amo ko! “s**t naman, Celeste! Bakit mo sinabi ‘yun?! Bakit ka ba kasi naglasing—wait lang… hindi namin bahay ‘to!” natigil ako sa aking pagsasalita at napatingin sa paligid. Laking gulat ko nang makita ko na nasa unfamiliar akong kwarto. Parang yayamanin dahil sobrang lambot ng kama na hinihigaan ko at may AC pa talaga! Nasaan ako?! Kaninong kwarto ‘to?! Ang kasama ko lang kagabi ay si Ace at Sunny eh. Imposible naman na dinala nila ako sa hotel dahil hindi naman ito mukhang hotel ang paligid eh. Tumunog ang p