HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 23 TENSYON SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. NAKAKAHIYA talaga ‘yung mga pinaggagawa ko noong nalasing ako! Inistorbo ko pa talaga si Aiden. Kahit hindi niya sinabi na pagbabawalan na niya akong uminom ng alak, hinding-hindi na talaga ako iinom pa ulit. Mahina lang kasi ang alcohol tolerance ko at kung anu-ano na lang talaga ang nasasabi ko at lumalabas sa aking bibig. “Malapit na talaga ang debut mo, Sierra. Ako ang na e-excite para sayo eh!” sabi sa akin ni Lloyd. Katatapos lang ng aking photoshoot at bukas ay magsisimula na rin ang pagshoot para sa music video sa aking kanta. Tama nga ang sinabi ni Sir Lloyd, magiging busy ako pagkatapos ng aking one week na pahinga. Kaya pala binigyan nila ako ng one week na day off dahil ngayon ay hirap na ako makapag pa