HIS RUTHLESS WAYS
EPISODE 8
ENCOUNTER
SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW.
NAIBIGAY KO na kay Aiden ang aking sarili. Hindi ako makapaniwala na hindi na ako virgin at si Aiden pa talaga ang nakakuha nito. Nang magising ako ay mabilis akong nag ayos ng aking sarili at lumabas ako sa hotel room kung saan kami naka-check in. Tulog pa si Aiden ng umalis ako at ayoko na rin siyang gisingin pa. Hindi ako maghahabol… okay na sa akin ang nangyari sa amin kagabi.
Hindi naman siguro niya ako mamumukhaan eh. Hindi naman ako importanteng tao para maalala niya. Confident ako na hindi ako mamumukhaan ni Aiden kapag magkita kami sa loob ng G Coleman Entertainment. Kailangan ko lang talaga na maging tahimik at hindi na iungkat ang nangyari sa amin kagabi.
“MALANDI KA!” malakas na sigaw ni Ate Christine.
Sinampal niya ako sa aking pisngi na muntik na akong ma out of balance ng dahil sa lakas ng pagkasampal niya sa akin.
“A-Ate….”
“Ano ‘yung narinig ko na nasa isang bar ka kagabi at naglalasing?! Sierra Celeste! Jusko! Wala ka ngang ma contribute sa mga gastusin natin dito sa apartment, naglalasing ka na?! Tang ina mo talaga!” galit na sabi ni Ate Christine at bigla niya na lang hinila ang buhok ko.
“A-Ate Christine! Ate, masakit po!” naiiyak kong sabi.
“Masakit?! Tang ina mo! Kulang pa lahat ng ‘to sa pagpapasakit mo sa ulo ko! Wala kang kwenta! Wala kang silbi! Sana ikaw na lang ang namatay!” sigaw ni Ate at marahas niyang binitawan ang buhok ko at itinulak niya ako kaya napaupo ako sa may sahig.
Umiiyak na ako ngayon at napahawak din ako sa buhok ko na magulo na ngayon ng dahil sa paghila ni Ate Christine.
Hina akong napatingin kay Ate ulit habang humihikbi. Masama pa rin ang kanyang tingin sa akin ngayon.
“A-Ate, sorry po… promise ko po sa inyo, babawi po ako. Magkakaroon po ako ng maraming pera sa pagkanta ko. Pasensya na po talaga,” umiiyak kong sabi sa aking kapatid.
Inirapan niya ako.
“Babawi? Tang ina! Mas una pa ata akong babawian kaysa dyan sa bawi na sinasabi mo!” sabi ni Ate at umalis na siya sa aking harapan.
Napayuko naman ako at hindi ko na mapigilan ang aking sarili na mapaiyak ng malakas. Sobrang sakit ng dibdib ko ngayon. Ang sakit ng mga salitang sinabi sa akin ni Ate Christine at lahat ng iyon ay tagos sa puso ko. Lagi na lang talaga masasamang side ang nakikita ni Ate Christine sa akin at never niya pa akong na-appreciate.
Pero hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa… magiging mabuti rin si Ate Christine sa akin. Magkakaroon kami ng maraming pera dahil sisikat na ako. Gagawin ko ang lahat para makilala ako ng maraming tao at makakanta ako sa malaking stage at maka-collab ako ng mga sikat na singers.
“Kumusta ang gabi niyo ni Aiden? Masarap ba siya?!”
“S-Sunny!”
Hindi ko mapigilan na mamula sa aking mukha ng itanong ‘yun ng aking kaibigan. Pinapunta niya ako rito sa coffee shop kung saan siya nagtatrabaho. Kakilala niya naman ang may-ari rito kaya pwede raw siyang makipag chikahan sa mga customers kagaya ng nangyayari ngayon.
Ayoko rin naman mag stay sa apartment namin dahil pagagalitan na naman ako ni Ate Christine. Pahinga niya kasi ngayon kaya nandoon lang siya. Nag-iinom din si Ate Christine ngayon at balita ko ay pupunta ang boyfriend niya kaya maganda rin na umalis ako.
“What? Nagtatanong lang naman ako! Bakit, hindi ba kayo magkasama ni Aiden kagabi?”
Napalunok ako sa aking laway at umiwas ako ng tingin. Huminga ako ng malalim bago ko sinagot ang tanong sa akin ni Sunny.
“M-Magkasama kami kagabi.”
“Oh my Gosh—-”
Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Sunny at pinanlakihan siya ng mga mata. Ayokong makagawa kami ng ingay rito sa loob ng coffee shop. Ang dami pa namang mga busy rito at mga nagbabasa ng libro. Ayokong maka istorbo kami.
“Sunny, hinaan mo ang boses mo!”
Nag peace sign naman siya at tumango.
“Hehe. Sorry na friend! Promise, hindi na ako sisigaw.”
Huminga naman ako ng malalim at tinignan ko siya ng seryoso.
“May nangyari sa amin kagabi… binigay ko na sa kanya ang aking sarili,” seryoso kong sabi kay Sunny.
Nakita ko ang panlalaki sa kanyang mga mata ng sabihin ko ‘yun sa kanya.
“H-Hala! Tapos? Ano ang kasunod? Hinatid ka ba niya sa apartment niyo? Nag-usap ba kayo?” sunod-sunod niyang tanong sa akin.
Napakagat ako sa aking labi at sunod-sunod akong umiling.
Kumunot ang kanyang noo.
“Anong ibig sabihin niyang pag iling mo, Sierra?”
“Umalis kaagad ako ng magising ako kanina, Sunny. Hindi ko na ginising si Aiden at umalis na rin kaagad ako,” sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha at napatayo siya.
“Gaga ka talaga Sierra Celeste!” sigaw ni Sunny. Napatingin din ang ibang tao dito sa loob ng coffee shop ng sabihin niya ‘yun.
Nataranta ako bigla sa pagsigaw niya at hinila ko siya paupo ulit.
“S-Sunny, ano ba! ‘Wag ka nga kasing sumigaw!”
Hindi siya nagpaawat. “Gaga ka! Bakit ka umalis kaagad? Ano, ‘yun na ‘yun?! Hindi mo siya pagsasabihan?”
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi.
“Pagsasabihan ng ano?”
“Haler! Siya ang nakauna sayo, girl! Dapat panagutan ka niya. Dapat gawin ka niyang girlfiend ‘no!”
Napanguso naman ako sa sinabi ni Sunny. Huminga ako ng malalim at malungkot akong ngumiti sa kanya.
“Alam mo naman na broken hearted ‘yun si Aiden, Sunny. Pustahan, hindi pa rin ‘yun nakaka get over kay Miss Veronica. At isa pa, alam ko rin ang posisyon ko. Hindi na ako mag a-assume, Sunny. Hindi naman ako magugustuhan ni Aiden eh. Wala rin akong maipagmamalaki,” mahina kong sabi at pinilit ko ulit na ngumiti sa aking kaibigan.
Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Hinawakan ni Sunny ang aking mga kamay at bahagya niya itong pinisil-pisil.
“Sierra, you also deserve to be happy and to be loved by someone. Lagi mong tatandaan, okay? Unahin mo rin ang sarili mong kaligayahan. ‘Wag lagi ‘yang demonya mong Ate. Sobrang bait at maalaga mo, ang swerte ng lalaking mamahalin mo, Sierra,” seryosong sabi ni Sunny sa akin.
Hindi ko mapigilan ang aking sarili na maging emosyonal nang sabihin ‘yun ng aking kaibigan. Huminga ako ng malalim at hinawakan ko rin pabalik ang kanyang kamay na nakahawak sa aking kamay.
“T-Thank you for saying that to me, Sunny. Tatandaan ko ‘yan.”
TULUYAN NA rin ata akong kinalimutan ni Aiden. Hindi rin naman kasi ako nakapagbigay sa kanya ng cellphone number. Hindi rin niya ako pinahanap. Bakit ba ako nag a-assume? Wala lang naman ako sa kanya at sigurado ako na hindi first time na mangyari ang pangyayari na iyon para kay Aiden.
Habulin siya ng mga babae kaya marami rin siyang mga nakaka-s*x… hindi lang ako.
“Sierra, this is Lloyd, your manager. From now on, siya na lagi ang kasama mo at kapag may problema ka, you can ask or tell him. Siya rin ang magtatanggol sayo kaya ‘wag mo siyang awayin,” sabi ni Miss Bella sa akin.
Napatingin naman ako sa lalaki na may suot na makapal na salamin sa harapan ko.
“Nice to finally meet you, Sierra!” nakangiti na sabi ni Lloyd at nakipag shake hands siya sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya at nakipag shake hands din. First time ko ‘to na magkaroon ako ng isang manager at nafe-feel ko na talaga na ito na ‘yun… ito na ‘yung simula ng mga pangarap ko sa buhay.
“N-Nice to meet you rin po, Sir Lloyd,” nahihiya ko pang sabi sa kanya.
“Just call me Lloyd, Sierra! Tayo lagi ang magkakasama. I want you to treat me as your family because that is what I will treat you. Ako ang magiging number one support system mo, okay?” nakangiting sabi ni Lloyd at kinindatan niya pa ako.
Napangiti ako sa kanyang sinabi at sunod-sunod akong tumango.
“M-Maraming salamat po, Lloyd.”
“Ang swerte mo at si Lloyd ang na assign na manager mo, Sierra! Manager ‘to ni Kate Caparos, ‘yung sikat na singer ngayon! Kaya dapat ka talaga mag behave at ‘wag mag pasaway para sumikat ka rin,” sabi ni Miss Bella.
Sunod-sunod naman akong tumango.
Gagawin ko ang lahat para sumikat din ako.
“Sige, iiwan na muna kita kay Lloyd. Ang manager mo na ang magsasabi sayo sa mga schedules mo. May pinapagawa pa na trabaho sa akin ang management,” sabi ni Miss Bella at umalis na siya sa harapan namin.
Bahagya akong yumuko bilang respeto sa pag-alis ni Miss Bella. Naiwan kaming dalawa ng manager ko na si Lloyd dito sa parang meeting area. Humarap siya sa akin at may kinuha siyang iPad at nagsalita na siya.
“Hmm, dahil new singer ka pa lang at hindi ka pa nag dedebut, kailangan mo pa ng workshop, Sierra. Alam naman namin na magaling ka na, pero marami ka pang dapat na malaman sa industriya na papasukin mo para hindi ka na ma-culture shock. Pero ‘wag kang mag-alala, sweldado ka naman sa workshop. Iyan din ang maganda rito sa G Coleman kapag nakapasok ka dahil kahit na hindi ka pa nakaka-debut, may pera ka na,” seryosong sabi ni Lloyd.
Nakinig lang ako sa lahat ng mga diniscuss niya at hindi ko na mapigilan ang aking sarili na ma-excite at kabahan na rin at the same time.
Sa gitna ng pagsasalita ni Lloyd ay itinaas ko ang aking kamay kaya natigil siya sa kanyang pagsasalita.
“Yes, Sierra?”
“Uhm… Lloyd, pwede bang mag cr na muna ako? Hindi ko na kasi talaga mapigilan ang ihi ko eh,” nahihiya kong sabi sa kanya.
Mahina siyang tumawa at sunod-sundo siyang tumango.
“Sure, Sierra.”
Mabilis akong tumayo at lumabas ng room. Malapit lang ang restroom ng meeting room kaya mabilis lang akong nakapunta sa loob upang umihi. Nang matapos na akong umihi ay pumunta na muna ako sa harapan ng salamin at inayos ko ang aking sarili.
Tinignan ko ang aking sarili sa salamin at hindi ko mapigilan na maging emosyonal at ngumiti.
“I’m so proud of you, Celeste,” mahina kong sabi sa aking sarili.
Naglalakad na ako palabas sa may restroom.
Nang maglalakad na sana ako papunta sa may meeting room nang may bigla akong mabangga sa may hallway at natapon ang phone na kanyang hawak.
Nataranta ako bigla at mabilis kong kinuha ang phone na nahulog ng nakabangga ko.
“H-Hala! Sorry po talaga! Hindi ko sinasadya—”
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon… walang iba kundi si
Aiden….
Nanlalaki ang aking mga mata ngayon at namutla rin ako.
Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. Makalipas ang ilang segundo na pagtitig nia sa akin, unti-unting naiba ang ekspresyon sa kanyang mukha at napalitan ito ng pagkagulat.
“You’re the woman at the bar… Celeste.”
TO BE CONTINUED...