HIS RUTHLESS WAYS
EPISODE 7
SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW.
NAHIHILO NA ako… pero kailangan kong maging normal pa rin dahil ayokong mapahiya sa harapan ni Aiden.
“Are you okay, Celeste?” tanong sa akin ni Aiden at lumapit pa siya sa akin kaya bigla akong nataranta.
Sunod-sunod akong tumango at ngumiti sa kanya.
“Y-Yes! Okay lang ako. You don’t have to worry about me,” sabi ko at nginitian ko siya.
Nakatitig lang sa akin ngayon si Aiden habang seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha. Nakakatunaw ang pagtitig ni Aiden sa akin kaya nagmamadali rin akong umiwas ng tingin sa kanya. Inayos ko ang aking sarili at huminga ako ng malalim.
“Do you want to dance?”
Muli akong napatingin kay Aiden nang sabihin niya ‘yun. Napalunok ako sa aking laway at sunod-sunod akong tumango.
“Y-Yes! Let’s… let’s dance,” mahina kong sabi.
Ngumiti sa akin si Aiden at tumayo na siya at inabot niya ang kanyang kamay sa akin. Napatingin ako kay Aiden at hinawakan ko rin ang kanyang kamay at tumayo na ako. Dinala na ako ni Aiden sa dance floor at humarap siya sa akin at hinawakan niya ang aking bewang. Bahagya akong napatalon sa gulat sa paghawak niya sa aking bewang pero naka recover din naman kaagad ako.
Nagsimula ng sumayaw si Aiden at ngumiti siya sa akin.
“Don’t be shy, Celeste. Is this your first time here?” tanong niya sa akin.
Napalunok ako sa aking laway at tumango.
Inilapit ni Aiden ang kanyang mukha sa aking tainga at bumulong siya.
“Don’t worry, I’ll guide you,” sabi niya at kinindatan ako.
Para akong na-hypnotize sa pagkindat sa akin ni Aiden. Parang biglang bumalik ang Aiden na nakilala ko noon… iyong palangiti at masayahin na Aiden; hindi ‘yung masungit na Aiden na nakilala ko sa loob ng G Coleman building.
Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at nagsimula na rin akong sumayaw. Parang nawala bigla ang hiya ko sa katawan ng magsimula na akong sumayaw. Muli akong napatingin kay Aiden at ngumiti ako sa kanya. Mas naging wild at maingay ang pinapatugtog ng DJ kaya nagsisigawan din ang mga tao rito sa dance floor at kami naman ni Aiden ay nakisali na rin. Napahawak ako sa kanyang batok at siya naman sa aking beywang.
Bahagya akong nagulat nang bigla niya akong hapitin palapit sa kanya. Napalunok ako sa aking laway ng makita ko na sobrang lapit na ng aming mga mukha ngayon sa isa’t isa.
Nagkatitigan kami ni Aiden.
Sobrang ganda ng kanyang mga mata. Ang tangos ng kanyang ilong. Wala siyang ni isang porse sa pisngi niya—sobrang kinis ng kanyang mukha. At ang labi niya… ang labi… ang pula at ang sarap halikan.
“Can I kiss you?”
Muling bumalik ang tingin ko sa mga mata ni Aiden ng sabihin niya iyon sa akin. Nagulat ako at nanlaki ang aking mga mata. Ang lakas na ng pagtibok ng aking puso ngayon—para akong aatakihin.
Hinawakan ni Aiden ang aking pisngi at mas lalo niya pang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Hindi naaalis ang kanyang tingin sa aking mga mata.
Naramdaman ko ang mga haplos ni Aiden sa aking labi gamit ang kanyang hinlalaki. Namumungay na ang aking mga mata ngayon at bahagya kong binuka ang aking labi.
“Y-Yes…” mahina kong sabi—ewan ko kung narinig niya ‘yun, pero parang oo.
Dahil agad akong sinunggaban ng halik ni Aiden sa aking labi.
Mabilis akong napapikit sa aking mga mata at mahigpit akong napakapit sa kanya. Bahagya kong ginalaw ang aking labi at sinunod ko ang paggalaw ni Aiden sa paghalik niya sa akin. Nagulat na lang ako ng bigla niyang ipasok ang kanyang dila sa aking bibig at nilaro-laro ang aking dila.
Ito ba ang sinasabi ni Sunny kanina na momol?
“Do you want us to go somewhere quiet?” tanong ni Aiden sa pagitan ng aming paghahalikan.
Napalunok ako sa aking laway at tahimik akong tumango. Hinawakan ni Aiden ang aking braso at hinila niya ako paalis sa may dance floor. Hindi ko na nahagilap sa aking paningin ang dalawa kong kaibigan na si Ace at si Sunny. Ang nasa isipan ko na lang ngayon ay walang iba kundi si Aiden.
Nakalabas na kami sa club. Agad kaming dumiretso sa may parking lot at lumapit kami sa isang itim na sports car. Hindi ko alam kung anong brand ng sasakyan ito kasi hindi naman ako pamilyar sa mga brands, pero ang ganda ng sasakyan ni Aiden.
Pinagbuksan ako ni Aiden ng pintuan ng kanyang sasakyan kaya pumasok na ako sa loob. Ang bango! Ang bango rito sa loob ng kotse ni Aiden. Nakita kong umikot na siya papunta sa may driver seat at binuksan niya ang pintuan at pumasok na sa loob.
“Wear your seatbelt,” seryoso niyang sabi.
Napalunok ako sa aking laway at agad ko naman itong sinunod. Pinaandar na ni Aiden ang kanyang kotse at tahimik lang siya ngayon at nakatingin lang sa harapan. Tanging pagtibok lang ng aking puso ang naririnig ko ngayon dahil sobrang lakas na talaga.
Lihim akong napahawak sa aking labi at hindi ko mapigilan na mapangiti.
First kiss ko ‘yun.
Si Aiden ang first kiss ko.
Hindi ako makapaniwala na naghalikan kaming dalawa ng lalaking matagal ko nang hinahangaan. At ngayon… nandito ako sa loob ng kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Magtitiwala na lang ako kay Aiden kung saan kami pupunta ngayon.
Nakita kong papunta kami ngayon sa Miller Hotel.
Nang makababa na kami sa kanyang sasakyan ay agad niyang hinawakan ang aking kamay at pumasok na kami sa loob.
“VIP Room,” wika ni Aiden sa may receptionist.
Binigyan na kami nito ng card at muling naglakad si Aiden. Nakahawak pa rin siya sa aking kamay ngayon habang ako naman ay tahimik lang na nakasunod sa kanya. Ang lakas na talaga ng pagtibok ng aking puso ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Nakapasok na kami sa loob ng kwarto ni Aiden. Humarap siya sa akin at nakita ko ang pagkunot sa kanyang noo habang nakatingin sa akin.
“Are you okay?” tanong niya sa akin.
Napalunok ako sa aking laway at hinay-hinay na tumango.
“Y-Yes… okay lang ako,” mahina kong sabi.
Humakbang palapit sa akin si Aiden kaya muli akong kinabahan nang sobra. Nanlalamig ang mga kamay ko ngayon at ramdam na ramdam kong pinagpapawisan na rin ako.
Tumigil si Aiden sa aking harapan habang seryoso pa rin ang kanyang tingin sa akin. Ipinantay niya ang kanyang mukha sa aking mukha at muli siyang nagsalita.
“Are you sure about this? Ayokong mapilitan ka, Miss. Kung natatakot ka sa akin at gusto mong mag backout, just say it. Hindi ako namimilit ng tao,” malamig na sabi ni Aiden habang nakatingin siya sa akin.
Nataranta ako bigla. Hindi ako natatakot—hindi sa ayoko sa kanya.
Umiling-iling ako.
“I-I’m sure about this… hindi ako napipilitan,” nauutal kong sabi sa kanya.
Nakita ko ang bahagyang pag angat ng kanyang labi ng sabihin ko ‘yun sa kanya. Mas lalo pa siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang aking baba at bahagya niyang hinaplos ang aking labi gamit ang kanyang hinlalaki.
“Good decision, Miss… Celeste. You will never forget this night in your entire life,” mapang-akit na sabi ni Aiden bago niya ako sunggaban ng halik sa aking labi.
Napapikit ako sa aking mga mata at hinalikan ko na siya pabalik.
Ibibigay ko na ang aking sarili sa lalaking matagal ko nang minamahal.
TO BE CONTINUED...