RUTHLESS 9: MAD AIDEN

1139 Words
HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 9 SIERRA CELETE’S POINT OF VIEW. “CELESTE?” Oh my God! Nakilala ako ni Aiden. “I-I’m sorry…” mahina kong sabi at akmang aalis na ako nang bigla niyang mahawakan ang aking braso at muli niya akong dinala sa kanyang harapan. “We’re not done talking!” sabi niya at bahagya pang tumaas ang kanyang boses. Napalunok ako sa aking laway at hindi ko mapigilan na makaramdam ng kaba. Nanginginig na ako ngayon sa takot sa gagawin ni Aiden sa akin. Papaalisin niya ba ako rito sa kompanya niya? Please no. Matagal ko nang pangarap na makatungtong dito sa G Coleman Entertainment at maging isa sa mga singers nila. Hindi pwedeng mawala ang pagkakataon na ito sa akin. “What the hell are you doing here in my company, Celeste?! Are you following me?” tanong sa akin ni Aiden habang nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Sunod-sunod naman akong umiling. Naiiyak na rin ako ngayon. Sinubukan kong buksan ang aking bibig, pero walang salita na lumalabas dito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko… ang isasagot ko kay Aiden. “Talk to me!” “Sierra!” Bago pa ako makapagsalita ay narinig ko na ang boses ni Lloyd, my manager. Para akong nakahinga ng maluwag nang marinig ko ang boses ni Lloyd. He saved me! “Oh! Sir Aiden! Ikaw pala ‘yan,” nakangiti na sabi ni Lloyd at lumapit siya sa amin. Nakita ko na napatingin siya sa kamay ni Aiden na nakahawak sa aking braso ngayon. Napataas ang kanyang kilay pero agad niya rin itong inalis at ngumiti siya. “Do you know this woman, Lloyd?” malamig na tanong ni Aiden habang hindi pa rin naaalis ang tingin sa akin. Napalunok ulit ako sa aking laway habang umiiwas ng tingin kay Aiden. “Yes, Sir Aiden! She’s Sierra Gomez. Siya ‘yung bagong artist natin dito sa G Coleman! Siya ‘yung recruit ni Bella. Hindi niyo po ba siya naalala? Ang sabi ni Bella ay nakapag-audition na raw ito si Sierra sa inyo kasama si Mr. Black,” wika ni Lloyd. Muli akong napatingin kay Aiden at nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Para niyang inaalala kung saan niya pa ako nakita maliban sa pagkikita namin sa bar. “You’re the one singer Tadhana last week?” nagtatakang tanong ni Aiden sa akin. Kahit na natatakot ako ngayon, nagawa ko pa rin na tumango. “Y-Yes, Sir Aiden….” mahina kong sabi. Naramdaman ko ang paghihigpit niya lalo ng pagkakahawak sa aking braso. “Lloyd,” tawag ni Aiden sa manager ko habang hindi pa rin na aalis ang tingin sa akin. “Y-Yes, Sir Aiden?” “Hihiramin ko muna ang alaga mo. I need to talk to her in my office,” malamig na sabi ni Aiden at bigla niya na lang akong hinila palayo kay Lloyd. Hindi ako makapagsalita ngayon. Naglalakad kami ni Aiden at lahat ng mga nakakasalubong namin na mga empleyado rito sa loob ay gulat ang ekspresyon sa mukha ng makita nilang hawak ako ngayon ni Aiden. Nagulat na lang ako nang makarating na kami sa opisina ni Aiden. Tinulak niya na lang ako papasok sa loob at nang makapasok na rin siya ay isinandal niya ako sa may pader. Nanlalaki ang aking mga mata ngayon habang nanginginig sa takot. “S-Sir…” “Sir?! After you lie to me, you call me sir?!” sigaw niya. Bahagya akong napapikit sa aking mga mata. “Tell me, Celeste, did you plan all of these?” Mabilis akong napamulat sa aking mga mata at mabilis akong umiling-iling. “H-Hindi po… promise! Nagkakamali po kayo ng iniisip, S-Sir Aiden…” naiiyak kong sabi. Ayokong mawalan ng trabaho. Naningkit ang kanyang mga mata. “Oh, really? Then why did you leave me in the hotel room after that night, huh?” Napalunok ako sa aking laway nang itanong iyon ni Aiden sa akin. Mas lalo pa akong kinabahan ng mas lalo niya pang ilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Sobrang lapit na ng distansya ng mga mukha namin ngayon. “Magsabi ka ng totoo,” mahina, ngunit may diin na sabi ni Aiden sa akin. Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata bago ako sumagot. “B-Because… because I’m afraid….” mahina kong sabi at bahagya akong yumuko. Pero hindi rin ito nagtagal nang hawakan ni Aiden ang aking baba at inangat niya ang ulo ko kaya nagkatinginan ulit kaming dalawa. Para akong matutunaw sa tingin ngayon ni Aiden sa akin. Nakakapanghina. “What are you afraid of, Celeste?” mahinang tanong ni Aiden sa akin… na may parang halong pang-aakit. Ewan ko ba, pero kakaiba ang tono ng pagkakatanong ni Aiden sa akin nun. “N-Natatakot ako na baka… b-baka magalit ka sa akin,” nauutal kong sabi. Kumunot ang kanyang noo ng sabihin ko iyon. Hinaplos niya ang aking labi gamit ang kanyang hinlalaki kaya bahagya akong nagulat at hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan ngayon. “Yes, I was mad, Celeste.” Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Aiden. Oh my God! Ito na ba ‘yun? Hindi na ba matutupad ang mga pangarap ko? Mapapaalis ako rito sa kompanya niya? Hindi pwede! “S-Sir Aiden… please! ‘Wag niyo po akong alisin dito sa kompanya niyo. Nagmamakaawa po ako sa inyo. Promise po, hindi na po ako lalapit sa inyo. Kakalimutan ko na po ang nangyari sa atin ng gabing iyon. Please po, ‘wag niyo po akong ialis dito. Pangarap ko po na maging singer dito sa G Coleman simula pa noong high school ako. Nagmamakaawa po ako sa inyo….” pagmamakaawa ko kay Aiden. Umiiyak na rin ako ngayon habang nakatingin sa kanya. Kumunot ang kanyang noo na para bang nagtataka siya sa aking ginagawa at sa aking pag-iyak. “What are you saying Celeste? Hindi kita papaalisin dito sa kompanya ko.” Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata ng sabihin niya ‘yun. “H-Huh? T-Talaga? Pero… pero sabi mo galit ka… diba?” Muli niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha at tinitigan niya ako sa aking mga mata. “Yes, galit ako. Bakit? Dahil iniwan mo ako ng araw na iyon. I can’t get over you, Celeste. Hindi ka mawala sa isipan ko. That’s why I was so mad at you. And now… you’re here in my company….” Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hapitin sa aking bewang at mas lalo niya pa akong idinikit sa kanyang katawan. Napahawak naman ako sa kanyang dibdib at napalunok ako sa aking laway. “S-Sir Aiden…” Inilapit niya ang kanyang mukha sa may tainga ko at bumulong siya sa akin. “Hinding-hindi ka na makakawala sa akin ulit, Celeste.” TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD