HIS RUTHLESS WAYS
EPISODE 6
SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW.
ANONG GINAGAWA rito ni Aiden? Hindi ba magagalit sa kanya si Miss Veronica?
“Sierra! Sino ‘yang tinitignan mo diyan, huh?”
Bahagya akong napatalon sa gulat ng marinig ko ang boses ni Sunny. Buti naman at nandito na siya. Akala ko talaga ay nawala na siya eh. Umupo siya sa aking tabi at nakita kong sinundan niya ang tinignan ko kanina. Naningkit ang kanyang mga mata at unti-unti itong nanlalaki ng ma-realize niya kung sino ang aking tinignan.
“Oh my Gosh! Nandito ang crush mo, Sierra!” tumili si Sunny at bahagya niya akong niyugyog sa aking balikat.
Nakaramdam ako ng konting hiya.
“A-Ano ba, Sunny. Baka may makarinig sayo,” mahina kong sabi.
“Ano ka ba?! Sierra, this is your chance!” sabi ni Sunny. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at iniharap niya ako sa kanya.
Kumunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi.
“A-Anong ibig mong sabihin diyan?” tanong ko sa kanya.
“Makipag-momol ka kay Aiden!” sabi ni Sunny na muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway.
“S-Sunny! Maghunos dili ka nga dyan sa pinagsasabi mo! Anong m-momol ka diyan? May girlfriend na ‘yung tao!” sabi ko sa kanya.
Oo, mahal ko si Aiden. Matagal ko na siyang hinahangaan. Pero hindi naman ako malanding babae para akitin siya kahit na may girlfriend na siya. Ayokong masira ang relasyon nilang dalawa ni Miss Veronica ng dahil sa akin.
“Gaga! Hindi mo ba alam ang balita na hiwalay na silang dalawa ni Veronica Santiago?!”
Napakunot ang noo ko sa sinabi ng aking kaibigan na si Sunny.
“H-Huh? Anong sabi mo?”
“Sierra, hiwalay na si Aiden at ang kanyang longtime girlfriend na si Veronica Santiago!” sabi ni Sunny na ikinagulat ko.
Napasinghap ako at napatakip sa aking bibig sa gulat.
“H-Hala! Bakit daw?” gulat kong tanong.
“Seryoso ka diyan sa tanong mo? Akala ko pa naman ay updated ka na sa crushie mo, Sierra?!” hindi makapaniwala na tanong ni Sunny.
Napanguso ako sa kanyang sinabi.
“A-Alam mo naman na wala kaming TV, diba? Sobrang busy ko rin sa buhay, Sunny. Wala na akong time para magpahinga at makibalita sa mga nangyayari sa mundo natin,” pag e-explain ko sa kanya kung bakit wala akong alam.
Bumuntong-hininga si Sunny at tumango-tango siya.
“Hays! Lagi ka na lang kasing ini-stress ng bruha mong kapatid eh! Pero sige, sabihin ko na sayo ang tea about Aiden. Last two weeks nang hiwalay si Aiden at Veronica Santiago! Guess what? Nabuntis si Veronica! Pero iba ang ama,” pagkukwento ni Sunny sa akin.
Nanlaki ang aking mga mata sa gulat ng sabihin niya ‘yun sa akin.
“H-Huh?”
“Yes! And guess what, there’s a plot twist pa! Hulaan mo kung sino ang baby daddy ng pinagbubuntis ni Veronica?” nakangising sabi ni Sunny.
Nakakunot pa rin ang noo ko ngayon.
“Bakit, kilala mo ba?”
“Kilala mo rin!” sabi niya.
“Sino nga? Ikaw Sunny, bakit hindi mo na lang kaya sabihin ng diretso sa akin?” inis kong sabi sa kanya.
Humagikhik siya at tumango-tango.
“Heto na nga! Ang baby daddy ay walang iba kundi ang kambal ni Aiden… si Gideon Caden!”
Mas lalo akong nagulat sa sinabi ni Sunny sa akin. Kilala ko si Caden—ang kambal ni Aiden! Kung gaano kabait si Aiden, ganun naman ka snob ng kakambal niya. Pero ng makita ko si Aiden doon sa G Coleman ay parang nag-iba na ang kanyang ugali… nagiging si Caden na rin siya.
“S-Sunny, hindi magandang biro ‘yan,” mahina kong sabi.
Kinuha niya ang kanyang phone at ibinigay niya ito sa akin. Kinuha ko naman ito at binasa ang ipinakita niyang article sa akin. Nanlaki ang aking mga mata at napatakip sa aking bibig ng mabasa ko kung ano ito. Totoo nga ang sinabi ni Sunny, ang nakabuntis kay Veronica ay walang iba kundi si Caden—at kasal na sila ngayon!
Hindi ko mapigilan na makaramdam ng awa kay Aiden.
“Diba? Tama ang sinabi ko!” sabi ni Sunny at kinuha niya ang phone niya sa akin.
Napatingin naman ako kung saan ko nakita kanina si Aiden. Nakita ko siyang mag-isa na lang ngayon sa may table habang umiinom. Nasaan na ang kasamahan niya?
“Hoy! Anong pinag-uusapan niyo diyan? At bakit malungkot ang mukha ng beshy ko?” sabi ni Ace na kakarating lang habang may dalang mga alak.
Umupo si Ace sa tabi ni Sunny at sinundan din niya ng tingin ang tinitignan ko kanina lang. Nakita ko ang panlalaki sa kanyang mga mata bago siya muling humarap sa amin.
“Sierra, nandito pala ang crush mo.”
Bumuntong-hininga ako at tumango.
“Yeah…”
Kinuha ko ang baso na nilagyan ng alak ni Ace at agad ko itong ininom. Agad na may pait akong nararamdaman sa aking lalamunan.
“Gaga! Tequila ‘yung ininom mo!” sabi ni Sunny at mabilis niya akong binigyan ng lemon. Mabilis kong kinuha ang lemon at sinipsip ko ito.
sh*t! Ang pangit ng lasa.
Narinig ko ang pag halakhak ni Ace kaya tinignan ko siya ng masama.
“Don’t laugh!” inis kong sabi.
Tinakpan ni Ace ang kanyang bibig at nag peace sign siya sa akin.
“Wag mo kasing iniinis ‘yan, Ace! Broken din ‘yan dahil brokenhearted ang crushie niya… pero may pag-asa na siya!” sabi ni Sunny at tumawa siya ng malakas.
Bahagya naman akong nakaramdam ng hiya.
“A-Ano ka ba, Sunny… kita mo namang malungkot si Aiden, magiging ganyan ka pa.”
“Hay nako! Ang bait mo masyado, Sierra. Uminom ka na nga lang!”
Binigyan ako ng alak ni Sunny at agad ko rin itong ininom. Hindi ako sanay uminom, pero kaya ko naman. Kanina pa gumagawa ng ingay si Sunny at Ace habang ako naman ay tahimik lang dito sa aking kinauupuan.
“Sierra, lapitan mo na si Aiden! Tignan mo oh, mukhang malungkot si beshy! Need niya ng comfort. Kailangan ka niya ngayon. Chance mo na ‘yan! Grab mo na!” sabi ni Sunny.
“Oo nga, Sierra. Sige na! Chance mo na ‘yan!” sabi naman ni Ace.
Ngumuso naman ako.
“N-Nakakahiya kaya!”
“Uminom ka muna ng alak. Para mawala ang hiya mo!” sabi ni Sunny at muli niya akong binigyan ulit ng alak.
Tuloy-tuloy ako sa aking pag-inom ngayon. Nakita kong tumayo si Sunny at si Ace. Nagpaalam sila sa akin na pupunta sa may dance floor at agad ko rin silang pinayagan. Tinignan ko silang dalawa at nagulat na langa ko ng bigla silang maghalikan. Agad akong umiwas ng tingin at nainom ako ng alak.
Alam ko naman na parang mag something kay Ace at Sunny, pero hindi ito seryoso lalo na’t maraming lalaki si Sunny at may pinopormahan din si Ace. Pero hindi ko pa rin mapigilan na magulat ng makita ko siyang nagahahalikan.
Muli akong napatingin kung nasaan si Aiden at nakita ko siya na nandoon pa rin… umiinom.
Huminga ako ng malalim at tumunga na muna ako ng isang basong alak bago ako tumayo.
Tama nga si Sunny at Ace… chance ko na ‘to. Baka pagsisihan ko pa ito sa huli.
Umalis na ako sa table namin nila Ace at Sunny at lumapit ako kung nasaan si Aiden.
“Hi!” bati ko sa kanya at umupo ako sa kanyang harapan.
Natigil siya sa kanyang pag inom at napatingin siya sa akin. Kumunot ang noo ni Aiden habang nakatingin sa akin ngayon. Sandali, nakikilala niya kaya ako? Nagkita na kami sa may G Coleman…baka natatandaan niya ako!
“Uhm… mag-isa ka lang ba?” tanong ko sa kanya. Argh! Nakakahiya. Nakakabobo naman ‘yang tanong mo, Celeste! Ang obvious naman na mag-isa lang siya eh.
“Yes, ngayon, pero kanina hindi,” malamig niyang sagot sa tanong ko.
Napalunok naman ako sa aking laway at tumango-tango.
Okay, Celeste… kailangan mong gumawa ng move—ngayon na.
“O… kay. Uhm, can I join you here? Mukhang hindi na babalik ang kasama mo eh. Kanina pa kita pinagmamasdan—you look so sad,” sabi ko sa kanya.
Muling napatingin sa akin si Aiden at kumunot ang kanyang noo.
Sh*t.
Mukhang mali ata ang pagkakasabi ko.
“What’s your name?” he asked me.
Napalunok ako sa aking laway.
Ano bang ipapakilala ko sa kanya? Sierra? Celeste? Sh*t!
“C-Celeste… that’s my name,” mahina kong sabi.
Nakita ko ang bahagyang pag angat ng kanyang labi at tumango-tango siya.
May kinuha siyang isang baso at nilagyan niya ito ng alak. Inabot niya naman ito sa akin kaya bahagya akong nagulat.
“If you want to join me here, drink this… Celeste,” sabi ni Aiden habang nakangiti siya sa akin.
Kinuha ko naman ito kahit na nanginginig ang aking mga kamay at agad ko itong ininom.
Nakita ko ang pangiti ni Aiden habang nakatingin siya sa akin. Hindi ko rin maiwasan na makaramdam ng saya at… kilig.
Buti na lang talaga at sinunod ko ang sinabi ni Sunny at Ace.
Ito na ang chance ko kay Aiden.
Mukhang hindi niya ako kilala bilang Sierra na kakapasok lang ng G Coleman Entertainment. Lubos-lubosin ko muna ang pagkakataon na ito.
Kaya mo ‘yan, Celeste.
TO BE CONTINUED...