HIS RUTHLESS WAYS
EPISODE 3
FIRST MEET
SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW.
KINAKABAHAN ako. Nandito na ako ngayon sa loob ng building ng G Coleman Entertainment Company. Nandito ako sa lobby nila habang hinihintay ko na may lumapit sa akin na babaeng may pangalan na Bella. Iyong Bella na ‘yun ang scout na humingi ng number ko kina Sunny upang sabihin na natanggap ako sa G Coleman. Nang matapos akong tawagan ni Sunny ng gabing iyon, tinawagan din kaagad ako ng scout galing sa G Coleman upang makompirma kung ako ba talaga si Sierra. At ngayon ay nandito na ako sa G Coleman!
Hindi ko alam kung makakikita ko ba ngayon si Aiden… kinakabahan na ako. Ilang oras din akong nag ayos sa aking sarili upang magmukha akong presentable rito sa loob ng building ng G Coleman. Nakakahiya rin kay Aiden kung magkita man kaming dalawa ngayon.
“Ikaw ba si Miss Sierra Celeste Gomez?”
Napatayo ako nang may babaeng lumapit sa akin. Ngumiti ako at tumango.
“A-Ako nga po,” hindi ko maiwasan na mautal dahil sa kaba na aking nararamdaman.
Ngumiti ito sa akin at nakipag shake hands sa akin at agad ko naman itong tinanggap.
“I’m Bella Cortez, ang scout na tumawag sayo. Salamat sa pagpunta rito sa G Coleman, Miss Sierra! Excited ka na ba sa recording mo?”
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang sabihin iyon ni Miss Bella sa akin.
“P-Po? Recording?”
“Yes, Miss Sierra. Hindi ka ba aware sa mangyayari sayo ngayon? Mr. Aiden wants to hear your voice. Papunta tayo ngayon sa studio kung saan naghihintay si Mr. Aiden,” wika ni Miss Bella.
Mas lalo akong naloka sa sinabi ni Miss Bella nang mabanggit niya ang pangalan ni Aiden. Sandali lang, hindi ‘to nasabi ni Miss Bella noong magkausap kami sa phone!
“S-Sandali lang po, Miss Bella. Kailangan ko po ba talagang kumanta sa harapan ni S-Sir Aiden ngayon? Hindi niyo po kasi ito na sabi ng magkatawag tayo sa phone…” mahina kong sabi habang nagmamakaawa na nakatingin ngayon kay Miss Bella.
Hindi naman sa ayokong kumanta—hindi lang talaga ako prepared!
Kailangan kong maghanda. Wala rin akong naisip ngayon sa title ng kanta na pwede kong kantahin sa harapan ni Aiden.
Tinaasan ako ng kilay ni Miss Bella. Parang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi sa kanya kaya mas lalo akong kinabahan.
“Do you really want to be a singer, Miss Gomez? A singer is always ready in all battles. Dapat alam mo na ang tungkol sa mga scenarios na ito. Hindi porket na natanggap ka na ay mag gaganyan ka na. May stage 2 ka pa para tuluyan ka talagang matanggap dito sa G Coleman at ito ay ang kumanta sa harapan ng producer… sa harapan ni Sir Aiden Coleman,” seryosong sabi ni Miss Bella sa akin.
Napalunok ako sa aking laway at nararamdaman ko na lang ang aking pamumutla at panlalamig.
Kaya mo ‘to Celeste. Pangarap mo ‘to, diba? Kailangan mong malakas. Hindi mo pwedeng sayangin ang pagkakataon na ito.
Huminga ako ng malalim bago ako mapatingin ulit kay Miss Bella na naghihintay sa aking sagot ngayon.
“S-Sige po. Ready na po akong kumanta,” sabi ko kay Miss Bella at pinilit ko na ngumiti sa kanya ngayon.
Humakbang palapit sa akin si Miss Bella at bahagyang tinapik ang aking balikat at nginitian niya ako.
“That’s the spirit, Miss Gomez! Ayaw na ayaw ni Sir Aiden sa mga singers na ang bilis lang sumuko. Kaya kung gusto mo talaga rito sa G Coleman, kailangan mong maging fighter. Understand?”
Mabilis naman akong tumango-tango at ngumiti kay Miss Bella.
“Gustong-gusto ko po talaga rito sa G Coleman, Miss Bella. Pangarap ko po ito!”
“Well, then show Sir Aiden that you want to be here! Let’s go?” nakangiting sabi ni Miss Bella.
Ngumiti naman ako at tumango at agad na rin na sumunod kay Miss Bella. Sumakay pa kami sa elevator dahil nasa 4th floor daw ang studio kung saan ako kakanta at kung saan naghihintay si Sir Aiden ngayon. Tahimik lang ako ngayon sa loob ng elevator, pero sobrang lakas na ng pagtibok ng aking puso ngayon.
Kanina pa rin nag-iisip kung ano ang kakantahin ko kapag nakapasok na kami sa loob ng studio.
Nang tumunog ang elevator at bumukas ay para na akong mahihimatay sa kaba na aking nararamdaman. Unang lumabas si Miss Bella at agad akong sumunod sa kanya. Tahimik lang ako na nakasunod sa kanyang likuran ngayon. Naglalakad kami ngayon papunta sa recording studio.
Tumigil si Miss Bella sa paglalakad at nakita ko na nasa harap na kami ng recording studio. Oh my God! Ito na talaga. Binuksan na ni Miss Bella ang pinto at sumunod din kaagad ako sa kanya. Nang makapasok kami ay akala ko ay nasa loob na si Sir Aiden, pero wala pa… pero may nakita akong isang matandang lalaki at tumayo ito at humarap sa amin ng makita niya kami.
“Sir Black! Nandito ka pala. Where’s Sir Aiden?” tanong ni Miss Bella.
“Aiden will be here, pero malalate pa raw siya dahil may emergency. Kaya ako ang pinapunta niya dito ngayon upang ma-judge ang bagong singer,” sabi ng matandang lalaki at napatingin ito sa akin. Ngumiti siya at bahagyang kumaway.
“You’re the new singer?” tanong nito sa akin.
Napalunok ako sa aking laway at sunod-sunod akong tumango.
“H-Hello po! Yes po, ako nga po. My name is Sierra Celeste Gomez,” pagpapakilala ko sa aking sarili.
Tumango-tango naman si Sir Black.
“Sierra… What a beautiful name! Sigurado akong sisikat ang pangalan na iyan. Pero bago tayo pumunta dyan, kailangan muna naming mapakinggan ang boses mo, Miss Sierra,” nakangiti na sabi ni Sir Black bago siya muling umupo sa isang swivel chair.
Huminga ako ng malalim at napakagat ako sa aking labi.
Ito na talaga…
Kaya ko ‘to. At least wala si Aiden diba? Mas lalo lang akong kakabahan kapag nandito siya.
“Ano nga pala ang kakantahin mo ngayon, Sierra?”
Napatingin ako kay Miss Bella nang itanong niya iyon sa akin.
Bahagya naman akong napatalon sa gulat nang itanong niya iyon. Para akong nablanko at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
“Uhmm… T-Tadhana po by Dharma Down,” sagot ko sa tanong ni Miss Bella kung ano ang kakantahin ko ngayon.
Bigla ko na lang nasabi ‘yun. Bahala na.
Ngumiti si Miss Bella at tumango-tango. “Great choice, Miss Sierra. Iyan ‘yung kinanta mo noong nakita kita sa bar,” sabi ni Miss Bella.
Napangiti rin ako sa sinabi niya sa akin. Tama nga, iyon nga pala ang kinanta ko nang malaman kong maraming scouts sa gig na ginawa namin.
“Pumasok ka na sa loob, Sierra,” sabi ni Sir Black.
Huminga naman ako ng malalim at tumango bago ako pumasok sa loob ng recording room kung saan ako kakanta, kung saan soundproof ang paligid at may iba’t ibang mga music equipments. Pumasok na ako sa loob at pumunta sa harapan ng mic kung saan din nakaharap sa mirror kung saan makikita ko sa kabilang bahagi ng room sila Miss Bella at Sir Black.
“Suotin mo na ang headphone, Sierra,” rinig ko na sabi ni Miss Bella sa isang speaker para marinig ko sila sa kabila.
Nag thumbs up naman ako at sinuot ko na rin ang headphone.
Huminga ako ng malalim at pinakalma ko ang aking sarili.
Narinig ko nang nagsisimula na ang instrumental ng kanta na kakantahin ko. Napapikit na rin ako sa aking mga mata at nagsimula na akong kumanta.
“Sa hindi inaasahang…. Pagtatagpo ng mga mundo….”
Nakapikit lang ako sa aking mga mata ngayon habang kinakanta ko ang Tadhana at ang iniisip ko ngayon ay walang iba kundi si Gideon Aiden Coleman… ang lalaking matagal ko nang mahal na mahal. At ngayon ay unti-unti ko nang matutupad ang pangarap ko—ang makatrabaho si Aiden.
At gustong-gusto ko rin talaga na sumikat na singer. Gusto kong ipakita ang talento ko sa pagkanta. Gusto kong ipakita kay Ate Christine ko na kaya ko rin na magkaroon ng pera sa pagkanta ko.
Natapos na ako sa aking pagkanta at unti-unti ko rin na iminulat ang aking mga mata.
“Bravo! Ang galing mo, Sierra!” narinig ko ang boses ni Sir Black sa speaker.
Nang mapatingin ako sa harapan ay nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko kung sino ang nasa tabi ni Miss Bella na nakatingin sa akin ngayon…
Walang iba kundi si Aiden.
Nakatitig lang siya sa akin ngayon habang seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha.
Para akong mahihimatay!
Nagkita na talaga kaming dalawa… sa wakas.
“Sierra, pwede ka nang lumabas dito.”
Kung hindi ko pa narinig muli ang boses ni Miss Bella ay hindi ako matatauhan. Napalunok ako sa aking laway at napa kurap-kurap sa aking mga mata.
Huminga ako ng malalim bago ako tuluyan na lumabas. Agad akong sinalubong ng isang mahigpit na yakap ni Miss Bella kaya nagulat ako.
“Congratulations, Sierra! Ang ganda talaga ng boses mo. Nagustuhan nila ng sobra ang boses mo! Para kang anghel,” nakangiting sabi ni Miss Bella.
Napangiti ako at labis na tuwa ang aking nararamdaman ngayon.
“You have an angelic voice, Miss Sierra,” narinig ko na sabi ni Sir Black. Napatingin naman ako sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at tumango-tango.
“Bagay na bagay ka rito sa G Coleman. Kaya kung ako ang tatanungin, pasok ka na!” sabi ni Sir Black at nag thumbs up pa siya sa akin.
Napatakip ako sa aking bibig sa sobrang saya at para na rin akong naiiyak.
“T-Thank you so much po!”
Ang sarap na marinig na humahanga sila sa boses ko at sa uri ng aking pagkanta.
“What’s your name again?”
Natigilan ako at napatingin kay Aiden nang magsalita siya—nagsalita siya! Pati ang boses niya habang nagsasalita ay ang sarap sa tainga.
“S-Sierra Celeste Gomez po, Sir Aiden,” sagot ko sa kanyang tanong kahit na kinakabahan ako.
Napataas siya sa kanyang kilay.
“Are you related to Christine Gomez?” tanong niya sa akin.
Tumango naman ako. “Ate ko po siya.”
Possible talaga na kilala niya si Ate Christine ko dahil kaibigan ni Ate ang kapatid ni Aiden na si Ate Chantal.
“You have a great voice, Miss Sierra.”
Para akong nakalutang sa ulap nang sabihin ‘yun ni Aiden sa akin. Ang sarap sa pakiramdam na makarinig ng compliment galing sa lalaking hinahangaan mo nang matagal.
“T-Thank you po, Sir….” mahina kong sabi habang nakatingin sa kanya.
Tumango-tango siya at nilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa magkabila niyang bulsa sa pants.
“Welcome to G Coleman Entertainment. Just wait for the calls for contract signing,” seryoso at malamig niyang sabi bago siya tuluyan na lumabas sa recording room.
“Congrats, Sierra!” muli akong niyakap ni Miss Bella pero wala doon ang nasa isipan ko ngayon kundi nasa kay Aiden.
Bakit ibang iba na siya sa Aiden na nakilala ko?
Diba masayahin na tao si Aiden at madaldal? Pero bakit parang ibang tao ang nakita ko kanina? Hindi naman pwedeng si Caden ‘yun dahil kilala ko ang mukha ni Aiden. At si Aiden talaga ang nasa harapan ko kanina at kausap ko.
Pero bakit parang ang lamig na niya?
TO BE CONTINUED...