RUTHLESS 4: NOT SUPPORTIVE

1163 Words
HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 4 NOT SUPPORTIVE SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. “ATE Christine! Ate Christine!” tawag ko sa aking kapatid ng makapasok ako sa loob ng apartment namin. “Tang ina naman, Celeste! Ano bang sinisigaw mo riyan?!” galit na sigaw ni Ate Christine bago siya lumabas sa kanya kwarto. Masama ang tingin niya sa akin ngayon. Napalunok ako sa aking laway at parang umurong na lang bigla ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Pinanlakihan niya ako ng kanyang mga mata. “Ano?! Tang ina mo, Celeste! ‘Wag mong inaaksaya ang oras ko!” galit na sabi ni Ate Christine. Kagagaling ko lang sa G Coleman Entertainment at gusto kong ibalita sa kapatid ko na tanggap na ako sa kompanya ng matagal ko ng pinapangarap. “A-Ate Christine, natanggap po ako sa G Coleman….” mahina kong sabi. Natigilan si Ate Christine at napataas siya sa kanyang kilay. “Wag kang assuming, Celeste. Hindi ka tatanggapin doon dahil cheap ka!” Hindi ko mapigilan na masaktan sa sinabi ng nakakatanda kong kapatid. Lagi na lang ganito si Ate Christine sa akin. Hindi siya suportado sa mga ginagawa mo at lagi niya na lang akong minamaliit. Kulang na nga lang ay isipin ko na hindi ako totoong kapatid ni Ate Christine eh. Parang galit na lang siya lagi sa akin. Wala na akong nagawang tama. “T-Totoo po ang sinabi ko, Ate Christine. Sa katunayan nga ay kagagaling ko lang po doon ngayon sa building ng G Coleman Entertainment eh. Pinakanta po nila ako doon at nando’n din po si S-Sir Aiden… nakikinig sa pagkanta ko,” pagkukwento ko kay Ate Christine. Sana naman maniwala si Ate Christine sa aking sinabi. Para rin naman ito sa amin ang ginagawa ko. May patutunguhan ako sa aking pagkanta. Sisikat ako na singer… magiging mayaman kami ng Ate Christine ko. Hindi na niya kailangan pang magtrabaho ng kung anu-ano para lang may pangkain kami sa araw-araw. Masusuklian ko na rin siya sa lahat ng sakripisyo na ginagawa niya para sa akin. Tumawa nang malakas si Ate Christine kaya napakunot ang aking noo at nagtaka ako sa kanyang biglaang pagtawa. Umiling-iling siya at naluluha na rin siya ngayon ng dahil sa malakas niyang pagtawa. Wala naman akong nakakatawang sinabi sa kanya. Bakit natawa si Ate Christine? “Wait lang…. Ang funny talaga! Nakalusot ka kina Aiden? Grabe! Pagsabihan ko nga ‘yun. Nasira ata eardrums niya,” nakangising sabi ni Ate Christine. Nakita kong nilabas niya ang kanyang phone at nakita ko na parang may tatawagan siya. Mabilis kong inagaw sa kanya ang kanyang phone. “Ano ba?! Akin na ‘yan phone ko!” galit niyang sabi. Inilayo ko ito sa kanya at itinago sa aking likod. “A-Anong gagawin mo, Ate? Sino ang tatawagan mo?” tanong ko sa kanya. Inirapan niya ako at matalim na tinignan. “Tatawagan ko si Aiden at sasabihin ko na ‘wag kang tanggapin sa kompanya nila! Oh my God, Celeste! Pinagpatuloy mo pa talaga ang kalokohan mo sa pagkanta? Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na ang pangit ng boses mo?! Sobrang pangit! Nakakasira ng eardrums! Hindi ka bagay maging singer at hindi ka bagay sa G Coleman Entertainment!” sigaw ni Ate Christine. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili at tuluyan na akong naiyak. Sobrang nasaktan ako sa sinabi ng aking kapatid ngayon. Bakit ba ang hirap niyang pasayahin? Bakit… bakit galit na galit si Ate Christine sa akin? Lahat naman ng gusto niyang ipagawa sa akin ay ginagawa ko naman ah? Hindi ako naging suwail na kapatid sa kanya. Ginawa ko ang lahat para lang makatulong sa kanya. Pero bakit sa simpleng suporta niya lang sa pangarap ko ay hindi niya magawa? Mahirap bang suportahan ako? Iyon lang naman ang kailangan ko eh. Handa akong magsikap dito sa aking pagkanta para makakuha ng maraming pera… para maging mayaman kami ni Ate Christine. Pero bakit ganito si Ate sa akin? “A-Ate… bakit hindi mo ako kayang suportahan? Ito na nga oh, natupad na po ang matagal ko nang pangarap. Ang gusto ko lang naman po ay ang suporta niyo sa akin eh,” mahina kong sabi habang patuloy ako sa aking pag-iyak. “Aba! Nagda-drama ka pa talaga diyan ah?!” Humakbang palapit sa akin si Ate Christine at bigla niya na lang hinila ang aking buhok kaya nabitawan ko ang cellphone niya na hawak ko ngayon. Nang makuha ni Ate Christine ang kanyang phone ay marahas niyang binitawan ang pagkakahila sa aking buhok. Napaupo ako sa may sahig at natamaan pa ako sa edge ng lamesa sa may bewang kaya napadaing ako sa sobrang sakit. “Ang arte mo! Alam ko kung bakit hindi ko magawang sumuporta sayo? Kasi masyado kang ilusyunada! Kung nagtrabaho ka pa sana diyan sa mga call center o kahit ano pang trabaho diyan na kikita ka kaagad ng pera, matutuwa pa ako sayong putang ina ka! Kaya ‘wag mo akong artehan diyan! Tang ina mo! Badtrip!” galit na sigaw ni Ate at malakas niya akong sinipa bago siya muling pumasok sa kanyang kwarto at padabog niyang sinirado ang pinto niya. Nang ako na lang mag-isa rito sa labas ay tuluyan na akong napaiyak. Hinay-hinay akong napaupo rito sa may sahig at napayakap ako sa aking sarili habang humahagulgol. “Mama… miss na po kita,” mahina kong sabi habang yakap ko ang aking sarili. May kapatid nga ako, pero hindi ko naman nararamdaman na kapatid ko si Ate Christine. Hindi kapatid ang turing niya sa akin—katulong… basahan. Walang araw na hindi ako sinasaktan ng Ate Christine ko. Noon ay naisip ko nang lumayas, pero habang iniisip ko ang huling sinabi ni Mama sa akin bago siya mamatay, hindi ko na itutuloy ang aking gagawin na pag-alis. ‘Kahit anong mangyari, ‘wag na ‘wag kayong maghihiwalay ng kapatid mo, Celeste. Ang Ate mo ang kakampi mo sa buhay.’ Gusto kong paniwalaan ang sinabi ni Mama sa akin noon, pero habang iniisip ko ang mga pananakit ng kapatid ko sa akin ay hindi ko na alam kung maniniwala pa ako na kakampi ko sa buhay si Ate Christine. Huminga ako ng malalim at pinakalma ko ang aking sarili. Pinunasan ko ang aking mga luha sa mukha at sinubukan kong tumayo kahit na nakaramdam ako ng masakit sa katawan ko. Naglalakad na ako papunta sa aking kwarto at pumasok na ako sa loob. Agad na bumungad sa akin ang poster ni Aiden at hindi ko mapigilan na mapangiti kahit na kagagaling ko lang sa pag-iyak. Ipagpapatuloy ko ang pangarap ko. Malayo na ang aking narating… nakapasok na ako sa G Coleman Entertainment. Makakatrabaho ko na rin si Aiden. Humakbang ako palapit sa poster ni Aiden at hinawakan ko ito at muli akong napangiti. “H-Hindi ako susuko, Aiden. Ipapakita ko kay Ate Christine na mali ang iniisip niya. Magiging successful singer ako… at makak-duet din kita.” TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD