RUTHLESS 2: APPROVED

1161 Words
HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 2 APPROVED SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. “MATATAWAGAN kaya tayo ng mga agents?” tanong ng aking kabanda na si Sunny. Bumuntong-hininga ako at napanguso. Nandito kami ngayon sa bar na pagmamay-ari ng kaibigan namin na si Edrian. Hapon pa naman kaya wala pang mga customers. Dito rin kami nag gi-gig palagi dahil suki na rin kami sa bar na ito. Kanina pa namin hinihintay na tumawag ang agent galing sa G Coleman Entertainment, pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming natatanggap. Hanggang pangarap na lang ba na makapasok ako sa kompanyang pagmamay-ari ni Aiden? Gustong-gusto ko talaga siyang makatrabaho. “Sierra….” Napatigil ako sa aking pag-iisip ng tawagin ako ng aking kabanda na si Ace. Siya ang aming guitarist sa banda. “Ano ‘yun, Ace?” “Hmm, napaisip lang naman ako… paano kung hindi tayo tawagan ng G Coleman? Ng taga Music Beat Agency?” Napakurap kurap ako sa aking mga mata ng sabihin iyon ni Ace. “Ano ba ‘yan, Ace?! Ikaw, napaka negative person mo talaga! Lumayo ka nga dyan kay Sierra!” nakasimangot na sabi ni Sunny at itinulak niya palayo si Ace sa akin at si Sunny na ngayon ang umupo sa aking tabi at hinawakan niya ang magkabila kong kamay at tinignan niya ako sa aking mga mata. “Bes, never give up lang… diba? Kung hindi man tayo makapasok, mag-try ka ulit! Susuportahan ka namin,” nakangiting sabi ni Sunny sa akin. Bahagyang kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. “P-Paano kung hindi tayo makapasok lahat? At… at ako lang ang makapasok?” tanong ko sa kanya. Ngumiti si Sunny sa akin at pinisil ang aking kamay. “Syempre matutuwa kami para sayo, Sierra! No hard feelings, promise namin ‘yan ni Ace sayo. Susuportahan ka namin kahit na anong mangyari,” nakangiting sabi ni Sunny. “Tama ang sinabi ni Sunny, Sierra. Hindi lang naman tayo magka bandang tatlo eh, magkakaibigan din tayo!” nakangiting sabi ni Ace at kinindatan niya ako. Napangiti ako sa sinabi ng dalawa kong kaibigan at mas lalo pa akong nilakasan ng loob na maniwala para sa aking sarili. Simula noong high school ay nakakasama ko na si Sunny at Ace. Naging magkaibigan kaming tatlo dahil sa kahiligan namin sa musika. Well, si Sunny naman talaga at si Ace ang orihinal na miyembro ng Sunkissed Band at kinupkop lang nila ako. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa kanila dahil nagkaroon ako ng pera ng dahil sa mga gigs namin at nakakatulong ako ng konti sa aking Ate Christine. Huminga ako ng malalim at tumango-tango ako. Makukuha rin ako ng G Coleman… makakapasok din ako doon. “Sierra Celeste, Oh my God! Hanggang kailan mo ba papasakitin ang ulo ko?! Kahit paghuhugas ng mga pinggan ay hindi mo magawa?! Ano, ako pa ang gusto mong maghugas huh? Wala ka na ngang naitulong dito! Pabigat ka talaga!” galit na sigaw ni Ate Christine nang makauwi ako. Nakalimutan ko na hindi ko pa pala nahuhugasan ang mga pinagkainan namin kaninang umaga at tanghali. May biglaan kasi kami na gig ng banda ko kaya hindi ako nakauwi ng maaga at naunahan pa ako rito ni Ate Christine. Naiintindihan ko naman kung bakit ganito kagalit si Ate Christine sa akin ngayon dahil marami rin siyang mga trabaho at hindi lang sa pagba-ballet. Marami rin siyang mga part-time jobs dahil hindi sapat ang pagbaballerina niya sa mga gastusin namin sa pang araw-araw. “I-I’m so sorry, Ate Christine….” mahina kong sabi at nakayuko ako ngayon. “Sorry?! Puro ka na lang sorry!” sigaw ni Ate at napatili ako nang bigla niyang hilain ang aking buhok. “A-Ate Christine… masakit po….” umiiyak na ako ngayon dahil sa mahigpit na paghila ni Ate Christine sa aking buhok. Pinanlakihan niya ako ng mga mata at muli niya akong sinigawan. “Masakit?! Mas lalo natin ‘yang papasakitin!” sabi ni Ate at muli niyang hinila ang aking buhok at dinila niya ako sa may kusina habang hila-hila pa rin ang aking buhok ngayon. “A-Ate Christine, bitawan niyo na po ang buhok ko… maghuhugas na po ako…” pagmamakaawa ko sa aking kapatid. Nginudngod ako ni Ate Christine sa may sink kung saan nakalagay ang mga hugasin at bigla niya na lang binuksan ang tubig at idinikit ito sa aking mukha. Sumisigaw na ako ngayon at hindi na ako nakakahinga sa ginagawa ni Ate sa akin. Basa na rin ang aking damit at katawan ko dahil nababasa ako sa tubig. Makalipas ang ilang minuto ay binitawan na rin ako ni Ate Christine at ako naman ay hinang napahawak sa may sink habang umiiyak. Pinunasan ko ang aking mukha dahil na lalabi ang aking paningin ngayon. “Kulang pa ‘yang ginawa ko sayo! Hindi ka na talaga natatakot sa akin, huh? Gusto mo talagang sinasaktan ka ng ganito, Celeste, para lang gumawa ka sa mga trabaho mo rito sa bahay?!” Muli akong napatingin kay Ate Christine at masama pa rin ang kanyang tingin sa akin. “S-Sorry na po, Ate Christine. Hindi na po mauulit ang ginawa kong kamalian. Patawarin niyo na po ako….” Inirapan niya ako. “Maghugas ka na diyan! At pagkatapos mong maghugas, magluto ka na rin dahil nagugutom na ako!” singhal niya at padabog na umalis sa aking harapan at pumunta na siya sa kanyang kwarto. Napatingin ako sa aking sarili at hindi ko maiwasan na makaramdam ng awa para sa aking sarili. Para na akong basang sisiw ngayon. Gusto ko nang umalis, pero wala naman akong pera. Hindi ko rin kakayanin na mag-isa. Hanggang ngayon ay dependent pa rin talaga ako kay Ate Christine. Kahit na sinasaktan niya naman ako ng ganito ay binibigay niya pa rin ang mga pangangailangan ko. Pero ito nga lang ang bad side… palagi na lang akong nasasaktan. Habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin ni Ate Christine kanina ay nakatanggap ako ng text sa aking phone. Napatingin pa ako sa aking likuran kung nandoon ba si Ate at nakatingin sa akin dahil baka magalit na naman siya. Nang makita ko na wala naman siya at nasa loob siya ng kanyang kwarto, dali-dali kong kinuha ang aking phone at tingnan kung sino ang nagtext sa akin. Galing ito kay Sunny at napatakip ako sa aking bibig at nanlalaki ang mga mata ng mabasa ko ang kanyang message sa akin. From Sunny: Sierra! May pumunta dito na taga Music Beat—hinahanap ka nila! Ang sabi nila ay natanggap ka raw sa G Coleman. Binigay ko ang number mo sa kanila. Mamaya ay baka tatawag ‘yun sayo kaya stay put ka lang diyan. Congrats, bes! Proud na proud kami ni Ace sayo. Inuman tayo bukas! Sagot namin ni Ace ang alak. Hindi ko mapigilan na mapaiyak sa sobrang saya na aking nararamdaman ngayon. Natanggap ako sa G Coleman! Ito na talaga ang simula ng pangarap ko. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD