RUTHLESS 18: TALK

1306 Words
HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 18 TALK SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. ANG SAKIT pala kapag harap-harapan kang ginamit ng lalaking pinakamamahal mo ‘no? Sobrang sakit. Hindi ko mapigilan na mapaiyak nang sobra. Gusto kong maglaho na lang at hindi na ulit makita ng ibang mga tao. “Sierra? Bakit ka umiiyak?!” Natigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko ang aking manager na si Sir Lloyd. Gulat ang ekspresyon sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin na puno ng luha sa mukha at umiiyak pa rin ngayon. “S-Sir Lloyd….” “Sino ang nagpaiyak sayo?! Si Aiden ba?!” lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat. Nang dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ni Aiden ay muli kong naalala ang nangyari kanina at muli akong naiyak nang malakas. Lumapit pa lalo sa akin si Lloyd at naramdaman ko ang kanyang pagyakap sa akin at paghagod sa aking likod. “A-Ang sakit…. Ang sakit….” iyon ang munti kong nasabi ngayon habang patuloy ako sa pag-iyak. Hinayaan ako ni Sir Lloyd na umiyak habang yakap niya pa rin ako. Nang tumahan na ako sa pag iyak ay binigyan niya ako ng panyo upang punasan ang mga luhang nakakalat sa aking mukha. Sinamahan niya rin akong lumabas ng building at ngayon ay nandito na kami rito sa loob ng kanyang sasakyan. Nasa parking lot pa rin kami at hindi niya pa rin pinapaandar ang kanyang kotse. Pinagmamasdan niya ako ngayon habang nag-aayos ako sa aking sarili. “Pinagalitan ka ba ni Aiden sa loob ng recording room nang makaalis ako, Sierra?” seryoso na tanong ni Sir Lloyd sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at umiling-iling. “Hindi…” sagot ko sa kanyang tanong. Napakunot naman ang kanyang noo at muli siyang nagsalita. “Kung hindi ka niya pinagalitan, bakit ka umiiyak kanina nang makita kita sa hallway?” tanong ni Lloyd sa akin. Huminga ako ng malalim at pinilit ko munang hindi maiyak bago ko sabihin kay Lloyd ang dahilan kung bakit ako umiiyak kanina. “P-Pumunta doon sa recording room si Ma’am Nica….” mahina kong sabi at bahagya akong napayuko. Narinig ko ang pagsinghap ni Lloyd at nang mapatingin ulit ako sa kanya ay nakita ko ang gulat na ekspresyon sa kanyang mukha. “Pumunta doon si Veronica?” Tumango ako. “O-Oo… gusto niyang makipag-usap kay Aiden. Tapos… tapos pinakilala ako ni Aiden sa harapan ni Ma’am Nica na girlfriend niya ako,” muli kong sabi at napapikit ako sa aking mga mata at naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha. “Tang ina!” rinig ko na mura ni Lloyd. “Hindi talaga nag-iisip lagi ang lalaking ‘yun! Hindi niya man lang naisip na masasaktan ka sa ginawa niya?! H’wag kang mag-alala, kakausapin ko si Aiden—” “Wag na, Lloyd! ‘Wag mo nang kausapin pa si Aiden. Ako na ang kakausap sa kanya… kaya ko ‘to,” sabi ko sa kanya at nginitian ko siya. Marami nang naitulong si Lloyd sa akin, kahit na sa personal kong mga problema kahit na hindi naman ito kasali sa trabaho niya bilang manager ko. Pero nandito pa rin siya para sa akin, para tulungan at kabayan ako. “Saan ka uuwi ngayon? Sa bahay niyo ba, o doon sa dorm?” “Uhm, doon na lang sa dorm.” Tumango si Lloyd at pinaandar na niya ang kanyang kotse at hinatid na niya ako papunta sa building ng dorm namin. Hindi na muna ako uuwi sa apartment dahil sigurado akong huhuthutan na naman ako ni Ate Christine at hindi pa rin ako naka get over sa ginawa niyang pagkuha sa buo kong pera. Wala na akong pera ngayon kaya sa dorm na muna ako. “Maraming salamat sa paghatid sa akin dito, Sir Lloyd,” sabi ko nang makababa ako sa kanyang sasakyan. Ngumiti siya at tumango. “Walang anuman, Sierra. Magpahinga ka na sa kwarto mo. I’ll see you tomorrow in the office, okay?” Ngumiti rin ako sa kanya at tumango. “Okay! Bye!” sabi ko at pumasok na sa loob ng building. Pumunta na ako sa loob ng dorm namin at ako pa lang mag-isa doon at wala ang ka-roommate ko na si Ariana. Siguro ay busy pa rin iyon sa Music Beat. Overtime raw kasi ang kanilang training doon eh kaya minsan lang siya nakakauwi. Dumiretso ako sa shower room at naligo. Habang naliligo ako ngayon at nakapikit ang mga mata, hindi ko na naman maiwasan na maisip ang nangyari kanina. Hindi ko kayang maging masaya sa pagpapakilala ni Aiden sa akin na girlfriend niya sa harapan ng kanyang ex-girlfriend dahil alam ko na mahal niya pa rin si Ma’am Nica. At ako? Ginagamit niya lang ako para masaktan niya ang damdamin ni Ma’am Nica. Tama na Celeste… ‘wag ka nang umasa kay Aiden. Mag focus ka na lang sa career mo. Wala kang mapapala sa pagmamahal mo sa lalaking hindi ka naman mahal at kayang mahalin. Natigil ako sa aking pagligo nang marinig ko ang sunod-sunod na pagbuzz sa pintuan ng dorm namin. Napakunot ang noo ko dahil wala akong ini-expect na pupunta ngayon sa dorm. At isa pa, alam kong hindi ‘to si Ariana dahil may sarili siyang susi sa dorm namin at hindi na niya kailangan pang mag buzz. Pero baka nakalimutan niya ang susi, diba? Dahil sa sunod-sunod na buzz ay wala akong nagawa kundi tumigil sa pagligo at kinuha ko ang tuwalya at pinulupot ko ito sa aking basa at hubad na katawan at lumabas na sa shower room. “Sandali lang!” sigaw ko habang nag-aayos sa tuwalyang nakapulupot sa aking katawan at nagmamadaling pumunta sa may pintuan upang buksan ito. “Sino ba kasi—” hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang makita ko kung sino ang nasa labas ng dorm namin at kung sino ang kanina pa buzz nang buzz… walang iba kundi si… “A-Aiden….” hindi ko makapaniwala na sabi. Walang pasabi na pumasok siya sa loob ng dorm kaya hindi ko na siya napigilan pa. “Anong ginagawa mo rito?!” tanong ko sa kanya bago ko isarado ang pinto at harapin siya. Seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha ngayon habang nakatingin sa paligid. Humarap siya sa akin at tinaasan niya ako ng kilay at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya nakaramdam ako nang hiya kaya niyakap ko ang aking sarili. Napalunok ako sa aking laway. “A-Anong kailangan mo?” tanong ko sa kanya. “We need to talk,” seryoso niyang sabi. Kumunot ang aking noo. “Talk? Wala akong oras na makipag-usap sayo, Sir Aiden. Umalis ka na dahil marami pa akong gagawin,” malamig kong sabi at akmang aalis na ako nang mahawakan niya ang aking braso at hinila niya ako palapit sa kanya. Nanlalaki ang aking mga mata nang magdikit ang aming mga katawan at pinulupot niya pa ang kanyang braso sa aking bewang kaya mas lalo lang akong nadikit sa kanya. “A-Ano ba?! Bitawan mo nga ako!” inis kong sabi at sinusubukan kong itulak siya palayo, pero mas malakas pa rin siya sa akin. “Bibitawan kita kung makikipag-usap ka sa akin ngayon.” “Nag-uusap na tayo! Bitawan mo na ako, Aiden! Napapagod na ako!” sigaw ko. Natigilan din kaagad ako sa aking sinabi at napagtanto ko na doble na rin pala ang meaning ng sinabi ko. Nakita ko rin ang pagkunot sa kanyang noo habang nakatingin sa aking mga mata. Umiwas ako ng tingin kay Aiden. Naramdaman ko ang pag hawak niya sa aking panga kaya napatingin ulit ako sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa. Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha at nagsalita na ikinatigil ko. “I will not let you go, Celeste… not this time.” TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD