HIS RUTHLESS WAYS
EPISODE 10
SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW.
“Hinding-hindi ka na makakawala sa akin ulit, Celeste.”
NABABALIW NA ako!
Hindi ko alam kung pinag ti-tripan lang ba ako ni Aiden, o trip niya lang talaga na guluhin ang utak ko?! Kasi kahit na isang linggo na ang nakalipas ay hindi pa rin mawala ang sinabi niya noong nakaraang linggo sa isipan ko. Anong ibig niyang sabihin na hindi na ako makakawala sa kanya ulit? Anong gagawin niya, huh? Argh! Nakakainis talaga.
“Sierra, okay ka lang ba?”
Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata nang marinig ko ang boses ng aking manager na si Lloyd. Napatingin ako sa kanya at pinilit ko na ngumiti.
“O-Okay lang ako, Lloyd. May sinasabi ka ba?”
Umiling-iling siya habang nakatingin pa rin sa akin.
“Wala naman… napapansin ko lang kasi ang katahimikan mo eh. Parang may malalim kang iniisip. Gusto mo bang ‘wag ka nang pumunta sa class mo mamaya? Sabihin ko na lang na masama pakiramdam mo.”
Mabilis naman akong umiling-iling.
“N-Nako! ‘Wag na. Okay lang talaga ako, Lloyd. Kay bago-bago ko rito sa industriya, tapos aabsent na ako? Hindi pwede ‘yun. Kaya ko ang aking sarili,” sabi ko at ngumiti muli sa kanya.
Sobrang swerte ko na si Lloyd ang naging manager ko. May mga kasabayan din ako na mga bagong artist dito sa G Coleman, pero iba ang mga managers nila. May isa akong kasamahan na umiyak dahil pini-pressure raw siya ng manager niya. Buti na lang talaga at alagang-alaga ako ng manager ko.
“Talaga? Sure ka diyan, Sierra? Mukha kasing may mabigat kang problema eh. Pwede naman kitang eh excuse muna sa class ni Sir Aiden,” sabi ni Sir Lloyd.
Nang mabanggit niya ang pangalan ni Aiden ay para akong namutla. Naaalala ko na naman ang sinabi niya sa akin. Ngayon ko lang ulit siya makikita makalipas ang isang linggo, simula nang magkita kaming dalawa rito sa G Coleman.
“N-Nakauwi na si Sir Aiden?” tanong ko kay Lloyd.
Tumango siya at ngumiti.
“Yes, Sierra. Si Sir Aiden na ang papalit kay Sir Black sa class ngayon dahil busy si Sir Black. At mukhang mag fo-focus na rin si Sir Aiden sa inyong mga new artists dahil next month ay soft launch niyo na,” sagot ni Lloyd sa aking katanungan.
Muli naman akong napalunok sa aking laway at kinabahan ng sobra. Makikita ko na talaga ulit si Aiden.
Hindi ko alam kung ano ang mukhang maihaharap ko sa kanya. Act normal? Act na walang alam sa nakaraan? Argh! Naiinis ako.
“May problema ka ba kay Sir Aidemn, Sierra?”
Napakurap-kurap ako sa aking mga mata nang itanong iyon ni Lloyd sa akin.
“H-Huh?”
Nakita ko ang pag ngisi ng kanyang mukha bago siya muling magsalita.
“Akala mo hindi ko napapansin, Sierra? May something sa inyo ni Sir Aiden… nararamdaman ko.”
Nanlaki ang aking mga mata at nagulat sa sinabi ni Lloyd. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayon.
“A-Ah… A-Ano….”
“Don’t worry, Sierra, hindi naman kita ilalaglag! Kung may something kayo ni Sir Aiden, hindi ko ipagsasabi sa ibang tao. Remember, ako ang number one defender mo,” nakangising sabi ni Lloyd at kinindatan niya ako.
Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapangiti sa kanyang sinabi.
“Maraming salamat, Lloyd…”
Parang Kuya ko na rin si Lloyd. Ang nararamdaman ko kay Lloyd ngayon ay ang gustong-gusto kong maramdaman sa kapatid ko na si Ate Christine. Sana… sana concern din sa akin si Ate, pero sobrang layo… hinding-hindi na mangyayari ‘yun.
“NASA OFFICE na si Sir Aiden, Sierra. Pumunta ka na doon,” wika ni Lloyd.
Inayos ko na ang aking sarili bago ako lumabas at naglalakad na papunta kung saan ang opisina ni Aiden. Nakasabayan ko rin ang kasamahan ko na new artist na si Mario.
“Kinakabahan ako….”
Napatingin ako kay Mario at napakunot ang aking noo ng sabihin niya iyon. Nakita ko rin ang pagpapawis sa kanyang noo at ang kanyang pamumutla kaya mas lalo akong nagtaka sa kinikilos niya ngayon habang papunta kami sa office ni Aiden.
“Bakit ka kinakabahan, Mario?” tanong ko sa kaya at hinawakan ko rin ang kanyang balikat.
Napatingin siya sa akin at huminga siya ng malalim.
“Kinakabahan ako kay Sir Aiden, Sierra. Mas nakakatakot siya kaysa kay Sir Black. Sobrang strikto!”
Napakunot pa lalo ang noo ko sa sinabi ni Mario.
“Talaga? Paano mo nasabi?” tanong ko muli sa kanya.
“Umiyak si Anastasia! Pinagsasalitaan daw ng mga masasamang salita ni Sir Aiden. Muntik na nga siyang mag backout eh, buti na lang at napigilan ng manager niya.”
Napaawang ang labi ko sa gulat nang sabihin niya iyon sa akin. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko tungkol kay Aiden. Oo, nakikita kong nagbabago na siya, pero hindi ako makapaniwala ganun ka lala ang pinagbago niya.
“Kaya kinakabahan ako, Sierra. Hindi ko pa naman keri na pagsabihan ako ng masasama na salita,” naiiyak na sabi ni Mario.
Napalunok na lang ako sa aking laway at hindi na nagsalita pa. Sabay na kaming pumasok ni Mario sa loob ng opisina ni Aiden. Nang makapasok ako sa loob ay agad na nakasalubong ang mga tingin namin ni Aiden kaya nagsimula na akong kabahan lalo na’t seryoso ang ekspresyon sa mukha ngayon ni Aiden.
“G-Good afternoon po, Sir Aiden!” bati ni Mario.
Kung hindi pa sana bumati si Mario ay hindi ako matatauhan. Bahagya na lang akong yumuko upang paggalang kay Aiden. Nanatili akong nakayuko habang nakasunod kay Mario, pero natigil ako sa aking paglalakad nang tawagin ako ni Aiden.
“Sierra Celeste.”
Nag angat ako ng tingin sa kanya habang nanlalaki ang aking mga mata.
“Y-Yes po?” nauutal kong sabi.
Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba ngayon lalo na’t marami kami rito sa loob ng opisina.
“Come here,” malamig niyang sabi.
Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at itinuro ko ang aking sarili.
“A-Ako po?”
Napataas siya sa kanyang kilay na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
“Sierra, sundin mo ang sinabi ni Sir!” rinig ko na mahinang sabi ni Mario at bahagya niya akong itinulak papunta sa harapan ni Aiden.
Sobrang lakas na ng pagtibok ng aking puso ngayon sa sobrang kaba. Kahit na ayaw ko, inihakbang ko ang aking mga paa papunta kay Aiden. Lumapit ako sa kanya habang nanginginig ang buo kong katawan.
Hinay-hinay kong inangat ang aking ulo at napatingin ako kay Aiden. Nagsalubong ang aming mga tingin at para akong mawawalan ng hininga sa uri ng tingin niya sa akin ngayon.
“B-Bakit po?” tanong ko sa kanya habang labis pa rin ang kaba na aking nararamdaman.
“I want to train you separately from the others, Miss Celeste.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Aiden. Narinig ko rin ang pag singhap ng mga kasamahan ko rito sa loob ng kwarto.
“P-Po?”
Humakbang palapit sa akin si Aiden at bahagya niyang inilapit ang mukha niya sa aking mukha at ipinantay niya rin ito sa akin bago siya muling magsalita.
“I heard from Mr. Black that you’re not doing your best in the class, Miss Sierra. Gusto mo ba talaga maging singer?”
Nagulat ako sa sinabi ni Aiden.
“H-Ho? Yes po! G-Ginagalingan ko naman po, Sir….” naiiyak na ako.
Hindi ko alam kung bakit nasabi ‘yun ni Aiden ngayon. Ginagalingan ko naman. Sa katunayan nga ay lagi akong pinagmamalaki ni Mr. Black.
Umiling-iling si Aiden at nakita ko ang bahagyang pag angat ng kanyang labi habang nakatingin pa rin sa akin.
“That’s my final decision, Miss Sierra. Tuloy ang class ni Mr. Black sa ibang new artists, pero sayo? Sa akin ka.”
TO BE CONTINUED...