RUTHLESS 5: CLUB

1350 Words
HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 5 SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. “CONGRATULATIONS, Sierra! Grabe! Proud na proud kami ni Ace sayo. Sabi ko na nga ba, matatanggap ka talaga eh!” masayang sabi ni Sunny at niyakap niya ako ng mahigpit. Napangiti ako at niyakap ko rin siya pabalik. Katatapos lang ng pagtugtog namin dito sa resto bar at ngayon ay nag-iinuman na kaming tatlo. Libre ito ng may-ari ng resto bar na pinagkantahan namin dahil nalaman nila na natanggap ako sa G Coleman Entertainment. Masaya rin sila para sa akin. Sana ganito rin si Ate Christine sa akin, pero mukhang malabo na mangyari ‘yun. “Lod ka talaga namin, Sierra! Sobrang galing mo,” nakangiting sabi ni Ace at nakipag fist bump siya sa akin. Mahina akong matawa at ngumiti ako sa kanilang dalawa ni Sunny. Hindi man ako swerte kay Ate Christine, swerte naman ako sa mga kaibigan ko na sobrang suportado sa akin. “Maraming salamat sa inyo… Sunny at Ace. Kung hindi siguro dahil sa inyo, hindi ako makukuha sa G Coleman Entertainment. Kaya sobrang thank you talaga sa inyo,” sabi ko sa kanila at tuluyan na akong naiyak. Muli akong nilapitan ni Sunny at pinunasan niya ang mga luha na pumatak sa aking mukha. Si Ace naman ay hinagod-hagod ang aking likuran. “Hala siya! Bakit ka ba umiiyak diyan, Sierra? Dapat happy lang! Dapat tawanan lang ngayon dahil natanggap ka sa pangarap mong entertainment! Sandali nga… umalis na lang tayo rito at pumunta sa isang club!” sabi ni Sunny at ngumiti siya. Napanguso naman ako sa sinabi ni Sunny at napasulyap ako kay Ace. Tumango-tango rin siya at sumang-ayon sa sinabi ni Sunny. “Tama! Puro heartbreak songs na ang kinakanta ng singer ngayon. Hindi bagay sa mood natin ngayon. Kailangan natin ng maingay na crowd,” wika ni Ace. Humagikhik naman si Sunny at nag-apir silang dalawa ng kanilang mga kamay. “W-Wala akong pera para pumasok sa isang club,” mahina kong sabi. Inakbayan ako ni Sunny kaya napatingin ako sa kanya. “Ano ka ba! Nandito kami ni Ace, okay? Libre na kita! Si Ace naman ay sa mga alak! Game?” nakangisi na sabi ni Sunny. Nag thumbs up naman si Ace at tumango-tango. “Sige na, Sierra! ‘Wag ka munang uuwi sa apartment niyo ng bruhilda mong kapatid. Hindi ka naman hinahanap nun eh,” sabi ni Ace at ikinasang-ayon din ni Sunny. Huminga ako ng malalim at inayos ko ang aking sarili bago muling tumingin sa kanilang dalawa at tumango. Tama rin ang sinabi nila... dapat mag-enjoy din ako ngayon. Kailangan ko rin na magsaya at huwag isipin ang mga problema. Kapapasok ko lang sa G Coleman Entertainment at pangarap ko ito simula pa noon. Big deal ito sa akin kaya mas kailangan talaga namin na mag celebrate. “Sige… payag na ako,” mahina kong sabi. Napahiyaw si Sunny at pinudpod niya ng halik ang aking pisngi kaya natawa na rin ako sa kanyang ginawa. “Tara na! Let’s enjoy this night!” sabi ni Sunny at hinila na niya ako patayo. Umalis na kami sa resto bar upang makapunta sa isang club. May sasakyan si Ace kaya iyon din ang sikayan namin papunta sa club na hindi ko alam kung saan. Sila lang din naman ang laging nagpupunta sa clubs eh. Wala rin naman akong pera para makapunta sa mga lugar na iyon. At isa pa hindi ko pa nasusubukan na mag clubbing… ngayon pa talaga. Nakakaramdam ako ng konting kaba. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ko sa loob ng club. Pero may nararamdaman din akong excitement lalo na ngayon na maraming mga kinukwento si Sunny habang papunta sa kami sa club at patuloy si Ace sa kanyang pagdadrive. “Alam mo ba, maraming mga pogi doon sa club na pupuntahan natin! Nasubukan mo na bang makipag momol, Sierra?” Napangiwi ako sa sinabi ni Sunny at hindi ko mapigilan na mandiri. “A-Ano ba Sunny! A-Ang bastos mo! Hindi ko gawain ‘yan,” nauutal kong sabi at umiwas ako ng tingin sa kanya. Humahalakhak naman siya sa pagtawa. “Hay nako Sierra! Masyado ka pa talagang birhen. Kailangan mo ng makatikim ng momol. Alam mo, hahanapan kita ng hottie guy mamaya sa club. Hindi imposible na walang magkagusto sayo doon dahil sobrang ganda mo!” sabi ni Sunny at kumapit siya sa aking braso. Hindi ako makapagsalita at mas lalo pa akong kinabahan. Ayoko na magkaroon ako ng ka-momol mamaya! Gusto ko lang na mag-enjoy. Okay na sa akin na uminom ako ng alak, ‘wag lang ‘yang momol na ‘yan. Virgin pa ang lips ko. I have never been kissed! Ayoko rin na kung sinu-sino na lang ang makakakuha ng first kiss ko ‘no! “Ano ka ba Sunny! Tinatakot mo naman si Sierra. Baka bigla na lang ‘yang mag backout eh. Namumutla na nga diyan oh!” sabi ni Ace at tinignan niya ako sa may rear-view mirror at mahina siyang tumawa. Napatingin naman sa akin si Sunny habang nakanguso. Naningkit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. “Wait lang… you never experienced momol in your whole life, Sierra?!” tanong sa akin ni Sunny. Namula ako ng sabihin niya ‘yun at hindi ako makapagsalita. Napasinghap siya at napatakip sa kanyang bibig. “Wala ka ring first kiss?” tanong niya muli sa akin. Tinignan ko siya ng masama. “Sunny, please! ‘Wag na natin’ ‘yang pag-usapan, okay?” sabi ko sa kanya na may konting inis. Humagikhik siya at tumango-tango. “Okay po! Sorry naman.” NAKARATING NA kaming tatlo sa Hottie Club, iyon ang pangalan sa club na pinuntahan namin ngayon ni Sunny at Ace. Nakaakbay sa akin si Ace, habang si Sunny naman ay nakakapit sa aking braso. Para nila akong anak at pumasok na kami sa loob ng club. Isang malakas na tugtog galing sa DJ sa itaas ang bumungad sa amin ng pumasok kami sa loob. “Woah! Party! Party!” hiyaw ni Sunny at kumalas na siya sa pagkakakapit sa akin at sumayaw-sayaw siya. “Punta na tayo sa table natin,” wika ni Ace at naglalakad na kami papunta sa table namin. Iniwan namin si Sunny. Nang makaupo kami ni Ace sa aming table ay agad kong hinanap si Sunny sa paningin ko, pero hindi ko siya makita. “Ace! Hindi ko makita si Sunny,” natataranta kong sabi sa kanya. Ngumisi siya at nagsalita. “Wag kang mag-alala sa babaeng ‘yun! Pupunta rin ‘yun dito. Sandali lang, anong gusto mong drinks? Tequila? Mojitos? Redhorse? Sabihin mo lang Sierra!” sabi ni Ace. Napa kurap-kurap ako at hindi ko alam kung ano ang aking ere-react. Para akong na-culture shock dito sa loob ng club! Ibang iba pala siya sa ibang mga bar na pinupuntahan namin nila Ace at Sunny para kumanta. Sobrang ingay ng paligid. Marami rin akong nakikitang mga babae at lalaki na naghahalikan kahit saang sulok ng club. Ito ba ang sinasabi na momol ni Sunny? Ayoko nang ganito! “Sierra?” muling tawag sa akin ni Ace kaya napatingin ako sa kanya. “Uhm… kahit ano na lang, Ace,” mahina kong sabi. Tumango naman siya at tumayo. “Dito ka lang, ah? Kukuha lang ako ng mga alak. ‘Wag ka nang mag-alala kay Sunny. Pupunta rin ‘yun dito,” sabi ni Ace at umalis na siya. Naiwan na akong mag-isa rito sa aming table. Tahimik lang akong nakaupo ng matuwid habang nakatingin sa paligid. Para akong bata na iniwan ng mga magulang sa may customer service ng mall. Jusko! Ano bang gagawin ko? Habang patingin-tingin ako sa paligid ngayon, natigilan ako at nanlaki ang aking mga mata ng makita ko sa hindi kalayuang table ang isang lalaki na kilalang-kilala ko. Si Aiden! Nandito siya ngayon sa loob ng Hottie Club. Naramdaman ko ang paglakas ng t***k ng aking puso. Sandali lang… kinakabahan ako. Bakit ako nakakaramdam ng kaba?! Anong ginagawa rito ni Aiden? May… may ka-date kaya siya rito? TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD