HIS RUTHLESS WAYS
EPISODE 11
SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW.
NABABALIW NA ako! Paano ko maiiwasan ngayon si Aiden kung lagi na kaming magkikita dalawa? Hindi ko na alam ang gagawin ko.
“Sierra?”
Napakurap kurap ako sa aking mga mata ng marinig ko ang boses ni Lloyd. Kanina pa pala ako tulala at hindi ko na napansin ang pagsasalita ng manager ko.
“Y-Yes, Lloyd?”
Lumapit siya sa akin at umupo siya sa aking tabi.
“Okay ka lang?” alala niyang tanong sa akin.
Huminga ako ng malalim bago ako humarap sa kanya at nagsalita.
“K-Kinakabahan lang talaga ako ngayon, Lloyd,” mahina kong sabi.
Ngayon kasi ang unang araw ng voice lesson ko with Sir Aiden. First time ‘to na isang tao lang ang tuturuan niya. Pinaparusahan niya ba ako dahil iniwan ko siya nang gabing iyon? Ayoko lang naman na isipin niyang naghahabol ako sa kanya eh. Kung natatakot siya na may pagsasabihan ako ng nangyari sa amin, hindi mangyayari ‘yun dahil wala na sa akin ‘yun… kaya ko iyong kalimutan.
“Ano ka ba? ‘Wag ka ngang kabahan! Kaya mo ‘yan, Sierra. Ang galing mo kaya! Kahit na strict ‘yan si Sir Aiden, magaling naman ‘yang mag appreciate ng mga new artists. Sigurado ako na isa ka sa mga pagsasabihan niya ng mga magagandang words,” nakangiti na sabi ni Lloyd sa akin at kinindatan niya ako.
Huminga ako ng malalim at ngumiti ako sa kanya. Nakaramdam ako ng konting ginhawa sa sinabi sa akin ng aking manager.
Think positive lang tayo rito, Celeste.
Alam ko naman na professional si Sir Aiden at kung ano man ang inis at galit na nararamdaman niya sa akin, hindi niya idadamay ang trabaho ko.
“Go na, Sierra! You can do it!” nakangiti na sabi ni Lloyd nang makarating na kami sa studio kung saan kami mag vo-voice lesson ni Sir Aiden.
Ako lang ang papasok sa loob dahil may gagawin pa na importanteng bagay si Lloyd. Gusto nga sana niya akong samahan eh, pero may pinagawa lang ang head manager sa kanya kaya hindi pwede.
Huminga ako ng malalim at yumakap muna ako kay Lloyd bago ako pumasok sa loob.
“Thank you, Lloyd! Gagalingan ko!”
Tumango siya. “That’s the spirit! Fighting!”
Pumasok na ako sa loob ng studio at bumungad kaagad sa akin si Aiden na nakikinig ng tugtog habang nakasuot ng headphone. Nakapikit ang kanyang mga mata ngayon at bahagyang gumagalaw ang kanyang ulo habang nakikinig ng tugtog. Ang hot niyang tingnan… sh*t— bigla niyang iminulat ang kanyang mga mata kaya natataranta ako bigla.
“G-Good afternoon po, Sir Aiden!” natataranta kong pagbati sa kanya at bahagya akong yumuko.
Inihubad niya ang suot niyang headphone at tumayo siya habang nakapamulsang nakatingin sa akin gamit ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha.
“Are you nervous?”
Bahagyang nanlaki ang aking mga mata sa biglaan niyang tanong sa akin.
Halata ba na kinakabahan ako?
“H-Ho? Hindi po!”
Napataas siya sa kanyang kilay habang nakatingin pa rin sa akin.
‘Wag mo akong tingnan ng ganyan Aiden! Matutunaw ako!
“Really? Bakit hindi ka makatingin sa akin?”
Mabilis akong napatingin sa kanya ng sabihin niya iyon sa akin. Nakita ko ang bahagyang pag angat ng gilid ng kanyang labi, pero agad din itong nawala at bumalik siya sa pagiging seryoso niya.
“This is the first day of your voice lesson with me, Celeste. You might be wondering why I chose you to train; it’s not because you’re not doing excellent in your class, but because you were too good, and you need to develop it in the correct way… with me,” seryosong sabi ni Aiden habang nakatingin pa rin sa akin ng diretso.
Napalunok ako sa aking laway at naramdaman ko ang pag init ng aking mukha. Ang lakas na rin ng pagtibok ng puso ko ngayon. Ito na ba ang sinasabi ni Lloyd na magaling mag appreciate si Aiden ng mga new artists? Dahil ngayon… nararamdaman ko na talaga ito kahit hindi pa naman kami nagsisimula sa klase.
“T-Talaga po? Salamat po, Sir Aiden!” sabi ko at hindi ko rin mapigilan ang aking sarili na maging emosyonal.
Bukod sa mga kaibigan ko, ngayon lang ako nakatanggap ng positibong mga salita… at galing pa talaga ito sa matagal ko nang iniidolo—sa lalaking nag impluwensya sa akin na ipagpatuloy ko ang aking pagkanta.
At ngayon, kaharap ko na siya… at siya pa ang magtuturo sa akin para maging isang successful na singer ako.
Sobrang saya ko ngayon.
Bahagyang ngumiti sa akin si Aiden at tumango.
“Yes, so you’re lucky. I know you’re going to be a big star… I trust you with that,” sabi ni Aiden at tumalikod siya sa akin at muli siyang umupo sa isang swivel chair.
He trusts me.
Ang sarap sa pakiramdam.
Naniniwala siyang magiging big star ako!
“Now sing.”
Natigilan ako nang sabihin iyon ni Aiden.
“H-Ho?”
Tinaasan niya ako ng kanyang kilay. “What do you think will happen in this session, Miss Sierra Celeste? Sing so that I can evaluate your voice,” seryoso na sabi ni Aiden.
Bumalik na naman siya sa pagiging strict boss. Ang bilis naman magbago ng kanyang mood.
Huminga ako ng malalim at nagsimula akong kumanta. Ang kinanta ko ngayon ay ang kanta ni Kitchie Nadal na Huwag Na Huwag Mong Sasabihin.
Nang magsimula akong kumanta ay ipinikit ko ang aking mga mata upang hindi ako ma distract kay Aiden dahil sigurado akong matatarata ako at hindi makapag focus sa aking pagkanta. Pero habang tumatagal ay unti-unti ko rin na iminulat ang aking mga mata lalo na nang kantahin ko na ang chorus.
Nagkasalubong ang mga tingin namin ni Aiden. Ang seryoso ng kanyang mukha ngayon habang tahimik siyang nakikinig at nanonood sa aking pagkatanta sa kanyang harapan. Sana sa paraan na ito... maramdaman ni Aiden ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.
Oh wooh
‘Wag na ‘wag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong
Pag-ibig kong handang
Ibigay kahit pa kalayaan mo
Nirerespeto ko si Aiden… sobra.
Pero handa rin akong magpakabaliw sa kanya. Alam kong hindi siya maayos ngayon lalo na’t kakahiwalay pa lang nila ni Miss Veronica… sa long time girlfriend niya na nabuntis ng kanyang kakambal na si Caden. Alam kong hindi pa rin siya okay ngayon at nilulunod niya lang ang sarili niya sa trabaho.
Mahal na mahal kita, Aiden.
Sana mabigyan ako ng pagkakataon na maiparamdam sayo ang pagmamahal ko.
TO BE CONTINUED...