RUTHLESS 1: TADHANA

1047 Words
HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 1 TADHANA CELESTE’S POINT OF VIEW. “SIERRA CELESTE, kailan ka ba magkakatrabaho huh? Hindi porket marami akong trabaho ay ako na ang nagpapakahirap dito! Kailangan mo rin na tumulong sa akin.” Bahagya akong napayuko ng sabihin iyon ng aking kapatid na si Ate Christine. Siya na lang ang nag-iisa kong pamilya dahil wala na si Mama at Papa. Malaki naman ang pasasalamat ko kay Ate Christine dahil pina-aral niya ako, pero hanggang high school lang ang kanyang kaya dahil masyadong magastos sa college. Hindi naman kasi ako matalino para makakuha ng scholarship eh. Kaya ngayon ay nagsusumikap ako para magkapera sa aking talent at ito ang pagkanta. “M-May gig po kami mamaya ng banda ko sa isang bar, Ate Christine. Ang sabi ay may pupunta raw na representative ng mga talent agencies doon kaya baka makuha kami,” sabi ko kay Ate. Tinaasan niya ako ng kilay at napahawak siya sa kanyang bewang. Kung ako ay magaling kumanta, si Ate Christine naman ay magaling sumayaw. She’s a ballerina. Marami na ring napatunayan si Ate Christine sa industriya ng ballet, pero hindi pa rin naging sapat dahil mahirap lang kami. Sa katunayan nga ay best friend ni Ate ang sikat na ballerina sa buong mundo na si Ate Chantal Kiara Coleman. Nasa ibang bansa ito nagtatrabaho ngayon at sobrang proud kami sa kanya. “Yun lang, Celeste? May makukuha ka bang pera dyan sa gig mo?” malamig na sabi ni Ate Christine. Napalunok ako sa aking laway. “K-Kung may tip po—” “Oh my God! Get a job, Celeste! Hinahayaan kita sa kagustuhan mo dahil gusto kitang maging masaya, pero sumosobra ka na! Sana maisip mo rin ang mga bayarin dito sa apartment! Bwisit na buhay ‘to!” galit na sigaw ni Ate Christine at padabog siyang naglakad pabalik sa kanyang kwarto. Sinara niya ng napakalakas ang pinto ng kanyang kwarto kaya bahagya akong napatalon sa gulat. Napayuko ako at hinay-hinay rin akong bumalik sa akong kwarto at pumasok sa loob. Nang makapasok ako sa aking kwarto ay nawala na lang bigla ang lungkot na aking nararamdaman ng makita ko ang poster ng aking ini-idolo sa dingding. Humakbang ako palapit dito at hinawakan ko ang kanyang poster. Ito ang nag-iisa kong poster sa kanya dahil tumigil na siya sa pagkakanta ngayon at nag focus na lang sa pagiging producer. Sobrang bata pa nya sa picture, pero ang pogi pa rin talaga at nakaka-in love ang kanyang ngiti. “Hay nako, Aiden…. Ikaw lang talaga ang nagpapakalma sa akin. Hindi ako susuko sa aking pangarap. Matutupad din ang aking pangarap na maka-duet ka. Mahal na mahal kita, Aiden,” pagkausap ko sa kanyang poster at hinalikan ko ito. Pag siguro may nakakita sa akin ay paghinalaan akong baliw eh. Pero mahal ko talaga si Aiden—mahal ko na siya noon pa. Una ko siyang nakita sa gym ng skwelahan namin. Kumakanta ang banda niya roon at siya ang vocalist. Sobrang ganda ng kanyang boses at ang ganda ng kanyang mga ngiti. Hindi ko mapigilan na mahulog sa kanya lalo na nung magka salubong ang aming mga tingin. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang moment na ‘yun. “Sierra, nandito raw ang representative ng G Coleman….” Nag-aayos ako ngayon sa aking gitara ng sabihin iyon ng aking kabanda na si Sunny. Sa mundo ng musika ay Sierra ang gusto kong itawag sa akin ng mga tao. Nanlaki ang aking mga mata at humarap ako sa kanya. “H-Huh? Nandito ang representative ng G Coleman Entertainment? O-Oh my God….” hindi ako makapaniwala. Ang G Coleman Entertainment ay ang entertainment na pagmamay-ari ni Trevor Gideon Coleman, ang ama ni Aiden. Doon din nagtatrabaho si Aiden bilang producer at marami na silang napasikat na mga musicians at pati na rin mga banda. Hindi ko mapigilan na ma-excite at kabahan ng sobra. Kailangan kong galingan sa pagkanta ngayon upang mapansin kami ng G Coleman. Gustong-gusto ko talagang makapasok sa kanilang agency. Gustong-gusto ko talagang makasama si Aiden. Isa pa, sobrang gandang humandle ng G Coleman sa kanilang mga talents kahit na baguhan pa ‘yan at mga sikat. “Oo, Sierra! Kaya galingan mo mamaya sa pagkanta kapag tayo na ang pupunta sa stage. Okay lang sa amin na hindi kami mapasama, basta makuha ka lang. Alam naman namin na matagal mo na itong pangarap eh,” nakangiting sabi ni Sunny. Hindi ko mapigilan ang sarili na maging emosyonal. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Malaki ang pasasalamat ko sa banda nila Sunny dahil kinupkop nila ako at ginawa nilang vocalist. Kulang kasi sila ng vocalist kasi iyong dati nilang bokalista ay nag abroad na at tamang-tama naman na naghahanap din ako ng trabaho, kinuha nila ako sa banda at kasama na ako sa mga gigs nila. “Let’s welcome, Sunkissed Band!” Huminga ako ng malalim at pumunta na kami sa may stage ng tawagin ang pangalan ng aming banda. Narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga tao rito sa loob ng bar. Marami na rin kasing nakakakilala sa amin kaya marami kaming audience ngayon. Pumunta na ako sa may gitna at inayos ko ang mic stand at ang aking gitara. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanilang lahat. “Good evening, everyone! Sana magustuhan niyo ang aming kakantahin ngayong gabi,” nakangiti kong sabi at nagsimula na ang mag strumming sa aking gitara. Nagsimula na rin akong kumanta at ang kinanta ko ngayon ay Tadhana by Up Dharma Down. “Sa hindi inaasahang…. Pagtatagpo ng mga mundo….” Ipinikit ko ang aking mata at kinanta ko ito ng buong puso. Habang kinakanta ko ang Tadhana ay si Aiden ang aking iniisip. Gagawin ko ang lahat upang magkita kami ni Aiden… at makasama ko siya. Alam ko na kami ang itinadhana ni Aiden. Hindi nga lang ngayon, pero sa tamang panahon. Pagkatapos kong kumanta ay unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga tao rito sa loob ng bar. “Sierra, omg!” lumapit sa akin ang aking mga kabanda at niyakap nila ako. Hindi ko mapigilan na mapangiti at makaramdam ng sobrang saya. Oh my God…. Nagawa ko! Nagawa ko ng tama. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD