NAKAKUNOT ang noo ko habang pinagmamasdan si Arthur na ang lawak ng ngiti sa labi habang kausap si Ninang Rhea. Bigla na lang dumating si Arthur dito sa bahay ngayong hapon. At dahil mabait si Ninang Rhea ay pinatuloy niya ito at pinagmeryenda pa. "Pasensya na po talaga, Tita. Mukhang nakaabala po ako sa inyo," ani Arthur. Nakangiting umiling si Ninang Rhea. "Ano ka ba, ayos lang 'yon. Masaya nga ako at may kaibigan si Laurent na handang bumiyahe ng pagkalayo-layo para lang dalawin siya." Napangiti si Arthur sa sinabi ni Ninang Rhea at dumapo ang tingin sa akin. "Masyado po kasi siyang espesyal sa akin, kaya handa po talaga akong bumiyahe ng ilang oras makita lang siya." Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil alam ko kung ano ang ibig sabihin ni Arthur sinabi niya. Nawala kay Arthur an