bc

Game Series 1: Laurent's Game

book_age16+
3.4K
FOLLOW
24.6K
READ
possessive
escape while being pregnant
second chance
playboy
badboy
badgirl
drama
sweet
betrayal
first love
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa katigasan ng ulo ni Laurent Segovia ay dinala siya ng mga magulang niya sa Antipolo para ilayo sa bad influence niyang mga kaibigan. Kaya naman nag-isip si Laurent ng paraan para magrebelde at makabawi sa mga magulang niya. At sa Antipolo niya natagpuan ang sagot sa plano niya—si Aeious Salcedo.

Ang plano lang ni Laurent ay gamitin si Aeious sa pagrerebelde niya sa mga magulang, pero biglang nasira ang plano niya nang tumibok ang puso niya para kay Aeious.

At huli na nang matanto ni Laurent na...

Si Aeious na ang kumokontrol sa larong sinimulan niya.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"NAGUSTUHAN mo ba?” maangas na tanong sa akin ni Kristoff pagbaba niya mula sa kotse niya. Nagpakitang gilas ang loko, hinamon nito ng karera ang kaibigan kong si Arthur at walang kahirap-hirap na natalo niya ito.  “Still not good enough,” sambit ko at pasaring na inalis ang tingin sa kanya. “Come on, Laurent Segovia. Just admit it. You were amazed earlier.” Habol nito sa akin. Hindi ko ito pinakinggan at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo kay Arthur na ngayon ay nakasimangot dahil sa pagkatalo niya. Nang makarating ako sa harapan ni Arthur ay ibinuka ko ang palad sa harapan niya dahilan para mangunot ang noo niya. “Give me your key,” maikli kong sambit. Tumaas ang kilay ko nang nagdaan na ang ilang segundo ay nananatiling nakatingin lang ito sa akin, tila gulong-gulo sa sinasabi ko. “I said give me your key.” “Anong pinaplano mo?” tanong niya habang kinukuha sa bulsa ng pantalon niya ang susi. Ngumisi ako. “Igaganti kita.” Nailing na lang siya sa sinabi ko, pero ibinigay pa rin sa akin ang susi ng kotse niya. “Wait me here, got that?” bilin ko kay Arthur bago ito iniwan at binalikan si Kristoff na nakahalukipkip habang nakasandal sa hood ng kotse niya. “Let’s race,” nakangising aya ko nang tumigil ako sa harapan niya. Kristoff looked at me from head to toe. “Anong makukuha ko kapag nanalo ako?” Mas lumawak ang ngisi sa labi ko. “Me. “ Kita ko ang pagsilay ng ngisi sa labi niya. “You like that?” “Hell, yes.” “At kapag natalo naman kita...” sinadya kong bitinin ang sinasabi. “Secret. Malalaman mo mamaya.” “Fine. Let’s start.” Umalis na ito mula sa pagkakasandal sa hood ng kotse niya at sumakay na. Naroon pa rin ang ngisi sa labi ko nang sumakay ako sa kotse ni Arthur. Kasalukuyan akong nagsusuot ng seatbelt nang may marinig akong katok sa bintana ng kotse. Nagkasalubong ang kilay ko nang makita kong si Arthur ‘yon. Ibinaba ko ang bintana ng kotse para maharap siya ng maayos. “What?” “Are you sure about this?” tanong niya na may halong pag-aalala. “Ako nga, hindi ko siya natalo. Ikaw pa kaya? I’m sure mas gagalingan ni Kristoff dahil ikaw ang premyo.” I shrugged. “I don’t give a damn.” Bumakas ang inis sa mukha ni Arthur dahil sa sinabi kong ‘yon. “Come on, Laurent. Kung gusto mo lang ng challenge, bumaba ka na riyan ngayon. Hindi maganda ‘tong pinapasok mo.” Bumuntong hininga ako sa kakulitan ng kaibigan at pilit na ngumiti sa kanya. “Trust me. I can handle this. It’s just a piece of cake for me.” Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa ulit si Arthur. Itinaas ko na ulit ang bintana ng kotse at binuhay na ang makina. Saktong namataan ko ang kotse ni Kristoff sa tabi ng kotse ko. Nagkatitigan kaming dalawa sa bintana at parehong may ngisi sa labi namin. Parehong malakas ang kumpiyansang mananalo kami. Pero dahil isa lang ang puwedeng manalo sa karera na ito, sisiguraduhin kong ako ‘yon. Nang pareho na naming marinig ang pito senyales ng pagsimula ng karera ay agad kong pinaharurot ang kotse. Sa bawat liko ko ay perpektong-perpekto ang pagkakagawa, walang sablay o daplis. Gamay ko na ang kotse ni Arthur dahil dise-sais anyos pa lang ako ay namamaneho ko na ito ng palihim. Dito rin ako natutong magdrive ng kotse. Kita ko sa rear mirror ang paghabol sa akin ni Kristoff dahil nangunguna na ang kotse ko sa kanya. Ngumisi ako at mas tinapakan pa ang gas para mas bumilis pa ang takbo ko dahilan para tuluyan ko siyang maiwanan. Walang kahirap-hirap akong nag-u turn kahit mabilis ang takbo ng kotse ko dahilan para mag-iwan ‘yon ng marka sa kalsada. Nginisian ko pa si Kristoff nang magtama ang paningin namin, nakatiim-bagang na siya. Mas diniinan ko ang pagtapak sa gas dahilan para halos lumipad na ang kotse ko sa bilis. Tuluyan ko nang naiwan sa hulihan ko ang pagong na si Kristoff. Nang malapit na ako sa finish line, kung saan kami kanina nanggaling ay basta ko na lang iniliko ang kotse dahilan para makagawa ito ng matinis na ingay at paglipad ng alikabok sa kalsada. Tila umuusok pa ang kotse dahil sa alikabok nang patayin ko ang makina nito. Malaki ang ngisi sa labi kong bumaba sa kotse at nilapitan ang nangingiting si Arthur. Panay pa ang pagsigaw ng mga nanood sa karera dahil sa pagkabilib sa ginawa ko. “How did you do that?” bungad sa akin ni Arthur nang makalapit ako sa kanya. Naroroon pa rin ang ngiti sa labi niya na tila proud siya sa ginawa ko. “I didn’t do anything, nagdrive lang ako.” Tanging sagot ko. Nawala sa isa’t isa ang atensiyon namin nang mapansing dumating na ang kotse ni Kristoff. Masama ang timpla ng mukha ni Kristoff nang bumaba siya sa kotse niya. Tila hindi makapaniwalang natalo siya ng isang babae, o baka nanghihinayang dahil hindi niya ako makukuha ngayong gabi. “You’re late,” sabi ko nang lumapit ito sa akin. Nakatanggap ako ng masamang tingin mula sa kanya. “What do you want me to do? Ikaw ang nanalo.” Umakto akong nag-iisip. Itinapat ko ang daliri sa labi ko at tumingala. “Hmmm...” “Damn. Just say it, Laurent.” Natawa ako dahil sa pagiging mainitin ng ulo niya. Inalis ko ang tingin kay Kristoff at ibinaling ito kay Arthur na nasa tabi ko. Sinenyasan ko siyang kunin ang paborito naming laruan sa likod ng kotse niya. Nakangisi naman niyang sinunod ang pinag-uutos ko. Nagkasalubong ang kilay ni Kristoff nang makita ang kinuha ni Arthur sa likod ng kotse nito, isang bat. “What are you going to do?” kinakabahang tanong niya. “Walang kwenta ang kotse mo, kailangan nang sirain.” Kibit-balikat ko. Walang nagawa si Kristoff kundi ang manlaki na lang ang mga mata nang simulan na ni Arthur ang paghampas ng bat sa magarang kotse ni Kristoff. Inuna pa nito ang salamin sa harapan at isinunod ay ang hood ng kotse. Ilang minutong pinaghahampas ni Arthur ang kotse ni Kristoff. Naisipan niya lang tumigil nang mapansing basag-basag na ang dating magarang na kotse. Malayo na ito sa dating itsura nito. “We’re done here, let’s go,” anyaya ko kay Arthur na bahagyang hinihingal sa ginawang panghahampas sa kotse. Ang mga mata ko naman ay nakatutok pa rin kay Kristoff na natulala na lang sa kotse niya. Nauna na akong maglakad pabalik sa kotse ni Arthur. Ramdam ko naman agad ang pagsunod sa akin ni Arthur habang bitbit pa rin niya ang bat. “Catch,” sambit ko kasabay ng paghagis ko ng susi sa mukha ni Arthur na nasalo naman niya at saka ko isinilid ang sarili sa loob ng kotse. Nang makasakay na rin si Arthur ay inihagis niya ang hawak na bat sa backseat saka pinausad na niya ang kotse. Tahimik siyang nagmaneho patungo sa village kung saan ako nakatira. Salong-salo ko ang malamig na pag-ihip ng hangin dahil sa lalim ng gabi habang nakasilip ako sa nakababang bintana ng kotse. Ibinaba ko ito kanina para magpahangin. “Hindi ka ba malalagot sa mga magulang mo? Hindi ka nagpaalam sa kanilang sasama ka sa akin.” Pagbubukas ni Kristoff ng usapan habang nagmamaneho pa rin. Nagkibit-balikat ako. “Hindi naman nila napansing tumakas ako. So, ayos lang.” “Ang tigas talaga ng ulo mo,” buntong hininga niyang sabi at itinabi na ang kotse sa gilid ng kalsada nang marating na namin ang bahay ko. “See you tomorrow,” paalam ko at bumaba na ng kotse. Pero hindi pa man ako nakakalakad palayo ay bumaba rin si Arthur sa kotse. “Laurent, wait!” Nakakunot ang noo kong nilingon siya na agad namang lumapit sa akin. Napakamot siya sa batok niya nang nasa harapan ko na siya. “I want to ask you something.” Tumango lang ako, senyales na magpatuloy siya sa sasabihin niya. “Kung sakaling natalo ka kanina sa karera, talaga bang sasama ka kay Kristoff?” seryosong tanong niya. Natatawang umiling ako. “Of course not, hindi naman niya kasi ako matatalo. Gamay ko ang kotse mo, Arthur. Hindi ko nga alam kung bakit ka natalo sa kanya kanina. Duh.” Kita ko ang pagsilay ng maliit na ngiti sa labi ni Arthur. “Mas magaling ka sa aking magdrive ng kotse.” “Baka nga.” Tumaas ang kilay ko nang maglaho ang ngiti sa labi ni Arthur at ngayon ay seryoso nang nakatitig sa akin. “Kaya gustong-gusto talaga kita, Laurent. Magaling ka sa lahat ng bagay. Palagi mo akong pinapabilib sa ‘yo.” Natigilan ako sa sinabi niya at napalunok. “Arthur...” Nabigla ako nang bigla na lang niyang hinapit ang batok ko at inatake ng halik ang labi ko. Hindi pa siya nakuntento at isinandal niya ako sa kotse niya na malapit lang sa amin. “Ar...” Hindi ko maituloy ang sinasabi ko dahil ayaw niyang tantanan ang labi ko. Nang subukan ko naman siyang itulak palayo sa akin ay hinawakan niya ang magkabilaan kong pulso at ipinipid ‘yon sa bubong ng kotse niya para hindi na ako makapalag pa. Handa na sana akong sipain si Arthur sa maselang parte ng katawan niya dahil ‘yon na lang ang tanging paraan para makawala ako sa kanya, pero pareho kaming natigilan ni Arthur nang makarinig kami ng pamilyar na boses. “Oh my god! Laurent Segovia, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Arthur sa pulso ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataong itulak siya palayo sa akin at saka nanlalaki ang mga matang nagbaling ng tingin sa pinaggalingan ng boses. Wala sa sariling napalunok ako ng laway nang masalubong ko ang gulat na mga mata ni Mommy, habang ang mga mata naman ni Daddy ay mababakasan ng galit. Oh s**t. I’ m dead!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
92.6K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
248.6K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
297.7K
bc

Marrying My Fiancee

read
462.2K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

Taz Ezra Westaria

read
108.4K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook