AWKWARD. Iyon ang tanging makakapaglarawan ng namamagitan sa amin ni Aeious habang magkaharap kami sa hapagkainan at nag-aagahan. Ni hindi namin magawang tumingin sa isa't isa. Mabuti na lang kanina ay nauna kaming magising ni Aeious kaysa kay Ninang Rhea kaya agad akong nakabalik sa kwarto ko bago pa man ako nito katukin sa kwarto ko. Kagabi kasi ay sobrang pinagod ako ni Aeious kaya sa kwarto na niya ako nakatulog. Pero naging masarap naman ang tulog ko dahil buong gabi kaming magkayakap. "Ayos ka lang ba, Laurent?" biglang tanong ni Ninang Rhea dahilan para matigilan ako. "Huh?" usal ko nang wala sa sarili. "Ayos ka lang ba? Parang may kakaiba sa 'yo ngayon." Pinasadahan niya ako ng tingin dahilan para mapatingin din ako sa sarili ko. Bahagya akong napangiwi nang makita ko ang sar