MASAMA ang loob ko sa nangyari, pero wala naman akong magagawa kundi ang sundin ang kagustuhan ng mga magulang ko.
Pero kung ang inaakala nila ay magbabago ako dahil ilalayo na nila ako sa mga kaibigan ko, nagkakamali sila. Ipapakita ko sa mga magulang ko na kahit saan nila ako dalhin ay hindi na ako magbabago. Ganito na ako. Ipapamukha ko ‘yon sa kanila, lalo na kay Daddy na nagawa akong saktan noong isang araw.
Kahit dalawang araw na ang nakakalipas simula nang magtalo kami ni Daddy at sampalin niya ako, hindi pa rin ako makapaniwala na sinampal niya ako. Sinaktan niya ako!
Kahit anong tigas ng ulo ko at kalokohan ang nagagawa ko noon ay hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. Ngayon lang nangyari ito. At hindi ko matanggap ‘yon.
“Are you ready?” tanong ni Mommy na kapapasok lang sa loob ng kwarto ko.
Matipid akong tumango habang nakaupo sa paanan ng kama at nakatutok ang mga mata sa hawak kong cellphone, nasa lapag naman ang maleta at isang bag pack ko na dadalhin ko sa Antipolo. Ngayong araw ang alis ko.
“I’m gonna miss you, Laurent,” ani Mommy.
Natigil ako sa ginagawa kong pakikipag-text sa kaibigan ko dahil sa narinig kong sinabi ni Mommy. Nakataas ang isang kilay ko nang ibaling ko sa kanya ang mga mata ko.
“Stop lying, Mommy. Sigurado akong masaya kang mawawala ako rito sa bahay dahil mawawalan ka ng bantay sa bawat galaw mo. Mas magkakasama kayo ng lalaki mo.”
Naging masama ang tingin niya sa akin dahil sa sinabi ko.
“Shut up, Laurent,” mariin niyang sabi at nilapitan ako. Naging masama rin ang tingin ko sa kanya nang mahigpit niyang hawakan ang panga ko. Ramdam ko ang pagbaon ng kuko niya sa pisngi ko. “Zip your mouth, Laurent. Kapag nalaman ito ng Daddy mo, sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ‘yo.”
Pilit akong ngumisi kahit hawak-hawak niya pa rin ang panga ko. “Natatakot ka bang sabihin ko kay Daddy ang totoo?”
“Huwag mo akong subukan, Laurent. I’m warning you. Zip your mouth,” banta niya at pinakawalan na ang panga ko. Pinukol pa namin ang isa’t isa ng masamang tingin bago siya lumabas ng kwarto ko. Tumiim ang bagang ko habang nakatingin pa rin sa pintuang nilabasan ni Mommy.
Hindi ako magsasalita tungkol sa itinatago niya kay Daddy, hindi para pagtakpan ang maling ginagawa niya kundi dahil gusto kong ama ko ang makatuklas ng ginagawang panloloko ni Mommy. Mas magandang panoorin ang mangyayari kapag nangyari ‘yon.
Halos kalahating oras ang lumipas bago bumalik si Mommy sa kwarto ko para sabihing aalis na kami. Kaya labag sa loob kong binitbit ang bag pack ko at hinila ang maleta ko palabas ng bahay. Habang inilalagay ni Daddy ang mga gamit ko sa likod ng kotse ay nakatitig lang ako sa bahay namin.
Aminin ko man o hindi ay sigurado akong mami-miss ko ang bahay na ito. Kahit hindi maganda ang mga alaala ko sa bahay, masyado pa rin akong napamahal dito dahil mula pagkabata ko ay dito na ako lumaki at nagkaroon ng muang sa mundo. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako sa Antipolo. Kaya baka matagalan bago ako makabalik dito.
Bagsak ang balikat kong sumakay ng kotse nang sabihin ni Daddy na aalis na kami. Itinuon ko ang tingin sa bintana ng kotse, pinagmamasdan ang nadadaanan namin. Nang magsawa ay ipinikit ko na lang ang mga mata ko at umidlip. Nagising ang diwa ko nang maramdaman ang pagtigil ng kotse. Hindi naman malalim ang tulog ko kaya nagising agad ako.
“We’re here,” anunsyo ni Daddy.
Nag-unat-unat ako ng katawan bago iginala ang tingin sa paligid. Napabuntong hininga ako nang matantong nasa Antipolo na nga ako, at nasa harapan ko ang bahay nina Ninang Rhea at Ninong Benedict.
Pagbaba pa lang namin nina Mommy at Daddy sa kotse ay sinalubong na agad kami ni Ninang Rhea at Ninong Benedict na mukhang hinihintay talaga ang pagdating namin.
“Laurent,” masayang ani Ninang Rhea at ibinuka ang mga braso, umaaktong yayakapin ako. Napipilitan akong ngumiti at niyakap siya. “Grabe, ang laki mo na.”
Bumitiw na ako sa yakap niya at tanging pilit na ngiti lang ang itinugon sa sinabi niya. Binaling naman ni Ninang Rhea ang atensiyon sa mga magulang ko.
“Halika na sa loob, naghanda kami ni Benedict ng pagkain para sa pagdating nyo.” Nakangiting aniya.
“Sige, mauna na kayo. Kukunin ko muna ang gamit ni Laurent sa likod ng kotse,” tugon ni Daddy.
Tulad ng sinabi niya ay nauna nang pumasok sa loob ng bahay si Mommy at Ninang Rhea, isinama na rin nila ako. Habang si Ninong Benedict naman ay nagpaiwan kay Daddy.
“I’m glad to see you again. Matagal na rin kayong hindi dumaladaw rito.”
“Masyado lang naging busy.”
“That’s why I was so happy when Rico called me para sabihing dito muna si Laurent ngayong summer, kaya pumayag agad ako.”
“And we’re really thankful kasi pumayag kayo ni Benedict kahit sinabi namin sa inyong medyo may katigasan ang ulo ni Laurent.”
Mahinang natawa si Ninang Rhea sa sinabi ni Mommy at tinapunan ako ng tingin na nandito lang sa likod nila ni Mommy at tahimik na pinapakinggan ang pag-uusap nila.
“Sanay na ako. Pareho kasi sila ng panganay ko,” ani Ninang Rhea at ibinalik na ang tingin kay Mommy.
“Nasaan pala silang tatlo?”
Ang tinutukoy na tatlo ni Mommy ay ang mga anak ni Ninang Rhea.
“Nasa labas, nagkayayaang mag-basketball.”
Nang makarating na kami sa living room ay agad na akong naupo sa mahabang sofa, hindi na hinintay na alukin pa ako ni Ninang Rhea. Hindi rin nagtagal ay dumating na sa living room sina Daddy at Ninong Benedict saka nagsimula na ang kwentuhan at kumustahan ng mga matatanda. Sumunod ay nagkayayaan silang kumain.
Nasa alas y diyes na rin ng umaga nang magpaalam sina Mommy at Daddy na aalis na. Kaya ngayon ay nandito kami sa labas ng bahay nina Ninang Rhea at Ninong Benedict para ihatid ang mga magulang ko.
“Magpakabait ka rito, okay? Please, Laurent. Huwag mong papasakitin ang ulo ng ninang mo.”
Tanging tipid na tango lang ang itinugon ko sa bilin ni Mommy.
“Thank you talaga, Rhea, sa pagpayag mong dito muna si Laurent. Sana talaga ay makatulong sa kanya itong pagbabakasyon dito.” Baling naman ni Mommy kay Ninang Rhea na nakatayo sa tabi ko.
“Don’t worry, Coleen. Aalagaan namin siya habang nandito siya sa amin.” Ngiti ni Ninang Rhea.
Habang nag-uusap sina Mommy at Ninang Rhea ay nakatuon ang mga mata ko kay Daddy, nakikipagsukatan ng tingin sa kanya.
Kung sa tingin niyang nagtagumpay siya ngayon na ilayo ako sa mga kaibigan ko, nagkakamali siya. Sisiguraduhin kong hindi dito natatapos ang lahat.
“You will regret this, Daddy,” usal ko, may halong pagbabanta.
He let out a heavy sigh. “We’re leaving.” Pangbabalewala nito sa banta ko.
Muling nagpaalam sa isa’t isa ang mga magulang ko at sina Ninang Rhea at Ninong Benedict. Nang tuluyan nang mawala sa paningin namin ang kotse ng mga magulang ko ay bumaling sa akin ang atensiyon ni Ninang Rhea.
“Let’s go inside, ihahatid na kita sa magiging kwarto mo,” aniya.
“Sige, Ninang.”
Iginiya na niya ako papasok sa loob ng bahay at habang naglalakad paakyat sa second floor ay pinag-aaralan ko ang paligid. Hindi masyadong kalakihan ang bahay nina Ninang Rhea at Ninong Benedict, pero hindi rin maliit. Moderno ang disenyo ng bahay at napapalibutan ng kualy puti at itim. Puti ang pintura sa mga dingding at kisame, habang ang mga gamit naman gaya ng sofa ay kulay itim.
May malaki namang chandelier sa gitna mismo ng living room dahil high ceiling ang bahay. Marami rin ang nakadisenyo sa bawat cabinet, tulad na lang ng mga iba’t ibang larawan, trophies, at mga mamahaling babasaging bagay na sa hula ko ay collection ng pamilya nila.
Nang tuluyan nang maka-akyat sa second floor ay may tatlong hallway na dadaanan. Ang una ay paderetso lang at dadalhin ka sa terrace nila, nalaman kong terrace ‘yon dahil sa sliding door na kitang-kita kung ano ang meron sa labas. Sa kaliwa’t kanan ko naman ay puro pinto na ang naroroon. Kumaliwa kami ni Ninang Rhea kung saan may dalawang pinto ang magkatapat. Binuksan ni Ninang Rhea ang nasa kaliwa.
“Ito ang magiging kwarto mo, Laurent,” imporma sa akin ni Ninang Rhea at niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan.
Hila-hila ang maleta at nakasukbit ang bag pack sa balikat ko ay pumasok ako sa loob ng kwarto.
Katamtaman ang laki ng kwarto. May isang bintana sa kaliwang bahagi ng kama, at katabi nito ay study table. Sa kanang bahagi naman ng kama ay bedside table. Sa timog na bahagi naman ng kama ay ang cabinet, sa kaliwang bahagi naman ng cabinet ay naroon ang vanity mirror at sa kanang bahagi ay isang pinto na sa hula ko ay banyo base na rin sa disenyo nito – a frosted glass door.
“Not bad,” usal ko at binalingan ng tingin si Ninang Rhea. “Thank you, Ninang. Pero puwede pong magpahinga na ako? Napagod kasi ako sa byahe.”
“Oo naman,” aniya nang nakangiti. “Kung may kailangan ka, huwag kang mahiyang magsabi.”
“Sige.” Ngiti ko.
“Iiwan na kita,” paalam niya at lumabas na ng kwarto. Siya na rin ang nagsara ng pintuan.
Nang ako na lang ang mag-isa sa kwarto ay basta ko na lang binitiwan ang bag sa sahig at iniwan sa kung saan ang hawak kong maleta. Naglakad ako patungo sa kama at nahiga sa ibabaw nito. Napangiti ako nang maramdaman ang pagiging komportable ko sa kama dahil sa lambot nito.
Ang una kong balak na gawin habang nandito ako kina Ninang Rhea at Ninong Benedict ay ang mag-adjust muna. Gagawin ko munang pamilyar ang sarili sa lugar bago gumala at maghanap ng bagong kaibigan. Determinado pa rin akong ipakita kay Daddy at Mommy na kahit dinala nila ako rito sa Antipolo ay hindi nito mababago ang katigasan ng ulo ko.
“Just wait and you’ll see,” usal ko sa sarili habang nakatitig sa kisame ng kwarto.
Bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto nang makaramdam ako ng panunuyot ng lalamunan ko. Naglalakad pa lang ako pababa ng hagdan nang makarinig ako ng ingay na mukhang papasok ng bahay.
“Ang lampa mo talaga, Hraevne.”
“Sino kaya ang hindi nakalusot kay Kuya, huh, Cillian?”
“Nag-away-away pa kayo, pareho naman kayong talo sa akin.”
Sa dulo ng hagdanang nilalakad ko ay naroroon ang living room at doon nakatayo ang tatlong lalaki na kapapasok pa lang. Natuon ang mga mata nila sa akin nang mapansin ang pagbaba ko sa hagdanan.
Tumaas ang kilay ko habang pinagmamasdan silang tatlo na ngayon ay nakakunot na ang noo. Mga pawisan silang tatlo at mukhang kagagaling lang sa pagba-basketball dahil ang isa sa kanila na nasa kaliwa ay may hawak pang bola.
Nakilala ko agad ang tatlong naga-gwapuhang lalaki na nasa harapan ko. Ang nasa kaliwa na may hawak na bola ay si Hraevne, ang bunso sa magkakapatid. Sa kanan naman ay si Cillian, ang pangalawa sa magkakapatid. At ang pangay na walang saplot pang itaas dahilan para bumalandra sa harapan ko ang matipuno niyang katawan, si Aeious.
Napangisi ako habang pinagmamasdan ang tatlong magkakapatid.
Sa tingin ko ay may dahilan na ako para hindi mabagot sa bahay na ‘to.