CHAPTER 28

2761 Words

TAHIMIK kong pinagmamasdan ang mga nangyayari sa harapan ko. Hindi ko pa man nakikilala ang babaeng bigla na lang dumating sa bahay ni Ninang Rhea ay iba na agad ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ako natutuwa sa presensiya niya. Masayang sinalubong ni Ninang Rhea ang bisitang bagong dating. Matapos yakapin ng babae si Aeious ay isa-isa nitong niyakap ang dalawa pang magkapatid na sina Cillian at Hraevne, at huling niyakap ay si Ninang Rhea. "I missed you, guys!" masayang anang babae habang isa-isang pinasadahan ng tingin ang mga tao rito. Huling dumapo ang tingin niya sa akin. Nangunot ang noo niya pero hindi nawawala sa labi niya ang magiliw at hindi makabasag pinggan niyang ngiti. Masyado siyang malumanay at tila mahiyain kung pagmamasdan. Bumabagay naman sa maliit niyang mukha ang ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD