TORTURE. Ito ang nararanasan ko sa bawat araw na nagdadaan. Nakakadalawang araw pa lang ako, pero pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin ang mga nakikita at naririnig ko sa bahay na ito. Hirap na hirap na ang pakiramdam ko sa tuwing makikita kong masaya sina Aeious at Chelsea. Dumadagdag pa sa nararamdaman ko ang pagiging legal nila kay Ninang Rhea, samantalang kami ni Aeious ay naging isang lihim lang. Ang sakit at selos ko ay unti-unti nang napapalitan ng galit. At ngayong tila napupuno na ako, ang tanging nangingibabaw na lang sa akin ay ang galit. Kahit pati ang dalawang magkapatid na sina Cillian ay Hraevne ay ramdam ang galit ko. Sa nagdaang araw, wala ni isa sa magkakapatid ang kinakausap ko o kinikibo. Sumasabay man ako sa kanila sa oras ng pagkain, matapos naman noon ay magkuk