NAKAHALUKIPKIP ako habang masama pa rin ang tingin kay Arthur na ngayon ay nakaupo na sa kaharap kong sofa. Nang makita niyang ang talim ng tingin ko sa kanya ay agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin. Matapos kong sipain si Arthur kanina sa labas ng bahay ay inimbitahan ito ni Ninang Rhea na pumasok sa loob. Bahagya pa akong nasermunan dahil sa ginawa kong pagsipa kay Arthur, pero hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon ay gagawin ko ulit ang ginawa ko kanina ng bukal sa puso ko. "Bakit ka ba kasi nandito?" naiinis kong tanong kay Arthur. Pero saglit na nawala ang atensiyon ko kay Arthur nang mapansin ang pag-upo ng tatlong magkakapatid sa mahabang sofa. "Bakit kayo nandito? Hindi pa ba kayo magbibihis?" nakakunot ang noo kong tanong sa tatlo. Kahit na