CHAPTER 19

2082 Words

DAHIL sa ginawa naming kalat ay nang mapagod kaming maghabulan, inutusan kaming apat ni Ninang Rhea na maligo dahil puro icing ang mukha at buhok namin. Nang makatapos naman sa pagligo ay dumeretso kami sa dining area. Ang ngiti sa labi ko ay hindi pa rin mawala-wala. Masyadong maganda ang bumungad sa akin ngayong umaga. Pakiramdam ko ay ngayon lang ako naging ganito kasaya ulit. "May gusto ka bang puntahan, Laurent?" tanong ni Ninang Rhea habang nag-aagahan kami. Umiling ako habang nakangiti pa rin. "Wala, Ninang. Isa pa, hindi ako pamilyar sa lugar na 'to." Kahit nasa isang buwan na akong nakikitira kina Ninang Rhea ay hindi ko pa rin masyadong alam ang pasikot-sikot sa lugar na 'to. Madalas kasi sa tuwing tatakas kami ni Aeious tuwing gabi ay hindi kami lumalayo. Kung hindi sa Night

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD