NAPALUNOK ako at agad na tumayo mula sa pagkakaupo sa hita ni Aeious. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko nang mapansing hindi naka-ayos ang strap ng suot kong sando. Mabilis kong inayos 'yon lalo na nang doon tumuon ang nanlalaking mata nina Ninang Rhea at Chelsea. Tahimik na tumayo si Aeious at tumabi sa akin ng tayo. Bahagya niya pang pinasadahan ng kamay ang nagulo niyang damit saka itinuon ang tingin sa dulo ng hagdanan kung saan nakatayo roon ang dalawang babaeng halatang hindi makapaniwala sa nasaksihan nila. "Chelsea... Mom... let me explain first," usal agad ni Aeious para pigilan ang ideyang tumatakbo sa isipan ng dalawa. Tinakpan ni Chelsea ang bibig gamit ang palad niya at umiling sa sinabi ni Aeious. "How... how could you do this to me?" nanginginig na tanong ni Chelsea k